• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

 
Home Editorial Classified Ads Contributors Libangan Showbiz Sports
  • Home
  • Editorial
  • Classified Ads
  • Contributors
  • Libangan
  • Showbiz
  • Sports

Archive for May, 2025

« Older Entries
Newer Entries »

Eala pinaghahandaan ang 2 magkasunod na torneo

Posted on: May 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAYROONG dalawang torneo na ngayon ang pinaghahandaan ni Pinay tennis star Alex Eala.nnNakatakda itong sumabak sa Italian Open na magsisimula sa Mayo 6-18 sa Rome.nnAng nasabing torneo ay bilang paghahanda sa French Open.nnBilang bahagi ng kaniyang paghahanda ay umatras na ito sa paglahok sa Catalonia Open sa Spain na magtatapos ng hanggang Mayo 3.nnMagugunitang nasa ranked number 72 si Eala ng Women’s Tennis Association (WTA) matapos na makapasok ito sa semifinals ng Miami Open.

Ads May 2, 2025

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nagbabalik ang mas pinabonggang ‘Motorsport Carnivale’: JOMARI, wish na magka-reunion project kasama sina ERIC at MARK ANTHONY

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IBINABALIK ng Yllana Racing, in partnership with Okada Manila, ang isa sa most anticipated racing events sa bansa ang ‘Okada Manila Motorsport Carnivale 2025’, na magsisimula na ngayong Linggo, May 4 sa Parañaque City.
Set against the iconic backdrop ng Philippines’ premier integrated resort at ang racing action sa Boardwalk and Gardens, ang seaside area sa labas ng Okada Manila.
Magsisimula ang aksyon ng ’Super Sprint’ ng 6 a.m. at tatagal hanggang 6 p.m. at susundan ng ‘Grand Car Meet: Legends of the ‘90s’ ng 7 p.m.
Magpapatuloy ang event sa May 31, na kung saan matutunghayan naman ang ‘Jom’s Cup’, ang 1/8-mile drag racing challenge. Aasahan ang intense na labanan sa Super Car, Muscle Car, at Vintage Car.
“We have prepared a couple of exciting motorsport events fir everyone. And I am proud to announce that we are going to put the Philippines back in the world map of motorsports, together with our sponsors.
“Our main sponsors, of course Okada Manila, we have found a home of motorsport on the biggest integrated casino in the country. Together also with the Parañaque LGU, and all our sponsors.
“I remember announcing wayback 2023 that we are going to wake up a sleeping giant. Now the giant is awake. Gising na gising siya, gutom na gutom at uhaw na uhaw.
“And we are preparing for it. The first event will be on May 4, followed by a series of events on May and June. And we are here as proud producers coming from the industry of automotive, motorsport, and entertainment.
“Gusto natin ibalik yung mga karera in the heart of Metro Manila. So I welcome everyone to Motorsport Carnivale 2.0!” mahabang pahayag ni Jomari Yllana, president ng Yllana Racing at long-time motorsport advocate.
Hindi nga stranger si Jom sa naturang sport, dahil nanalo at placer siya sa several local races.  Matatandaan na siya rin ang first Filipino podium finisher sa 2014 Yeongam International Circuit na ginanap sa South Korea.
Patuloy siyang kumakarera bilang principal driver ng pro team Yllana Racing. 
Samantala, inamin ni Jomari na pangarap niya na magkaroon ng reunion project kasama ang mga kaibigan na sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso.
Noong ni-launch ang Motorsport Carnivale noong 2023 na ginanap din sa Okada Manila, nakatakda sanang mag-reunion ang Gwapings pero hindi natuloy.
Kaya naman sa mediacon ng ‘Motorsport Carnivale 2025’ na ginanap sa Glass Ballroom ng Okada Manila, natanong si Jomari tungkol sa posibleng reunion project nilang tatlo.
“Excited naman, kasi excited talaga,” say ni Jom.
I wish some producer, there would, you know… could be, could be, more organized in, like, setting up something for us.
“As a small event, I’ll ask Tito Nestor (Cuartero) to invite Eric and Mark para magka-reunion kami. Tutal, nandito na si Abby Viduya!”
Dagdag pa ng aktor/producer, “Mag-ano tayo, reunion tayo. Di ba, di ba? It would be nice. I would love to see us together in a photo.”
Ang ‘Motorsport Carnivale’ ay inspired by the glory days of Philippine motorsports, kasama rito ang Philippine Grand Prix na ginanap sa Manila from 1973 to 1976, a series known for its prestige and grandeur.
Pinangungunahan din ang mas pinabonggang event ni Rikki Dy-Liacco, na respected champion racer at Head of Motorsports at the Automobile Association Philippines (AAP). Siya rin ang official representative ng bansa sa Fédération Internationale de l’Automobile (FIA).
Dinala ni Dy-Liacco ang international racing standards and experience, nagsilbi siyang race steward sa elite global events, kasama rito ang 24 Hours of Le Mans, GT World Challenge Asia, Formula 4 Middle East, at ang Macau Grand Prix.
(ROHN ROMULO)

Malaki kasi ang renta at ‘di na kakayanin: JOHN, umalis na sa bahay nila ni NORA sa QC

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BUMALIK na sa Angeles, Pampanga si John Rendez matapos umalis kamakailan sa bahay nila ni Nora Aunor sa Xavierville Heights, QC.
Malaki kasi ang renta at malaking house ito at hindi kakayanin ni John ang upa rito lalo’t wala siyang trabaho at wala na rin si Ate Guy. Sabi ay mga gamit lang ni John at alagang aso nila ni Ate Guy ang bitbit niya nang lisanin niya ang inuupahang bahay.
Wala pang statement si John, sa kanyang social media account, kung ipagpapatuloy pa ba na nito ang kanyang singing career. Maraming netizens naman ang pumuri sa Pinoy-American singer na tahimik lang sa isang lugar at hindi umagaw ng eksena sa lamay at libing ng nag-iisang Superstar at National Artist.
***
Super Mahra, walang isyu sa kandidatura at kampanya
KUNG ang kanyang mga katunggaling kandidatong Mayor sa Maynila ay pare-parehong may show-case orders sa Comelec dahil sa vote buying, si Super Mahra Tamondong, ay never nagkaroon ng negative issues, pagdating sa kanyang candidacy at kampanya.
Alam kasi ng nasabing mayoral aspirant ang rules ng Comelec na bawal ang bumili ng boto. At kahit walang ganyang patakaran ay never itong gagawin ni Super Mahra dahil para sa kanya ay malinis at tapat siyang lumalaban.
Na ang pinanghahawakan niya ay mahal siya ng mga Manilenyong kanyang mga nakasalamuha mula pa noong bumaba siya sa iba’t-ibang distrito sa Maynila noong 2021 para mamigay ng kanyang ayudang cash, grocery item, pagkain, wheelchair at iba pa.
Samantala naging malaking tagumpay ang idinaos na Grand Rally last April 27 ni Super Mahra sa Liwasang Bonifacio na dinaluhan ng libo-libo nitong mga supporters. Ito ay bilang suporta na rin niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at sa Bagong Pilipinas Party-list na ang first nominee ay si Dr. Marlon Mendoza.
Number 9 pala ang official number sa balota ni Super Mahra.

 

(PETER S. LEDESMA)

Bilang pagpupugay sa legacy sa industriya ng pelikula: MTRCB, suportado ang iba pang pelikula ni Nora Aunor

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng iba pang pelikula ng namayapang Superstar at Pambansang Alagad ng Sining na si Ms. Nora Aunor, bilang pagpupugay sa legasiya nito sa industriya ng pelikula.

Sa inisyatiba ng Viva Communications, Inc., binigyan ng angkop na klasipikasyon ng Board ang mga sumusunod na pelikula ni Ms. Nora Aunor:

“Beloved” (PG – Patnubay at Gabay ng Magulang), tungkol sa pag-ibig, pagtataksil at pagtutubos na nagpapakita ng di matatawarang husay sa pag-arte ni Bb. Aunor, at “The Flor Contemplacion Story” (R-13, angkop para sa edad 13 at pataas), mula sa direksyon ni Joel C. Lamangan, tungkol ito sa talambuhay ni Flor Contemplacion, isang domestic helper sa Singapore na hinatulan ng pagpatay ng kapwa Pilipino.

Hinikayat ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang publiko na panoorin ang mga pelikula ni Bb. Nora Aunor na nagsilbing inspirasyon sa industriya ng paglikha.

“Masaya kami sa MTRCB na mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang mga pelikulang ito na makapagbibigay saya at pagpapahalaga sa talento ni Bb. Aunor habang isinusulong ang responsableng panonood sa mga sinehan,” sabi ni Sotto-Antonio.

Tiniyak ng MTRCB na patuloy itong nakasuporta sa mga inisyatiba na pagpreserba at pagbibigay-pugay sa mga klasikong pelikula katulad ng mga pelikulang kinabibilangan ni Superstar Bb. Nora Aunor na nagsisilbing pundasyon ng industriya ng pelikulang Pilipino.

***

MULING pinagtibay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at Safe Schools Philippines (SSP) ang kanilang samahan para maisulong ang responsableng panonood at ligtas na media para sa kabataang Pilipino.

Nitong Lunes, Abril 29, lumagda ng isang Memorandum of Understanding ang MTRCB at SSP. Layunin nito na maturuan at magabayan ang mga kabataan, magulang at guro pagdating sa importansya ng responsableng panonood at angkop na klasipikasyon.

Mahalaga para kay MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang naturang kolaborasyon para maisulong ang mandato ng Ahensya na protektahan ang pamilyang Pilipino partikular ang kabataan laban sa mapanganib na content.

“Bilang mga tagapagtaguyod ng responsableng panonood, handa tayong makipagtulungan sa SSP para mabigyan ang pamilyang Pilipino at komunidad ng tamang kaalaman na kailangan nila para gabayan ang mga bata sa makabagong panahon,” sabi ni Sotto-Antonio.

Nagpasalamat naman si Safe Schools Philippines Founder at Chairperson Arlene Escalante Eluwa sa MTRCB para sa mga programa at inisyatiba ng ahensya para maprotektahan ang kabataang Pilipino.

“Ang pagtutulungan na ito ay patunay na kapag tayo ay nagsama-sama, kaya natin gawing pusible ang impusible. Maraming salamat, MTRCB family sa pagsama at pagtindig ninyo sa aming adbokasiya,” sabi ni Eluwa.

Ang kolaborasyon ay nagpapakita ng dedikasyon ng pamahalaan para sa responsableng panonood at ligtas na paggamit ng media.

(ROHN ROMULO)

Idadaan na lang nila sa biruan ang tungkol dito: JOMARI, aminadong nagulat sa viral video ni MARK ANTHONY

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MATALIK na magkaibigan sina Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez mula pa noong mga teens pa lamang sila; kilala sila bilang ‘Guwapings” kasama si Eric Fructuoso.
Natanong si Jomari kung kailan niya huling nakausap si Mark Anthony.
“Nung event namin nung 2023, nagkausap kami ni Mark.
“I think I saw Mark last… parang ASAP na event, or one of Mr. M’s [Johnny Manahan] birthdays.
“Okay naman kami. Ganyan naman kami lagi. “Bihirang magkita pero ang napapag-usapan pa rin, panahon namin.
“Puro kalokohan pa rin. Puro kalokohan pa rin nung panahon namin.”
Napag-usapan ba nila ang nag-viral na video ni Mark Anthony?
July 2024 ay kumalat ang malaswang video ni Mark Anthony.
“Baka i-quote ako! Siyempre, anlaki ng reaction ko.
“Sabi ko, ‘Anong nangyari diyan? Hindi ka naman ganyan kalaki nun!’ Joke! Maku-quote ako, di ba?
“Nagulat ako. ‘Anong nangyari?!!!’ Ganyan naman kami, alaga ni Douglas would always joke like that.
“Ganyan kami, make fun of each other. But dikit-dikit na yung mga pusod namin.
“Bihira lang kami magkita pero ganyan naman kami palagi.”
Dating mga alaga ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano sina Jomari, Mark at Eric.
Samantala, ngayong Linggo, May 4 ay simula na ng big event ni Jomari, ang Motorsport Carnivale 2025 sa Okada Manila sa Parañaque City.
Ang naturang racing event na ito ay collab ng Okada Manila at Yllana Racing ni Jomari.
Ang schedule sa Boardwalk and Gardens mula 6:00 am hanggang 6:00 pm ay ang Super Sprint. 7:00 pm naman ang Grand Car Meet: Legends of the ‘90s.
Sa May 31 naman magaganap ang ang Jom’s Cup, ang 1/8-mile drag racing challenge na competition ng mga kategoryang Super Car, Muscle Car, at Vintage Car.
(ROMMEL L. GONZALES)

Siguradong mapapasigaw at magugulat sa ‘Untold’: JODI, papalakpakan sa ipinakitang galing sa pag-arte

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAPAPASIGAW ka talaga at magugulat habang pinapanood ang psychological suspense-horror na “Untold” na pinagbibidahan ni Asia’s Best Actress Jodi Sta. Maria.
Ito ang latest horror flick ng Regal Entertainment na mula sa direksyon ni Derick Cabrido (direktor ng ‘Clarita’ na pinagbidahan din ni Jodi at ‘Mallari’ ni Piolo Pascual) na napapanood na worldwide in more than 210 cinemas. Napapanood na rin ito sa America, Canada at Guam.
Napanood na namin ang “Untold” sa ginanap na all-star red carpet premiere night last April 29 sa Cinema 3 ng SM Megamall, at ilang ulit kaming nagulat sa mga eksenang hindi namin ini-expect na mangyayari.
May kakaibang instilo talaga si Direk Derick sa paggawa ng horror film, kaya kaabang-abang pelikulang ihahatid niya sa mga manonood.
Sa trailer pa lang ng “Untold” ay marami na talaga nag-iisip sa kuwento ng movie ni Jodi na kung saan gumaganap na isang journalist na ang goal ay magkaroon ng scoop stories, para pag-usapan at makilala.
Kung anu-ano nga ang nangyari sa karakter ni Jodi dumaan sa matinding sumpa dahil sa kanyang maling ginawa para lang sa kanyang trabaho.
At sa tindi ng dapat niyang ipakita emosyon, lumitaw talaga ang husay sa pag-arte ni Jodi, papalakpakan mo talaga at pinatunayan niya niya isa talaga siyang mahusay na aktres na kahit anong role ay puwede niyang gampanan.
Samantala, ayon kina Direk Derick at Jodi, hindi lang basta pananakot at panggugulat ang aim ng “Untold” dahil nagbibigay din sila ng awareness sa patuloy na paglaganap ng fake news sa bansa.
Nagustuhan din namin ang role ni Juan Karlos bilang cameraman ng karakter ni Jodi. Ganun din ang pag-atake ni Lianne Valentin sa kanyang character, na una namin siyang hinangaan sa GMA series na ‘Royal Blood’.
Nasa movie rin sina Gloria Diaz, Mylene Dizon, Kaori Oinuma, Sarah Edwards at Joem Bascon.
Mula sa panulat ito nina Enrico C. Santos at Noreen Capili kasama ang Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde, and this is produced by Atty. Keith Monteverde.
Samantala, ang nakuhang rating ng “Untold” mula sa MTRCB ay R-13 without cuts dahil sa mga eksenang nakagugulantang ng mga manonood, kaya hindi talaga ito puwedeng panoorin ng mga bata.
Showing na ang “Untold” worldwide, isama ang buong barkada para mas masaya ang sigawan. At ito pa, may special student price na P250 (SM and Ayala Cinemas), kaya sugar na sa mga sinehan.
(ROHN ROMULO) 

P20/kilo rice rollout sustainable

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Sinabi ni Speaker Martin Romualdez na kayang mapanatili ang P20/kilo rice program sa tulong ng solar-powered irrigation systems. Pinangunahan niya ang inagurasyon ng Castañas Centro Communal Irrigation System sa Sariaya, Quezon. Makatitipid ng ₱80,000 bawat anihan ang mga magsasaka. Ang proyekto ay sakop ang 50 ektarya at 33 farmer-families.

Pag-aresto sa Chinese spy ‘nakaaalarma’ isyu ng nat’l security – Malakanyang

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nagpahayag ng pagkabahala ang Malakanyang sa pagkakaaresto ng Chinese national na may dalang surveillance equipment sa tapat ng Comelec. Ayon kay Usec. Claire Castro, isasailalim ito sa masusing imbestigasyon. Nakuha sa suspek ang IMSI catcher na kayang manghimasok sa mobile communications. Inaresto ito ng NBI. Wala pang pahayag kung ipatatawag ang Chinese Ambassador.

Panahon na para sagutin ang usapin sa confidential funds si VP Sara ayon sa mambabatas

Posted on: May 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Hinimok ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega si VP Sara Duterte na harapin ang isyu ng confidential funds imbes na magbato ng paratang. Tinukoy ang P500M na confidential funds ng OVP at P112.5M ng DepEd. Ayon sa COA, may disallowed na P73M. Iginiit ni Ortega ang kahalagahan ng pananagutan at transparency.

« Older Entries
Newer Entries »

Archives

  • September 2026
  • August 2026
  • July 2026
  • June 2026
  • May 2026
  • April 2026
  • March 2026
  • February 2026
  • January 2026
  • December 2025
  • November 2025
  • October 2025
  • September 2025
  • August 2025
  • July 2025
  • June 2025
  • May 2025
  • April 2025
  • March 2025
  • February 2025
  • January 2025
  • December 2024
  • November 2024
  • October 2024
  • September 2024
  • August 2024
  • July 2024
  • June 2024
  • May 2024
  • April 2024
  • March 2024
  • February 2024
  • January 2024
  • December 2023
  • November 2023
  • October 2023
  • September 2023
  • August 2023
  • July 2023
  • June 2023
  • May 2023
  • April 2023
  • March 2023
  • February 2023
  • January 2023
  • December 2022
  • November 2022
  • October 2022
  • September 2022
  • August 2022
  • July 2022
  • June 2022
  • May 2022
  • April 2022
  • March 2022
  • February 2022
  • January 2022
  • December 2021
  • November 2021
  • October 2021
  • September 2021
  • August 2021
  • July 2021
  • June 2021
  • May 2021
  • April 2021
  • March 2021
  • February 2021
  • January 2021
  • December 2020
  • November 2020
  • October 2020
  • September 2020
  • August 2020
  • July 2020
  • June 2020
  • March 2020
  • February 2020
  • January 2020

Recent Posts

  • Palengke sa Valenzuela, tinupok ng apoy
  • Ads September 23, 2026
  • Tapat na paglilingkod ng mga Barangay officials ng QC panawagan ni House Speaker na ipagpatuloy
  • SEC: VP Sara, 4 taon sa board ng private firm habang VP
  • Nationwide transport strike, isasagawa habang sumisipa ang presyo ng krudo

Recent Comments

    People's Balita.
    All rights reserved. © Copyright 2026.
    • Home
    • Rates
    • About
    • Contact