• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 200K trabaho, alok ng DOLE ngayong Labor Day

Aabot sa mahigit 200,000 trabaho ang alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa job fair ngayong Mayo 1. Sa 216,144 trabahong iniaalok ngayong taon, mahigit 34,000 dito ay overseas jobs. May 69 sites nationwide, kabilang ang 14 sa NCR. Tampok ang SMX Convention Center bilang pangunahing venue. Sa Quezon City, may 1,000 trabahong alok sa QC M.I.C.E. Center. Inaasahan ang partisipasyon ng 100 kompanya at ahensiya ng gobyerno. Nag-set up rin ng one-stop shop para sa government services. Kabilang sa mga employer ang National Bookstore, Hotel SOGO, Max’s, SM supermarkets, at marami pa.