KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang rider nang mabisto ang dalang pampasabog makaraang tangkain takasan ang mga pulis sa nagsasagawa ng Oplan Sita sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Public Information Office (PIO) chief P/Lt Marcelina Pino kay NPD District Director P/BGen. Josefino Ligan, nagsasagawa ang mga tauhan ng Caloocan City Police Station ng Oplan Sita sa Phase 1, Package 3, Barangay 176-A, Bagong Silang, nang parahin nila ang isang rider dahil walang suot na helmet dakong alas-2:00 ng madaling araw.
Nang hingan kanyang driver’s license, nagtangka itong tumakas at biglang pinahaharurot ang kanyang motorsiklo subalit, kaagad naman siyang nahabol at napigilan ng mga pulis na dahilan ng pagkakaaresto nito.
Nakumpiska sa 45-anyos na rider na si alyas “Inggo” ang isang MK2 Hand Fragmentation Grenade, glass cutter, wire cutter/stripper, steel measuring tape, long nose pliers, flat screw, black bag back at gamit nitong Kawasaki Fury.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority), RA 9516 (Illegal Possession of Explosives), at BP 881 (Omnibus Election Code of the Philippines).
Pinuri naman ni Gen Ligan ang Caloocan City Police Station sa kanilang mabilis at epektibong pagtugon, na nagbibigay-diin sa dedikasyon ng mga frontline officers sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng publiko. (Richard Mesa)
INARESTO ang tatlo katao sa nagaganap na demolisyon sa Barangay 262 at 264 sa Mayhaligue Street, Tondo,Maynila .
INILUNSAD ng Land Transportation Office (LTO), sa patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, nitong Lunes, Mayo 26, ang isang makabagong kagamitan para sa pagsusuri ng road worthiness ng mga sasakyan.