PINAALALAHANAN ng isang mambabatas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na agad bigyan ng tulong ang pamilya ng 61 anyos na senior citizens na nasagasan ng tatlong sasakyan sa Quezon City.Ayon kay Senior Citizens Party List Rep. Rodolfo Ordanes, hindi makatao ang nangyari sa biktima na ginulungan na parang humps ang lolang walang-awang nadurog ang katawan.
Naniniwala pa ito na mayroong national public safety emergency at public health epidemic sa kalsada sa ngayon. Noong 2023, mahigit sa 13,000 katao ang nasawi sa akisdente sa kalsada sa buong bansa.
“That to me is an epidemic and emergency. The blame falls on multiple fronts: reckless drivers, poorly designed roads, the flawed system for screening who gets a driver’s license, and the lack of real accountability for those responsible for road crashes. It is not enough that the driver’s license of the motorists involved in road mishaps is suspended or revoked. The motor vehicle must be seized and impounded,” anang mambabatas.
Ang lahat aniya ng amicable settlements ay dapat aprubado ng korte o quasi-judicial bodies para maging balido ito dahil ang naabot na settlements ay maaaring maging disadvantageous sa mga biktima.
Sinabi pa nito na ang mga settlements ay hindi dapat maging hadlang sa pagsusulong ng pulis at LTO sa pagpupursige ng kriminal, civil, at administrative cases laban sa liable parties.
Ang desistance o pagtanggi ng naagrabyadong partido ay hindi dapat maging dahilan para mawala ang criminal, civil, at administrative liabilities dahil nagkaroon ng public crimes and offenses at hindi private offenses.
(Vina de Guzman)
NASAWI ang 61-anyos na tricycle driver habang sugatan naman ang isang siklista nang sagasaan ang mga ito ng isang dambuhalang truck sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.
PINANGUNAHAN ni Ako Bicol Party-List Rep. Elizaldy Co, katuwang ang National Electrification Administration (NEA), Albay Electric Cooperative (ALECO), at sa pahintulot nina Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez, ang proyektong ito na pinondohan ng gobyerno na nagsu-supply ng malinis, ligtas, at tuloy-tuloy na kuryente sa mga lugar na matagal nang napag-iwanan.
ARESTADO ang 68-anyos na lola nang mabistong may nabinbin siyang warrant of arrest makaraang kumuha ng National Police Clearance sa Valenzuela City. Biyernes ng hapon.
NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Boy Vargas, pangulo ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa direktiba nitong repasuhin ng Department of Transportation (DOTr) ang panukalang taasan ang insurance claims para sa mga pribadong sasakyan.