• June 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 25th, 2024

Publiko, binalaan sa ‘Holiday Heart Syndrome’

Posted on: December 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat laban sa mga sakit na may kaugnayan sa ‘Holiday Heart Syndrome,’ gaya ng stroke, bunsod na rin nang nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang Holiday Heart Syndrome ay isang kondisyon na dulot ng labis na pag-inom ng alak, stress, kakulangan sa pahinga at pagkain ng maalat o matataba na nagpapataas sa presyon, na maaaring humantong sa arrhythmia o abnormal na heart rhythm na isa sa sanhi ng stroke.
Maaari pang tumaas ang bilang matapos ang Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon kung hindi mapipigilan ang labis na pag-inom ng alak at pagkain mula sa sunud-sunod na handaan.
Ang 110 kaso naman ng Acute Coronary Heart Syndrome na naitala ng PHC noong Disyembre 2023 ay tumaas sa 115, pagsapit ng Enero 2024. (Daris Jose)

Booklet sa gamot ng seniors ‘di na kailangan — DOH

Posted on: December 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
HINDI na kailangan ng mga senior citizen ng purchase booklet upang makabili at makadiscount sa gamot.
Sinabi ito ni Health Secretary Teodoro Herbosa kasunod ng kanyang nilagdaan na bagong Admi­nistrative Order (AO) ng Department of Health (DOH) nitong Linggo.
Layon ng AO na tanggalin ang pangangailangan ng purchase booklet para sa mga senior citizen na gagamit ng kanilang discount sa mga gamot, kasunod ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Tinatanggal ng DOH ang AO No. 2024-0017 ang pangangailangan para sa mga senior citizen na magpakita ng purchase booklet sa mga botika, na dati’y kasama ng valid ID at reseta ng doktor, upang makakuha ng diskwento.
“Senior citizen rin ako. Alam kong mahirap laging magdala ng purchase booklet. Kailangan ng mga nakatatanda ang diskwento sa kanilang mga gamot, at dapat madali nating makuha iyon,” ani Herbosa.
Maituturing anya itong regalo mula sa Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na nagbigay ng kaginhawahan at mas abot-kayang gamot sa lahat ng mga senior citizen. (Daris Jose)

Libre toll fee ng NLEX, SCTEX, CAVITEX, CALAX ngayong Pasko, New Year

Posted on: December 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Hindi maniningil ng toll fees ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) sa mga motorista na dadaan sa ilang pangunahing expressways sa bansa, ngayong Pasko at Bagong Taon.
Ayon sa MPTC, iiral ang toll free passage mula alas-10 ng gabi ng Dis­yembre 24 hanggang alas-6 ng umaga ng Dis­yembre 25 at mula alas-10 ng gabi ng Disyembre 31 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Enero 1, 2025.
Sakop umano nito ang North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX), at Manila-Cavite Expressway (CAVITEX).
Matatandaang una na ring inanunsiyo ng San Miguel Corporation (SMC) noong Biyernes na iwi-waived nila ang toll fees ng Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa mga ispesikong oras para sa holidays bilang regalo sa mga motorista. (Daris Jose)

Higit P1bilyong pondo ng DepEd nasayang — COA

Posted on: December 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Gumastos umano ang Department of Education (DepEd) ng P1.064 billion para sa unusable digital infrastructure project kahit na ang key components ng sistema ay hindi naibigay.
Batay sa 2023 Commission on Audit (COA) report, nagbayad ang DepEd ng higit 78% ng P1.356-B kabuuang ­halaga ng proyekto sa isang contractor kahit na may problema sa financial capacity at record na delay ang mga proyekto.
Ang proyekto ay sa ilalim nang noo’y DepEd secretary Leonor Briones na isang pagsasayang lamang ng pondo ng pamahalaan.
Ayon pa sa COA, pa­tuloy ang bayad ng DepEd sa proyekto kahit hindi pa ito natatapos.
Nagkaroon pa ng dagdag na gastos dito ang DepEd tulad ng P22.6-M extra maintenance fees at P9.06-M halaga ng unused computer equipment na nakitang nakatiwangwang sa isang regional office.
Kinuwestyon din ng COA ang pag-award ng DepEd sa P697-M contract sa Phase II ng isang joint venture kahit na ang isang kompanya ay mayroon lamang P92.5-M net worth at may record na palagiang delayed ang pagtatapos ng malalaking proyekto. (Daris Jose)