NASAKOTE ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa 25-anyos na magaling sa larong bilyar habang nakikipag-inuman sa kanyang mga ka-tropa sa Malabon City.
Bukod kay alyas “Raffy”, 43, residente ng Dumpsite, Sitio 6, Brgy. Catmon, binitbit din nina P/Lt. Melanio Medel Valera III, Commander ng Malabon Police Sub-Station 4, ang kanyang kainuman na si alyas “Roque”, 31, nang pumapel at tinangkang pigilan ang mga pulis sa lehitimong operasyon.
Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSg Bengie Nalogoc at P/SSg Michael Oben, nangyari ang insidente ng pagpatay habang naglalaro ng bilyar ang nasawing si alays ‘Kirk’ at 23-anyos na testigong si alyas “Jayson” noong Sabado ng gabi sa Pisaca Sitio 6, Brgy, Catmon.
Sa ulat, bigla na lamang sumulpot ang suspek na armado ng kalibre .45 baril at malapitang pinaputukan sa ulo ang biktima sa harap mismo ng kalaro niyang testigo. Naisugod pa ang biktima sa Ospital ng Malabon subalit, hindi rin ito umabot ng buhay.
Sa pahayag ng live-in partner ng biktima kay SSg. Nalogoc, bago nangyari ang pagpatay ay nanalo pa umano sa larong bilyar ang kanyang kinakasama pero humirit ang kalaro ng isa pa subalit, tinanggihan na ng biktima.
Dahil sa impormasyong ibinigay sa pulisya ng testigo na kalaro ng biktima, walang humpay na nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya hanggang matunton ang suspek habang nakikipag-inuman sa Dumpsite Sitio 6 noong Linggo ng gabi na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.
Araw ng Martes nang isampa na ng pulisya ang kasong murder laban sa suspek at obstruction of justice naman kay alyas Roque sa Malabon City Prosecutor’s Office habang isinailalim pa sa ballistic examination ang isang basyo ng bala ng kalibre .45 pistola na nakuha sa crime scene. (Richard Mesa)
HIHINTO ng operasyon ang Philippine National Railways (PNR) ng limang (5) taon upang bigyan daan ang pagtatayo ng North-South Commuter Railway (NSCR).
GINAGAWANG mas kapana-panabik at hindi malilimutan ng GMA Regional TV ang 87th Araw ng Dabaw dahil dadalhin nito ang pinakamalalaki at pinakamatingkad na Kapuso stars na napapanood ngayon sa mga teleserye.
Si Barbie ay nasa Valenzuela City! Para magbigay ng saya at inspirasyon sa mga bata, nakipagtulungan ang Lungsod ng Valenzuela sa Barbie Philippines upang ipagdiwang ang ika-65 Anibersaryo ni Barbie na may temang “Barbie Inspires”.
NAKIISA ang lungsod ng Navotas sa Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan sa Bagong Pilipinas na inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ni Pangulong Bongbong Marcos na naglalayong isulong ang bayanihan sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga komunidad. Personal din na bumisita sa lungsod si DILG Secretary Benhur Abalos upang pangunahan ang programa, kasama si Mayor John Rey Tiangco. Nakilahok din sa programa ang mga mag-aaral at guro sa lungsod, gayundin ang mga opisyal at kawani ng pamahalaang lungsod at mga barangay, PNP, BFP, BJMP, MMDA, at mga volunteer group. (Richard Mesa)
INATASAN na ng House of Representatives ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy matapos i-cite-for-contempt ang embattled religious leader dahil sa hindi pa rin pagsipot nito sa imbitasyon ng Committee on Legislative Franchises.
PARA siguradihin na hindi na babahain sakaling may malakas na ulan at bagyo, nagdagdag pa ng pumping stations ang Navotas City, kasunod ng pagpapasinaya sa tatlo pa kung kaya umabot na sa 72 ang pumping station ng lungsod.
DUMATING na sa Pilipinas si US Commerce Secretary Gina Raimondo bitbit ang magandang balita na mahigit sa $1 bilyong halaga ng investments ang paparating sa bansa mula sa 22 American companies.
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng limang indibidwal matapos maaktuhang sumisinghot shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.