• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2023

Walang ginamit na public funds para sa kontrobersyal na video ng “Love the Philippines”

Posted on: July 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DUMIPENSA ang DDB Philippines, ang advertising agency na gumawa ng kontrobersiyal na audio-visual presentation ng tourism slogan campaign na “Love the Philippines” ng Department of Tourism (DOT) na wala umanong public funds na nagastos para dito.

 

 

Ito ay matapos umamin ang naturang ad agency na gumamit ito ng ilang hindi orihinal na video at hindi kuha sa Pilipinas para sa bagong tourism campaign video.

 

 

Paliwanag ng naturang ad agency na sarili nilang inisyatibo at gastos ito para tumulong na maipakilala ang bagong slogan.

 

 

Sa isang statement, humingi ng tawad ang ad agency kay DOT Secretary Christina Frasco at sa mga Pilipino sa paggamit ng video clips mula sa ibang bansa gaya ng Indonesia, Thailand at Dubai.

 

 

Saad pa ng agency na bagamat isang standard practice umano sa industriya ang paggamit ng stock footage sa mood videos dapat aniya na sumunod ito sa maayos na screening at proseso ng pag-apruba.

 

 

Ang naturang presentation din aniya ay ginawang isang mood video para ma-excite ang internal stakeholders sa naturang kampanya. (Daris Jose)

VP Sara, pinuri si PBBM sa kanyang unang taon bilang Pangulo ng Pilipinas

Posted on: July 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa matagumpay na unang isang taon nito sa pamamalakad sa bansa bilang  halal na Pangulo.

 

 

Sinabi ni Duterte na pinatunayan lamang ni Pangulong Marcos sa unang taon niya bilang Pangulo na determinado ang kanyang gobyerno na tupdin ang lahat ng kanyang mga ipinangako noong eleksyon.

 

 

“Masaya po ako na ako’y bahagi ng isang administrasyon na nakatuon sa pagpapalakas ng ating bansa — at agresibo sa pagpapatibay ng ating ekonomiya; pagkakaroon ng sapat na trabaho at hanap-buhay; pagtugon sa hamon ng kahirapan; pagbibigay ng suporta sa mga sektor tulad ng mga mangingisda, magsasaka, at mga manggagawa; pagpapatayo ng mga importanteng imprastraktura; pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon at kalusugan para sa mga Pilipino; at ang pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa,” ani Duterte.

 

 

Hunyo 30, 2022, nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas ang 64-anyos na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Siya ang ikatlong anak ng dating pangulo na nasundan ang yapak ng kanilang mga magulang.

 

 

Si Bongbong ay anak ni dating Pangulong Marcos Sr., na naging pangulo ng bansa mula 1965 hanggang sa mapatalsik siya sa puwesto noong 1986 sa People Power Revolution.

 

 

“Makikita ng lahat ang sipag at pagpupursigi ng ating mahal na Pangulo na ituloy ang mga magagandang pagbabago na nasimulan ng nakaraang administrasyon — at magpakilala ng mga bagong programa at proyekto upang mabigyan ng ginhawa ang buhay ng ating mga kababayan,” ani Duterte.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Duterte na nagpapasalamat ang  Department of Education at Office of the Vice President (OVP) para sa suporta  ni Pangulong Marcos para sa mga programa para sa mga kabataang Filipino.

 

 

Nanawagan naman ang Pangulo sa  buong bansa na suportahan ang administrasyong Marcos at pagtibayin ang kanilang pagkakaisa laban sa mga hamon na darating sa kanila.

 

 

Nananawagan ako sa lahat ng ating mga kababayan na suportahan ang administrasyon ni Pangulong Marcos upang maisakaturapan ang mga adhikain nito para sa ating lahat. Sana ay mas palakasin pa natin ang ating pagkakaisa — at gamitin natin itong sandata upang malampasan ang mga darating na hamon sa atin bilang isang bansa,” ayon kay Duterte. (Daris Jose)

Kai Sotto puwersadong magpakitang-gilas sa ensayo

Posted on: July 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
SA UNANG ensayo pa lamang ng Orlando Magic para sa sasabakang NBA Summer League ay kailangan nang makapagpakita ng maganda si Pinoy center Kai Sotto.
Ito ay matapos muling papirmahin ng Magic ang parehong 6-foot-11 na sina Mo Wagner at Goga Bitadze para sa kanilang frontline.
Nagposte si Wagner ng mga averages na 10.5 points, 4.5 rebounds at 1.5 assists para sa Orlando sa nakaraang season habang tumipa si Bitadze ng 5.8 points at 5.2 rebounds.
Dahil dito ay dapat matindi ang ipakita ng 7’3 na si Sotto sa team practice pa lang bago sumabak sa NBA Summer League.
Pinapayagan ng NBA ang bawat koponan na maglagay ng 20 players sa kanilang training camp na gagawing maximum na 15-man lineup para sa opening night roster at tatlo sa isang two-way contracts.
Ang pagtanggap sa two-way contract ang ma­aaring maging opsyon ni Sotto para matupad ang kanyang NBA dream.
Sisimulan ng Magic ang kanilang team practice ngayong araw kasunod ang pagharap sa Detroit Pistons sa Hulyo 8 para una nilang laro sa NBA Summer League sa Tho­mas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

PBBM, aprubado ang national innovation agenda

Posted on: July 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr., chairman  National Innovation Council (NIC), ang  National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD) 2023-2032.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na NIASD 2023-2032 ang babalangkas sa plano ng bansa para pagbutihin ang innovation governance at  ang pagtatatag ng  dynamic innovation ecosystem.

 

 

Ang Malakanyang, sa isinagawang  5th NIC meeting,  ipinresenta ng National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie Edillon ang “rationale at features” ng NIASD.

 

 

“The future, even the near future, is expected to be volatile, uncertain, complex, and ambiguous. Developing a dynamic innovation ecosystem is critical to achieving our AmBisyon Natin 2040 of a matatag, maginhawa at panatag na buhay for all Filipinos,” ayon kay Edillon.

 

 

“The NIASD characterizes a dynamic innovation ecosystem as one that fosters a pervasive culture of innovation driven by market demands,” ayon sa PCO.

 

 

Pinabilis din ng estratehiya ang kolaborasyon sa pamamagitan ng “active, reliable, at useful platforms,” at nagbigay ng  “innovation actors with the necessary facilities and resources to transform their ideas into innovative products and services.”

 

 

Idagdag pa rito,  kinonekta ang  innovator-entrepreneur sa potential investors at funders.

 

 

Para naman kay  NEDA Secretary Arsenio Balisacan, vice-chairman ng  NIC, ang pagtatatag ng   dynamic innovation ecosystem ay isa sa anim na cross-cutting strategies sa transformation agenda na kinilala ng  Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 para makamit ang “prosperous, inclusive, at resilient society.”

 

 

“Chapter 8 of the PDP elaborates on this strategy by situating it within the continuum of research and development, innovation, technology adoption, then commercialization” ayon kay Balisacan.

 

 

Ang  NIC ay may 25-member policy advisory body na binubuo ng 16 department secretaries at 7 executive members mula sa pribadong sektor. (Daris Jose)

Kung matutuloy mag-guest sa ‘Bubble Gang’: MICHAEL V., nakaisip na agad ng project na pwede nilang gawin ni VICE GANDA

Posted on: July 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG nasa GTV na ang noontime show na “It’s Showtime,” naging open na ang main host nito na si Vice Ganda na type niyang mag-guest sa mga GMA shows. Kaya naman nakaisip agad si Michael V. ng isang project sakaling gustong mag-guest ni Vice sa “Bubble Gang.”

 

Ayon pa kay Bitoy, open daw si Vice sa collaboration, at noong nag-meet sila minsan, sabi nito sana ay makapag-guest sa “Bubble Gang.” At alam ni Bitoy kung ano ang gagawin nila ni Vice Ganda, iyong popular niyang character na Mr. Assimo. Tamang- tama na may bago na silang timeslot simula sa July 9, every Sunday, at 6:00 pm sa GMA-7.

 

***

 

DAMA namin ang happiness ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, habang kausap namin.

 

Kita rin namin iyon sa kanyang mga ngiti, kapag binabanggit namin ang pangalan ni Rayver Cruz, na hindi na nga lihim ang maganda nilang relasyon. Biniro namin si Julie kung balak na nilang magpakasal, napahalakhak siya sabay sabing, “ewan ko sa kanya!” Pero happy si Julie dahil pasisimulan na raw niya ang pagpapatayo ng isang vacation house her family sa nabili niyang lote sa Tagaytay. May balak na rin ba sila na magkaroon ng business sila ni Rayver? “Sa ngayon po kasi may clothing business kami ng sister ko. Si Rayver nga po ang model namin ng men’s clothing at gratis et amore po ang talent fee niya,” natatawang wika pa ni Julie. This week ay naka-schedule nang umalis sina Julie at Rayver for some shows in Canada. “Pero mauuna pong bumalik dito si Rayver, kasi may show pa ako, at si Rayver naman ay may sisimulang bagong teleserye. Sa July 26 naman ang opening ng “The Cheating Game” na first movie team up nila for GMA Public Affairs and GMA Pictures.

(NORA V. CALDERON)

Pasabog ang teaser ng ‘The Cheating Game’: JULIE ANNE, kitang-kita ang versatility bilang aktres kaya pinupuri

Posted on: July 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PASABOG ang teaser ng ‘The Cheating Game’!

 

 

Umani nga ng mga positibong komento ang teaser ng pelikula ng GMA Public Affairs at GMA Pictures na pagbibidahan nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Total Heartthrob and Performer Rayver Cruz.

 

 

Nitong Miyerkules (June 28) ito napanood on air at online. Marami ang lalong na-excite sa pelikula dahil very interesting, intense, at unpredictable umano ang ipinakitang storyline batay sa teaser.

 

 

Talaga ring damang-dama na agad ang emosyon ng mga bida kasama pa sina Martin del Rosario, Winwyn Marquez, at Thea Tolentino. Syempre, hakot-papuri rin si Julie Anne dahil kitang-kita ang versatility niya bilang aktres dahil tila hindi na mala-Maria Clara ang role niya rito.

 

 

Konting tulog na lang, malalaman na ang kuwento nina Hope Celestial (Julie Anne) at Miguel Agustin (Ravyer). Mapapanood na sa mga sinehan ang ‘The Cheating Game’ simula July 26!

 

 

***

 

 

PINAKILALA na ang mga actors na mapapanood sa second season ng ‘Squid Game’, ang phenomenal Korean survival drama na pinalabas sa Netflix noong 2021.

 

 

Unang in-announce ng Netflix na kasama sa second season sina Yim Si-wan, Kang Ha-neul, Park Sung-hoon and Yang Dong-geun. Magbabalik din sa series sina Lee Jung-jae, Wi Ha-joon, Lee Byung-hun and Gong Yoo.

 

 

Dagdag pa sa cast ang K-pop stars na sina Choi Seung-hyun (formerly T.O.P of the iconic group Big Bang) at Jo Yuri of the South Korean-Japanese girl group IZ*ONE. Join din sina Park Gyu-young, Lee Jin-wook, Kang Ae-sim, Lee David, Won Ji-an and Roh Jae-won.

 

 

Mga nagwagi ng acting awards sa first season ng ‘Squid Games’ ay sina O Yeong-su (Golden Globe best supporting actor) at Lee Jung-jae (Screen Actors Guild, Independent Spirit and Primetime Emmy best actor).

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Fanmade Poster for ‘James Bond XXVI’ Makes A Strong Case For Top 007 Shortlist Contender

Posted on: July 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IN an impressive new fanmade poster for James Bond 26, Aaron Taylor-Johnson becomes 007.

 

 

After his first James Bond movie (Casino Royale) back in 2006, Daniel Craig said farewell to Bond with 2021’s No Time To Die. Since the actor’s swan song, the question of who will be the next actor to take on the iconic character has been top of mind, with Taylor-Johnson seemingly emerging as a frontrunner earlier this year.

 

 

Now, as the wait for any concrete James Bond 26 news drags on, a fanmade poster by artist Axel Amirón images Taylor-Johnson as 007.

 

 

Now, as the wait for any concrete James Bond 26 news drags on, a fanmade poster by artist Axel Amirón images Taylor-Johnson as 007.

 

 

Since No Time To Die (and even before then), various actors have been rumored to serve as Craig’s replacement. Idris Elba was long a popular fan-cast for the role, but he made his feelings clear on the matter last year, essentially removing himself from consideration.

 

 

Taylor-Johnson quickly then became the next hot name to be associated with the role earlier this year after he reportedly had a meeting with producer Barbara Broccoli that went well.

 

 

Taylor-Johnson would subsequently respond to these Bond casting rumors, neither confirming nor denying that a meeting took place, and simply calling the rumors “flattering”.

 

 

Since then, Taylor-Johnson has remained the most popular pick among pundits, but actors like Henry Cavill (who was once up for Casino Royale against Craig) and James Norton are also top choices.

 

 

It’s still entirely unclear whether Taylor-Johnson will actually become the next James Bond, but, at 33, he is in the right age range for the part. While the producers haven’t definitely stated that they’re looking for an actor in their early 30s, they did say that the role will require at least a ten-year commitment, if not more.

 

 

This means that a former top choice like Tom Hardy, who is now 45, might be too old, and it might even hurt Cavill’s 007 chances as well, with the actor now 40. (source: screenrant.com/@almirondesign)

(ROHN ROMULO)

Matapos na mag-congrats sa nalalapit na kasal: SHARON, binanggit kay MAINE na kasama ang bagong son na si ALDEN

Posted on: July 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SI Megastar Sharon Cuneta ang special guest ng TVJ at Legit Dabarkads sa pilot telecast nila ng noontime show nila sa TV5, ang “E.A.T.” last Saturday, July 1.  Kinanta ni Sharon ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko,” pero nag-request pa ng another song ang TVJ, ang “Bituing Walang Ningning.”  

 

 

Pero bago muling kumanta si Shawie, tinawag muna niya si Maine Mendoza at ibinalita rito na may kasama siya ngayon sa shooting, at binanggit niya ang name ni Alden Richards.

 

 

“Maine congrats ha!  Nagsu-shooting ako ngayon, may kasama ako, ‘yung anak kong bago, ‘yung bago kong son, ang pangalan niya Alden.”

 

 

Nakangiti namang sagot ni Maine, “Congrats po sa movie ninyo Ms. Sharon.”

 

 

Sabi ulit ni Sharon, “Pero congrats ha, Hi. Alden, nandito si Maine.  Hi, Direk Nuel (Naval)”  na sinabayan ng tawanan ng Dabarkads at ng studio audience.

 

 

Patunay daw na isa pa rin palang certified AlDub fan si Mega, at halatang kinikilig pa rin siya sa AlDub love team, tulad pa rin ng mga loyal AlDub fans. (Nakilala noon ni Sharon sina Alden at Maine nang mag-guest siya sa “Eat Bulaga.”)

 

 

Ang tinutukoy naman ni Sharon na movie na ginagawa nila ni Alden ay ang “A Mother and Son’s Story” for CineKo Productions at dinidirek ni Nuel Naval at intended for the 2023 Metro Manila Film Festival this December.

 

 

                                                            ***

 

 

STAR-STUDDED ang bagong proyekto ni Ruru Madrid sa GMA Public Affairs, after ng fantasy action series na “Lolong,” ang isa pang action series na “Black Rider,” na pagsasamahan nila for the first time ng bagong Kapuso actor and TV host na si Matteo Guidicelli.

 

 

Lahat-lahat, ang main cast ay binubuo ng 28 Sparkle actors and actresses ng GMA Network, na ang iba ay matagal na rin nating hindi napapanood sa mga shows ng GMA at ang iba naman ay kabilang sa mga Kapamilya stars.

 

 

Bukod kina Ruru at Matteo, ang iba pang bumubuo sa cast ay sina Katrina Halili, Jon Lucas, Jayson Gainza, Janus del Prado, Empoy, Rainier Castillo, Prince Clemente, Raymond Bagatsing, Gladys Reyes, Raymart Santiago, Zoren Legapi, Gary Estrada, Rio Locsin, Roi Vinzon, Almira Muhlach, Maureen Larrazabal, Aleck Bovick, Bodjie Pascua, Marco Masa, Asley Sarmiento, Luis Hontiveros, Dustin Yu, Saviour Ramos, Joaquin Manansala, Vance Larena at Kim Perez.

 

 

                                                            ***

 

 

IPAGPAPATULOY na kaya ni Bimby Aquino Yap ang pag-aartista at ang pagiging host tulad ng kanyang inang si Kris Aquino?

 

 

Nag-post kasi sa social media ang Cornerstone Entertainment kung saan magkakasama sa photo ang President at CEO ng talent agency na si Erickson Raymundo, ang Vice President nitong si Jeff Vadillo, si Bimb, ang ninong niyang si Boy Abunda, at si Tin Calawod na handler ni Kris.

 

 

Bale si Boy ang tumatayong guardian ni Bimb habang wala pa si Kris sa bansa dahil patuloy pa rin siyang nagpapagaling ngayon sa Amerika.

 

 

Matatandaang naging child actor na si Bimb noong araw at ang film debut niya ay ang “My Little Bossings” with Vic Sotto, “The Amazing Praybeyt Benjamin,” at “All You Need is Pag-ibig.”

 

 

May special participation naman siya sa TV show na “Kung Tayo’y Magkakalayo.”

(NORA V. CALDERON)

Isang malaking tagumpay ang ‘Miss Manila 2023’: Pambato ng Malate na si GABRIELLE, nasungkit ang korona

Posted on: July 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
ISANG malaking tagumpay ang ginanap na Miss Manila 2023 nitong June 23, Biyernes ng gabi, sa The Metropolitan Theater sa Maynila. 

Ang mga hosts ng prestihiyosong beauty pageant ay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapuso/Sparkle male artist Rayver Cruz.

 

Ang mga bumuo naman sa panel of judges ay sina

 

Crystal Jacinto (CEO, EW Villa Medica Manila);

 

Dr. Gwen Pang (Secretary General of the Philippine Red Cross); Joy Marcelo (Vice-President of Sparkle GMA Artist Center); Ladylyn Riva-Tieng (beauty queen, entrepreneur and philanthropist); Rhiza Pascua (President of Live Nation Philippines) at

 

Gloria Diaz (Miss Universe 1969) na siya ring chairman ng board of judges.

 

Hinirang na winners ang mga sumusunod…

 

2nd Runner Up – Francine Tajanlangit (Roxas Boulevard)

 

1st Runner Up – Karen Nicole Piccio, (Pureza Sta. Mesa)

 

Miss Manila Charity – Anna Carres de Mesa (Sta. Mesa)

 

Miss Manila Tourism – Angela Okol (Paco)

 

MISS MANILA 2023 – Gabrielle Lantzer (Malate)

 

Nanalo rin si Gabrielle ng tatlong special awards; ang Miss EW Villa Medica Manila, Best in Swimsuit at Best in Evening Gown.

 

Bilang Miss Manila ay nag-uwi si Gabrielle ng isang milyong pisong cash prize, korona na yari sa diamonds, sapphires at Pearl of the Orient na gawa ng Arca Bespoke Jewelry, two hundred fifty thousand pesos worth of services mula sa EW Villa Medica Manila at roundtrip business class ticket to any international destination of her choice mula sa Philippine Airlines.

 

Si Angela naman, bilang Miss Manila Tourism ay nanalo ng roundtrip ticket to any local destination of her choice (mula sa PAL) at isandaang libong piso.

 

Si Anna naman, bilang Miss Manila Charity ay nanalo ng roundtrip ticket to any local destination of her choice (mula sa PAL) at one hundred thousand pesos cash.

 

Si Angela ay hinirang rin na Fans Choice Award samantalang si Anna ay napili rin bilang Miss Photogenic by San Miguel Corporation.

 

Ang iba pang special awardees ay sina Hanna Cruz (Sampaloc) bilang Miss Philippines Airlines at Rethy Rosa (Maceda Sampaloc) bilang Miss Riverpark Centralis.

 

Ang mga runners-up ay nagwagi ng roundtrip ticket to any local destination (mula sa PAL) at fifty thousand pesos cash.

 

Performers sa gabi ng beauty pageant sina Angeline Quinto na inawit ang theme song ng Miss Manila, ang violinist na si Joseph Brian Cimafranca, ang rapper na si Kritiko at ang boy group na Yes My Love O YML.

 

Ang Miss Manila 2023 ay handog ng City of Manila sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, Department of Tourism, Culture and the Arts of Manila sa pangunguna ni Tourism Director Charlie Dungo, KreativDen Entertainment (headed by Kate Valenzuela) at co-presented naman ng Philippine Chinese Chambers of Commerce and Industry at ng San Miguel Corporation.

(ROMMEL L. GONZALES)

Manager na si Vice, tahimik at wala pang pasabog: AWRA, maraming nakiki-simpatiya at nanawagan ng hustisya

Posted on: July 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA ngayon, nakukuha ni Awra Briguela ang majority na simpatiya ng mga kaibigan niyang artista, influencers na nagpo-post sa kani-kanilang mga social media accounts na “Justice for Awra.”

 

 

 

Ilan sa mga artista ang talagang nagpaparating ng buo nilang suporta kay Awra na mabuti talaga itong kaibigan at hindi nito deserve ang nangyayari sa kanya. Sa ngayon, nakakulong pa rin ito sa Makati, though, ang mga kasong isinampa naman daw rito ay mga bailable kaya malaki ang chance na makalabas din anytime.

 

 

 

Kahit si Maja Salvador na kasama ni Awra sa show nilang “Emojination” sa TV5 ay nag-tweet na, “napakabuti mong kaibigan beb, bebe girl ko at fezfren namin. mahal na mahal kita @AwraBriguelaaa.”

 

 

 

Gayundin ang ibang mga kaibigan niyang artista/influencers tulad nina Zeinab Harake, Riva Quenery, Kim Molina, Jerald Napoles at iba pa. Pero ang manager ni Awra na si Vice Ganda ay tila tahimik at wala pang pasabog o paramdam na kahit na ano.

 

 

 

‘Yun lang, may nagki-claim na lalaki na diumano’y pinahuhubad ni Awra at do’n daw nagsimula talaga ang gulo. May nakarating din sa amin na diumano’y may kuha sa CCTV ng eksenang ‘to.

 

 

 

So abang-abang na lang kung by this time at kung totoo nga ito ay lumabas na or hindi dahil walang katotohanan. Pero isa ang sigurado, sana ay may matutunan si Awra sa pangyayaring ito.

 

 

 

***

 

 

 

TINUPAD ni Melai Cantiveros ang pangako niya kay Kris Aquino na bibisitahin daw niya ang dalawang anak nito na sina Joshua at Bimby.

 

 

 

Nag-post nga si Melai sa kanyang Instagram ng mga larawan na kasama niya ang dalawang anak ni Kris.

 

 

 

Nagmukhang bata sa liit si Melai dahil sa parehong ang tatangkad nina Joshua at Bimby na kahit si Melai, nagulat.

 

 

 

Ayon dito, “A very gwapo, sweet, responsible and mature Bimb version na kausap ko kanina at very sweet lagi na very loving kuya Josh. Grabe na amaze ako kuya Bimb sa mga sagot n’ya habang kausap ko siya.

 

 

 

“Nakaka-amaze sila, dati kami pa ni Jason matangkad kay Bimb, ngayon si Bimb na napakatangkad. Ms. Kris, we miss you @krisaquino, pagaling ka diyan. Ms. Kris, tinupad ko promise ko Ms. Kris na i-visit si Bimb at Kuya Josh. Sane next time, makakasama ka na namin dito sa Pinas.

 

 

 

“Na-amaze and na-proud ako Ms. Kris sa ‘yo bilang momshie kasi mababait, marespeto and mabuti silang anak, sila Bimb and Kuya Josh.”

 

 

 

Nag-reply si Kris sa IG post na ito ni Melai at nagpasalamat. Sey niya, “Thank you Melai for the effort to visit them.”

 

(ROSE GARCIA)