• September 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 7th, 2023

PBBM, pinagtibay ang ugnayan sa Estados Unidos, itinaon sa pagdiriwang ng Philippine-American friendship day

Posted on: July 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos kasabay ng pagdiriwang Amerika ng kanilang Independence Day.

 

 

Nagkataon naman ito sa Philippine-American Friendship Day.

 

 

Sa isang tweet, inilarawan ng Pangulo ang Philippines-US relations bilang  “deep connection… built on the foundation of trust and collaboration.”

 

 

“As allies, let us continue to stand together, embracing the values of democracy, freedom, and equality, forging a path towards a more prosperous and inclusive future for all,”  anito.

 

 

Ang pagbati ng Pangulo ay sa gitna na rin ng patuloy na pagbalanse sa “friendly relations” sa Estados Unidos at China sa gitna ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.  (Daris Jose)

Grateful na na-nominate bilang ‘Darling of the Press’: ALFRED, gustong makasama uli sa movie si NORA after ‘Pieta’

Posted on: July 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKATUTUWA na 18 years na pala ang samahan ng Solid Friends ni QC Councilor Alfred Vargas.

 

Ayon sa mahusay at mabait public servant, “meron kaming special anniversary celebration sa SM Novaliches this July 16 to celebrate our anniversary.

 

“Ito yung fans club ko ever since. My solid fans established it noong JULY 4, 2005, panahon ng Encantadia. They have supported ever since kahit noong baguhan pa lang ako.

 

“They believed in me anuman ang panahon. From 20 members noong simula, ngayon 40k members na.” Dagdag pa ng Kapuso actor na huling napanood top-rating afternoon series na ‘AraBella’, “later on, nag-evolve na rin into a community volunteer organization na siya, na tumutulong sa mga nangangailangan.

 

“May mga yearly projects kami like zumbayan, linis-barangay, youth concert, leadership trainings, medical missions, at marami pang iba. “Swerte ako dahil meron talaga akong supporters na nandyan para sa akin through my ups and downs in life.”

 

Pagbabahagi pa niya, “‘yung kapatid ko, si Cong PM, member din siya na SOLID FRIENDS. Actually, siya ang pinakaunang solid friend ko since pinanganak siya ha ha ha ha ha… idol niya kasi si kuya niya ever since. “Siya ngayon ang official president ng solid friends.”

 

Sa July 16 din, isa si Alfred sa magiging host ng 38th Star Awards for Movies na gaganapin sa Manila Hotel.
Nae-enjoy ba siya sa pagho-host? “Yes. Super enjoy ko mag-host,” maagap niyang tugon.

 

“Maraming hindi nakakaalam, I’m always invited to host different kinds of events. I love celebrating special moments and gatherings ng mga tao.

 

“I’m also a trainer din kasi. I train young leaders and aspiring professionals who want to excel in their respective fields.”

 

Pagsi-share pa niya tungkol sa pagiging host, “I learned hosting from none other than, THE BOY ABUNDA. I was part of the first batch of his hosting workshop.

 

“Sa kanya ko talaga natutunan ang hosting na may sincerity at katuturan. One of his lessons, I remember, is that if you want to be a good host, you must first become a good and genuine listener… pakinggan mo ang taong kausap mo at dun mo makikita ang puso niya.”

 

Ano naman ang feeling na nominated siya bilang ‘Darling of The Press’? “Actually nagulat ako. Di ko expected. I’m grateful na ma-recognize this way by being nominated,” pahayag ng aktor na mahusay talaga ang pakikitungo sa press people, mula noong hanggang ngayon.

 

“Para sa akin, family na rin talaga ang mga press friends ko whom i met along the way in my 20++ years in showbiz. Through thick and thin talaga nakasama ko kayo. From beginning until now. Grabe senti nako,” pag-amin pa niya. “I would never be where I am today if it were not for the friends who helped me along the way. Kayo ‘yun.

 

“Personal ang relationship ko with most of the press. Masarap kasi sila kasama at sasabihin nila sa ‘yo ang totoo and they will look after you. Marami sa mga advisers ko sa buhay ay mula sa mga writers and journalists.” Pahabol pa ni Alfred, “for those who know me talaga, alam nila na kung sino ako noong nag-uumpisa ako, I’m still the same Alfred na kilala nila ngayon.

 

“Medyo mas nag-mature lang ngayon at hindi ko na kayang mag-coffee table book ulit!!! Ha ha ha ha ha ha!!! “I’m not at all perfect pero I always adhere to the lessons and principles my parents taught me.”

 

Samantala, marami na ang nag-aabang sa prinoduce niyang movie, ang ‘Pieta’ na pinagbibidahan nila ng National Artist at Superstar na si Ms. Nora Aunor.

 

Aminado ang actor-turned-politician na very pleasant ang experience niya bilang producer at actor, kasama ang nag-iisang Superstar.

 

Pagkukuwento pa niya, “‘yung husay niya at talento, highest level talaga. And she’s very professional. Walang naging any aberya during the whole shoot.

 

“I’m thinking na nga of doing another project with her next year kung pwede. Ganun ka-okay.”

 

Pagbabahagi uli ni Alfred sa kanyang naramdaman, habang magka-eksena sila ni Ate Guy, “meron kaming eksena na kaming dalawa lang. Tahimik lang pero napaka-meaningful at naramdaman ko ang lalim at soulful emotion.

 

“Dahil ito sa acting ni Ate Guy. Nadala ako. Parang naging loving mother ko talaga siya noong moment na yun sa eksena at ako naman parang long lost son niya talaga.

 

“It was a magical experience for me as an artist. Swerte ko naranasan ko yun.”

 

Inaasahan na maipalalabas sa mga sinehan ang ‘Pieta’ na mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr., bago matapos ang 2023.

(ROHN ROMULO)

Multi-Specialty Hospital, itatayo sa Clark, Pampanga

Posted on: July 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SISIMULAN na  ngayong buwan ang pagtatayo ng bagong medical specialty center na magsisilbi sa Central at Northern Luzon.

 

 

Inanunsyo ni Health Secretary Teodoro Herbosa na handa na ang groundbreaking para sa itatayong Clark Multi-Specialty Hospital sa darating na Hulyo 17.

 

 

Ang nasabing ospital ay itatayo sa ilalim ng Executive Order No. 19, ipinalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inatasan ang pagtatayo ng Philippine Heart Center sa Clark Freeport Zone.

 

 

“It will be starting as a general hospital and then (it will) move up to a children’s hospital, and then a cardiac specialty, then the kidney specialty,” ani Herbosa.

 

 

Ang nasabi aniyang proyekto ay may kahalintulad na plano gaya ng  public specialty hospitals sa Quezon City.

 

 

Sa oras na makumpleto na ang proyekto, ang mga pasyente sa  Central at Northern Luzon ay hindi na kailangan pang bumiyahe patungong Kalakhang Maynila para makakuha lamang ng “specialized medical services.”

 

 

“It will just be like what we have in the North Triangle of Quezon City, wherein you have all the different specialties, and (this time) it will be in that corridor in Clark. That will cover Central and Northern Luzon cases of heart, lung, kidney, and even cancer,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, matagal ng panahon ani Herbosa ang pagsisikap ng Department of Health (DoH) na i-replicate ang  specialty hospitals sa  ibang  lugar sa bansa, simula nang ipasa ang Sin Tax Law na nakatulong para pondohan ang programa sa  healthcare sector.

 

 

Tinukoy naman nito ang Northern Mindanao Medical Center (NMMC) Heart, Lung, and Kidney Center, at Davao City’s Southern Philippines Medical Center  na mayroon ding specialty services.

 

 

“Many of these places that have been built through the sin tax money have now eye centers, dermatology centers, cancer centers but it’s not getting the news. But the services are now available to people outside Metro Manila,” ayon kay Herbosa.

 

 

Ang proyekto aniya pa rin ay isasagawa sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP).

 

 

“We’re harnessing the private sector. I’d like to commend the private sector—they’ve been helping us a lot, reaching out, (saying) that they’re willing to help. The government alone can’t do it. The private sector also has a role in improving our health services and specialty services,” ani Herbosa. (Daris Jose)

‘Love the Philippines’ slogan mananatili – DOT

Posted on: July 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA KABILA ng mga pagbatikos sa ginawang promotional video, pananatilihin pa rin ng Department of Tou­rism (DOT) ang bagong slogan na ‘Love the Philippines’.

 

 

Kinumpirma ni Tourism Secretary Christina Frasco sa isang ambush interview sa 2022 Philippine Tourism Satellite Accounts and Tourism Statistics Dissemination Forum, nang tanungin kung patuloy na gagamitin ng DOT ang tourism slogan na inilunsad lamang noong noong Hunyo 27.

 

 

“I think that is evident,” maikling sagot niya sa press.

 

 

Paulit-ulit ding binanggit ni Frasco ang ‘’Love the Philippines’’ sa kanyang talumpati, at ipinakita rin ang slogan logo sa entablado ng kaganapan.

 

 

Ang DDB Philippines, ang ahensyang kinontrata para sa paglulunsad ng kampanya ay nagsabing mayroong isang “unfortunate oversight” hinggil sa pagsasama ng hindi orihinal na stock footage.

 

 

Nag-ugat ang kontrobersiya sa pagpuna ng blogger na si Sass Sasot na hindi bababa sa 5 eksena sa promotional video na dapat ay nagpo-promote ng mg panturistang destinasyon sa Pilipinas, ay hinaluan ng mga kuha ng rice terraces sa Bali, Indonesia, isang mangingisda na naghahagis ng net sa Thailand; isang passenger plane sa Zurich, Switzerland; nagluluksuhang dolphins; at isang nagmamaneho ng sasakyan sa sand dunes sa Dubai, United Arab Emirates.