• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 6th, 2023

Utang ng gobyerno ng PH, lumobo sa P14.10T noong Mayo – Bureau of Treasury

Posted on: July 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUMOBO sa ₱14.10 trillion ang kabuuang utang ng pamahalaan sa pagtatapos ng Mayo ngayong taon ayon sa Bureau of the Treasury.

 

 

Ang halaga ay tumaas ng 1.3% o ₱185.40 bilyon mula sa nakaraang buwan dahil sa net issuance ng panloob at panlabas na utang gayundin ang pagbaba ng halaga ng piso kontra sa US dollar.

 

 

Karamihan sa utang o 68% ay galing sa panloob na utang ng bansa, habang 32% ay mga panlabas na utang.

 

 

Ang panloob na utang ng bansa ay tumaas sa ₱9.59 trillion na mas mataas ng 1.4% o ₱130.67 billion kumpara sa naitala noong pagtatapos ng Abril. Ang pagtaas sa domestic debt ay dahil sa net issuance ng government securities kasama ng paghina ng halaga ng peso laban sa greenback.

 

 

Samantala, ang panlabas namang utang ng bansa ay umabot sa ₱4.51 trillion, tumaas ito ng 1.2% o ₱54.73 billion mula sa nakaraang buwan. (ARA ROMERO)

P850K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA MAYNILA, 4 NA TULAK, ARESTADO

Posted on: July 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG P850,00 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto sa apat na hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation sa Intramuros, Manila Miyerkules ng madaling araw.

 

 

Kinilala ang mga naaresto na suspek na si Victorino San Joaquin y Dimacali, alias Boss, 54,  ng 584-63 San Andres St. Brgy. 704, Malate, Manila dahil sa paglabag sa Section 5 (Selling, Distribution and Transportation Dangerous Drugs) at  paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II ng  Republic Act 9165;  Alvin Santos y Atencio, 36, isang construction worker ng 24 Oscaris St. Brgy. 384, Quiapo, Manila dahil sa paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165; Jenelyn Mendoza y Villanueva, 43 ng 24 Oscaris St. Brgy. 384, Quiapo, Manila  dahil sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II ng  Republic Act 9165 at  Tha Lumabao y Lingga, 40 ng  24 Oscaris St. Brgy. 384, Quiapo, Manila  dahil sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II ng  Republic Act 9165.

 

 

Sa ulat ni Police Corporal Asnor D Hamdag ng Manila Police District (MPD)-Ermita Police Station  , dakong alas-12:15 kahapon ng madaling araw nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit  ( SDEU) ng Ermita Police Station  sa. A Soriano St., malapit na panulukan ng Bonifacio Dr. Brgy.655, Intramuros, Manila.na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang tinatayang 125,00 gramo ng shabu na may street value na P850,000. GENE ADSUARA