MATAPANG na tumatalakay sa isyu ng mental health at suicide ang isa sa official entry sa Summer Metro Manila Film Festival na “Unravel” mula sa MavX Productions at kunsaan, kinunan buo sa Switzerland.
First time na pinagtatambalan ito nina Kylie Padilla at Gerald Anderson. At hindi itinanggi ni Kylie na siya mismo, dumaan din sa mental health issue. Inamin din niya na kinailangan din niyang kumonsulta ng professional help, lalo na sa mga pinagdaanan niya.
“Yes, I have… actually, I was diagnosed with post-partum depression and anxiety pagkatapos kong manganak sa pangalawa,” pag-amin niya.
“So I understand so much, ‘yung pinagdadaanan nila. And also, natutunan ko do’n, whenever you feel na you’re in a place na medyo dark, do’n ka dapat mag-speak-up lalo.
“Humingi ka ng tulong sa experts. Kasi, ‘yun ang chance to connect more. And I think, if ever na may message man, I think, that’s the message.”
At ito rin daw ang dahilan kung bakit nga tinanggap agad ni Kylie ang pelikula na kinuhanan buo sa Switzerland at mula sa MavX Productions.
Sabi pa niya, “That’s why I said yes sa movie, kasi, ‘yun ang gusto kong maramdaman ng mga tao na if ever you’re in his place, ask for help, connect with the people around you.
“We’re all humans and that’s something we experience together. Lahat tayo, we’ll go through it. Sana maalala natin na hindi tayo nag-iisa sa buhay.”
***
FIRST time pa lang pala na tumanggap ni Enchong Dee ng gay role.
At ito ay sa Summer Metro Manila Film Festival na “Here Comes The Groom” ng Quantum Films, Cineko Productions at Brightlight Productions.
It turns out, ang husay pala ni Enchong na gumanap ng isang gay, sa movie nga, transwoman pa bilang nagkapalit sila ng katawan ni KaladKaren or ni Jervi Li.
Sabi niya kung bakit daw siya tumanggap na ng gay role, “Bale po kasi, may mga pangyayari sa buhay natin na unexpected. Na akala ko, kapag meron nangyari sa buhay ko at nawala ‘yung mga bagay na ‘yon, I will be broken, I will be shattered, pero na-realize ko na when things started to change and fall, it was not bad.
“And na-realize ko na, okay, since nandito na ako sa situwasyon na ‘to ngayon at lalo na sa taong ito ngayon, I wanted to surprise my audience.
“I wanted to do something new to my audience that they will appreciate my craft and they will look at me as an actor and not someone who’s holding on sa past.”
Paulit-ulit na binabanggit ni Enchong ang “past” pero nang tanungin ito kung ano nga ang tungkol dito, sinabi na lang niya na, “Sigurado po ako na alam niyo kung ano ang nangyari sa past.”
Ang naiisip ng ilang press na um-attend ng premiere night ng “Here Comes the Groom” ay ang legal battle ni Enchong sa isang politician.
Sa isang banda, kahit ang director ng movie na si Direk Chris Martinez ay talagang hindi rin daw makapaniwala nang malaman na tinanggap ng ani Enchong ang movie kaya tuwang-tuwa raw siya.
(ROSE GARCIA)
UMAPELA ng dasal si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis.
KILALA na ng Cavite police ang suspek sa pagpatay sa isang Graduating student ng De La Salle University (DLSU) Dasmariñas na natagpuang wala ng buhay sa loob ng isang dormitory sa Dasmariñas City Cavite noong Marso 28, 2023.
UPANG mapanatiling sariwa sa kaisipan ng mga stakeholder ang safety practices sa paggawa, pagbebenta, pamamahagi at tamang paggamit ng mga produktong paputok, nagsagawa ng seminar ang Philippine Pyrotechnics Manufacturer Dealers Association Inc. kasama ang Philippine National Police Civil Security Group-Firearms and Explosive Office sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kamakailan.
IPATUTUPAD ang Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) sa 235 local government units (LGUs) na may pinakamataas na pasanin ng childhood stunting at undernutrition, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
MAS MAKABUBUTI sa mga estudyante at guro kung ibabalik ng Abril hanggang Mayo ang summer vacation dala na rin ng sobrang init ng panahon.
SINUSPINDE na ng Malakanyang ang trabaho sa government offices sa Abril 5, 2023 mula alas-12 ng tanghali, araw ng Miyerkules upang bigyan ng sapat na oras at panahon ang mga empleyado ng gobyerno na bumiyahe, papunta sa o pauwi mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
PATULOY na dinaragdagan ng administrasyong Marcos ang Kadiwa stalls sa bansa para makatulong sa mga mamimili sa gitna ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at tulungan ang lokal at maliit na negosyo.
SA mediacon na ginanap sa Kamuning Bakery, litaw na litaw pa rin kaguwapuhan ni Carlo Aquino na bida sa “Love You Long Time” na kung saan makatatambal niya ang baguhang young actress na si Eisel Serrano.