• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2023

Caritas Philippines, kasama sa mag-iimbestiga sa drug war killings sa bansa

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TIWALA  ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na tuluyan ng mabibigyan ng katarungan ang mga biktima ng war on drugs ng dating administrasyong Duterte sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug war killings sa bansa.

 

 

Ito ang mensahe ni Caritas Philippines executive director Rev. Fr. Antonio Labiao, Jr. matapos na aprubahan ng Pre-Trial Chamber (PTC) ng International Criminal Court na ipagpatuloy ni ICC Prosecutor Karim Khan ang imbestigasyon sa marahas na war on drugs.

 

 

“The resumption of the probe will allow due process to run its course and ensure justice and truth will prevail,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Labiao.

 

 

Pagbabahagi ng Pari, ang naturang hakbang ay isang paraab  upang tuluyan ng mapanagot at maparusahan ang lahat ng sangkot sa naging talamak na extra judicial killings sa bansa.

 

 

Umaasa din si Fr. Labiao na sa pamamagitan ng imbestigasyon ay muling maibalik ang integridad at tiwala ng taumbayan sa pamahalaan lalo’t higit para sa pagkakaroon ng transparency at patas na katarungang panlipunan.

 

 

“This is a step in the right direction to promote transparency, fairness, and trust in public institutions.” Dagdag pa ni Fr. Labiao.

 

 

Kaugnay nito, kabilang ang ilang institusyon ng Simbahang Katolika sa bansa sa bumubuo sa Technical Working Group on Human Rights na nangangasiwa sa pagbubuo ng isang human rights campaign at nakikipag-ugnayan sa UN Joint Programme on Human Rights para sa pagkakaroon ng suporta sa pagsusulong ng edukasyon, capacity building, documentation of cases, resource mapping, at pagbibigay ayuda sa mga biktima ng human rights violations sa Pilipinas.

 

 

Pinangungunahan ang nasabing Technical Working Group on Human Rights ng Caritas Philippines, CBCP, katuwang ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Swiss Catholic Lenten Fund, Bicol Consortium for Development Initiatives (BCDI) Inc., at ang Task Force Detainees of the Philippines.

 

 

Matatandaang inakusahan ng crimes against humanity si dating Pangulong Duterte at dating Philippine National Police chief at incumbent Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa mga kaso ng extrajudicial killings na may kaugnayan sa War on Drugs na inilunsad kasabay ng pagsisimula ng dating administrasyong Duterte noong taong 2016.

 

 

Sa pagtataya ng pamahalaan aabot lamang sa mahigit 6,000 ang nasawi sa War on Drugs ng nakalipas na administrasyon na taliwas sa datos ng mga human rights groups sa bansa kung saan aabot sa mahigit 30,000 indibidwal ang naitalang namatay. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Jullebee Ranara, inilibing na

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang labi ng pinatay na OFW na si Jullebee Ranara sa Golden Haven Memorial Park sa C5 Extension, Las Piñas City, Linggo, Pebrero 5.

 

 

Ayon kay Las Piñas City Police Station chief, P/Colonel Jaime Santos, nasa 20 pulis ang ipinakalat upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa paglilibing kay Ranara.

 

 

Sinabi ni Santos na bukod sa 20 pulis, naka-deploy din ang mga miyembro ng local traffic enforcers at ilang mga tauhan niya ang ipinoste sa loob ng sementeryo.

 

 

Nakipaglibing din ang 2 kapatid ni Joanna Demafelis, ang OFW na pinaslang din sa Kuwait noong 2018.

 

 

Ayon kay Joyce Demafelis, ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng pamilya Ranara.

 

 

“Sana mabigyan po [sila] ng hustisya agad-agad, hindi gaya sa amin, sobrang tagal po, at sana mabigyan na din po hustisya sa amin,” ani Demafelis.

 

 

Una nang nadiskubre ang sunog na bangkay ni Ranara noong Enero 22, 2023 sa isang disyerto sa Kuwait na pinaniniwalaang pinaslang matapos halayin at mabuntis umano ng 17-anyos na anak ng kaniyang amo. (Daris Jose)

Ads February 7, 2023

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Fans nila, maghihintay kung mapagbibigyan ang wish: SHARON at LORNA, gustong makapag-guest din sa ‘Batang Quiapo’ ni COCO

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MATAGAL na ring magkasama sa work, ang real-life sweethearts na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

 

 

Pero ngayon lamang sila magsisimulang magtrabaho as partners sa upcoming series na “The Write One,” kaya kung excited ang mga RuCa fans, excited din silang dalawa.

 

 

“Sanay kasi kaming dalawa, ‘yung  pahinga ng isa’t isa.  Hindi kami sanay na kami ‘yung magkatrabaho,” natatawang wika ni Bianca.

 

 

Si Ruru naman, labis ang pasasalamat sa GMA Public Affairs na siyang nag-produce  ng serye: “Ang sarap ng Public Affairs kasi nakikita mo young growth na magkakasama kayong lahat.”

 

 

Si Ruru ay unang bumida sa GMA Public Affairs’ fantasy action series na “Lolong,” na balitang magkakaroon ng part two.

 

 

Makakasama rin ng RuCa ang isa pang real-life couple, ang tambalan nina Mikee Quintos at Paul Salas, na una namang nagkasama sa “The Lost Recipe,” pero ngayon lamang sila gaganap as a couple.

 

 

At para sa 80s babies, tiyak na trip down memory lane ang muli namang pagtatambal ng real-life couple na sina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez.

 

At ngayong may partnership na ang Kapuso Network sa video streaming service na Viu, ang “The Write One,” ay unang mapapanood sa kanila.  Susundan ito ng “Love Before Sunrise” na una namang pagtatambal nina Dennis Trillo at Bea Alonzo sa GMA Network.

 

***

 

 

NAKATUTUWA naman ang mga mahuhusay na actress na sina Megastar Sharon Cuneta at Lorna Tolentino, gusto raw nilang makapag-guest sa “Batang Quiapo” ni Coco Martin for the Kapamilya Network.

 

 

Matatandaan na parehong nagkaroon ng participation sina Sharon at Lorna sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco.

 

 

Payag nga si Sharon kahit daw ang maging guest role niya, ay maging tindera lamang siya sa Quiapo.

 

 

At si Lorna, sana raw ay tulad din sa nakaraang serye, kinuha lamang siyang guest sa simula, pero naging regular na ang character niya hanggang sa pagtatapos ng serye.

 

 

Nagsimula nang mag-taping ang “Batang Quiapo” at tiyak na naghihintay na ang mga fans nina Sharon at Lorna, na kunin nga sila muling makabilang sa cast ng action series ni Coco, na una ring ginawa ng yumaong si Fernando Poe, Jr.

 

 

***

 

 

INI-ENJOY ng mga regular viewers araw-araw, ang panonood ng number one game show in the Philippines, ang “Family Feud” hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

 

 

Dahil talaga namang nakatutuwa ito at enjoy din ang viewers na makisagot sa mga tanong ni Dingdong sa mga contestants.

 

 

Kaya ngayon, mismong si Dingdong na ang nag-announced that viewers can now join as studio contestants.  Sa interview ni Lhar Santiago kay Dingdong sa Chika Minute ng 24 Oras,  sinabi niyang “open na po ang Family Feud para sa mga viewers.  Sila mismo ang contestants sa studio.

 

 

Kailangan lamang ang mga fans ay mag-submit ng kanilang video  to the Family Feud Philippines Facebook page, bisitahin lamang nila ang GMANetwork.com/FamilyFeudAuditions.

 

 

“Siyempre, sasalain natin kung sino ‘yung pinakakwela at sila ang magiging contestants,” dagdag pa ni Dingdong.

 

“Sali na at mag-enjoy kayong maging contestants ng ‘Family Feud’ na napapanood Mondays to Fridays, 5:40PM sa GMA-7.”

 

 

Meanwhile, inamin ni Dingdong na bukod sa “Family Feud” at “Amazing Earth” programs niya, naka-line up na raw ang gagawin niyang movie this year, at isa pang project na makakasama na niya ang wife niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

(NORA V. CALDERON)

Hoping na maipalabas sa 70th birthday ng National Artist: ALFRED, labis-labis ang pasasalamat kay NORA sa pagtanggap sa ‘Pieta’

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA storycon ng ‘Pieta’ na ginanap noong Biyernes sa Victorino’s Restaurant inamin ni Councilor Alfred Vargas na dream come true na makatrabaho sina Superstar Nora Aunor at Direk Gina Alajar.

 

 

Ang naturang pelikula ay ididirek ni Adolfo Alix Jr. at ang aktor din ang magpo-produce after ng matagumpay na ‘Tagpuan’.

 

 

Nilinaw naman ni Direk Alix hindi ito remake ng 1983 movie na ‘Pieta’ ni Carlo J. Caparas na pinagbidahan ni Ace Vergel kasama sina Vivian Velez at Charito Solis, na ginawa rin TV series ng ABS-CBN starring Ryan Agoncillo and Cherie Gil.

 

 

Hindi naman nakialam si Alfred sa pagpili ng title at nang malaman niya ang story ng movie, pasok na pasok naman ito, na kung saan gaganap silang mag-ina ni Ate Guy na sina Rebecca at Isaac.

 

 

Nakulong si Isaac dahil napatay ang ama at nang makalaya ay binalikan ang inang unti-unti nabubulag para alamim ang katotohahan pero wala na itong maalala dahil sa Alzheimer’s disease.

 

 

Sa naturang storycon parang nasa cloud nine pa si Kon. Vargas dahil hindi pa rin siya makapaniwala na tinanggap ng National Artist for Film and Broadcast ang ‘Pieta.’

 

 

Sabi  niya, “Unang-una, gusto kong magpasalamat sa the one and only Superstar, si Ate Guy, Miss Nora Aunor,.

 

 

“Dahil napasama ako sa pelikula niya at tinanggap niya itong project na ito. Noong tinanggap niya ‘yung project na ito, biglang lumaki ‘yung project. Thank you very much, Ate Guy,”

 

 

Pagbabahagi pa ni Alfred “Nagpunta po ako mismo sa bahay niya. Para akong umakyat ng ligaw, kasama si Direk Adolf. 

 

 

“Tapos tuwang-tuwa ako kasi napakamapili ni Ate Guy pagdating sa mga project. Eh, napili niyang gawin itong ‘Pieta’ with us.

 

 

“Second, I’d like to thank Direk Adolf Alix. Kasi concept niya ito, pelikula niya ito na nagkataon, eh, may bagay na role para sa akin. Direk, thank you, gusto naman kitang makatrabaho eversince eh, kahit noong Cinemalaya days pa.

 

 

“At least ngayon matutuloy, tapos Nora Aunor movie pa. Tapos Direk Gina Alajar pa, nandirito.”

 

 

Tungkol naman kay Direk Gina, “Si Direk Gina naman po, parang I feel very close to her. Kasi ang dami ko pong workshop days na nakasama siya.

 

 

“And siya rin po ‘yung nag-workshop sa akin to prepare me for my last film before, ‘yung ‘Tagpuan,’ na napakaganda rin naman. Kaya Direk Gina, thank you very much also for being with us sa project na ito. I’m looking forward.”

 

 

Pagmamalaki pa ng butihing aktor at konsehal, “At least masasabi ko po, sa career ko… dumating ‘yung panahon na sa pelikula ni Nora Aunor at Gina Alajar, ako po ang leading man!”

 

 

Ayon mismo kay Alfred, magsisimula na agad silang mag-shooting sa buwang ito at kapag natapos na ay isasali nila ito sa iba’t ibang international film festival.

 

 

Posible rin na targetin nilang maipalabas ang ‘Pieta’ sa Mother’s Day sa Mayo o kaya magkaroon ng world premiere sa birthday month nang nag-iisang Superstar na magsi-celebrate naman ng kanyang ika-70 na kaarawan sa May 21.

(ROHN ROMULO)

DOH, todo paalala sa mga naninigarilyo na itigil ang kanilang bisyo para iwas panganib at sakit sa puso

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TODO paalala ang Department of Health (DOH) sa mga naninigarilyo na huminto na o huwag subukang manigarilyo para sa mga non-smoker upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng mga sakit sa puso.

 

 

 

Ayon kay Dr. Maria Rosario Sylvia Uy ng DOH Disease Prevention and Control Bureau, ang paninigarilyo ay nauugnay sa mataas na panganib ng coronary heart disease.

 

 

 

Ang coronary heart disease ay isang uri ng sakit sa puso dahil sa kawalan ng oxygen na dumadaloy papunta sa puso.

 

 

 

Base kasi sa data mula sa Philippine Statistics Authority, ang ischemic heart disease o coronary heart disease ang pangunahing dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas maging sa buong mundo noong 2022.

 

 

 

Isa nga sa modifiable factors ng coronary artery disease ay ang paninigarilyo.

 

 

 

Sinabi pa ni Dr. Uy na ang mga naninigarilyo na mayroon ding iba pang commorbidities ay mas madaling makaranas ng atake sa puso.

 

 

 

Klaro din aniya base sa pag-aaral na kapag itinigil ang paninigarilyo halimbawa na lamang sa loob ng tatlong taong hindi paninigarilyo ay nababawasan ang banta ng pagkakaroon ng coronary artery disease at heart attack.

 

 

 

Makikita rin aniya sa mga pasyente na tumigil manigarilyo na tumataas ang high-density lipoprotein (HDL) na good cholesterol kaya’t mahalaga aniya ito.

 

 

 

Hinimok din ni Segundo ang mga naninigarilyo na ugaliing magkaroon ng healthy lifestyle at may mga doktor din na makakatulong kapag nahihirapang talikuran ang bisyo.

 

DA, pinalakas ang pagsisikap kontra agri goods wastage

Posted on: February 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAIGTING ng  Department of Agriculture (DA) ang pagsisikap nito npara masiguro na mayroong  zero sa  minimal wastage para sa  agricultural commodities sa bansa.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng DA na palalakasin nito ang ugnayan sa mga  industrial buyers para tulungan ang mga producers na maka-secure ng merkado para sa  kanilang produksyon.

 

 

“The Department of Agriculture (DA) is intensifying market linkages through contract farming with hotels, restaurants and other institutional buyers on the procurement of surplus harvests,” ayon sa DA.

 

 

“The program will be in the form of relevant assistance and interventions seen to facilitate the transport of produce to areas where these are in demand, with zero to minimal wastage and supply of excess agricultural goods,” dagdag na wika ng DA.

 

 

Ang pahayag na ito ng  DA ay kasunod ng ulat ng small tomato wastage sa Nueva Vizcaya.

 

 

“Reports on the dumping of some 500 kilos of small tomatoes, valued at PHP8 to PHP12 per kilogram, from the Nueva Vizcaya Agricultural Trading (NVAT) on January 25, 2023 (are) being looked into by the DA,” ayon sa DA.

 

 

Sinabi ng  NVAT na ang preference ng mga consumers para sa larger tomatoes na binebenta sa kaparehong price range ay maaaring maging dahilan ng usapin.

 

 

At upang maiwasan ito, binigyang diin ng DA ang pangangailangan para sa sapat na  food mobilization strategy.

 

 

“(This) will be realized through the distribution of delivery trucks and vegetable crates to more farmers’ cooperatives and associations (FCAs) and municipalities under the agency’s Enhanced Kadiwa grant,” ayon sa departamento.

 

 

Sa pamamagitan ng estratehiyang ito, naniniwala ang departamento na ang problema sa oversupply ay dapat na “i-minimized” hanggang sa makamit ng administrasyon ang layunin nito na tulungan ang mga magsasaka na kumita ng mas marami at malaki at tiyakin ang sapat na suplay ng agricultural commodities para sa mga consumers sa merkado.

 

 

Samantala, na-identify na ng DA ang  10 municipal beneficiaries ng nasabing distribusyon.

 

 

Ang  administasyon, sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. , kasalukuyang Kalihim ng DA  ay nauna nang nangako na pahusayin ang kabuuang  value chain ng bansa para makatulong na makamit ang food sufficiency targets. (Daris Jose)

Presyo ng itlog sa ibang bansa, tumaas din—DA

Posted on: February 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SUMIRIT  din ang presyo ng itlog sa ibang bansa.

 

 

Dahil dito, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na hindi “exclusive” para sa Pilipinas ang pagtaas ng presyo ng itlog kundi ito’y  kasalukuyang global issue.

 

 

Base sa pinakabagong data ng DA,  sa kanilang price monitoring , makikita rito na ang medium-sized eggs ay may presyo na P9  kada piraso sa ilang pamilihan sa Kalakhang Maynila.

 

 

Gayunman, sinabi ng ahensiya na ang presyo ay hindi dapat na tumaas na kasing-taas ng kanilang ‘current rate’ lalo na kung ibabase sa  production costs.

 

 

“Mayroon po tayong nakita na P6.20 na cost to produce tapos syempre may iba pang incidental cost P7 pero again to factor in agricultural input at P7.20 tapos ‘yung byahero plus retailer ang per piece po hindi po dapat aabot ng P9 per piece ang itlog,” ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista.

 

 

Sa kabilang dako, batay naman sa pinakabagong survey ng Philippine Egg Board (PEB), ang farmgate prices sa iba’t ibang parte ng bansa ay ang mga sumusunod:  P5.93 kada piraso sa Cebu;  P6.50 sa Laguna, at P9 sa Iloilo.

 

 

Sinabi pa rin ng PEB na ang pagtaas ng presyo ay problema rin sa ibang bansa gaya ng Japan,  Estados Unidos, at New Zealand.

 

 

Sa ulat, ang presyo ng itlog sa New Zealand ay P20.76 kada piraso piece; P17.59  kada piraso sa Amerika; P11.41 kada piraso sa United Kingdom, at P8.58 kada piraso sa  Japan.

 

 

“Hindi lamang ito sa Pilipinas nararanasan but we are open din to look for a solution that will protect our producers,” dagdag na pahayag ni Evangelista.

 

 

“One of the solutions to lower the prices is to reduce the production costs of egg farming,” ayon naman sa DA.

 

 

Subalit para sa Philippine Egg Board Association (PEBA), mahalaga na konsultahin ang lahat ng stakeholders at pag-aralan ang karagdagang halaga na ipinataw sa pagbebenta ng itlog.

 

 

“Kausapin din nila ‘yung mga middleman, ‘yung mga biyahero tsaka ‘yung mga retailers para tanungin nila bakit ganoon,” ayon kay PEBA chairperson Gregorio San Diego. (Daris Jose)

Pag-IBIG, nakapagtala ng all-time high members’ savings na P79.9B para sa taong 2022

Posted on: February 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng  Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG na nakapag-save ang mga miyembro nito ng  P79.9 bilyon noong 2022, isang record-high savings ng mga miyembro nito sa isang ‘single year.’

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Pag-IBIG na may  P80 bilyong piso ang na-save  ng mga miyembro nito noong nakaraang taon, itinuturing na pinakamataas ng ahensiya sa nakalipas na 42 taon.

 

 

Lumago ito ng 25% o P16.2 bilyon mula sa P63.7 bilyon na nakolekta noong  2021.

 

 

Bahagi ng total savings ay ang  Pag-IBIG Regular Savings ng ahensiya, na tumaas ng 6% mula sa  P37.71 bilyon noong 2021 hanggang P40.06 bilyon noong 2022.

 

 

“The sustained growth in Pag-IBIG Members’ Savings collections has been truly remarkable. It denotes our members’ trust and confidence in our programs, and our capacity to manage each hard-earned peso they have saved with us,” ayon kay Housing Secretary Jose Rizalino Acuzar, pinuno ng  Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

 

 

“And, as our collections remain strong, we remain able to finance and maintain the low interest rates of our loan programs. These are among our many efforts in adhering to the call of President Ferdinand Marcos, Jr. towards advancing the welfare of our fellow Filipinos,” ayon kay Acuzar.

 

 

Sinabi naman Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta, ang MP2 Savings ng ahensiya ay nagpapatuloy para isulong ang paglago ng savings ng mga miyembro nito.

 

 

Pinapanatili naman ng voluntary savings program ang paglago noong 2022, habang ang mga miyembro  members saved a record-high P39.84 billion in the program, up 53%, or P13.89 billion from the P25.95 billion collected in 2021.

 

 

“We are happy that we continue to gain the trust of our members, as shown by the record-high amounts that they have saved with us in 2022, as well as in the past years. This shows their growing appreciation of the value in saving with Pag-IBIG Fund,” ayon kay Acosta.

 

 

“That is why we remain committed in responsibly and prudently managing their savings, so that we can provide them the best possible returns,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

206 big ticket projects sa ilalim ng PBBM admin pinag-aaralan na – NEDA

Posted on: February 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN na ngayon ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang nasa 206 big ticket o high impact projects sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

 

 

Ayon sa NEDA gagawa na sila ng pinal na listahan ng mga pangunahing proyekto sa pagtatapos ng unang quarter ng 2023 kasunod ng inisyal na pagpapalabas ng pitong high-impact projects nitong linggo.

 

 

Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, kasalukuyang sinusuri na ng socioeconomic planning body ang mahabang listahan ng mga proyekto.

 

 

“So far, mga 206 iyong nasa listahan ngayon. And that’s just for iyong tinatawag nating magiging flagship. That could still be trimmed down, iyon nga tinitingnan natin iyong viability nito,” sabi ni Edillon.

 

 

Sinabi rin ng opisyal ng socioeconomic planning na ang mga proyekto ng gobyerno ay popondohan sa pamamagitan ng iba’t ibang scheme tulad ng public private partnership (PPP), grant at government allocation.

 

 

Punto ni Edillon, sa pagpapatupad ng mga PPP projects, tututukan ng administrasyon ang mga solicited PPPs, o iyong mga well-crafted at vetted projects, na maaaring makatulong sa gobyerno na makamit ang mga target nitong paglago ng ekonomiya, pagtaas ng trabaho at pagbabawas ng kahirapan.

 

 

“Iyong the benefits versus the cost, of course. Kasi mas mahabang listahan mo, ito iyong mga 3,000 projects iyon, all the way to 2028. But, like I said, iyong listahan na iyon, we will come up with it, it will be uploaded again on the NEDA website by the end of this first quarter,” dagdag pa ni Edillon.

 

 

Kabilang sa mga high-impact project na inaprubahan ng NEDA Board, na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang pagtatatag ng 300-bed capacity na University of the Philippines (UP)-Philippine General Hospital (PGH) Cancer Center-Public Private Partnership (PPP), pagtaas ng gastos ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) rehabilitation project, paggamit ng balanse ng pautang ng Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa bagong Communications, Navigation, Surveillance-Air Traffic Management (CNS- ATM), at ang pagtatayo ng bagong Dumaguete Airport Development Project.

 

 

Kasama rin sa iba pang mga proyektong inaprubahan ng NEDA board ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIDP) ng Department of Agriculture, at ang P20-bilyong unang bahagi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Integrated Flood Resilience and adaptation project sa tatlong pangunahing ilog sa bansa.