ISANG memorandum ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naglalaman kung saan ang mga operators ng traditional jeepneys, UV Express at multicabs ay hindi na papayagan ng mag operate kung hindi sila lalahok sa isang kooperatiba o magtatayo ng korporasyon.
Binigyang hanggang June 30 ang mga operators na sumunod sa nasabing memorandum. Pinahaba ng LTFRB ang deadline na dapat sana ay sa March 31.
Nilabas ng LTFRB ang nasabing memorandum kahit na may matinding oposisyon ang mga samahan ng mga transportasyon na kanilang tinututulan ang phase-out ng mga traditional jeepneys.
Susog sa programa ng pamahalaan sa Public Utility Vehicle Modernization (PUVMP), ayon na rin sa LTFRB, ang mga operators na mabigong sumunod sa consolidation requirement ay pawawalang bisa ang kanilang prangkisa o ang tinatawag na certificates of public convenience (CPC).
“The CPC of the operators who fail to join the existing consolidation entity after June 30 will be reverted to the state. The franchises of PUV operators who fail to join a cooperative or corporation will be automatically rewarded to the existing consolidated entity operating on the same route,” ayon sa LTFRB.
Subalit kung makakasunod sila sa tinakdang deadline sa June 30, bibigyan ang mga operators ng provisional authority hanggang Dec. 31.
Tinututulan ng mga transport workers ang programa kung saan ayon sa kanila ay anti-poor at maaaring magsulong ng monopoliya sapagkat kailangan silang sumunod na magkaron ng multimillion-peso na modern jeepneys at route consolidation.
Maaari naman na ang mga maaapektuhang operators ay mag apela sa social intervention initiatives ng pamahalaan.
“There will be mediation procedures in case of rejection in an existing consolidated entity, be it a cooperative or a corporation,” saad ng LTFRB.
Ayon sa LTFRB matagal ng naantala ang pagpapatupad ng programa upang matulungan ang mga transport operators na naapektuhan ng pandemya at ng pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina. LASACMAR
BINALAAN ng National Housing Authority (NHA) ang mga housing beneficiaries na huwag ibenta o paupahan ang pabahay na ibinigay sa kanila ng pamahalaan.
NA-MISS na pala ni Sanya Lopez ang paggawa ng action projects.
RUSSELL Crowe plays the titular role in Columbia Pictures’ supernatural horror thriller The Pope’s Exorcist, inspired by the true story of Father Gabriele Amorth, Chief Exorcist of the Vatican.
ISA rin si
PORMAL na ngang ni-launch ang newest beauty brand na Jullien Skin ang kanilang much-awaited rejuvenating set na kung saan ina-assure ang mga Filipino consumers ng healthy and radiant skin without breaking the bank.
IPINAGMALAKI ni Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. na malaki ang ibinaba ng bilang ng terorismo sa bansa nang makipagkita kay Australian Deputy Prime Minister Richard Marles kahapon.
SA GITNA na rin ng mataas na inflation, isinulong sa Kamara na mabigyan ng tig-P5,000 ayuda ang nasa 4 milyong minimum wage earners sa bansa.
PATAY ang isang suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Alonto Adiong Jr. na siyang ikinamatay ng apat na katao, ito matapos daw niyang “makipagbarilan” sa composite police team.