• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2022

Babaeng football referee sa Japan labis ang kasiyahan matapos mapili na maging referee sa World Cup

Posted on: August 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LABIS ang kasiyahan ni Yoshimi Yamashita matapos na mapili bilang kauna-unahang babaeng professional football referee ng Japan.

 

 

Ang 36-anyos na si Yamashita ay napiling magiging referee ng World Cup na gaganapin sa Qatar sa buwan ng Nobyembre.

 

 

Kasama nitong napili sina Stephanie Frappart ng France at Salima Mukansanga ng Rwanda.

 

 

sa kasalukuyan kasi ay naka-kontrata ito sa Japan Football Association at nagtuturo ito sa paaralan.

 

 

Siya rin ang unang babae na humawak ng football game ng mga kalalakihan.

 

 

Ang tatlong referee ay napili sa mga kabuuang 36 na referees para sa World Cup sa listahan na mayroong 69 na assistants.

Pinoy bets may 3 golds sa Para Games

Posted on: August 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMANA ang Team Phi­lippines ng tatlong gintong medalya mula sa swimming at athletics sa ASEAN Para Games na ginaganap sa Surakarta, Indonesia.

 

 

Pinamunuan nina Asian Para Games gold medalist Ernie Gawilan at Roland Sabido ang matikas na kamada ng Pinoy squad kahapon matapos mamayagpag sa swimming competition.

 

 

Hataw si Gawilan sa men’s 400m freestyle S7 TF event  habang nanguna si Sabido sa men’s 400m freestyle S9 class.

 

 

“Salamat po may ambag na ako sa Team Phi­lippines. Salamat po Philippine Sports Commission at NSA namin NPC Philspada at sa lahat po nang mga naniniwala sa amin,” ani Gawilan.

 

 

Nagparamdam din si trackster Cendy Asusano na bumanat ng ginto sa athletics competition.

 

 

Nagreyna si Asusano sa women’s javelin throw F54 event para masiguro ang ikatlong ginto ng Pilipinas.

 

 

Bukod sa tatlong ginto, nakahirit din ang Pilipinas ng isang pilak at limang tanso sa iba’t ibang events.

 

 

Kumana ng pilak si Arnel Aba sa men’s 400m Freestyle S9 event sa swimming.

 

 

Nagdagdag naman ng dalawang tanso ang table tennis bets kung saan pumangatlo sina Jobert Lumanta at Jayson O­campo sa Men’s Table Tennis Class 8 category.

 

 

Naka-tanso rin sina Smith Billy Cartera, Racleo Martinez at Darwin Salvacion sa Men’s Table Tennis TT4 event

 

 

May tansong medalya rin sina Jesebel Tordecilla ng athletics sa Women’s Discus Throw F55, Edwin Villanueva ng swimming sa Men’s 400m Freestyle at Daniel Enderes Jr. ng athletics sa Men’s 5000m T20 event.

 

 

Puntirya ng Pilipinas na malampasan ang 20 ginto, 20 pilak at 29 tansong medalyang nakamit nito noong 2017 Asean Para Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

 

 

Hindi nagdaos ang Asean Para Games noong 2019 edisyon dahil pumutok ang coronavirus disease (COVID-19).

Special Education Learners sa Navotas, binigyan ng tablets

Posted on: August 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga tablets ang aabot sa 312 tablets para sa Learners with Special Education Needs (LSENs) na mga residente ng lungsod.

 

 

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay mula sa pondo ng Gender and Development (GAD) ng lungsod.

 

 

Maliban sa mga tablet na para sa Special Education learners, nagbigay din si Tiangco ng 500 tablets para sa mga estudyanteng Grade 1 hanggang 12 sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng pondo ng Navotas City Council for the Protection of Children.

 

 

Bahagi aniya ito ng mga hakbang upang maging mas inklusibo ang sistema ng edukasyon sa lungsod at bilang tulong sa kahandaan ng mga mag-aaral na Navoteño sa susunod na pasukan.

 

 

Hinimok ni Mayor John Rey ang mga estudyante na patuloy na magsikap sa kanilang pag-aaral upang maabot ang kanilang mga pangarap. Siniguro rin niya ang patuloy na pagsulong sa mga proyektong magpapataas pa sa kalidad ng edukasyon sa Navotas.

 

 

“Naniniwala po tayo sa kahalagahan ng edukasyon sa pagtupad ng mga pangarap ng ating mga kabataan. Kaya sisikapin nating patuloy na makapagsusulong ng mga proyekto at programang mag-aangat pang lalo sa kalidad ng edukasyon para sa mga Navoteño,” pahayag ni Mayor Tiangco sa kanyang speech sa ginanap na simpleng turnover at distribution ceremony. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

KASO NG OMICRON SUBVARIANT BA 2.75, NAITALA SA BANSA

Posted on: August 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT  ng Department of Health (DOH) nitong Martes na naitala ng bansa ang mga unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.75 na kaso.

 

 

Sinabi i ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang unang dalawang kaso ng BA.2.75 subvariant ay parehong mula sa Western Visayas na aniya ay kapwa nakarekober na sa virus.

 

 

Samantala, nakapagtala din ang bansa ng 1,015 karagdagang kaso ng BA.5 na natukoy sa lahat ng rehiyon maliban sa Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.

 

 

Tatlong returning Overseas Filipinos ay na-test ding positibo sa  BA.5.

 

 

Sa mga bagong kaso ng BA.5, 883 na ang naka-recover, 84 ang sumasailalim pa rin sa isolation, habang ang status ng 48 iba pa ay bineberipika pa rin, sabi ng DOH.

 

 

Nasa 26 na bagong kaso ng BA.4 din ang natukoy ayon pa sa DOH.

 

 

Sa bilang na ito, anim ang mula sa National Capital Region; apat mula sa  Visayas; tig dalawa sa Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Davao Region, Soccsksargen, at  Cordillera Administrative Region; at isa sa Ilocos Region.

 

 

Sa karagdagang mga pasyente ng BA.4, 21 na ang na-tag bilang naka-recover, dalawa ang naka-isolate pa, habang ang resulta ng tatlo pa ay bineberipika.

 

 

Ayon pa kay Vergeire,  nakapagtala rin ang bansa ng 18 bagong kaso ng BA.2.12.1.

 

 

Limang indibidwal ang mula sa National Capital Region, tig-tatlo mula sa Ilocos Region at CAR; tig-dalawa mula sa Western Visayas, Central Visayas, at Calabarzon; at isa mula sa Cagayan Valley.

 

 

Sa mga bagong na-detect na kaso ng BA.2.12.1, 13 na ang naka-recover ngayon, apat ang naka-isolate pa, habang inaalam pa ang status ng isa pang pasyente.

 

 

Sinabi ng DOH na ang pagkakalantad at kasaysayan ng paglalakbay ng mga bagong natukoy na kaso ng mga subvariant ng Omicron, kabilang ang mga unang kaso ng BA.2.75, ay biniberipika pa rin. (Gene Adsuara)

Imprastraktura dahil sa Abra quake sumirit na sa P1B

Posted on: August 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa mahigit isang bilyon ang halaga ng nasirang imprastraktura dahil sa magnitude 7 na pagyanig sa Abra, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes.

 

 

Batay sa inilabas na situational report ng ahensya nitong alas-8 ng umaga, 1,470 na ang kabuuang bilang ng nasirang imprastraktura na siyang nagkakahalaga ng Php1,252,288,371.81.

 

 

Sa 1,470, 722 dito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), 596 mula Region 1, 131 mula Region 2, 12 mula National Capital Region (NCR), at 9 mula Region 3.

 

 

Dagdag pa rito, inulat din ng NDRRMC na sumipa na sa P15,264,476 ang kabuuang halaga ng produksiyong nawala at pinsala sa Kagawaran ng Agrikultura samantalang P4,500,000 naman sa National Irrigation Administration.

 

 

Bukod dito, iniulat din na nasa 1,248 indibidwal na ang inilikas at 27 munisipalidad na ang isinailalim sa state of calamity.

 

 

Batay sa pinakabagong datos ng ahensya, siyam na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong nasawi dahil sa pagyanig na silang nagmula lahat sa CAR samantalang 376 naman ang nagtamo ng injury ?— 374 mula CAR at dalawa naman mula Region 2.

 

 

Nito lamang nakaraang Miyerkules, ika-27 ng Hulyo, niyanig ang Tayum, Abra na may lalim na 17 kilometero.

 

 

Bukod sa naturang probinsya, naramdaman din ang pagyanig sa mga karatig bayan nito at maging sa Metro Manila. (Ara Romero)

Top seed USA ginulat ng Uzbekistan, team PH inilampaso ang Monaco sa Day 4 ng World Chess Olympiad

Posted on: August 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GINULAT ang national team ng Estados Unidos ng bansang Uzbekistan matapos ang Day 4 sa nagpapatuloy na 44th FIDE Chess Olympiad sa Mahabalipuram sa bansang India.

 

 

Ito ay makaraang magawang maitabla ng Uzbekistan ang kanilang harapan sa score na tig-dalawang panalo.

 

 

Tanging ang Filipino-American at supergrandmaster na si Wesley So ang nagtala ng panalo sa Amerika sa kanyang solidong game sa Board 3.

 

 

Pero nasilat naman ang top board nila na si GM Fabiano Caruana.

 

 

Ang dalawa pang players na sina GM Levon Aronian at Sam Shankland ay nagkasya lamang sa draw game.

 

 

Kaugnay nito nalaglag tuloy sa ika-11 pwesto ang Team USA.

 

 

Samantala, ang Team Pilipinas naman ay umangat ang standing sa number 31 na nilalahukan ng mahigit 100 mga bansa.

 

 

Ito ay matapos na ilampaso ng mga Pinoy ang team ng Monaco sa score na 3.5, habang ang kalaban ay meron lamang point 5.

 

 

Nagtala kasi ng mga panalo sa Board 2 si GM John Paul Gomez, GM Darwin Laylo at si GM Paulo Bersamin.

 

 

Ang top board na si GM Rogelio Barcenilla ay naitabla ang laban.

 

 

Samantala ang home team na India ay nangunguna pa rin na sinusundan ng Armenia, Israel at England.

 

 

Sa women’s division naman ang Team Pilipinas ay nasa pang-39 na puwesto.

Hirit ng netizens, makatagpo na sana ng kanyang ‘Captain Ri’: KC, nagpunta rin sa famous location ng ‘Crash Landing On You’ sa Switzerland

Posted on: August 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG sarap talagang ulit-ulitin ang short video sa IG post ni KC Concepcion na kung saan makikita ang mga magagandang lugar na kanyang pinuntahan.

 

Say ni KC, “Alam ko mahilig ang mga Pinoy sa malamig na lugar pag nagtatravel pero gandang ganda ako sa Europe pag summer ☀️ Lumalabas lahat ng color~ feel na feel ko talaga ung greens and blues ng Mother Nature (nakaka @wwfphilippines

 

dibaaa?!) 😜🐝 ✨🥰 “And… May snow parin ang mga Swiss Alps kahit tanghaling tapat!!! Heat wave pa dito!! Paano?? 😋🏔❄️”

 

Ilang araw, nag-post uli si KC na tila may hugot sa kanyang pagbisita sa very famous at dream destination lalo na ng mga Pinoy, ang naging location ng ‘Crash Landing On You’ na matatagpuan sa Lake Brienz, Switzerland.
After niyang um-attend sa wedding ng kanyang half-sister na Cloie Syquia sa Sweden, sa Switzerland ang next destination ng panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta.

 

Kasama rin ng short video at nilagyan niya ng caption na pinakita niya ang nakabibighaning lugar, “ang buhay ay sadyang ganyan 🌧 umaaraw. umuulan.”

 

Kasama ang mga hashtags na:

#crashlandingonyou #cloy #lakebrienz #strandhotel #sigriswilpanoramabridge #iseltwald #schweiz #europeansummer #europe #europeanstyle #swiss #summer #filmset #grindelwald #jungfrau #rainyday #travel #switzerland”

 

Tuwang-tuwa nga ang mga netizens sa mga places na pinuntahan ni KC, pero parang ‘yun iba ay nag-comment ng kanilang mga hugot o wish para kay KC…

 

“#CLOY May you find your Captain Ri near the Lake.”

 

“Kamusta na KC Concepcion💖 miss you na. Sana mag asawa ka na please🙏🙏🙏

 

“Hopefully kasama na niya ang future husband niya katabi na niya ngaun…”

 

Aliw na aliw na naman ang mga marites sa pinaggagawa ni KC, na true lang carry na talaga na niya magpabongga, kahit saan niya gustong mag-travel, magagawa niya. Kaya say nila:

 

“From Sweden to Switzerland grabe dami pera talaga ni KC.”

 

 

“Ang sarap ng buhay ni KC parang puro travel nalang ginagawa nya sa buhay.”

 

 

“Swerte no? may mayamang pamilya, sunod sa luho, nakapagtapos sa ibang bansa. travel travel kahit hindi kumayod ng bongga. iba si ate mo sana all na lang talaga.”

 

 

“ang bongga kasi isang buwan na sya jan (Sweden Switzerland combination)”

 

 

Paliwanag ng iba pa:

 

“Pag nsa EU, susulitin mo mga kalapit country ksi mostly by train lang nsa kabilang ibayo ka na hehe, sayang naman ung jetlag kung sweden lang sya pupunta.”

 

 

“True! Pwede daw lakbayin by train or car at nasa another country sabi lang sa akin.”

 

 

“KC is not an ordinary person like you who has no idea how to earn money without working like a carabao. It’s called passive income. KC has been financially independent after college. Siguradong maraming financial and business investments yan. And this is something you have no knowledge about.”

 

 

“maliit pa lang si KC ang dami na n’yang endorsement. Oo mayaman si mega pero hindi dependent si KC kay Sharon.”

 

 

“may point ka naman talaga, sabi ni sharon sa vlog nya lahat ng kinita ni kc sa endorsement mula baby pa sya binagko ni sharon, yung iba ininvest sa real estate yung iba sa mga stocks at nung nasa 20s na si kc lahat yung binigay nya kay kc.”

 

 

“Favorite apo yan ng Mamita nya. Lolo nya matagal naging mayor ng Pasay. She probably got her inheritance from grand parents and not Sharon.”

 

 

“I’m watch vlogs ni kc kanina, nung nasa LA sya nag hire sya ng driver ang bongga tapos she hired Hollywood’s stylist then nag shopping ng expensive clothes para um attend ng hbo premiere bumili sya ng furniture for her apartment, tumira ng 8 months sa LA ang bongga talaga.”

 

 

Pero pati yun ginamit na quote ni KC sa post ay binigyan ng kahulugan ng ilang netizens:

 

“She quoted a song of Rivermaya – umaaraw umuulan. does she miss Rico Blanco?”

 

 

“Oo nga! Si Rico ata ang TOTGA niya.”

 

 

“Siguradong hindi niya iniisip si Rico noong sinabi niya iyon dahil ordinary quote lang naman iyon ng kahit sino.”

(ROHN ROMULO)

 

Pamahalaan naghahanap pa ng ibang rail financing mula sa ibang bansa

Posted on: August 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANAP pa ng ibang rail financing sources ang pamahalaan mula sa ibang bansa matapos magbigay ng exorbitant rates sa interest ang bansang China.

 

 

Samantala patuloy na nakikipag negotiate pa rin naman ang pamahalaan sa bansang China para sa mga proyekto sa railways habang naghahanap na rin ng ibang funding sources ang Pilipinas.

 

 

 

Ating maaala na hindi na tinuloy ng pamahalaan ang financing application ng tatlong proyekto sa railways na may kabuohang gastos na P276 billion subalit bukas pa rin ito sa renegotiation.

 

 

 

“With the project’s staggering cost, the government may consider official development assistance or public-private partnership to put the projects back on track,” wika ni President Ferdinand Marcos, Jr.

 

 

Gusto ng China na mag charge na three percent para sa interest rate kung saan sinabi ng pamahalaan na masyadong mataas ito. Ang Japan naman ay nagpapatong lamang ng P0.1 percent para sa interest rate.

 

 

Ayon naman kay DOF undersecretary Mark Dennis Joven na kanilang pinagaaralan ang mga issues tungkol sa project cost laban sa financing cost.

 

 

Isa sa mga proyekto sa railways ay ang P142 billion na PNR Bicol o ang tinatawag na South Long Haul na siyang magdudugtong sa Laguna at Albay.

 

 

Ang nasabing PNR Bicol project ay mayron pitong (7) contract packages, apat (4) para sa civil works, dalawa (2) sa trains at isa sa project management consultancy. Ayon kay Joven na humihingi sila ng two percent fixed rate para sa kontrata ng management consultancy.

 

 

“We are pursuing talks with the Chinese for the remaining six contract packages, with China indicating a rate of at least equal to the marginal funding cost of China Eximbank, which is currently around three percent,” saad ni Joven.

 

 

Maliban sa PNR South Long-Haul project, kasama rin ang dalawa pa na proyekto sa railways. Ito ay ang Subic-Clark Railway at Davao-Digos segment ng Mindanao Railway Project (MRP).

 

 

Ang kontrata para sa P142 billion PNR South Long-Haul Project o Bicol Express ay binigay sa joint venture ng China Railway Group Ltd., China Railway No.3  Engineering Group Co. Ltd. At China Railway Engineering Consulting Group Co. Ltd noong nakaraang January.

 

 

Samantalang ang P51 billion Subic-Clark Railway Project ay binigay sa China Harbour Engineering Co. noong December 2020.

 

 

Ang P83 billion Tagum-Davao-Digos segment ng MRP ay nahinto na rin matapos ang China ay mabigong magbigay ng listahan ng mga contractors para sa design-build contract. LASACMAR

DBM, ipinalabas ang mahigit sa ₱8 bilyong cash allocation para sa rice farmers’ subsidy

Posted on: August 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang notice of cash allocation na nagkakahalaga ng mahigit sa ₱8 bilyong piso para pondohan ang subsidiya para sa mga  eligible na rice farmers.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng departamento na inaprubahan ni DBM Sec. Amenah Pangandaman, araw ng Biyernes, Hulyo 29,2022, ang pagpapalabas ng  Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalaga ng ₱8,053,474,140 sa Department of Agriculture (DA).

 

 

“This will fund the distribution of the ₱5,000 subsidy for more than 1.5 million rice farmers affected by the impact of the Rice Tariffication Law on the third and fourth quarter of 2022,” ayon sa DBM.

 

 

Alinsunod din ito sa implementasyon ng  ₱3 billion Rice Farmers’ Financial Assistance (RFFA) program na nagbibigay ng financial support sa mga small-time rice farmers.

 

 

“Our farmers deserve our help and care. The immediate release of cash assistance could provide relief to our rice farmers given the recent natural calamities they experienced,” ayon kay Pangandaman.

 

 

Ang unconditional cash aid ay maaari ring makatulong sa mga rice farmers sa pagbili ng rice inputs gaya ng fertilizer at farm machinery.

 

 

Sakop din ng  NCA ang “service fee” kabilang na ang halaga ng card generation, Rice Competitive Enhancement Fund-RFFA sa ilalim ng Development Bank of the Philippines. (Daris Jose)

FIBA World Cup mascot ipinakilala na

Posted on: August 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang ipinakilala ang official mascot ng prestihiyosong FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas, Japan at Indonesia.

 

 

Pinangalanan ang mascot ng JIP na initials ng Japan, Indonesia at Pilipinas — ang tatlong host countries ng world meet.

 

 

Napili ang pangalang JIP mula sa mahigit 100,000 na sumali sa pa-contest ng FIBA noong nakaraang linggo para pangalanan ang official mascot.

 

 

“The name JIP is a perfect match for this beautifully designed mascot as it incorporates and unites all three host nations,” ani FIBA Basketball World Cup 2023 executive director David Crocker.

 

 

Pinangunahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagpapakilala sa World Cup mascot.

 

 

Ginanap ang official announcement sa Pilipinas kasabay sa Japan at Indonesia.

 

 

Ayon kay SBP president Al S. Panlilio, ang mascot na si JIP ay nagsisimbolo ng magandang samahan ng tatlong bansa para kapit-kamay na maitaguyod ng matagumpay ang World Cup.

 

 

May kuwento kung paano nabuo si JIP.

 

 

Istorya ito ng ng tatlong fans na nagkakilala online na sina Caloy na mula sa Pilipinas, Kota mula sa Japan at Dewi mula sa Indonesia para mabuo ang basketball robot.

 

 

Pagkakaisa ang simbolo ng robot na kailangan na kailangan hindi lamang sa Japan, Indonesia at Pilipinas maging sa buong mundo na dumaranas ng pandemya sa kasalukuyan.