MUKHANG nasabik ang mga kababayan nating Pinoy na nasa Dubai, kaya naman naging matagumpay ang pagbabalik sa live concert events doon, pagkatapos ng two years na binawalan ang mga shows abroad at pahirapan sa pagbibiyahe dahil sa Covid-19 pandemic, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Kaya matagumpay ang pagbabalik live concert na ginawa ng GMA Pinoy TV last March 30 dahil libu-libong mga Pinoy ang dumalo para mapanood ang Stronger Together: GMA Pinoy TV @ Expo 2020 Dubai, ang pinakamalaking expo sa mundo.
Pinangunahan ito nina Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose, The Clash Champion Jessica Villarubin, at new Kapuso actor Xian Lim, dahil jampacked ang Dubai Millennium Ampitheatre.
Hinangaan ng mga manonood ang world-class performances nina Julie Anne, Jessica at Xian, na kasama rin ang mga Pinoy performing groups na naka-based sa Dubai.
May iba nga raw nag-akala pang isang prinsipe sa Saudi si Xian dahil sa kanyang suot na attire sa concert.
Meanwhile, marami na rin ang naghihintay sa nalalapit na third episode ng Limitless concert ni Julie Anne, titled “Rise.” Mapapanood na ito sa Saturday, April 9, 2022.
Kung yung naunang dalawang episode ay ipinakita ni Julie Anne ang beauty ng Mindanao at Visayas, this time ay ipi-feature naman niya ang magagandang lugar sa Luzon.
Marami nang naghihintay kung sino naman ang magiging special guest dito ni Julie, pwede raw bang ang rumored boyfriend niyang si Rayver Cruz ang muli niyang makasama ngayon?
Ang tickets ay available at www.gmanetwork.com/synergy
(NORA V. CALDERON)
KASADO na ang rematch nina reigning World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito Donaire Jr. at World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) bantamweight king Naoya Inoue sa Hunyo 7 sa Super Arena sa Saitama, Japan.
MARIING KINONDENA ng Department of Education (DepEd) ang paggamit sa kantang “Dakila Ka, Bayani Ka” sa online political promotion video.
TINATAYANG nasa 405 million na mga mag-aaral mula sa 23 mga bansa ang nananatiling apektado ng pagsasara ng mga paaralan nang dahil sa COVID-19 pandemic.
NAPIGILAN ng Creamline ang hamon ng Choco Mucho tungo sa 25-18, 17-25, 25-19, 25-11 panalo para makuha ang 1-0 bentahe sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference best-of-three semifinal series kahapon sa The Arena sa San Juan City.
MALAKING problema sa susunod na administrasyon ng Maynila ang lugmok nitong kabuhayan at ang malaking utang sa mga lokal na bangko sa bansa.
SINIMULAN nang ipadala noong Sabado ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machine (VCM) at iba pang Automated Election System (AES) supplies sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maaaring ipatupad ang bagong number coding schemes matapos ang May 9 elections.
ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may lima hanggang anim na miyembro ng kanyang gabinete ang sinibak nito dahil sa korapsyon.
MAYROON nang sapat na eksperyensa ang national beach volleyball teams para lumaban sa gold medal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12-23.