MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa local government units (LGUs) hinggil sa pagpapalabas ng ordinansa na magre-regulate sa posibleng pagbabalik ng 4,000 provincial buses sa kahabaan ng EDSA.
Sinabi ni MMDA chairperson Benjamin Abalos Jr. na plano niyang makipagkita sa mga Alkalde ng Pasay, Caloocan, Makati, Mandaluyong, San Juan at Quezon City para tulungan ang mga ito na pangasiwaan ang provincial buses sakali’t maipagpatuloy na ng mga ito kanilang operasyon sa mga pangunahing lansangan.
“Kasi kung may ordinansa sila, number one baka pwedeng ‘wag nilang payagan or number two, lagyan ng window period—sige pumasok ka pero 12 a.m. hanggang 4 a.m ka lang—pwedeng ganon,” ayon kay Abalos.
Ani Abalos, binago ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga ruta ng mga bus para bigyang-daan ang bus carousel na may 85 bus stations sa Kalakhang Maynila kabilang na ang 37 sa kahabaan ng EDSA.
“Nung ginawa ito ng LTFRB, nagdemanda ‘yung isang bus company na, ‘Hindi mo pwedeng gawin sa amin ‘yan, pwede pa ring bumyahe sa EDSA.’ In short, nabigyan ng temporary restraining order (TRO) ng isang judge,” aniya pa rin.
Idnagdag pa ni Abalos na noong panahon na nagsimula pa lamang ang COVID-19 pandemic, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay nagpalabas ng resolusyon para gamitin ng mga terminal para sa pagsunod sa health protocols.
Sa oras naman aniya na mabawi ang resolusyon, ang nasabing TRO ay maaari nang ipatupad, papayagan na ang pagbabalik ng 4,000 provincial buses sa EDSA.
“Hindi covered ng TRO ‘yon dahil IATF ‘yon eh. Ang problema, ito ngayon sa IATF, parang tatanggalin na itong patakaran na ito dahil mababa na ang kaso, hindi na kailangan ng alert level,” ayon kay Abalos.
“Currently, passengers coming from the south have to alight at the Paranaque Integrated Terminal Exchange (PTEX), while those from the north have to go down at the Valenzuela Gateway Complex Integrated Terminal (VGCIT). From there, they have to take another bus passing through the EDSA carousel stations,” ayon kay Abalos sabay sabing “Ngayon, feeling ko mas trabaho tayo para of course i-convince ang mga mayors na magkaron sila ng ordinansa dahil ‘yon, hindi na saklaw ng TRO. It’s the only legal way at a lawyer na nakikita ko talaga at napagusapan namin.” (Daris Jose)
Sa halip na unang atupagin ang pagpapalit ng mukha ng P1,000 banknote, pinayuhan ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na asikasuhin muna ang pagkakaroon ng eagle-eyed anti-fraud mechanisms sa mga bangko.
IS he here to save the world or destroy it? Watch Dr. Michael Morbius and his sinister alter-ego in this exclusive scene called “The Transformation” from the new action-thriller
Kinuwestiyon ni Miami Heat coach Erik Spoelstra ang COVID-19 protocols na ipinapatupad ng NBA.
SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na tinitingnan ng pamahalaan na paikliin ang interval period ng pagkuha ng booster shots matapos ang primary dose series sa pagitan ng apat hanggang anim na buwan.
Tuloy-tuloy daw ang pagproseso ng BDO Unibank Inc. sa reimbursement ng nasa 700 nilang kliyente matapos mabiktima ng online fraudulent transactions.
KAHAPON, December 15, bumalik na ang Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera from Eilat, Israel, where the Kapuso Primetime Queen served as one of the all-female judges in the recently concluded 70th Miss Universe beauty pageant, na sinamahan naman siya ng hubby niyang si Kapuso Primetime King.
NAKATAKDANG tumanggap ang gobyerno ng Pilipinas ng $250 million na bagong loans o utang mula sa Asian Development Bank (ADB) para gamiting pambili ng COVID-19 vaccine.
Naabot ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kanilang national ID registration target na 50 million para sa taong 2021.
MULA sa pagba-viral at nag-trending.