SIMULA na ng bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo ng pagtatrabaho sa GMA Network, pagkatapos niyang pumirma ng exclusive contract last July 1.
Miss na rin daw magtrabaho ni Bea after nilang bumalik sa short US vacation kasama ang boyfriend na si Dominic Roque.
Kaya humanda na sa good vibes sa Sunday, September 12, sa first TV guesting ni Bea sa The Boobay and Tekla Show. No holds barred ang interview nina Boobay at Tekla sa “May Pa-Presscon” segment ng show na sasagutin lahat ni Bea ang ilan sa mga pinakamahihirap na questions mula sa kanyang heartbreak, ang relationship status nila ni Dominic at ang career plans sa kanya ng GMA.
Game na game din si Bea sa pagkanta sa “Birit Showdown” na she will sing ng mga top hits ni Adele.
Ang TBATS ay napapanood every Sunday after Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.
Malamang hindi ito ang unang paggi-guest ni Bea sa GMA shows, habang hinihintay niyang matapos ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang lock-in taping nito ng teleseryeng The World Between Us nila nina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith.
Magtatambal sina Bea at Alden sa Philippine adaptation ng isang top Korean movie.
***
THANKFUL si Kapuso Drama Actor Dennis Trillo at ang bumubuo ng GMA Primetime series na Legal Wives dahil sa patuloy na mataas na rating na natatanggap nila mula sa mga televiewers na sumusubaybay sa serye.
Last Tuesday, September 7, nakatanggap sila ng 16.0 percent mula sa Nielsem Philippines NUTAM People’s Ratings (Combined) laban sa katapat nilang FPJ’s Ang Probinsyano, na nakakuha ng 12.7 percent.
“Shukran” o salamat, ang ipinaabot ng serye sa lahat ng sumusubaybay sa kanila.
Matitindi na kasi ang mga eksenang napapanood ngayon sa Legal Wives, dahil may tension na sa dalawang legal wives ni Ismael (Dennis) na sina Diane (Andea Torres) at Amirah (Alice Dixson) at papasok pa ang problema ni Farrah (Bianca Umali) na nag-offer na rin si Ismael na pakasalan niya.
Mas maagang napapanood ngayon ang Legal Wives, gabi-gabi after 24 Oras.
***
SUNUD-SUNOD ang blessings na dumarating kay Kapuso actress-host Camille Prats.
Bukod kasi sa daily morning show nila ni Iya Villania, ang Mars Pa More, at ang Makulay ang Buhay napapanood every Saturday at 9:45 am at Tuesday, 8:00 am, sa GMA-7, si Camille din ang kinuhang mag-host ng “Knorr Nutri-Sarap Kitchen,” nang mag-partner ang GMA Network at Knorr para magpakita kung paano mag-serve ng nutritious and delicious meals.
Magsisimula ang show sa Sunday, September 12, 10:05 am sa GMA-7, na magpi-feature si Camille ng success stories ng mga Pinoy na “laki sa Knorr” tulad nina Marc Pingris, Doc Jeoffrey ‘Otit’ Mambucon, Teacher Fe Matullano Lustanas and comedienne-entrepreneur Marietta “Pokwang” Subong.
Meanwhile, sa virtual interview ng Knorr, Camille shared na malamang daw ay mag-celebrate na sila ng Christmas sa 5-storey dream house nila ng husband na si VJ Yambao at mga anak nilang sina Nathan (sa first husband niya), Nolan at Nala.
(NORA V. CALDERON)
Nakalabas na sa pagamutan si boxing legend Oscar De la Hoya matapos na magpositibo ito sa COVID-19.
MULING inatake ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Senate blue ribbon committee sa gitna ng isinasagawa nitong imbestigasyon hinggil sa multibilyong pisong halaga ng COVID-19 pandemic na binili ng Pilipinas.
Ipinagpaliban ng organizers ang Asian Youth Games sa Disyembre 2022 dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay ang House of Representatives ng Congressional Medal of Excellence.
Dahil walang face-to-face classes sa mga paaralan, isa sa pinaka-apektadong sektor ay mga school service providers. Tahimik na bahagi ng transport sector pero napakahalaga ang role nila sa pangangalaga ng mga estudyante, sa pagsundo sa bahay at paghatid sa mga paaralan, at pabalik. Malaking tulong din sila sa pagtitipid ng mga magulang sa gastos sa pamasahe o gasolina dahil sila na at hindi na gagamit ng sariling sasakyan. Malaking kabawasan din sa traffic dahil imbes sariling sasakyan pa ang gagamitin sa paghatid sa isa o dalawang bata lang ay school service na lang. Istrikto rin ang polisiya ng LTFRB sa kanila – tulad ng kailangan ang accreditation mula sa paaralan, paglalagay ng fire extinguisher, seatbelt, at may helper pa o assistant ang driver sa pagasikaso sa mga estudyante. Kailangan ang mga ito dahil sa ipinagkakatiwala ng magulang ang kanilang anak sa mga school service providers. Buhat nang nasuspinde ang face-to-face class ay nalugmok at nawalan ng hanapbuhay ang libu-libong mga umaasa sa sektor ng school service providers. Hindi lang operators, pati mga drivers at helpers nila. Kaya dapat rin sila mabigyan ng ayuda tulad ng sa mga jeepney, UV express, mga bus, atbp. Kung naisama na sila sa bigayan ng ayuda ay isa na ako sa taus-pusong nagpapasalamat. Pero kung hindi pa, sana ay mabigyan na sila.
ANG haba ng naging paliwanag ni Paolo Contis sa side of his story sa naging hiwalayan nila ni LJ Reyes.
Tumaas ng may 1.8 percent o may 13.5 milyong katao ang jobless noong nagdaang Hunyo dulot ng umano’y mahabang panahon ng pagpapatupad ng lockdown sa bansa sanhi ng Covid-19 pandemic.
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na takot si Senador Richard Gordon na maging paksa ang Philippine Red Cross (PRC) nang pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA).
Libu-libo ang apektado habang halos 20 naman ang patuloy na nawawala bilang epekto ng Tropical Storm Jolina, na siyang