MARAMI ang natuwang netizens nang sa wakas makitang magkasama ang Kapuso actress na si Bea Alonzo at ang rumored boyfriend na si Dominic Roque sa baby shower ng anak ng dating aktres na si Beth Tamayo.
Lumabas nga ang photo at video ng celebrity couple na kuha sa naganap na baby shower para sa isisilang na unang anak nina Beth at Adam Hutchinson sa San Francisco, California.
Malapit si Dominic sa kanyang Tita Beth, kaya ‘di nakapagtataka na dumalo siya sa baby shower party kasama si Bea na nagbabakasyon ngayon sa Amerika. Matatandaang umalis sila ng bansa noong July 6 na nabuking na magkasama sa airport dahil sa paglabas ng mga photos at clues.
Sa Instagram post nga ng kaibigan ni Beth na si Fanny Zha nakita na masayang magkasama ang dalawa sa naturang event na may caption na, “Can’t wait to meet you, Baby Hutchinson (heart emojis).”
Pawang magaganda nga ang comments pero may ilan na nag-nega dahil sa ‘di pag-amin ng dalawa sa kanilang relasyon, na para naman sa iba ay hindi kailangan dahil kitang-kita na happy sila together.
Ilan sa naging comment ng netizens na ang iba’y nagulat pa sa height ni Dominic:
“bagay. matangkad naman pala si Dominic.”
“Oo nga! Akala ko mas maliit sya kay bea. Hehe.”
“And ang broad ng shoulders! Seems like he can really protect her.”
“5’6 or 5’7 si Bea c dominic is 5’9. Ok naman ang height nila wag lang magsuot ng masyadong mataas si bea. Malaki kse katawan ni dominic kaya nagmukhang maliit.”
“5’8 according to Bea herself.”
“Bakit may mananakit ba kay Bea? Bea looks like she can protect herself, too, though.”
“mukhang naka flats si bea. Naka tennis shoes. Bagay tlg ke bea yung payat. Ganda ganda.”
“mukha naman happy naka move on and blooming si Bea, infairness kahit dami di bet dalawa.”
“Happy naman talaga siya and naka move on. Naimbyerna lang siya sa hindi pag hingi ng sorry at siniraan pa siya sa interview. Sinong ex ang hindi maiirita?”
“aliwalas na face ni Bea, mukhang happy naman sya.”
“Ay genuine happiness. It shows in faces.”
“Bakit may nababasa ako maliit lang daw si dom for bea. Ok naman pala height difference nila. Maganda tignan.”
“Happy Hearts. BeaDom go for it.”
“Bagay Sila!”
“Dom and Bea look good together.”
“Bea is so blooming now. Goes to show her personal life must be thriving since yan focus niya ngayon. Dominic is good for her. And kita mo naman sa pic, napaka manly tingnan ni guy and bea looks delicate.”
“I like Dom for Bea. Mukhang matino at mabait daw siya talaga.”
“blooming talaga si bea. love it!”
“As per their body language, mukhang confirmed ng sila.”
“Blooming nga! Ganda ng aura niya!”
“Bagay pala sila pag magkatabi.”
“Kaya nga lagi kasi solo pics lang with same background haha ayan bagay naman pala pag magkasama na.”
“Ang fresh ng couple na to! Sobrang good vibes sila together!”
“Omg their best photo together so far. Ang fresh ni papa dom and mama bea.”
“I think Dominic is good for her. Hindi yata problemado si ate sa lovelife niya ngayon. It shows on her face.”
“You know when people call her tita? This shows very tita vibes.”
“Ang Jurald mukhang magTito..ang Beadom naman mukhang magTita..”
“Bea looks happy. When she smiles, her eyes are smiling too. Happy for her. Deserve niya.”
“ang guwapo ni Dominic grabe. Hindi siya A-lister pero ang yummy niyaaaaaa.”
“Ang ganda kaya ni Bey dito. Pogi ni Dom anong pasabog kaya sa bday mo Nic?YOLO. Enjoy. Stay safe & Healthy you both.”
“Yung napansin mo agad left hand ni Bea nasa beywang ni Dom hahaha.”
“Bagay nman pala silang dalawa. Mukhang baby face c Dom pero di nman pala alangan kay Bea. Mas matangkad nga sya kay Bea at malaki ang katawan. Nakakaloka. Hahaha, first time ko kasi nakakita ng photo nila together. Ang aliwalas nila tingnan.”
“Ayan bagay sila 🙂 Si dominic halatang masayang masaya haha.”
“Dom seems like a good, decent guy. I think yung hate ng mga nega stems from the fact that Bea is a bigger star than Dom and akala nila Dom is just using Bea. Pero we can see naman na he makes her calm, happy, and at peace. And Bea’s mom likes Dom so it says a lot about him as a person.”
“Maraming tumatangkilik na din sa BeaDom. Tahimik lg sila compared to the toxic Fans of jlc/Bea. Good vibes lg. Masaya na si Bea may freeDom.”
“They look good together! True happiness shines thru!”
“Bliss of happiness. Nakamove na sya. Kayo na lang naman ang hindi e. Hahahaha.”
“Sorry Dom, akala ko punggok ka na TH pero hindi pala. You actually look like a nice guy at ang gwapo mo pala. Hehe.”
“They look happy. She’s the prettiest now which means their relationship is going great, too. They look great together.”
“mukhang na develop sila sa isat isa at maganda aura nilang dalawa fresh ng look.”
Anyway, pagbalik ni Bea mula sa bakasyon nila ni Dominic, haharapin na niya ang lock-in shooting para sa pelikula nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards.
Kasunod naman nito ang kaabang-abang na first drama series niya sa Kapuso network, kung sino ang makakasama at ano role na pasabog na gagampanan niya.
(ROHN ROMULO)
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na papayagan ng bagong passenger terminal building (PTB) sa Clark International Airport (CRK) ang mga pasahero na i-enjoy ang “safer and easier” air travel experience sa kabila ng umiiral na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
PAREHONG naglabas ng video ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang pagpapatunay na sila ay “Proud to be Kapuso.”
AMINADO ang Malakanyang na hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa sa kabila ng patuloy na pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pigilan ang problemang ito ng pamahalaan.
MARAMI na tayong nasaksihan na mga pelikula tungkol sa pagtataksil pero magbabago ang pagtingin ng viewers sa ‘baliw na pag-ibig’ sa latest offering ng VIVA Films, ang The Other Wife.
IPINAALALA ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente sa mga biyehero na na ang kasalukuyang travel restrictions mula sa walong bansa ay mananatili hanggang July 31.
SAMPUNG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela city.
A new clip has been released for M. Night Shyamalan’s
Pinatalsik ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao bilang presidente ng partido at ipinalit si Energy Secretary Alfonso Cusi.
MAY mga revelations si phenomenal star Maine Mendoza sa fourth episode ng Celestified vlog ni Celeste Tuviera, hairdresser ni Maine.