• June 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 17th, 2021

WILLIE, kinukumbinsi pa rin ni President DUTERTE na tumakbong Senador

Posted on: June 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUKUMBINSI pa rin ni President Rodrigo Duterte na tumakbo si Willie Revillame sa darating na national elections.

 

 

Patuloy ang panliligaw ng Pangulo kay Kuya Wil na tumakbong Senador para mas marami pa siyang matulungang Filipino.

 

 

Naniniwala kasi si Pangulong Duterte sa kakayahan ng tv host na makapagserbisyo sa buong bansa dahil sa pagmamahal at malasakit niya madlang pipol, na kitang-kita naman sa ‘Tutok To Win’ ng Wowowin sa rami ng kanyang natutulungan.

 

 

Sa video message, sinabi ng Pangulo na susuportahan niya si Willie sakaling pumayag ito na tumakbong Senador sa 2022 Election.

 

 

“Willie, si mayor ‘to. Kumusta ka?,” panimula ng Presidente.

 

 

Matagal na tayong ‘di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka.

 

 

“Sabi ni Bong (Go) nagdadalawang-isip ka. Pero ganu’n pa man open ‘yung slot until the last minute.

 

 

Kung ayaw mo na talaga eh, ‘di pwede na tayong mag-usap ulit.

 

 

Sabi pa ni PDU30 sa huling bahagi ng video, “but in the meantime, more success sa programa mo. Bilib ako sa appeal mo sa masa. Mabuhay ka!”    

 

 

Wala pang sagot dito si Kuya Wil, pero karamihan sa netizens ay tutol na pasukin niya ang pulitika, mas okey daw na maging private citizen na lang na tahimik ang buhay, dahil marami pa rin naman siyang matutulungan kahit hindi siya maging Senador.

 

 

***

 

 

ANG pinakamalaki at pinakaprestihiyosong animation festival sa buong mundo, ang Annecy International Animation Film Festival sa France mula Hunyo 14 hanggang 19, ay may malakas na representasyon mula sa Pilipinas na may pinakamalaking delegasyon ng bansa na pinamumunuan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

 

 

Kasama ang kauna-unahang competing film mula sa Pilipinas, apat na projects, at higit sa 50 na animation workers mula sa 29 na animation studios.

 

 

Ang Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story ni Avid Liongoren ay napili bilang kauna-unahang pelikulang Pilipino na kasama sa kompetisyon sa Annecy.

 

 

Ang unang Filipino Netflix animated film ay project ng First Cut Lab 2019 na isinagawa ng FDCP at Tatino Films. Ang pelikula ay tungkol sa pusang si Nimfa na naghahanap ng tunay na pag-ibig at kaligayahan at dapat pumili sa dalawang aso sa kaniyang buhay.

 

 

Sa Marché international du film d’animation d’Annecy (MIFA) o Annecy International Animation Film Market, tatlong Philippine projects, kasama ang projects mula sa Malaysia at Thailand, ay kasama sa ASEAN Pitch noong Hunyo 15.

 

 

Ang mga ito ay Ella Arcangel ni Mervin Malonzo, Kampilan ni Cris Dumlao, at Hayop Ka! Universe ni Manny Angeles.

 

 

Ang Ella Arcangel ay isang series tungkol sa isang batang babae mula sa slums ng Maynila na nakikipaglaban sa mga halimaw upang protektahan ang kaniyang komunidad, at malalaman niyang may mga bagay sa mundo na mas masahol pa kaysa sa mga halimaw.

 

 

Kampilan, na nakapag-pitch sa virtual na Kre8tif! Conference at Content Festival sa Malaysia noong 2020, ay pelikulang tungkol sa isang prinsipeng nahaharap sa isang paparating na banta.

 

 

Sa tulong ng kaniyang mga tapat na kaibigan, kailangan niyang gumawa ng paraan upang mailigtas ang tribo at mapanatili ang kanilang pamumuhay.

 

 

Tampok sa Hayop Ka! Universe ang spin-off at sequel ng Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story. Ang spin-off na series na Papa Jorge’s Bedtime Radio Confessions ay tungkol sa love doctor sa radyo na si Papa Jorge habang ang sequel na pelikulang The Jerry Action Bonanza: Hayop Ka Din! ay tungkol sa isang baguhang security guard sa museum na nakikipaglaban sa mga magnanakaw at goons ng kaniyang sariling amo.

 

 

Ibabahagi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño ang film incentives programs ng pambansang ahensya ng pelikula sa ASEAN Pitch in MIFA, isang mahalagang kaganapan para sa co-production, purchasing, selling, financing, at distributing content para sa lahat ng broadcasting platforms na dinadaluhan ng 13,000 na industry professionals.      Pag-uusapan naman ni FilmPhilippines Incentives Unit Manager Mil Alcain ang Film Location Incentive Program (FLIP) at International Co-production Fund (ICOF).

 

 

Samantala, ang Rage Radio ni Mark Lenard Mendoza na produced ng Friendly Foes Studio ay bahagi ng Partners Pitches: Southeast Asia Focus @MIFA 2021 kasama ang projects mula sa Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, at Vietnam.      Inorganisa ng French Embassy in Singapore at MIFA ang Southeast Asia Focus para bigyan ng pagkakataon ang emerging talents na makakuha ng funding, work collaborations, at co-production deals para sa kanilang projects.

 

 

Ang FDCP, na nagsagawa ng Open Call for Animation Projects, ang namumuno sa Philippine Delegation sa Annecy.

 

 

“Boosting the animation industry has been part of the FDCP’s priority programs since 2017. Through our participation in Annecy, we aim to expand the already thriving service sector of the animation industry and elevate the skills of animation workers through participation in various conferences and workshops in MIFA,” sabi ng FDCP Chairperson at CEO.

 

 

“We also seek to continue to support the global track of original Filipino Intellectual Property (IP) creations by giving them a platform to find industry partners in MIFA. Additionally, we wish to explore further the potential of the Filipino comics community by providing a space for them to promote their IPs in MIFA, especially with the recent success of ‘Trese’ in Netflix,” dagdag pa niya.

 

 

Kasapi rin sa MIFA ang record-breaking na bilang na higit sa 50 na Filipino animation workers mula sa 29 na kumpanya at organisasyon, na pinagtipun-tipon ng FDCP para ipamalas ang iba’t ibang sektor ng Philippine animation industry. Hindi lamang sa Manila galing ang animation workers dahil mayroon ding representatives mula sa Cordillera, Cebu, at Davao.

 

 

Ang Philippine delegates ay mula sa Animation Council Of The Philippines, Inc. (ACPI), Philippine Animation Workers Association (PAWA), SIKAP (Creative Content Creators Association of the Philippines), Animation Vertigo Asia, Inc., Amaya Films, Ateneo De Naga University – Digital Arts And Communication, Blissful Fun Animation, Inc., Clayshop Inc., De La Salle – College of Saint Benilde, Enigma Kai, Friendly Foes, IAcademy, Ikigai Animation Studio, Kampilan Productions, Kino Arts, at Komiket Inc.

 

 

Bahagi rin sa mga kalahok na kumpanya at organisasyon ang Luminait Pictures Inc., Meowsmouse, Toon City (Morph Animation Inc.), Puppeteer Animation Studios Inc., Rocketsheep Studio, Silver Media Group, Storykitchen Animation Studio, Studio Nonego, Teamapp, Inc., Toei Animation Philippines Inc. (TAPI), Top Peg Animation And Creative Studio, Inc., Twenty Manila, at VPF Creative Marketing Communications.

 

 

Magkakaroon ng access ang delegates sa MIFA database, virtual stands at pavilions, online meeting platforms, Matchmaking, Work in Progress, Masterclasses, Pitches, Partners Screenings, at Mifa Campus.

(ROHN ROMULO)

Vaccination sa PNP hindi mandatory – PNP Chief

Posted on: June 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi mandatory at hindi sapilitan ang pagbabakuna sa Philippine National Police (PNP).

 

Ito ang paglilinaw ni PNP Chief Gen. Guillermo Elezar ngayong nagsimula na ang vaccination sa A4 category.

 

 

Sinabi ni PNP Chief kanilang uunahin ang mga pulis na nagpahayag ng kagustuhan na magpabakuna.

 

 

Pero batay sa kanilang survey nasa mahigit 92 percent na sa mga pulis ang nais magpa bakuna.

 

 

Dagdag pa ni Eleazar na hindi naman nila paparusahan o bibigyan ng sanction ang mga pulis na ayaw talaga magpabakuna.

 

 

Kaya ang kanilang ginawa ay mismo siya bilang pinuno ng pambansang pulisya ay nanguna sa vaccination program ng pamahalaan, nang sa gayon mahikayat ang mga pulis na magpabakuna.

 

 

Ang 500 doses na bakuna ay pauna lamang ito sa kabuuang 28,000 doses na allocation ng PNP na ibinigay ng Department of Health (DOH) para sa buong National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni Eleazar na wala pang vaccine allocation para sa mga regional police offices kaya hinikayat nito ang mga police personnel na kung maaari ay i-avail na nila ang vaccination program ng mga LGUs para sila ay mabakunahan na rin.

 

 

Hindi pa masabi ni Eleazar kung kailan ibibigay sa kanila ang nasa 27,500 na Covid-19 vaccine.

 

 

Siniguro naman ni Chief PNP na nakahanda naman sila anumang oras at araw para simulan ang vaccination sa kanilang hanay.

 

 

Ayon kay PNP Health Service Director BGen. Luisito Magnaye sa 500 doses na bakuna na ibinigay sa kanila 200 doses dito ay nakalaan para sa national headquarters, 200 sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 50 sa PNP SAF at 50 para sa iba pa. (Gene Adsuara)

Tyrese Gibson, Reveals ‘Fast & Furious’ 10 and 11 Will Shoot Back-to-Back

Posted on: June 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

F9 star, Tyrese Gibson, reveals that Fast & Furious 10 and 11 will shoot back-to-back.

 

 

The ninth Fast & Furious movie has yet to premiere in the United States on June 25, and it is already breaking pandemic box-office records due to its performance in international markets.

 

 

Furious 7 was the first in the series to gross a billion dollars worldwide and the last few installments have made it one the most successful movie franchises ever, as its box office returns recently surpassed $6 billion globally.

 

 

The latest chapter in the Fast & Furious saga will finally debut in the United States a little over a week from now, June 25, after a long delay due to the COVID-19 pandemic.

 

 

F9 will pack a few more changes of pace for the ever-changing franchise, including John Cena’s sudden appearance as Dominic Toretto’s brother, Jakob, and Sung Kang’s reappearance as Han. F9 will also finally head to space after years of speculation from fans.

 

 

However, F9 won’t be the end of the beloved franchise. Lin confirmed last year that the Fast and Furious saga would end with number 11, which we can only refer to as Fast 11 until Universal busts out like The F11nal Fast.

 

 

Because this a franchise built on the back of “family,” you can assume all the major players will return for one last Fast, including Vin DieselMichelle RodriguezChris “Ludacris” BridgesJordana BrewsterNathalie Emmanuel, and Sung Kang.

 

 

Now, in an interview ahead of F9’s release, Tyrese Gibson revealed that director Justin Lin is planning to shoot Fast & Furious 10 and 11 back-to-back.

 

 

The films will act as a two-part finale for the original saga, and filming them back-to-back will ensure a shorter wait time between their releases.

 

 

Gibson told Collider:

I have definitely asked some questions about 10 and 11. It has been confirmed we are going to shoot back-to-back and get both in the can. Which is interesting. I’m hearing that we’re going to touch a lot of continents between the two. I cannot say where, but a lot. The higher-ups that are involved in this franchise are specifically aware of the die-hard fans and supporters around the world. We all carry a particular torch of responsibility and knowing there is a beast, and we need to feed that beast and give them what they want, what they love, and what they’re used to.

 

 

Once upon a time, Fast & Furious 10 was scheduled for a 2021 release, but that was scrapped due to F9’s pandemic-related delays, currently leaving the final two entries without a scheduled release date.

 

 

Although Lin has been confirmed as director, there has been no word on either of the film’s casts, but it is safe to assume all the franchise mainstays will return for one final ride. The saga’s screenwriting stalwart, Chris Morgan, is also expected to pen both scripts.

 

 

Filming the final two installments of a franchise is hardly unprecedented, in fact, it is actually quite common. Harry Potter broke up the final book, The Deathly Hallows, into two movies and shot them back-to-back. The Hunger Games then followed suit with Mockingjay.

 

 

Director Christopher McQuarrie had plans to shoot Mission: Impossible 7 and 8 back-to-back, but these plans were disrupted by the coronavirus pandemic.

 

 

Now, after F9Fast & Furious will be the latest franchise to culminate with a two-part finale filmed back-to-back.

(ROHN ROMULO)

Travel ban sa 7 bansa pinalawig – BI

Posted on: June 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang ekstensyon sa travel ban sa pitong bansa upang maiwasang makapasok ang Indian variant ng COVID-19 hanggang sa Hunyo 30.

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay bilang pagsunod sa utos galing sa Malacañang na huwag pa ring papasukin ang mga biyahero mula sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman.

 

 

“Those with a travel history from these countries within the last 14 days before arrival are also temporarily banned from entering,” ayon kay Morente.

 

 

Hindi naman sakop nito ang mga ‘transiting passengers’ o iyong gagawing ‘stop-over’ lamang ang Pilipinas at hindi naman lalabas ng mga paliparan.

 

 

Patuloy pa rin naman ang restriksyon sa pagpasok sa bansa ng mga dayuhang turista maliban na lamang kung may awtorisasyon buhat sa Department of Foreign Affairs (DFA). (Gene Adsuara)

Olympic playbook guides inilabas na para sa kaligtasan ng mga atleta

Posted on: June 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinimulan ng ilimbag ng International Olympic Committee (IOC), International Paralympic Committee (IPC) at Organising Committee of the Olympic and Paralympic Games Tokyo 2020 (Tokyo 2020) ang ikatlo at pinal na editions ng Tokyo 2020 Playbooks.

 

 

Magsisilbi itong komprehensibong gabay sa mga manlalaro at dadalo sa Tokyo Olympics na gaganapin sa susunod na buwan.

 

 

Isa aniya itong game plan para matiyak na ang mga Olympic at Paralympic Games participants at mga katao sa Japan ay mananatiling ligtas at malusog.

 

 

Ayon kay IOC Olympic Games Executive Director Christophe Dubi, ang Playbooks ay resulta ng halos isang taon na pakikipagpulong sa mga eksperto at ilang mga sports organisations.

 

 

Bagamat hindi nakasaad sa Playbooks ang mandatory na pagpapabakuna laban sa COVID-19, hinihikayat nila ang mga manlalaro at mga dadalo sa torneyo na magpaturok na ng bakuna.

 

 

Babala naman ni Olympic Games operations director ng IOC Pierce Ducrey na kanilang idi-disqualify ang mga manlalaro na lalabag sa nasabing playbooks.

Ateneo center Isaac Go itinalagang team Captain ng Gilas Pilipinas

Posted on: June 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Itinalaga bilang team captain ng Gilas Pilipinas si Isaac Go para sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga.

 

 

Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na papalitan nito si Rey Suerte na nagtamo ng sprained ankle injury.

 

Si Go ang top overall pick sa special Gilas round ng 2019 PBA Rookie Draft.

 

 

Naglaro na rin ang dating Ateneo de Manila University center sa mga qualifying games ng Gilas.

 

 

Sisimulan ng Gilas ang ikatlo ay huling qualifying window sa Hunyo 16 laban sa South Korea, na susundan ng Indonesia sa Hunyo 18 bago maglalaro sila sa South Korea sa Hunyo 20.

7 milyong Pinoy na ang bakunado

Posted on: June 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mahigit sa 7 milyon na ang nakatanggap ng bakuna kontra sa COVID-19 sa bansa.

 

 

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa pagdinig ng Committee of the Whole (COW) sa Senado na 7,045,380 dose ang naibigay mula Marso 1 hanggang Hunyo 14.

 

 

Habang nakumpleto ang dalawang dose ng bakuna ng 980,471 medical frontliners, 486,945 senior citizens, 429,301 person with comorbidities at 7,067 essential workers.

 

 

Mayroon namang 5,141,596 ang nakatanggap ng unang dose at sa kasalukuyan ay mayroong 3,944 vaccination sites sa bansa.

 

 

Nakapamahagi na rin umano sa mga vaccination site ang 10,374,850 COVID vaccine dose mula sa 12,705,870 suplay nito.

 

 

Sinabi rin ni Galvez na lampas na rin ng isang milyon kada linggo ang nababakunahang Filipino sa dalawang magkasunod na linggo.

 

 

Ngayong buwan ay inaasahang makakatanggap ng 6.4 milyong dose ng bakuna ang bansa.

Virtual concert ni NADINE, tuloy pa rin kahit may isyu pa sa kontrata sa Viva; nagpapasalamat kay JAMES

Posted on: June 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABASAN na nga sa iba’t-ibang news ang resulta ng kaso ni Nadine Lustre sa Viva at isa sa mga ito ay ang kailangan daw i-honor ang kontrata niya. 

 

 

     Nang tanungin ni Boy Abunda sa kanyang YouTube channel si Nadine tungkol dito, isang matipid pero tila may kumpiyansa pa rin na sagot niya, “Well, I trust naman that Attorney Lorna Kapunan can help me out of this.

 

 

“And I’m leaving it all up to them.”

 

 

Sa kabila nga ng isyu niya sa Viva, tuloy pa rin ang virtual concert niya sa July 3, ang Absolute Madness at grateful daw siya sa lahat ng nangyayari sa kanya at kung ano siya ngayon.

 

 

Obvious din sa mga sagot ni Nadine na maganda ang relasyon niya sa pamilya ni James Reid at kay James mismo.

 

 

When asked kung ano ang message niya kay James, sey niya, “Thank you for everything. Like, I’ve really appreciate him.”

 

 

***

 

 

NANG tanungin si Beauty Gonzalez, ang bagong Kapuso ngayon kung sino sa mga Kapuso leading men ang gusto niyang makasama o makapareha, ang una niyang binanggit ay ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

 

 

Sey niya, “I wanna work with Dingdong kasi he’s one of the biggest stars and also Alden Richards. I saw a few films of them and I want to work with them also.”

 

 

Nabanggit din ni Beauty na gusto rin niyang makatrabaho sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Gabby Concepcion.

 

 

Kung may nilu-look forward man daw siya ngayong isa na siyang Kapuso ay ang pwede niyang matutunan pa.

 

 

    “Yung learning, I want to learn new things. Excited din ako to meet new friends, new challenges. I’m really excited for new beginning.”

 

 

***

 

 

PARANG ang daming Kapuso stars na excited na talaga kung tuluyan na ngang magiging isang official Kapuso ang nagbabalik na si John Lloyd Cruz.

 

 

Ang daming nag-comment ng heart sign, clapping emojis na Kapuso stars sa naging Instagram post ng GMA Pictures President and Programming Consultant to the GMA Chairman na si Attorney Annette Gozon-Valdes. 

 

 

Ipinost kasi nito ang picture kunsaan, kasama niya si John Lloyd at may caption na, “At last nagkita na kami.  Exciting times ahead! Abangan!”

 

 

     Maikli lang ang caption niya, pero sa “exciting times” at “abangan” e mukhang do’n talaga na-excite kahit ang ibang netizens.

 

 

Well, mukha naman talagang magtutuloy-tuloy na si John Lloyd na kung hindi man maging network contract artist ay may gagawin sa GMA at most likely, sa GMA Films din.

 

 

Hindi namin masasabing bitbit si John Lloyd ng mag-asawang Mr. Johnny Manahan at Mariole Alberto dahil separate ang “entry” ni John Lloyd sa mag-asawa at sa ibang staff at artists na balitang bitbit ng mga ito sa GMA, pero ‘di-malayong magkaka-trabaho pa rin sila sa Kapuso.

 

 

Sa mga Kapuso stars nga pala na tila happy at excited kay John Lloyd, nandiyan sina Kim Rodriguez, Kyline Alcantara, Sofia Pablo, Shaira Diaz at Yasmien Kurdi.

(ROSE GARCIA) 

Sotto mabilis makaagapay sa sistema ng Gilas

Posted on: June 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mabilis na nakaagapay si Kai Sotto sa sistema ng coaching staff na magandang indikasyon para sa Gilas Pilipinas sa kam­panya nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

 

 

Mismong si Gilas Pilipinas assistant coach Jong Uichico na ang nagpatunay na mataas ang basketball knowledge ni Sotto.

 

 

Sinabi pa ni Uichico na hindi ito mahirap turuan dahil madali itong makapickup ng mga itinuturo sa kanya.

 

 

Pinatunayan ito ni Sotto sa kanyang unang pagsalang na kasama ang Gilas Pilipinas sa training.

 

 

Kailangan lamang ng ilang araw pang ensayo para lubos na makasama sa sistema ng Pinoy squad.

 

 

“For me, I don’t r­eally find anything hard to learn. I think that’s one of my strengths. I’m a fast learner and fast to adjust. I need just a couple of days to learn all of Coach Tab’s system, plays, and schemes,” ani Sotto.

 

 

Nagiging madali ang lahat kay Sotto dahil kasama nito sa training si Gilas coaching staff member Sandy Arespacochaga na dating head coach ng Gilas Youth.

 

 

“It’s been easier since Coach Sandy has been on my side in the practices, helping me and telling me what I should or should not do. It’s been really good,” dagdag ni Sotto.

 

 

Bantay-sarado rin ang kundisyon ng katawan ni Sotto upang mas lalo pa itong lumakas sa loob ng court.

 

 

Masaya si Sotto na makasama nito ang Gilas Pilipinas na itinuturing nitong bagong pamilya. Kaya naman hindi na­ging mahirap ang adjustment para sa Pinoy cager.

PDu30, binalaan ang mga byahero laban sa pagpi-prisinta ng pekeng negative COVID-19 test results

Posted on: June 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga travelers o byahero laban sa pagpapakita o pagpi-prisinta ng “pekeng” negative COVID-19 test results lalo na sa mga tourist spots ng bansa.

 

Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, inatasan ni Pangulong Duterte ang Philippine National Police (PNP), Department of Tourism at lahat ng local government units na arestuhin ang mga gagawa ng pagpapakita ng fake negatve covid 19 results at magpatupad nang mahigpit na pagsunod sa protocols sa local tourism.

 

“‘Wag ho ninyong gawin ‘yan at makokompromiso kayo. Pati ‘yung gastos ninyo. Kindly check twice over where you have genuine certificate,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

“Arrest those presenting fake tests and enforce strict compliance of protocols of local tourist,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

 

Sinabihan din ng Punong Ehekutibo ang mga concerned government agencies na huwag matakot na patawan ng kaparusahan ang mga indibiduwal na mahuhuling namemeke ng COVID-19 tests.

 

Nauna rito, sinabi ng PNP na ang mga mahuhuling namemeke ng COVID-19 tests ay mahaharap sa falsification of public documents at paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

 

Pagmumultahin ng P50,000 at pagkakakulong ng “at least a month but not more than six months” ang mga mahuhuling violators sa pamemeke ng COVId-19 test results.

 

Nakasaad kasi sa batas na “tampering of records relating to notifiable diseases or health events of public health concern, which includes official medical test results or medical certificates, or such other documents and records issued by public health authorities is punishable by law.” (Daris Jose)