WINAKASAN ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang kampanya sa even-par 72 upang mag-three-day aggregate six-under par 210 upang humilera sa triple-tie 25th spot na may $2,049 (P98K) each sa 16th Symetra Tour 2021 9th leg $200K 10th Island Resort Championship finals sa Sweetgrass Golf Club sa Harris, Michigan noong Lunes.
Malamig na laro ito sa torneo ng US-based Pilipina shotmaker na 11 palo ang layo kay event winner Swiss Morgne Metraux na mayroong 67-199 at kinopo ang top purse $30K (P1.4M) sa ‘Road to LPGA Tour.’
May kalamangan lang na one stroke ang siya kay Canadian Maudee-Aimee Leblanc na ang 71-200 ang nagpuwesto sa kanya sa ikalawa na may katumbas na $18,784. Nasa ikatlong puwesto si Norwegian Celine Borge sa 65-203 na mayroong $13,674.
Papalong muli si Guce sa ST 17th leg $175K 3rd Prasco Charity Championship sa TPC River’s Bend sa Cincinnati, Ohio sa parating na 26-28. (REC)
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) kung ang bangkay na natagpuan sa bisinidad ng pinangyarihan ng nasunog na cargo vessel ay kabilang sa mga naiulat na nawawalang tripulante sa Delpan Bridge sa Maynila.