PAGTUTUUNAN ni Pilipinas Sepaktakraw Federation Inc. President Karen Tanchanco-Caballero ang mga kababaihan sa mundo ng sport sa online 17th session ng Philippine Sports Commission-National Sports Summit (PSC-NSS) 2021 ngayong Miyerkoles, Hunyo 9.
Ibubunyag ng deputy secretary general ng Philippine Olympic Committee (POC) at unang babaeng vice president ng International Sepaktakraw Federation (ISTAF) at Asian Sepaktakraw Federation (ASTAF), ang aktibong papel ng mga Eba sa larangan.
Ibabahagi rin niya ang pagiging isang sports leader at pagtataguyod niya sa adbokasiyang pantay na kasarian sa para sa sports at pagpapatakbo sa mga programang para sa mga atleta.
Giniit naman Marteses ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang mahalagang papel sa parehas na kasarian sa sports conference.
“Women have long played the same, and often primary tasks in furthering the country’s sports excellence. It is a privilege for us to have one of the most esteemed women sports leaders to speak of this in our national conference,” aniya.
Dati ring chairperson si Tanchanco-Caballero ng Women and Sports Committee sa Southeast Asian Games Federation at nag- chef de mission ng Team Philippines para sa 2016 Asian Beach Games sa Da Nang, Vietnam.(REC)
PANGUNGUNAHAN nina 2016 Rio de Janeiro Olympian Kirstie Elaine Alora at 2018 Indonesia Asian Games bronze medalist Pauline Louise Lopez ang 26 na manlalaro ng Philippine Taekwondo Association Team na aalis ng bansa sa Huwebes upang sumali sa 24th Asian Taekwondo Championships sa Hunyo 14-17 sa Beirut, Lebanon.
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinausap niya ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at sinabihan na huwag magkakamaling tumakbong presidente ng bansa.
KUMPIYANSA ang Malakanyang na makakabawi ang ekonomiya ng bansa sa taong ito.
TULUYAN nang nagpaalam si Kapuso actress Rhian Ramos bilang co-host ni Willie Revillame sa “Tutok To Win” na napapanood Mondays to Fridays.
BIGONG mag-qualify si Bianca Isabel Pagdanganan sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 13th leg, $5.5M (P262M) 76th U.S. Women’s Open Golf Championship sa The Olympic Club sa San Francisco, California na pinanlunan ng kaibigan niyang si Yuka Saso nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas).
May “Fake Receipt Representatives” tagging pala sa LTFRB. Ayon sa mga nagrereklamo ay kapag napabilang ka sa tinatawag na “List of Authorized Representatives submitted Fake/ Tampered Receipts” ay ban ka pumasok sa LTFRB central office.
Nagkaron ng inagurasyon noong nakaraang buwan ang bagong bukas na P85 million na 3D aerodome tower simulator ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).