MARAMI ang nagandahan at humanga sa teaser ng Lolong na ipinakita noong Lunes sa 24 Oras!
Mabilis ding naging trending sa Twitter ang #Lolong na matatandaang kasama sa mga programang nakalinya ng Kapuso Network ngayong taon. Talaga namang napa “Wow!” ang mga nakapanood sa pasilip sa upcoming adventure series ng GMA Network na pagbibidahan ni Ruru Madrid.
Ang Lolong ang sinasabing biggest primetime adventure series sa Pilipinas ngayong 2021 at kung pagbabasehan ang reaction ng mga nakapanood sa teaser ay promising talaga ang nasabing serye na handog ng GMA Public Affairs.
May ilan pang nag-comment na parang Disney raw ang gumawa ng nasabing teaser at nakabibilib talaga ang animatronics na gagamitin para sa karakter na si Dakila – ang dambuhalang buwaya na magiging kaibigan ni Lolong (Ruru) sa serye.
Bukod kay Ruru, bibida rin sa serye sina Shaira Diaz at Arra San Agustin. Marami talagang exciting shows na dapat abangan sa GMA ngayong taon!
***
KUNG may isang tao raw na gustong maging close ulit ng aktor na si Benjamin Alves, ito ay walang iba kundi si Chynna Ortaleza.
Kuwento ng Owe My Love actor na dati silang very close ni Chynna bago ito nagkaroon ng sariling pamilya. “Dati close kami. We got to work sa ‘Dading’, ‘tapos, nagwo-workshop kami lagi. She’s one of the first persons that I was able to really open up to, kasi magka-partner kami sa Dading.
“’Tapos ayon nga. She has her own family now. Okay naman kami. We’re just not as close as before kasi nga may family na siya.”
Wish ni Benjamin na muli silang magkaroon ng connection ni Chynna at maging close friends ulit sila.
“Siguro eventually if we’ll be in the same chapter in our lives, na parang if I have a family na rin, we’ll become close again, I’m sure.”
***
SUMABAK na sa kaniyang unang araw ng lock-in taping si Carla Abellana para sa upcoming GMA series na To Have And To Hold.
Bibigyang-buhay ni Carla ang role ni Erica Gatchalian sa bagong series kung saan makakasama niya ang multi-talented Kapuso stars na sina Max Collins (Dominique) at Rocco Nacino (Gavin).
Sa ipinasilip na behind-the-scene photos mula sa kanilang lock-in taping ay makikita si Carla na nakabihis bilang si Erica. Maraming netizens naman ang nakapansin sa blooming at fresh na aura ng Kapuso actress.
Komento pa ng isang netizen, “Sa look and aura palang, ang layo kay Adele. Very young, flirty. Ibang role naman at maganda, inaaral niya talaga. Good job Ms. Carla.”
Ano nga kaya ang magiging papel ni Erica sa buhay nina Dominique at Gavin?
Abangan ang To Have And To Hold, soon sa GMA-7.
(RUEL J. MENDOZA)
Dinepensa ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kapag sila ay naka off duty at ipaiwan ito sa mga opisina.
Maglalaro pa sa NLEX Road Warriors si Kiefer Ravena sa season-opening ng PBA Philippine Cup.
Sa halip na pulitika, dapat atupagin muna ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang problema sa nararanasang brownout sa bansa.
NAPIGILAN ng pulisya ang napipintong riot ng mga kabataang lalaki makaraang madakip ang dalawang hinihinalang miyembro ng isang gang, kabilang ang isang menor-de-edad habang bitbit ang dalawang molotov bomb sa Malabon city.
Patuloy na hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taongbayan na magpabakuna na.
Sinimulan na ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang kaniyang pag-eensayo para sa WBC-IBF welterweight fight niya kay Errol Spence Jr.
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers na kailangan na pisikal na magreport sa trabaho habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) period mula Abril 12 hanggang Mayo 14 o Mayo 31.
NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na mangingisda sa kasagsagan ng bagyong Dante sa Northern Cebu.