• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2021

DOST-FNRI launches ‘new variant’ of enhanced nutribun made of carrots

Posted on: May 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

The Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) launched its newest innovation: an enhanced nutribun made of carrots.

 

 

“Carrots is like a squash and other colored fruits and vegetables that contain beta carotene. (Beta carotene) when ingested will be metabolized to vitamin A that helps keeps the eye healthy, and its very important nutrient to guard our body from free radicals which is one of the causes of infection,” said DOST-FNRI director Dr. Imelda Angeles-Agdeppa in a virtual launch Tuesday.

 

 

The “new variant” of the enhanced nutribun doesn’t contain artificial flavors and colors, the agency said.

 

 

The development of the enhanced nutribun carrot variant was led by Engr. Charlie Adona, Richard Alcaraz, Jonahver Tarlit, and Filoteo Ponte.

 

 

The innovation aims to contribute to the country’s feeding programs and to help local farmers by increasing the demand for vegetables.

 

 

The use of carrots follows the DOST-FNRI’s first enhanced nutribun made of squash, which was launched last July 2020.

 

 

“During the lean months of the supply of squash the price was so high, and therefore the supply was very scarce. Our adoptors cannot supply the demand of our partner agencies for supplemental feeding,” Dr. Angeles-Agdeppa mentioned.

 

 

In 2015, the Food and Agriculture Organization of the United Nations listed carrots in the top five of 27 primary vegetable products.

 

 

Carrots are also one of the the most important vegetables that commonly grow in the highlands of the country, according to the Department of Agriculture-Bureau of Agricultural Research.

 

 

The DOST-FNRI said a single serving of the enhanced nutribun carrot variant contains 500-kilocalories, 18-grams of protein, 6-milligrams of iron and 350-micrograms of vitamin A.

Gilas 3×3 nagsimula ng training sa Calamba bubbles

Posted on: May 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagsimula ang Gilas Pilipinas 3×3 team ng kanilang training sa Calamba bubble bilang paghahanda sa Olympic Qualifying Tournament.

 

 

Matapos ang kanilang RT-PCR Test ay tumuloy na ang 6-man national team sa kanilang ensayo sa Inspire Sports Academy.

 

 

Aabot sa walong araw ang mga ito sa bubble bago umalis patungong Graz, Austria para sa Tokyo Olympic qualifier na magsisimula sa Mayo 26 hanggang 30.

 

 

Balak naman ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na patagalin pa ang training depende pa rin sa mga pagbabago.

 

 

Pinangungunahan nina San Miguel Beermen CJ Perez at Mo Tautuaa ang ang 3×3 squad kasama sina Joshua Munzon ng Terafirma, Alvin Pasaol ng Meralco habang magiging alternatives naman sina Rain or Shine Santi Santillan at Karl Dehesa.

 

 

Nasa bracket C ang Pilipinas kasama ang France, Slovenia, Qatar at Dominican Republic.

 

 

Target ng Gilas 3×3 na maging unang basketball team ng Pilipinas sa loob ng 50 taon na makapag-qualify sa Olympics.

 

 

Huling nakasali kasi ang Philippine basketball team ay noong 1972 Olympics na ginanap sa Munich, Germany kung saan pinangunahan noon nina William ‘Bogs’ Adornado, Jimmy Mariano, Freddie Webb at maraming iba pa.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na makasama sa Olympics ang 3×3 basketball at tatlo lamang sa 20 bansa na sasali sa qualifiers ang mapapasak sa Tokyo Olympics.

Proteksyon para sa mga mamamahayag laban sa banta at pananakot, panawagan ni PDu30

Posted on: May 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng proteksyon para sa mga mamamahayag laban sa banta at pananakot.

 

Ang panawagan ng Pangulo ay bahagi ng kanyang mensahe sa pagdiriwang ngayon ng World Press Freedom Day.

 

“This year’s theme affirms the nature of news and information as a public good that must be utilized effectively to achieve their intended benefits. Moreover, the messenger itself, the press, must be protected from all forms of threat and intimidation so that they may fully serve the best interest of our people,” ayon sa Pangulo.

 

“Let us continue to use the power of communication in nation-building and ensure the integrity and safety of the press. Together, let us nurture a better informed citizenry and realize a brighter future for everyone,” dagdag na pahayag nito.

 

Tinukoy ng Chief Executive ang ‘free and responsible press’ na may mahalagang gampanin sa pagsulong ng lipunan.

 

“In this digital age where information is created and shared rapidly, the work of both traditional and emerging media requires a stronger commitment in upholding truth and accuracy,” aniya pa rin.

 

“My warmest greetings to all journalists and media practitioners here in the Philippines and around the world as we celebrate World Press Freedom Day,” ang pahayag pa rin ng Pangulo.

 

Samantala, ang ranking Pilipinas sa World Press Freedom Index na isinagawa ng Reporters Without Borders ngayong taon ay bumaba sa 138th place mula 136th noong 2020. (Daris Jose)

Pres. Duterte tinawag na bayani si Duque sa paglaban sa COVID-19

Posted on: May 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III bilang bayani ng bansa sa paglaban sa COVID-19.

 

 

Sa national address nitong Lunes ng gabi sinabi nito na nagiging maganda ang paglaban ng bansa sa nakakamatay na virus kung ikukumpara ito sa ibang mga bansa.

 

 

Hindi rin maiwasan ng pangulo na banatan ang kritiko ni Duque kung saan kaya nila ginagawa ang pagbatikos sa kalihim ay para mapansin ng taumbayan.

 

 

Magugunitang maraming mga kritiko ang nanawagan ng pagbaba sa puwesto ng kalihim dahil sa hindi agad nitong pagtugon para mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Carrasco panauhin sa 2021 Sports Summit

Posted on: May 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Si Asian Regional Representative at Philippine Olympic Committee (POC) Technical Commission chairman Tom Carrasco ang magiging panauhin bukas ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa ika-12 sesyon ng National Sports Summit 2021.

 

 

Tatalakayin ni Carrasco, ang pangulo ng Southeast Asian Triathlon (SAT) at Triathlon Association of the Philippines (TRAP), ang ‘Main Support System of a Filipino Elite Athlete’.

 

 

“Tom (Carrasco) is one of the fittest to converse on the topic being with the POC for a long time now,” wika ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez. “This is also a chance for our participants to understand the dynamics behind an elite athlete.”

 

 

Ilalahad din ni Carrasco ang papel ng POC sa pagsuporta sa mga elite national athletes katuwang ang PSC.

 

 

Sa liderato ni Carrasco ay hinirang ang Philippine triathlon team bilang ‘King and Queen’ sa Southeast Asia.

 

 

Dinomina ng mga national triathletes ang tatlong sunod na edisyon ng Southeast Asian Games noong 2015 sa Singapore, 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia at noong 2019 na pinamahalaan ng bansa.

AIKO, kinilig at lumabas talaga ang pagiging ‘faney’ habang ini-interview si MARIAN; wish na makasama sa teleserye kahit kontrabida

Posted on: May 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SOBRA ngang na-excite ang award-winning actress na si Aiko Melendez at ‘di naitago ang pagkakilig dahil finally ay natuloy na ma-interview ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa kanyang YouTube vlog na ‘AikonTalks’.

 

 

Hindi nga napigilan ni Aiko na mag-blush at lumabas talaga ang pagiging ‘faney’ habang ini-interview si Marian.

 

 

Panimula ni Aiko, “I’m so, so excited of my God, to a point na nagba-blush ako kasi alam naman natin lahat na I’m very, very vocal na sa tanang buhay ko bilang artista, dalawang beses na akong na-starstruck.

 

 

“Isang beses kay Ms. Maricel Soriano, pangalawa dito sa iinterbyuhin ko, oh my God, thank you Ms. Marian Rivera-Dantes.

 

 

Kinamusta ni Aiko si Marian na katatapos lang ng taping para sa drama-anthology show niya sa GMA na Tadhana na kung saan ang asawa niyang si Dingdong Dantes ang nagdi-direk.

 

 

“Naka-adjust na kami kahit paano saka very thankful din ako dahil ‘yung mga trabaho ko, nagagawa ko rito sa bahay.

 

 

“At very thankful din ako na ‘yung asawa ko ‘yung nagdi-direct sa akin, siya yung gumagawa nung mga dapat kong gawin outside,” masayang tugon ni Marian.

 

 

“Siyempre happy din ako na nandito ako sa bahay, kasama ko ‘yung mga anak ko, yung pamilya ko.

 

 

“Pero siyempre may mga sad part pa rin na pinagdadaanan natin ‘to, tapos sila nanay sa Cavite naka-ECQ, hindi makapunta sa bahay. Sabi ko nga, sana matapos na talaga ang pandemya,” sey pa niya.

 

 

Aminado naman si Aiko na talagang pina-follow niya ang mga social media accounts ni Marian at ‘di talaga siya nahihiyang super fan siya kaya kahit paano ay updated siya.

 

 

Kaya naitanong ni Aiko kay Marian, “I’m just curious, a. Like I’ve said, I’ve been very vocal, is there any day na pangit ka? Parang wala kang anggulo na pangit.”

 

 

Tawang-tawa naman si Marian at sumagot ng, “Sandali, ha, tatanungin ko ‘yung asawa ko, ah. Tatanungin natin mamaya, tawagin ko.” 

 

 

Inamin naman ni Aiko pinanood niya ang huling teleserye ni Marian, ito raw ‘yun ng transition na papunta siya ng GMA, at isa sa mga wishes niya ng makausap ang mga boss ng network ay makatrabaho siya.

 

 

Ayon kay Aiko, “Sabi ko, I was willing to be your kontrabida or whatever. I just want to work with you.  Not for anything ha, I’m very vocal about it, you’re one of the few actresses na ang ganda-ganda ng mukha.

 

 

     “Talagang when you act, walang pangit na anggulo, kahit umiiyak, ang ganda mo pa rin. Faney mo talaga ako.”

 

 

May ni-reveal naman si Marian tungkol sa sinabi ni Dingdong kay Aiko.

 

 

“Alam mo Ate, may trivia ako sa ‘yo. Hindi ko ‘to sinasabi kahit kanino. Pero alam mo bang may sinabi ang asawa ko sa akin nu’ng lumipat ka sa GMA.

 

 

     “Nag-post kasi ang GMA ng picture mo, tapos sabi ng asawa ko, ‘Alam mo, nakikita ko sa ‘yo, may mga anggulo si Aiko na kamukha daw kita, lalo na raw sa ilong.”

 

 

Bagay na ikinagulat ni Aiko kaya lalo pa siyang kinilig sa isiniwalat ni Marian at nasabi nito kay Dingdong na sana ay maidirek sila ni Marian sa isang project, at looking forward talaga sila magkasama kapag natapos ang ang pandemya.

 

 

Dahil doon ay marami naman ang nag-comment na sana nga ay pagsamahin ng GMA sina Aiko at Marian sa isang teleserye dahil siguradong kaabang-abang ito at ‘di palalampasin ng loyal Kapuso viewers.

 

 

Marami pang revealation si Marian lalo na tungkol kay Dingdong, kaya lang marami ang nabitin sa interview ni Aiko, hoping sila ng magkaroon ng part 2 at willing naman si Marian na mag-guest uli sa vlog ni Aiko, dahil halatang nag-enjoy siya.

 

 

Sa bandang huli ay nagpasalamat si Marian kay Aiko sa pinakikita nitong pagmamahal sa kanya at maging parte ng kanyang buhay. (ROHN ROMULO)

DAPAT BA IPATUPAD na ang “THREE STRIKE POLICY” sa mga TOLLGATES sa mga “INSUFICIENT BALANCE”

Posted on: May 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nag-anunsyo na ang Toll Regulatory Board na simula May 15, 2021, ay ipapataw na nila ang kaparusahan sa mga motoristang dadaan ng tollway na may “insufficient balance” sa kanilang RFID card. 1st strike ay ire-record ng LTO deputized enforcer ang violation sa data-based at mag-i-issue ng TRB prescribed document proof of violation. 2nd strike ay final warning at ito ay ire-record din at bibigyan ng proof of 2nd violation at 3rd strike ay multa ng isang libong piso, confiscation ng driver’s license at traffic violation ticket sa motorista.

 

 

Pero ang problema ay marami pa rin ang mga reklamo tungkol sa nawawalang load kahit hindi nagagamit, malimit na offline ang mga pinaglo-loadan at iba pang reklamo ng motorista na hanggang ngayon ay hindi pa natutugunan.

 

 

Marami na ang reklamo na natatangap ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na “nananakawan” sila ng load maski hindi nagagamit at wala naman nag-aasikaso sa kanilang sumbong. Pero higit na nakakarami ay hinahayaan na lang dahil abala sa kanila ang magreklamo pa sa mga nawawalang load. Napapanahon bang ipatupad na ang “three-strike-policy” sa panahon ng pandemya?  Maari naman ipagpaliban muna yan hanggat hindi pa natutugunan ang mga reklamo ng mga motorista nakakaranas pa rin ng aberya sa mga toll gates.

 

 

Hindi kaya mabigat ang isang libong piso at confiscation ng driver’s license na penalty sa kabila ng mga issue sa sistema sa toll? Paano kung sasabihin ng motorista na kaka-load lang niya papakitaan ng resibo pero hindi pa rin pumasok sa card and niload, tatanggapin bang valid excuse yan ng mga deputized enforcers? Di ba’t kaya itinulak ang RFID system ay para sa kapakanan at kaginhawaan ng mga motorista? At kung ang bawat reklamo ay sa toll ilalahad ng mga motorista, parang mas cause pa ng traffic.  Sana ay ipagpaliban muna ng TRB ang balak na ito hanggang maiayos ang lahat. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, DOT at ECPAT, isinagawa ang Child Safe Tourism seminar

Posted on: May 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Sa pinagsama-samang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Kagawaran ng Turismo-Rehiyon III at ng End Child Prostitution, Child Pornography and the Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT) Philippines, naisagawa ang Child Safe Tourism Seminar sa pamamagitan ng Zoom kamakailan.

 

 

Tinalakay sa nasabing seminar ang pinakabagong programa ng Kagawaran ng Turismo na tinawag na Tourism Integrates, Supports, and Minds Women’s Respect and Child Safety (TourISM WoRCS Program) na dinaluhan ng Bulacan Association Resort Owners at Bulacan Private Resorts.

 

 

Layunin nitong ibaba sa mga nagsidalo ang hinggil sa industriya ng turismo, epekto nito sa mga bata, mga hakbang na ginagawa upang protektahan ang mga bata, at hikayatin ang pagpapatupad ng mga polisiya at gawain upang matigil ang pagpapabaya at pananakit sa mga bata, at mahikayat sila na maging mga tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga bata at komunidad na rumerespeto sa karapatan ng mga bata.

 

 

Ayon sa Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office, itinuturing ang turismo na isa sa pinakamalaking industriya na nag-aakyat ng kita sa ekonomiya at sa komunidad sa buong mundo. Ngunit, kaakibat ng mga benepisyong ito ang mga hindi magandang dulot nito sa larangan ng usaping sosyal gaya ng pagiging lantad ng kahinaan ng mga batang naghahanap-buhay at naninirahan sa mga pook panturismo.

 

 

“Matagal na nating ipinaglalaban ang karapatan ng mga bata, ipinagbabawal ang child labor at child trafficking. Ang mga kabataan po ang pag-asa ng bayan pero hindi naman po ibig sabihing pwede natin silang pagkakitaan at ibenta ang kanilang mga karapatan. Tandaan po nating responsibilidad nating mga nakakatanda, mga magulang ang ating mga kabataan,” ani Fernando. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

PDU30 nagpabakuna na!

Posted on: May 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpabakuna na noong Lunes ng gabi  si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19 gamit ang China-made Sinopharm vaccine, ayon sa kanyang longtime aide na si Sen. Christopher Lawrence “Bong”Go.

 

 

Ipinakita ni Go ang pagpapabakuna ng Pa­ngulo sa pamamagitan ng livestream sa Facebook.

 

 

Si Health Secretary Francisco Duque ang nagturok kay Duterte na ginawa sa Malacañang.

 

 

Sa kaliwang braso tinurukan ang Pangulo habang nakamasid si Go.

 

 

Kinumpirma rin ni Go na pumayag ang mga doktor ng Pangulo na mabakunahan ito.

 

 

“I feel good and I have been expecting this shot, vaccination a long time ago. Sinopharm itong tinuturok sa akin,” ani Duterte.

 

 

Hindi pa nabibigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration ang Sinopharm na gawa sa China pero meron itong compassionate use permit na hiniling ng Pre­sidential Security Group.

 

 

Kinumpirma rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagpapabakuna ng Pa­ngulo.

 

 

“This confirms that PRRD received his first dose tonight of the Sinopharm anti-Covid 19 vaccine. His first dose was covered by the Compassionate Use Permit issued to the PSG hospital by the FDA,” ani Roque. (Daris Jose)

DOST tutulungan ang LRT 1 sa pagkukumpuni ng mga trains

Posted on: May 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahang sisimulan na ngayon buwan ng Department of Science and Technology – Metals Industry Research and Development Center (DOST-MIRDC) ang pagbibigay ng tulong sa LRT1 consortium para sa pagkukumpuni at pagaayos ng mga lumang light rail vehicles (LRVs).

 

 

Nilagdaan ng DOST-MIRDC at Light Rail Manila Corp (LRMC) ang isang memorandum of understanding noong April 21 bilang isang pagtutulungan sa pagaayos ng mga LRT 1 trains.

 

 

Ang LRMC ay isang consortium na binubuo ng Metro Pacific Investment Corp (MPIC) at Ayala Corp (AC) na siyang ngayon nangangasiwa sa operation at maintenance (O&M) ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 na may operasyon mula Baclaran sa Paranaque hanggang north end-station sa Balintawak, Quezon City.

 

 

Isang award-winning hybrid electric road train (HERT) technology at isang brand-new hybrid electric train prototype ang ginawa ng DOST-MIRDC na ngayon ay ginagamit ng Philippine National Railways (PNR).

 

 

Bilang isang private operator ng LRT 1, ang LRMC ay gustong kunin ang dalubhasang kakayanan ng DOST para sa structural repairs ng specific LRVs ganon din upang kunin ang local re-engineering at fabrication ng spare parts para sa obsolete at mahirap ng pagkukunan ng spare parts ng rail line.

 

 

Ayon kay DOST secretary Fortunato dela Pena ang DOST-MIRDC ay may kakayanan sa teknolohiya at teknikal na aspeto upang magbigay ng consultancy services sa LRMC lalo na sa kanilang linya sa paggagawa ng matagumpay na R&D sa HERT at HET.

 

 

“LRT1 is a valuable mode of transportation for Filipinos in Metro Manila. We believe that with the expertise of our partners at DOST-MIRDC, we can continue enhancing the LRT 1 system to achieve our vision of becoming the commuter’s choice in transportation. Innovation and commitment to excellence are of our company’s core values that allowed our management to implement best practices in public transport. Through this partnership, we hope to bring to the table our management expertise, as well as promote Filipino ingenuity by banking on the competence of our local talents,” wika ni dela Pena.

 

 

Ang pagtutulungan sa pagitan ng LRMC at DOST-MIRDC ay magbibigay sa kumpanya ng isang bagong antas ng pagkakaunawaan sa bagay ng ibat-ibang diagnostic equipment at technology na hindi normally makukuha ng isang railway operators.

 

 

Magbibigay din ito ng kalamangan upang magkaron ng isang railway laboratory na katulad sa ibang bansa.

 

 

Sinabi naman ni DOST-MIRDC executive director Robert Dizon na sa mga nakalipas ng taon na hawak ng LRMC ang operasyon ng LRT 1 ay kanilang nakita ang determinasyon at dedikasyon upang mas mapaganda ang rail system at upang maging mahusay at maginhawa ang pagbibiyahe ng mga pasahero na sumasakay sa LRT 1.

 

 

Dagdag pa ni dela Pena na ang pagtutulungan ng LRMC at DOST-MIRDC ay isang paraan upang bigyan daan ang science, technology at innovation sa lokal na metals, engineering at allied industries sa bansa.

 

 

Hindi lamang magbibigay ng magandang rail system sa mga Filipino kung hindi magbubukas din ito ng iba pang oportunidad sa ibang pang industriya.  (LASACMAR)