GRABE na talaga ang panahon ngayon, gagawin talaga ang lahat para lang makapanglamang o makapangloko ng kapwa.
Sa post ni Ara Mina sa kanyang IG account last week, muntik na ngang mabiktima ang mga staff sa negosyo niyang Hazelberry Cafe na kung saan may isang poser na nag-message sa apat na branches nila at nagpanggap na siya na tinatanong kung ilan ang pumasok at dadaan daw siya.
Kaya naman nag-post si Ara ng kanyang pagkadismaya sa mga taong nagbabalak ng hindi maganda.
“Sa ganitong panahon ng pandemic, hindi ko lubos maisip kung bakit may nakakagawa pa ng ganitong panloloko.
“Someone or maybe some people are attempting na lokohin at pagnakawan ang mga branches ng #Hazelberry by sending messages like these at nagpapanggap na ako. Ang galing ng mga taong ito!
“Pero kung gagamitin nila ang galing at talino nila sa kabutihan at hindi sa kasamaan, mas magkakaron pa tayo ng pag-asang makabangon from this crisis.
“Maliit na negosyante lang po kami, na nagsusumikap na maghanapbuhay kahit na hirap na hirap na tayo sa sitwasyon.
“Salamat na lang sa Diyos at alisto ang mga staff namin and they know what to do sa mga kaduda-dudang pagkakataon.
“Haaay, I want to end this lightly, pero hindi mababaw ang ganitong klaseng panloloko.
“Anyway, sa mga kapwa ko business owners, beware of ploys such as this. Be safe, not only against the virus. @hazelberryofficial #BeSafeEveryone #MayGodBlessYou.”
Nag-react naman ang ilang celebrity friends na nagpakita ng suporta at ‘yun iba ay nagalit din.
Comment ni Maricar Reyes Poon, “I feel u. Nakakaawa na nakakagalit ang mga ganyan.”
Say naman ni Say Alonzo, “Grabe @therealaramina !!! Tinext talaga lahat!”
“Omg. Grabe yan Ara,” post ni Christine Bersola-Babao.
Reaksyon naman ni Teresa Loyzaga, “God Bless you sis @therealaramina !!! Sa dami ng mga tinutulungan mo, balak ka pang lokohin! May God bless you more!!! Ingat and ingat everyone!!! ”
Sabi naman ni Candy Pangilinan, “Omg! Ingat. Meron din tumawag sa mama ko yesterday asking to transfer 40k sa gcash niya at na-aksidente daw kapatid ko. Grabe talaga.” (ROHN ROMULO)
Naghain na ng rekomendasyon ang vaccine expert panel (VEP) para magamit na rin ng senior citizens ang COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese company na Sinovac.
NAKATUON ang pansin ng pamahalaan sa COVID-19 vaccination drive sa high-risk areas gaya ng National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan.
TUMANGGI si Presidential Spokesperson Harry Roque na timbangin ang legalidad ng inisyatiba ni Anakalusugan party-list Representative Michael Defensor na mamahagi ng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City na isang paraan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 infection.
Humihirit din ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na isama na rin na mauuna sa pagbabakuna ang mga abogado sa sa bansa.
SINABI ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatakdang tumanggap ang Pilipinas ng 2 milyong doses ng bakunang Sinovac na gawa ng China at Gamaleya Research Institute ng Russia ngayong buwan.
Binigo ni Pinay tennis ace player Alex Eala si Margot Yerolymos ng France sa opening game ng W60 Bellinzona.
RESPETADONG winakasan ni Yuka Saso ang kampanya sa binirang one-under par 71 pa-even 288 sapat sa seven-way tie para sa 50th place uli at premyong $10,081 (₱489K) sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $3.1M 39th Ana Inspiration 2021 sa Dinah Shore Tournament Course ng Mission Hills Country Club sa Rancho Mirage, California nitong Abril 2-5 lang.
Desidido si Filipino-American NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz na makapaglaro bilang local player kasama ang Gilas Pilipinas sa presithiyosong 2023 FIBA World Cup.