Inaasahan ng Philippine Red Cross (PRC) na maaaprubahan na ng gobyerno ngayong linggo ang COVID-19 saliva test.
Sinabi ni Dr. Paulyn Ubial, head ng molecular laboratory ng PRC, na posibleng makuha nila ang approval sa paggamit ng saliva test mula sa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) sa mga darating na araw.
Aniya, nakumpleto na nila ang pilot run para sa pagsusuri sa may 1,000 samples ng saliva testing.
Nairehistro na rin nila sa FDA ang mga kits na gagamitin sa pagsusuri para sa sertipikasyon nito.
Sa sandaling payagan na ng pamahalaan ang saliva test para sa COVID-19 diagnosis ay maaaring sumunod na rin ang iba pang laboratoryo.
Ang magiging problema lamang aniya ay kung iba ang gagamiting reagents ng mga ito dahil kakailanganin pa nilang gumawa ng validation study na kahalintulad ng ginawa ng PRC.
Dagdag pa niya, ang pagkuha ng regulatory approval ay mangangahulugan rin na madaragdagan ang COVID-19 daily testing gamit ang mas mura, mas mabilis at mas kumbinyenteng paraan ng pagsusuri na kasing accurate rin ng swab test, na itinuturing na gold standard sa COVID testing. (Daris Jose)
BILANG paghahanda sa gagawing vaccination program ng pamahalaan, planong gawing Covid-19 vaccination sites ang ilang paaralan sa lungsod ng Maynila .
KASALUKUYAN nang kumikilos ang gobyerno para tugunan ang sobrang taas ng presyo ng baboy.
Opisyal nang nanumpa bilang ika-46 pangulo ng Estados Unidos si Joe Biden.
PINASINGHOT ng alikabok ni Runway ang mga karibal sa banderang tapos niyang pamamayagpag sa kakahagibis na Philippine Racing Commission Lakambini Stakes Race sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
KINADENA na, tinangka pang nakawin ng isang miyembro ng ‘Bahala na Gang’ ang isang mountain bike habang nakaparada sa isang parking sa Malate, Maynila.
KABILANG sa top eight sa International Weightlifting Federation (IWF) world ranking sa women’s 55-kilogram event ang mga magku-qualify para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021.
Bagsak sa kulungan ang dalawang babae, kabilang ang katulong ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) matapos makuhanan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Navotas cities.
AYAW pang mag-propesyonal na basketbolista.