• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2021

PIA, inaming muntik nang magpabawas ng ‘boobs’ buti na lang ‘di tinuloy

Posted on: January 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINAGOT ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang IG stories ang tanong kung engaged na sila ng boyfriend na si Jeremy Jauncey na kung saan pinagpiyestahan ang kanilang photos sa Maldives.

 

Post ni Pia, “False, ito talaga unang tanong hahaha.  If it was true trust me you’d know haha.

 

“Btw am I doing this right? Video or text”.

 

Isa pang question ang sinagot niya ng video at text kung pumasok ba sa isipan niya ang magpa-breast reduction. Sabi niya, “Again, like I mentioned before, there was a time when I much younger, na I was thinking about it.
“But then, hindi ko tinuloy, kasi nalaman ko na malaki yung mga scars na maiiwan. So, buti na lang.
“I also realized na di ako dapat magpa-apekto sa mga sinasabi ng ibang tao… so I accepted myself nalang 🙂
“Be confident with your bodies! I’m glad I didn’t let my insecurities get to me.”

 

Nagtalo-talo na naman ang netizens sa kani-kanilang opinyon na karamihan ay nagtanggol kay Pia dahil naniniwala silang walang pinagawa o dapat ipabawas ang beauty queen.

 

“Gora sa reduction donate mo yung iba kay senyora.

 

“Bagay naman sa kanya ang size ng breast niya.

 

“Bakit naman siya magpapa-breast reduction kung isa yun sa mga best assets niya, diba?

 

“for health reason since mabigat din yun. It may cause back pain and such.

 

“She super Hot period.

 

“If it’s causing a problem with her health, back problems specifically kahit pa best asset kelangan gawin but if it’s not causing her any problem then we should just leave her boobs alone! Lol

 

“Aside from being gorgeous. really like her for being real and not pabebe. Real Queen talaga.

 

“Same observation! Hindi sya pabebe and pacute. She acts her age.

 

“But isn’t her boobs fake? Serious question? Real ba???

 

“Yes, gurl. Her boobs are REAL. Malalaman mo n totoo ang b**bs if they jiggle. Just look her swimsuit performance on Ms. Universe 2015. Grabe ang pagjiggle ng kanya boobs.

 

“Her boobs are natural. I never thought that she has big boobs till she competed for miss u. Like don ko pa nlaman na malaki pala hinaharap nya.

 

It’s réal ! Gifted po talaga siya, kaya mapapasana all nalang tayo.

 

“Mukhang genes naman. Sister at nanay niya ganun din tapos half-German pa sila.

 

“Jusko naman, teh. Did you see her rampa nung Ms. U? Kahit sino makakita alam naman na real boobs ni Pia.

 

K2BÜ days pa, blessed na sya. She was just teen then. Tall,long hair, and blessed.

 

“Totoo yung kanya. Kasi retokadang boobs will not jiggle which is not the case on Pia’s. Her boobs jiggle so much during her swimsuit performance on Ms. U 2015.

 

“Naka trabaho ko na si pia for a shoot. Girl, legit po boobs niya gifted talaga ate girl mo. Hinde kami nahirapan I edit masydo mga pictures for final printing kasi maayos naman katawan niya at kutis niya … at higit sa lahat maayos siya nakatrabaho very professional. Lahat kinakausap meaning wlaa arte sa katawan.

 

Real sya bagets plng sya pansin kona un kahit super lalaking shirts ang mga sinusuot nya.

 

“she’s very pretty sans make up. di bagay heavy make up sa kanya.

 

“Mukha syang tranny pag heavy make up.

 

“Blooming nga si gurlalo ngayon. Halatang happy.

 

“she has one of the hottest bodies.

 

“Ang ganda ni Pia wag lang smile laki kc veneer parang chiclet.

 

“Siya yung kahit malaki boobs, hindi mukhang bastusin, ewan kung bakit. Haha.

 

“Hmmm, she is not good looking at all.

 

“Very ordinary lang talaga siya.

 

“Nakakahiya naman sa Ms. Universe. Ganda mo siguro.

 

“Model na cya ng Avon na bra since teenager kaya knows na trulili.”

 

***

 

MAGKASAMA na pala sa Viva Artists Agency ang magkapatid na Julia at Claudia Barretto.

 

Sa IG post ni Claudia, So thrilled to announce my partnership with the @vivaartistsagency family. I am so grateful for everyone I’ve crossed paths with and for those who have helped me get to where I am today. To my @universalrecordsph and @cornerstone family, I could never have done it without your unwavering support and guidance. I cannot thank you enough.


     “To my supporters, thank you for loving me. It is my greatest honor and privilege to be able to make music and none of this would be possible without you.


     “Sending you all love and light.”     Wish ng netizens na mas sumikat siya bilang singer at aktres sa paglipat niya sa VAA. (ROHN ROMULO)

Panukalang ipagpaliban ang SSS contribution hike

Posted on: January 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lusot na sa House Committee on Government Enterprises and Privatization ang panukalang naglalayong ipagpaliban ang nakatakdang pagtaas sa SSS Contribution ngayong 2021.

 

Ginawang working bill ng naturang komite ang House Bill No. 8317 na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco para sa gagawing substitute bill matapos isama rito ang iba pang mga kahalintulad na panukala.

 

Inaamiyendahan ng panukala ni Velasco ang Section 4 A.9 ng Social Security Act of 2018.

 

Nakasaad sa batas na ito ang tataas ngayong 2021 sa 13 percent mula sa kasalukuyang 12 percent ang hatiaanng employer at empleyado sa SSS contribution.

 

Ginagawaran din ng panukalang ito nang kapangyarihan si Panguong Rodrigo Duterte na suspendihin ang nakatakdang SSS contribution hike.

 

Ito ay kasunod nang gagawing konsultasyon sa kalihim ng Department of Finance, na siyang ex-officio member ng Social Security Commission.

 

Ang deferment na ito sa SSS contribution ay maari lamang ikonsidera sa panahon nang national emergency, katulad na lamang ng COVID-19 pandemic.

DINA, humanga sa nadiskubre sa co-star na si JAY na isang mapagmahal na ama

Posted on: January 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HUMANGA ang aktres na si Dina Bonnevie sa nadiskubre niya sa co-star niyang si Jay Manalo sa lock-in taping nila ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

 

Ibang-iba raw pala si Jay sa tunay na buhay kaysa ginagampanan niyang mga roles sa mga seryeng ginagawa niya.

 

“Nakita kong isa pala siyang butihin at mapagmahal na ama,” kuwento ni Dina.

 

“Malayo kasi ang lock-in taping namin na tumagal ng ilang linggo, pero si Jay hindi niya nakakalimutan na kumustahin ang kanyang mga anak.

 

“I thought he was exactly like the roles he plays, yung babaero, happy-go-lucky, but I was surprised that he’s such a cool father pala, he’s such a good dad.  Every morning, habang nagmi-makeup ako, nandiyan si Jay sa right side, kumakain ng breakfast, kasi magkasunod iyong makeup schedule namin. 

 

Tapos doon nakikita ko nagbi-video siya with his son and daughter. Kinakausap niya, nagbi-video call sila tuwing umaga, then he dances while he’s talking to them. Nakakatuwang malaman na may ganitong side pala si Jay.”

 

Kasalukuyang napapanood ang recap ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, na malalaman kung bakit naging mortal na magka-away sina Susy (Dina) at Amy (Snooky Serna).

 

Panoorin ito sa GMA-7 at 8PM, pagkatapos ng 24 Oras. Magsisimula namang mapanood ang mga fresh episodes nila sa February 8.

 

***

 

MATAPOS mai-showing sa GMA-7, ang very successful at nag-trending sa number 1 sa Twitter na Alden’s Reality, A TV Special, handa na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa pagbabalik ng musical singing contest na Centerstage na hinahanap nila ang mananalong Bida Kids.

 

Si Alden ang host nito with Betong Sumaya at mga judges naman sina International Stage Actress-Singer Aicelle Santos-Zambrano, musical director Mel Villena at Concert Queen Pops Fernandez.

 

Nakatakda itong ibalik sa February sa GMA-7.  Sa February rin daw ang simula ng shooting nina Alden at Bea Alonzo ng A Moment to Remember na co-production venture ng Viva Films at GMA Pictures.

 

***

 

MULING nagwagi si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose ng dalawang parangal sa ginanap na 6th Wish Music Awards last Sunday, January 17.

 

Inuwi ng Kapuso singer and Wishlusive Contempoary R&B Performance of the Year para sa kanyang kantang “Nobela” at Wish R&B Song of the Year, ang “Better.”

 

Sa kanyang Twitter account, ipinahayag ni Julie ang labis na pasasalamat niya sa mga sumuporta sa kanya.

 

“Maraming salamat @wish1075 for the recognition! May you continue to spread love and inspiration to everyone.  Mabuhay ang OPM!!!

 

At sa kanyang mga fans and followers: “Thank you adiks, and to everyone who voted! And for trending too.  Solid kayo! Much much love!”

 

Sa ngayon ay naghahanda na si Julie Anne sa pagsisimula ng lock-in taping nila sa upcoming GMA News

 

TV series na Heartful Cafe, na makakatambal niya for the first time si Kapuso actor David Licauco. (Nora V. Calderon)

Covid-19 vaccine hindi dapat pagkakitaan o gawing commercialize ng mga ospital- Sec. Galvez

Posted on: January 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na hindi talaga dapat na maging commercialize o maibenta sa mga ospital ang Covid-19 vaccine.

 

Sinabi ni Sec.Galvez, na kung siya ang tatanungin ay nais niyang mapangalagaan ang kasalukuyang proseso na ipinatutupad ng Food and Drug Administration (FDA) pagdating sa pag-aangkat ng bakuna.

 

Aniya, una nang sinabi ng FDA na ang tanging aaprubahan ng kanilang ahensya ay ang mga nag-a-apply lamang ng Emergency Use Authorization (EUA), na nangangahulugan aniya na hindi maaaring maging commercial ang Covid-19 vaccine.

 

Magugunitang, makailang beses nang sinabi at ipinangako ng gobyerno sa publiko na magiging libre para sa mga Filipino ang bakuna laban sa virus lalo na sa mga senior citizen at mga mahihirap.

 

Samantala, may dalawang paraan ang gagamitin ng pamahalaan upang maipaalam sa loob ng limang araw sa mga priority individuals

 

Ang iskedyul ng kanilang pagpapaturok ng Covid 19 vaccine sakaling dumating na ito sa bansa sa unang quarter ng taon.

 

Sa pamamagitan aniya ng paggamit ng QR code at ng tinatawag na war room agad na maipaaabot sa mga prayoridad na indibidwal ang takdang araw ng kanilang pagpapabakuna.

 

Sa ganitong paraan aniya ay magiging mabilis na maipararating ang information dissemination mula sa mga lokal na pamahalaan hanggang sa mga barangay.

 

Partikular itong gagamitin sa mga mga area na may matataas na internet connection tulad aniya ng Metro Manila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Black tamang sundan ang ama

Posted on: January 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG hindi nagkamali si Aaron Black na sundan ang kanyang ama na maging basketball player din.

 

Tila naging pamantayan ng anak ni Meralco Bolts coach Norman Black, na lahat ng mga baguhan may pagkakataong ipakita ang husay magtiyaga’t magsipag lang, may mararating din ura-urada.

 

Tinanghal si Aaron na pinakamababang pick, second round, 18th overall na nagwagi ng Outstanding Rookie sa Virtual 45th Philippine Basketball Association (PBA) Annual Awards Night nitong Linggo, Enero 17.

 

Ineklipsehan ng 23 taong-gulang, may taas na 6-1 ang rekord ni Larry Fonacier ng North Luzon Expressway na naging 2005 Rookie of the Year makalipas huguting ika-14 sa PBA Rookie Draft ng Red Bull.

 

Malimit mapagwagian ng isang top rookie pick ang karangalang isang ulit lang napapanalunan ng basketbolista.

 

Sinorpresa ni Aaron sina 2019 top pick Roosevelt Adams ng Terrafirma Dyip, Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra San Miguel Gin iIngs, Kevin Barkley Eboña ng Alaska Milk Aces, at Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

 

Hindi rin pinakawalan ni Aaron ang pambihirang tiwala ng kanyang amang si Norman, 63, ang 11-time PBA champion coach, at two-time Best Import nang kabataan niya sa liga.

 

“It was a big motivational factor for me,” wika ng nakababatang Black. “Being drafted in the second round as well as playing for my dad, that’s a big thing.

 

Saludo ang Opensa Depensa sa iyo Aaron. Pamarisan ka ng mga susunod sa iyo. (REC)

NCCA’s Eksena Cinema Quarantine Films’ Now Streaming Worldwide

Posted on: January 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ECQ: Eksena Cinema Quarantine (COVID-19 Filmmakers’ Diaries), a project under the National Commission for Culture and the Arts – National Committee on Cinema (NCCA-NCC), in cooperation with University of St. La Salle- Artists’ Hub.

 

Featuring sixteen filmmakers namely Adjani Arumpac, Hiyas Baldemor Bagabaldo, Arbi Barbarona, Glenn Barit, Carlo Enciso Catu, Zurich Chan, Arden Rod Condez, Kristian Sendon Cordero, Khavn, Keith Deligero, Kyle Fermindoza, Bagane Fiola, Mark L. Garcia, Julienne Ilagan, Pam Miras, and Guillermo Ocampo.

 

Presented in two parts, Eksena 1 and Eksena 2, the omnibus films gives the viewers a glimpse as well as insights from these filmmakers on how they navigated and managed their lives during the lockdown.

 

The worldwide virtual launch is on Friday, January 22 at 6PM, followed by the screenings which will run for a week until January 28.

 

(https://www.youtube.com/watch?v=4HVYLIRwkWo&list=PLkzgTLjUM119aZ0pi1AFDUHCeiCMSsHwj)

 

National Committee on Cinema (NCC) chair Rolando Tolentino said, “It is important to continue the filmmaking process especially in this time (COVID-19 pandemic) when it is very challenging to do films and art for that matter.”

 

“If we do not sustain art and culture, we would not have the testament that the pandemic indeed happened. These films will become testaments that we lived this way (now) – just like Noli Me Tangere – which gave us a glimpse on what happened during the Spanish colonialism because Jose Rizal wrote Noli Me Tangere. That becomes a powerful testament over time even after centuries,” Tolentino added.

 

The films may be accessed online after registering for a free account at vimeo.com or through the vimeo mobile app. Distributed by Solar Pictures, the films maybe accessed as video on demand for free via the promo code NCCACinema.

 

Aside from the screenings, four webinars will also be held from January 25-28, 2021 with the filmmakers grouped into the four regions. They will share their filmmaking process in producing their short films and thresh out detailed insights into their personal struggles and successes in doing the film.

 

For more details visit https://bit.ly/EksenaCQ. You can also get updates by joining us at https://bit.ly/EKSENACinemaQuarantineLaunch .

Devanadera, Pantone tigil na sa paghambalos

Posted on: January 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISINABIT na Sina PLDT Home Fibr veterans Lizlee Ann ‘Tatan’ Gata-Pantone at Sasa Devanadera ang kanilang mga playing jersey bilang mga volleybelle.

 

Kinumpirma ito nitong isang araw  ng kanilang coach na si Rogelio ‘Roger’ Gorayeb at ng Power Hitters sa mga Facebook post.

 

“Our #PowerHitters Tatan Gata-Pantone and Sasa Devanadera are now signing off!” bulalas ng team sa FB. “Thank you, Tatan and Sasa! We wish you good luck on to the next chapter of your lives.”

 

Naglaro sa 8th Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix 2020 noong Marso ang dalawang balibolista bago  napurnada ang torneo dahil sa Coronavirus Disease 2019 pandemic na nagpatigil sa lahat ng sports event sa mundo.

 

Kapwa maraming mga kampeonato’t parangal na inani na rin ang dalawang beteranang balibolista sa panahon pa nila sa Shakey’s V-League. (REC)

TAX PAYMENT NG COMPUTER SHOPS SA NAVOTAS, PINAGPALIBAN

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINALAWIG ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang deadline para sa business permit renewal at pinayagan ang mga rehistradong computer shops na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng kanilang business tax para sa 2021.

 

Nakasaad sa City Ordinance No. 2020-51 na lahat ng business taxpayers ay maaaring magbayad ng ng kanilang buwis nang walang karagdagang bayarin hanggang Pebrero 28, 2021.

 

Batay naman sa City Ordinance No. 2020-52, pinalawig ang renewal ng business permit at pagbabayad ng business tax ng computer shops, internet cafes, pisonet at iba pang katulad na establisiyemento hanggang sa payagan na silang muling mag-operate.

 

Lahat ng multa, kabilang ang interes, ay ipinawalang-bisa habang epektibo ang extension.

 

“Businesses are still reeling from the impact of the COVID-19 pandemic. Many have folded, others have been trying to stay afloat. We hope to give them much-needed reprieve by offering them more time to settle their obligations,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

Magugunitang nagbigay ang Navotas ng tax refund sa taxpayers na nagbayad ng surcharges, penalties at interes sa lahat ng lokal na buwis at bayarin na nakatakda nang bayaraan o na-assess mula Setyembre 14, 2020 hanggang sa pagpapatupad ng City Ordinance 2020-45. (Richard Mesa)

New normal, maaari nang ikasa – Malakanyang

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na ang mga lugar na wala ng Covid-19 transmission ay maaari nang isailalim sa “new normal” kung saan ang natitirang quarantine restrictions ay magiging maluwag na.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases “in principle” ang deklarasyon ng new normal areas sa bansa.

Aniya pa, bumabalangkas na ang task force ng guidelines para sa new normal.

“It has been approved in principle po talaga na magkakaroon ng deklarasyon talaga ng new normal areas. Pero ang binubuo lang po ngayon ay ‘yung mga ‘Dos and Don’ts’ sa new normal,” ayon kay Sec. Roque.

“Kasi baka magkaroon ng new normal, bigla silang magkaroon ng rock concert. Iyon po ang lilinawin natin, iyong mga dos and don’ts sa mga new normal areas,” dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, mayorya ng lugar sa bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ), itinuturing na “most lenient quarantine classification” at susunod na phase bago ang new normal.

Dahil dito, nagpatupad ang pamahalaan ng lockdown sa buong Luzon noong kalagitnaan ng Marso ng nakaraang taon at unti-unting binubuksan ang ekonomiya matapos tamaan ng pandemiya na dala ng Covid-19.

Ang mga itinuturing naman na high-risk areas ay isinailalim sa itinuturing na “most stringent Enhanced Community Quarantine (ECQ) at the modified ECQ, habang ang moderate-risk areas naman ay isinailalim sa general community quarantine (GCQ) o modified GCQ.

Sa kasalukuyan, ang Metro Manila, mga lalawigan ng Davao del Norte, Batangas, Isabela, Lanao del Sur at limang siyudad gaya ng Santiago, Iloilo, Tacloban, Iligan, at Davao ay nasa ilalim ng GCQ hanggang Enero 30.

Ang natitirang lugar sa bansa ay nasa ilalim naman ng MGCQ.

PDu30, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga sundalong namatay sa pag-crash ng helicopter sa Bukidnon

Posted on: January 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamilya at mahal sa buhay ng mga sundalong namatay matapos mag-crash ang isang helicopter sa Sitio Balonay, Impasugong, Bukidnon kamakalawa.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi na nais sana niyang puntahan ang mga ito sa pag-aakalang nasa iisang kampo lamang subalit nalaman niya na dinala na kaagad sa bawat pamilya ang labi ng mga sundalo kaya’t nagdesisyon siyang huwag nang ituloy ang kanyang byahe.

“I would’ve wanted to go there. I thought yesterday nasa isang kampo lang, ‘yon pala, pinadala na mga labi nila sa mga pamilya nila so I decided to forego the trip but just the same, let me express my deepest condolences sa mga asawa ninyo,” ayon kay Pangulong Duterte.

“I share your grief. Alam ko kung gaano na ang sakripisyo ng sundalo para sa bayan. They died as heroes,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

Sa ulat, pitong katao ang nasawi na kinabibilangan ng tatlong Army servicemen at apat na Air Force personnel matapos mag-crash ang isang helicopter sa Sitio Balonay, Impasugong, Bukidnon.

Isang piloto ng UH-1H Air Force Helicopter ang kabilang sa nasawi pati na ang kanyang co-pilot, 2 crew member at tatlong sundalo matapos umanong magkaroon ng problema ang engine ng kanilang sinasakyan na naging sanhi ng pagbagsak nito.

Galing umano ang helicopter sa Malaybalay at patungo ito sa Impasugong upang magdala ng supplies nang napansin ng mga kasamahan nila mula sa isa pang helicopter na umuusok ang chopper.

Iniiwas pa umano ng piloto na bumagsak ang chopper sa lugar na maraming bahay bago ito tuluyang bumagsak.

Samantala, sinabi ni Pangulong Duterte na pagkakalooban niya ng Order of Lapu-Lapu ang mga sundalo.

Nag-alay pa ang Pangulo kasama sina Senador Bong Go at ilang cabinet members ng isang minutong katahimikan at nagdasal para sa mga sundalong namatay.

“May they rest in peace. My message to their families is you will not be abandoned. Aalalayan ko kayo,” ang pahayag ng Pangulo.  (Daris Jose)