Gomez de Liano papahasa pa PBA D-League at UAAP
- Published on January 22, 2021
- by @peoplesbalita
AYAW pang mag-propesyonal na basketbolista.
Maski veteran internationalist na sa paglalaro sa Gilas Pilipinas national men’s basketball team at maging standout dito, ayaw pang mag-pro ni Joaquin Javier ‘Javi’ Gomez de Liano.
Kaya hindi siya magpapalista sa Philippine Basketball Association (PBA) hanggang sa deadline nito sa Enero 27.
Ipinahayag niya kahapon na tutuparin niya pa ang commitment sa University of the Philippines (Diliman) Fighting Maroons kahit wala pang katiyakan ang 84th University Athletic Association of the Philipines (UAAP) 2021-22 men’s hoopfest dahil sa Covid-19.
Inamin ng 22-anyos at 6-5 ang taas na manlalaro, na labis din siyang nahirapan smagpasyang ‘di muna mag-PBA.
“It was honestly a hard decision because I was really thinking about it,” giit ni Gomes de Liano, na bukod sa collegiate league, maghahasa pa rin siya sa PBA Developmental League para sa kasalukuyang taon.
Nakatakda ang 36th PBA Rookie Draft 2021 sa Marso 14, habang ang 46th PBA 2021 Philippine Cup bubuksan sa Abril 9. (REC)