• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2020

Rep. Velasco: ‘Tahimik lang akong nagtatrabaho bilang paggalang sa term-sharing agreement’

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagsalita na rin si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa gitna ng patutsada ng kampo ni House Speaker Alan Peter Cayetano na siya ang nasa likod nang ouster plot laban sa liderato ng Kamara.

 

Sa isang Facebook post, sinabi ni Velasco na sa simula pa lang nang mabuo ang gentleman’s agreement nila ni Cayetano sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng 18th Congress ay pinili na lamang niyang manahimik bilang respeto na rin sa nakaupong lider ng Kamara.

 

Gayunman, ang pananahimik niyang ito ay hindi naman nangangahulugan na hindi na siya interesado o kanya nang tinalikuran ang term-sharing agreement nila ni Cayetano.

 

Bilang paggalang sa kanilang kasunduan, hindi rin niya hinangad na makipagkumpetensya pa kay Cayetano sapagkat naniniwala siyang may tamang panahon din na nakalaan para sa kanya.

 

Hindi naman aniya wasto para gawing sukatan sa kanyang ladership style ang pagiging tahimik sa pagtatrabaho at pagsuporta sa administrasyon, pati na rin sa pagsasakatuparan sa legislative agenda ni pangulong Duterte.

 

Tiyak na mkikita naman aniya ng kanyang mga kasamahan sa Kamara ang kanyang pamamaraan sa oras na matuloy ang kanilang term-sharing agreement ni Cayetano, na nakatakda na sa darating na Oktubre.

 

Sa kabilang dako, kahapon, sa plenaryo ng Kamara binuweltahan ni Capiz Rep. Fredenil Castro si Velasco at iba pang kongresista hinggil sa umano’y ouster plot laban kay Cayetano.

 

Sinabi ni Castro na sa nakalipas na 15 buwan ay wala naman aniyang naitulong talaga si Velasco kaya malabo aniya na sundin nila ito sa oras na maupo ito bilang lider ng Kamara.

 

Ginagamit lamang aniya ni Velasco ang pangalan nito pati si Pangulong Rodrigo Duterte para pagtakpan ang kakulangan sa credentials.

Ravena nag-boxing muna

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HABANG hindi pa abala sa pagba-volleyball ang bunso sa tatlong atletang Ravena na si Danielle Therese o Dani, ibang bagay na muna ang kanyang pinagbibisi-bisihan.

 

Ipinaskil ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) volleyball star sa kanyang Instagram story nitong isang araw, ang pagboboksing kasama ang partner na si Jan Benavides.

 

Kahit volleyball ang forte ng 20-anyos dalaga, kapansin- pansing may career din siya sa boksing dahil sa galawan at todong pagbitaw ng mga banay.

 

Kasama ang Ateneo Lady Eagles 5-foot-4 libero sa naputulan na UAAP Season 82 2019-20 nang kanselahin ang second semester sports nitong Marso dulot ng Coronavris Dis- ease 2019 sa mundo. (REC)

Duterte, nanawagan sa United Nations

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng pantay na pag-access sa COVID-19 vaccine.

Sa kanyang virtual speech sa United Nations General Assembly (UNGA), sinabi nito habang maraming bansa ang nagkukumahog na makagawa ng bakuna laban sa COVID-19 ay dapat maging available ito sa mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas.

Dapat ring maikonsidera itong “global public good.”

Mahalaga aniya ngayon na magtulong-tulong ang mga bansa para malabanan ang coronavirus pandemic na nananalasa sa buong mundo.

“The world is in the race to find a safe and effective vaccine,” pahayag pa ng Pangulo sa kanyang 20 minuto na talumpati. “When the world finds that vaccine, access to it must not be denied nor withheld. It should be made available to all, rich and poor nations alike, as a matter of policy.”

“The Philippines joins our partners in the ASEAN and the Non-Aligned Movement in raising our collective voice: the COVID-19 vaccine must be considered a global public good. Let us be clear on this,” dagdag pa ng Pangulong Duterte. “The Philippines values the role that the United Nations plays in its fight against the pandemic. As a middle-income country whose economic advances have been derailed by the pandemic, we welcome the launch of the UN COVID Response and Recovery Fund,”

Samantala ang 75th session ngayon ng UNGA ay merong tema na, “The Future we want, the United Nations we need: reaffirming our collective commitment to multilateralism – confronting COVID-19 through effective multilateral action.”

Ang mga world leaders ay inabisuhan na magpadala ng kanilang pre-recorded videos at mga talumpati para i-broadcast ito ng live mula sa UN headquarters sa New York.

Ang UNGA ang siyang pangunahing deliberative body ng United Nations kung saan ang lahat ng 193 na mga bansa ay may kumakatawan. (Daris Jose)

Ardina, Pagdanganan pasok sa Cambia finals

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PAREHONG nagsumite sina veteran Dottie Ardina at rookie Bianca Pagdanganan ng even-par 72 upang pumasok sa 80 sa cutoff at nakasigurado na ng cash prizes sa penultimate playdate nitong Linggo (oras sa Maynila) ng Cambia Portland Classic sa Columbia Edgewater Macan Course sa Oregon.

 

Kaya lang buhat mula 16-way tie sa 23rd place sa opener, nahulog ang dalawang pambato ng Pilipinas sa world’s premier golfest sa 13 magkakatabla sa sa ika-43 puwesto, nakaiwas sa 61 mga nabaklas na sa napaigsi ng isang araw na kompetisyon dahil sa sunod sa Pacific Northwest.

 

Wala na ring tsansa para sa kampeonato sina Ardina at Pagdanganan sa 142s dahil buhat sa pagkaiwan sa apat na palo nitong Biyernes, nabaon sila sa 10 strokes sa bagong lider na si Mel Reid ng England na may 65-132, abante ng isa sa humihinga sa batok niyang si first round co-leader Hannah Green ng Australia.

 

Ang torneo ay 10th leg na ng United States 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) 2020 na pinaigsi sa taong ito ng Covid-19. (REC)

MIYEMBRO NG BANUNG DRUG GROUP, ARESTADO

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ng Manila Police District  (MPD)-Police Station 6 ang isang miyembro ng Banung Drug Group sa isinagawang buy bust operation, kamakalawa  sa may panulukan ng Pasig Line St.,  at  A. Francisco St., Brgy. 777 Zone 83, San Andres Bukid Maynila.

Narekober  ng mga pulis sa suspek na si Hans Kerwin Pama, alyas Kerwang, ang may 12 gramo ng shabu na may market value na P81,600,marked money na P500.

Ang suspek ay naaresto nina PCpl Mark Dave Blanco dakong alas-2:00 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Nabatid na matagal na umanong minamanmanan ng pulisya ang iligal na gawain  ng suspek.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 and 11 (Selling and Possession of Dangerous Drugs) ng Article II of RA 9165 kilala bilang  Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutors ang suspek. (GENE ADSUARA)

SILID-AKLATAN NG PSC BUBUKSAN

Posted on: September 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG muling buksan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Philippine Sports Library sa bansa sa misyon ng ahensiya na mapalawak at mapaangat pa ang edukasyon sa tulong ng mga programa ng Philippine Sports Institute matapos ang Covid-19.

 

Inihayag ni PSC Chairman William Ramirez, na pangunahing asam ng silid-aklatan na makapatuklas ng scholar athletes at sports scholars habang tampok din ang pagbibigay ng mga makukulay na kasaysayan at impormasyon sa sports-related literature, dokumentaryo at sports development.

 

“We aim for the rebirth of the Philippine Sports Library so we can cater to our scholars, athletes, sports professionals and enthusiasts who may be needing information resources in the field of sports right at the heart of the city,” saad nitong kamakalawa ng opisyal na isang professor at naging coach din sa Davao City.

 

Ang library nasa 4th floor ng Building A sa PhilSports Complex sa Pasig City. Pero dahil sa patuloy na situwasyon na general community quarantine pansamantalang isinarado ang pasilidad sapul noong Marso.

 

Idinagdag naman ni PSI Program Head Abigail Marie Rivera na bibili ang PSC at PSI ng mahigit na 3,000 physical book titles para sa mga Physical Education students, faculty at academic researchers.

 

“We aim to submit these for approval before December. We are working on finalizing the library’s operations manual and preparing our midterm plan for this facility,” namutawi sa kanya. (REC)

MGA HEALTH PROFESSIONALS, PUWEDE ULIT MAGTRABAHO SA IBANG BANSA

Posted on: September 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUWEDE nang makaalis patungong ibang bansa ang mga health professionals na kumpleto na ang mga papeles “as of August 31.”

 

Sinabi ni Presidential spokes- person Harry Roque na pumayag na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makaalis ng bansa ang mga medical professionals matapos ang pansamantalang travel ban na ipinatupad.

 

Ani Sec.Roque, sa hanay pa lamang ng mga nurses ay posibleng nasa 1,500 na ang maaaring muling makabalik ng kanilang trabaho sa iba’t ibang mga bansa.

 

Matatandaang, ilang mga apela na ang ipinarating nang mga grupo ng medical workers sa Pangulo na alisin na ang temporary ban.

 

Bagama’t pansamantala lang aniya ang pagbabawal na muli silang makapag- trabaho abroad ay maaaring mawala sa kanila ang oportunidad ng habang buhay dahil sa inimplementang travel ban.

 

Ang pasya ng Chief Executive ay batay na din sa una ng board resolution ng POEA na isinumite sa IATF upang mapayagan na din sana ang mga health workers na kumpleto na ang kanilang dokumento hindi lang “as March 8” kundi hanggang “August 31” na. (Daris Jose)

Baguio City, magsisimula nang tumanggap ng bisita mula sa Ilocos Region

Posted on: September 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAGSISIMULA na ang tourist-favorite Baguio City na tumanggap ng kanilang bisita mula sa  Ilocos region simula Setyembre  22.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang residente ng Region 1 na nagnanais na bumisita sa  Baguio City, kilala bilang  summer capital ng bansa dahil sa malamig na panahon ay kailangan lamang na  mag-rehistro sa  online at magpakita ng patunay  ng  hotel reservation.

 

Ito’y makaraan ang inspeksyon ng  precautionary protocols na ipinatutupad sa Baguio City .

“Beginning Sept. 22, our city of Baguio will be open para sa mga bisita galing sa Region 1,” ayon kay Sec. Roque.

 

“You can come and enjoy the city of Pines,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, sinabi ni Contact tracing czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang  local government ay kailangan na gumamit ng VIS.I.T.A app o  Visitors Information and Tourist Assistance app  para ma- manage ang pagdating ng mga turista.

 

Idinagdag pa nito na kailangan na makipag-ugnayan ang mga ito  sa Department of Tourism at pribadong sektor, partikular na ang  tour operators para makontrol at ma- manage ang mga bibisitang turista.

 

Kailangan naman na isailalim  ng mga turista ang kanilang sarili  sa  swab test o antigen test.(Daris Jose)

Crime volume sa bansa, bumaba ng 47%

Posted on: September 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IBINALITA ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año  na bumaba ng 47% ang crime volume sa bansa sa loob  ng unang anim na buwan kung saan ang bansa ay isinailalim sa  lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

 

Pinagbasehan  ni Año ang  data mula sa Philippine National Police (PNP).

 

Sa nasabing data,16,879  ang napaulat na insidente  ng krimen mula  Marso 17 hanggang sa kasalukuyan.

 

“This is almost half of the crime incidents logged six months before the lockdown, or from September 2019 to the earlier half of March 2020, where 31,1661 incidents were reported.

From 172 cases a day to 92 cases per day,” ayon kay Año  sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.

 

Aniya pa, bumaba rin ng  61% ang insidente ng nakawan  habang ang  nakawan naman ng sasakyan ay  bumaba ng  66% at 61% naman ang ibinaba ng nakawan ng motorsiklo.

 

Bumaba rin daw ang kaso ng pagpatay ng 22%, habang bumaba naman ng 24% ang kaso ng panggagahasa o panghahalay.

 

Sinabi pa ng Kalihim na ang pagbaba ng insidente ng krimen ay dahil na rin  sa police visibility at maayos na koordinasyon sa local government units. (Daris Jose)

Ilang lugar sa bansa, maaari ng ideklara at isailalim sa “new normal”

Posted on: September 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY ilang lugar na sa bansa ang maaari ng isailalim sa  “new normal” ngayong Oktubre.

 

Ito’y dahil sa zero COVID-19 transmission sa ilang bahagi ng Pilipinas.

 

Ang Community quarantine measures para sa buwan ng Oktubre  “will not be the same,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Posible kasing bawiin ang virus restrictions sa ilang lugar.

 

Karamihan ng lugar sa Pilipinas ayon kay Sec. Roque ay nasa ilalim ng relaxed general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) hanggang sa katapusan ng buwan  habang hangad ng pamahalaan na muling simulan ang economic activity.

“There will be areas na mayroong zero transmission in the past month na puwede nang ideklara as under the regime of new normal,” ayon kay Sec. Roque.

 

“In that sense, magkakaroon tayo ng mga bagong classification, magkakaroon tayo ng new normal aside from MGCQ,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, ang Pilipinas ay patuloy na nakapagtatala ng bagong  COVID-19 cases kada araw sa kabila nang ipinatutupad na pinakamahaba at pinakamahigpit na  lockdowns sa buong mundo.

 

Mayroon itong 4-step quarantine system, bago ang “new normal” na may ipinatutupad na  minimum health standards gaya ng pagsusuot ng  face masks, face shields at physical distancing.

 

Ang Metro Manila, coronavirus epicenter ng bansa ay nasa ilalim ng   GCQ sa ikatlong pagkakataon.

 

Ipinatupad ang virus lockdowns noong Marso, pinakamataas na enhanced community quarantine o ECQ, na sinundan ng  modified ECQ, GCQ, at MGCQ.

 

Ang MGCQ ang magsisilbing  transition point para sa new normal o lubos na pagpapagaan ng  virus restrictions. (Daris Jose)