• November 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 30th, 2026

Kelot, arestado sa baril sa Caloocan

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SHOOT sa kalaboso ang 34-anyos na kelot nang mahuli sa aktong hinihimas-himas ang hawak na baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Mahaharap sa reklamong paglabag sa Section 28 ng R.A. 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nagpapatrulya ang mga operatiba ng East Bagong Silang Police Sub-Station 13 dakong alas-3:05 ng madaling araw sa Brgy. Bagong Silang nang matiyempuhan nila sa isang eskinita ang suspek habang libang na libang na hinihimas ang hawak na baril.

Nagulat pa ang suspek at tinangkang itago ang baril nang bumulaga sa harapan niya ang mga pulis na kaagad namang kinumpiska ang hawak niyang kalibre .22 na revolver na kargado ng isang bala.

Pinosasan ng mga pulis ang suspek nang mabigong magpakita ng liseniya o dokumento na magpapatunay na legal ang pag-iingat niya ng baril. (Richard Mesa)

PBBM, pinangunahan ang pagpapasinaya sa manufacturing at assembly plant ng Sazgar Philippines, Inc. sa Laguna

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasinaya sa sa manufacturing at assembly plant ng Sazgar Philippines, Inc. sa Laguna.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na malinaw ang mensahe ng Pangulo na ang pagbubukas ng planta ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag na infrastructure industry at mas malinis na transportasyon sa bansa. 

Iyon ay dahil sa inaasahang makakagawa ito ng humigit-kumulang 12,000 tricycle kada taon, kabilang na ang mga electric at internal combustion engine o mga ICE motorcycles.

Ngunit higit pa sa bilang ng mga sasakyang magagawa, ang tunay na halaga ng proyektong ito ayon kay Castro ay ang mga buhay na maaari nitong mabago. 

Sa mahigit 3,000 trabaho, sinabi ni Castro na inaasahang mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng pagkakataong kumita, matutustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya at pangarap na mas magandang kinabukasan. 

Kasabay nito, mabibigyan din ng pagkakataon ang mga lokal na negosyo na maging bahagi ng produksyon sa pamamagitan ng pagsusuplay ng mga piyesa at materyales.

“Gayunman, ang tunay na pag-unlad ay hindi nasusukat sa dami ng produktong na gagawa o sa laki ng pamumuhunang ipapasok, mas mahalaga kung gaano karaming Pilipino ang nakikinabang at kung gaano katagal ang positibong epekto nito sa kanilang buhay,” ayon kay Castro.

“Tandaan po natin na ang bawat trabahong nalilikha ay pangarap na nagbibigay ng pagkakataon. Ang bawat lokal na negosyong umuunlad ay pamilyang nagkakaroon ng pag-asa. At ang bawat hakbang tungo sa mas malinis na transportasyon ay pamumuhunan para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon,” dagdag na pahayag nito.

Binigyang diin pa ni Castro na nais na iparating ng Pangulo na ang pag-unlad na may puso, pag-unlad na hindi lamang para sa ekonomiya kung hindi para sa bawat pamilyang Pilipino.

Samantala, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pagtaas ng Minimum Access Volume o MAV ng inaangkat na mais mula 220,000 metric tons hanggang sa 500,000 metric tons para sa taong 2026 sa ilalim na Executive Order No. 129. 

Layunin itong matugunan ang inaasahang kakulangan sa supply ng mais, mapatatag ang presyo ng feeds para sa mga alagang hayop at manok, at maiwasan ang pagtaas ng presyo ng baboy at poultry products

Tinatayang magkakaroon ng yellow corn deficit na aabot sa 1.422 million metric tons mula Marso hanggang Disyembre ngayong taon.

Kabilang sa mga dahilan nito ang limitadong lokal na produksyon, pagtaas sa gastos sa pagsasaka at transportasyon, at mga panganib na dulot ng panahon kabilang na ang Super El Niño. 

Dahil dito, may karagdagang 280,000 metric tons ng mais ang maaaring iangkat bilang pansamantalang pandagdan sa lokal na supply.

Makikinabang dito ang mga kuwalipikadong gumagawa ng feeds, mga magsasaka, at mga kooperatiba at asosasyong gumagawa ng sariling feeds para sa kanilang mga alagang hayop at manok.

Sa ilalim ng kautusan, inaatasan din ang MAV Management Committee na maglabas ng mga alituntunin sa loob ng 30 days upang matiyak ang patas at malinaw na pamamahagi ng karagdagang importasyon.

Nilagdaan ang kautusan noong October 26 at magkakabisa ito matapos mailathala sa Official Gazette o sa isang pahayagang may malawak na sirkulasyon. ( DARIS JOSE)

Sa likod ng rehas, may pag-asang makapagsimula ang mga PDLs- Malakanyang 

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

“SA likod ng mga rehas, may pag-asang muling makapagsimula at magbagong buhay.”

Ito ang pinatunayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang mensahe sa ika-32nd National Correctional Consciousness Week, araw ng Miyerkules sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Dito, binigyang-diin ng Pangulo na layunin ng pamahalaan na mabigyan ng pagkakataong magbagong buhay ang mga Persons Deprived of Liberty o mga PDLs sa pamamagitan ng edukasyon, pagsasanay sa kasanayan, programang pangkabuhayan, legal assistance at rehabilitasyon.

“Nakita na rin po ang halaga nito noong bumisita ang Unang Ginang Liza Marcos, isang abogado, sa New Bilibid Prison kung saan halos 900 ang nabigyan ng libreng serbisyong legal, pati na ang serbisyong pangkalusugan,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

At sa ilalim aniya ng anim na Mandatory Reformation Programs ng Bureau of Corrections, inihanda ang mga PDLs sa kanilang pagbabalik sa pamilya at lipunan. Baon nila sa pagbabalik ang tig-10,000 pesos financial assistance mula sa DSWD sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng departamento.

Ang TESDA ay magbibigay din ng skills training sa pamamagitan ng kanilang scholarship vouchers.

“Ngunit, mahalagang tandaan, ang pangalawang pagkakataon ay hindi nangangahulugang kalimutan ang pagkakamali. Ito ay pagkakataong patunayan na kaya pang itama ang mga pagkakamali. Kung nagkamali, panagutan, huwag tumakas, huwag tumakbo, at magsilbing aral ito tungo sa pagbabago. Dahil ang tunay na pagbabago ay hindi lamang nasusukat sa paglaya mula sa bilangguan, kung hindi sa kakayahang mamuhay nang tama kapag muling nabigyan ng pagkakataon,” litaniya ni Castro.

Kaya nga aniya, tiwala si Pangulong Marcos na sa bawat pagbubukas ng bagong planta, hindi lamang mga makina ang nagsisimulang umandar kung hindi kasama na rito ang pag-asa ng libu-libong pamilyang Pilipino. (DARIS JOSE)

Grimes, Sexton nanguna sa panalo ng Lakers kontra Clippers

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULA sa pagkatalo ng Los Angeles Lakers sa score na 136-129 sa Portland Trail Blazers, agad na nakabawi ang Lakers matapos dominahin ang laro sa Los Angeles Clippers, sa score na 103-87.

Sa kabila ng pagkawala ni Luka Doncic, ipinakita ng Lakers ang kanilang galing ng kanilang mga roster players sa pangunguna nina Quentin Grimes at Collin Sexton upang makuha ang ikaapat na panalo sa limang laro ngayong season at maitala ang 4-1 standing.

Nanguna si Grimes para sa Lakers sa naitalang 23 points, habang nagdagdag naman si Sexton mula sa bench sa pamamagitan ng season-high na 21 puntos. Nagdagdag si Austin Reaves ng 16 puntos at si Matisse Thybulle ng 15 puntos, kabilang ang tig-apat na three-point shot nina Sexton at Thybulle.

Maagang nagpakita ng magandang laro ang Lakers at nagtapos sa unang quarter na may 25 points laban sa 22 points ng Clippers.

Lalo pang lumaki ang kalamangan ng Lakers sa ikalawang quarter matapos dominahin ang kanilang kalaban, 31-16, nagtapos ang firts half na may kalamangan ang Lakers ng 18, sa score na 56-38.

Susunod na haharapin ng Lakers ang Golden State Warriors sa Biyernes para sa pagsisimula ng kanilang group-stage campaign sa NBA.

Sixers, tagumpay sa panibagong 4th-quarter comeback, 114-109

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGTAGUMPAY ang Philadelphia 76ers sa panibago nitong 4th-quarter comeback kasunod ng panalo kontra Indiana Pacers, 114-109.

Hawak kasi ng Pacers ang 13-point lead sa pagtatapos ng 3rd quarter ngunit pinilit itong habulin ng Sixers sa pangunguna ng sharpshooter na si Tyrese Maxey.

Hindi naman napigilan ng Pacers ang clutch offense ng Pacers at 50 secs bago matapos ang laban, naungusan na ng Sixers ang Pacers, 109-106 sa tulong ng clutch 3 ni Maxey.

Sinundan pa ito ni Maxey ng isang 3 points at dinala ang score sa 112-106, 40 seconds bago matapos ang laban.

Sa kabuuan ng 4th quarter, nagbuhos ng 39 points ang Phila habang 21 points lamang ang naiganti ng Pacers – daan upang tuluyang mabura ang deficit.

Maliban kay Maxey, gumawa rin ng 21 points ang bigman na si Joel Embiid, kasama ang 11 rebounds, habang 20 points at sampung rebounds ang ambag ng bagong Phila forward na si Jaylen Brown.

Nagkasya naman sa 26 points at 11 rebounds ang dating NBA champion na si Pascal Siakam, sa loob ng 34 mins na kaniyang paglalaro sa hardcourt.

Hawak na ng Sixers ang 4-1 na kartada habang 2-3 ang win-loss record ng Pacers.

Curry gumawa ng 44 points sa panalo ng Warriors kontra Wolves, 119-114

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING gumawa ng 40-point performance ang 38-anyos na NBA star na si Stephen Curry sa panalo ng Golden State Warriors sa Minnesota Timberwolves.

Naipasok ni Curry ang 11 mula sa 27 attempts, kung saan anim dito ay pawang mga 3-pointer. Perfect din ang score ni Steph sa free throw line at naipasok ang lahat ng 16 free shots na iginawad sa kaniya sa kabuuan ng laban.

Umabot pa sa 24 points ang kalamangan ng Warriors sa kalagitnaan ng laban hanggang sa tuluyang nakabawi ang Minnesota sa 3rd quarter.

Pinilit pa ng koponan na burahin ang lahat ng deficit sa huling quarter ngunit hinigpitan ng Warriors ang depensa sa clutch time, sa pangunguna nina Steph at rookie na si Yaxel Lendeborg na kumamada ng 26 points at siyam na rebounds.

Sa pagkatalo ng Minnesota, nanguna sa opensa ng nito ang dating Golden State forward na si Jonathan Kuminga na kumamada ng 20 points, limang assists, at dalawang steal.

Nalimitahan lamang sa isang puntos, apat na rebounds, at isang steal ang sentro ng Wolves na si Rudy Gobert, habang walong puntos ang ambag ng guard na si LaMelo Ball.

Sa kabuuan ng laban, kontrolado ng GS ang depensa at lumamang ang koponan sa lahat ng defensive metrics tulad ng steals, blocks, at rebounds.

Ang magandang depensa ang naging puhunan ng koponan sa kabila ng mas mababang overall shooting percentage na umabot lamang sa 43.8% kumpara sa halos 45% ng Minnesota.

PBBM, inanunsyo ang P120B elevated road project mula Balintawak hanggang Bocaue

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang panukalang P120-billion elevated road project na nag-uugnay sa Balintawak sa Quezon City hanggang Bocaue, Bulacan, habang hinahangad ng gobyerno na paghusayin ang daloy ng trapiko, bawasan ang travel time at transport costs, makalikha ng hanapbuhay at pasiglahin ang economic development sa pamamagitan ng pinalawig na infrastructure investments.

“Sa atin ngayon lang, medyo surprise, pero magandang balita. Ang MVP Group ay maglalagay sila ng investment na may halaga na 120 billion pesos. Maglalagay sila ng elevated na daan mula Balintawak hanggang Bocaue. Hanggang Bocaue ang aabutin,” ang sinabi ng Pangulo sa isinagawang pagbubukas ng NLEX-C5 Northlink Segment 8.2 Section 1A sa Valenzuela City.

“At napakalaking bagay nito dahil ito ay dadaan nila doon sa NLEX-Meycauayan na ngayon maglalagay sila ng elevated. Ito yung pagsasama ng dalawang grupo, ng MVP at SMC Group na pinagsasama,” aniya pa rin.

Sinabi ng Pangulo na ang MVP Group ang mangangasiwa ng proyekto sa pakikipag-ugnayan sa SMC Group, kasunod ng kanyang panawagan para sa dalawang business groups na magtulungan na palawakin ang road network ng bansa, magbigay sa mga mananakay ng alternatibong ruta at paghusayin ang travel conditions.

Winika pa ng Pangulo na hiniling niya sa MVP Group at SMC Group na magtulungan na palawakin ang available routes para sa mga motorista at paghusayin ang travel conditions sa oras na makumpleto na ang proyekto.

“Pinakiusapan ko sila na magtulungan sila para madagdagan naman natin yung dinaadaanan. At iba ang magiging karanasan, ang experience, na na-experience para sa mga commuters na yan. Napakalaking investment na gagawin ng MVP Group. At siyempre, kasama nila ang SMC Group dahil kailangan nilang mag-coordinate,” anito.

Sa kabilang dako, winelcome naman ngn Pangulo ang investment bilang panibagong development sa nagpapatuloy na pagsisikap ng administrasyon para paghusayin ang transportation system at bawasan ang oras na inilalaan ng mga manggagawa sa lansangan.

Inilarawan naman ng Pangulo ang P120-billion investment bilang “good news” para sa mga mananakay, binigyang diin na ang elevated road ay makapagbibigay ng isang alternatibong ruta maliban sa umiiral na highway.

“Very good news ito para sa ating continuing construction para mapaganda ang daloy ng traffic sa atin, pagpapabilis at pagbaba ng transport cost, at magiging mas maginhawa ang paglalakbay ng ating mga workers,” ayon kay Pangulong Marcos. 

(DARIS JOSE)

PBBM: E-trikes, makatitipid sa gasolina at makapagpapalaki ng kita ng mga drayber

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAKATITIPID sa gasolina at mas malaki ang maiuuwi sa pamilya ng mga drayber ng traysikel sa paggamit ng mga de-kuryenteng traysikel o e-trike, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Bahagi ito ng pagsusulong ng administrasyon sa lokal na paggawa ng mga de-kuryenteng sasakyan.

“Mas mababang gastos sa gasolina, mas malaki ang maiuuwi sa ating mga pamilya,” ang sinabi ng Pangulo sa pagbisita nito, araw ng Huwebes sa planta ng Sazgar Philippines Inc. sa Biñan, Laguna.

Ayon sa Pangulo, kayang bumiyahe ng mga e-trike ng Sazgar ng 100 hanggang 210 kilometro sa isang kargahan.

Ani Pangulong Marcos, karaniwang umaabot sa 90 kilometro kada araw ang biyahe ng mga traysikel sa mga urban area, habang nasa 110 hanggang 120 kilometro naman sa mga lalawigan

Tumatagal ng anim hanggang walong oras bago lubusang mapuno ang baterya ng mga e-trike, dagdag pa ng Pangulo.

Inaasahang mababawasan ang pagdepende ng mga drayber sa gasolina at mas malaking bahagi ng kanilang arawang kita ang mailalaan sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ayon sa Pangulo, kayang mag-assemble ng planta ng Sazgar sa Barangay Mamplasan nang humigit-kumulang 12,000 three-wheeled vehicles kada taon, kabilang ang mga de-kuryente at gumagamit ng gasolina.

Ayon kay Pangulong Marcos, makalilikha rin ng trabaho ang pamumuhunan at mapapalakas ang lokal na industriya ng mga sasakyan.

Hinimok din niya ang kumpanya na kumuha ng mas maraming piyesa mula sa mga lokal na supplier upang madagdagan ang oportunidad para sa mga negosyong Pilipino at manggagawa.

Bukod sa pagtitipid, makatutulong din ang paggamit ng mga de-kuryenteng sasakyan na mabawasan ang pagdepende ng bansa sa inaangkat na petrolyo at maisulong ang mas malinis na transportasyon.

Ang Sazgar Philippines, na 60% Filipino-owned, ang unang manufacturing facility ng kumpanya sa labas ng Pakistan. Inaasahan ding magsisilbi itong sentro ng produksiyon ng Sazgar para sa Timog-Silangang Asya.

Bahagi ang pamumuhunan ng mga pagsisikap ng pamahalaan na maabot ang target na 50% electric vehicle share sa kabuuang sasakyan sa bansa pagsapit ng 2040, alinsunod sa comprehensive roadmap para sa industriya ng electric vehicle.

Dumalo rin sa pagbisita sina Transportation Secretary Vince Dizon, Pakistani Ambassador to the Philippines Dr. Asima Rabbani, Sazgar Philippines President Muhammad Fahim at iba pang opisyal ng pamahalaan at kumpanya. (DARIS JOSE)

Tricycle driver, dinampot sa pananapak at panunutok ng patalim sa binatilyo sa Malabon 

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA kulungan ang bagsak ng 41-ayos na tricycle driver nang gulpihin at tutukan pa ng patalim isang binatilyo na nagtutulak ng kariton sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Sa nakarating na ulat kay Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission, nagtutulak ng kariton na may kargang soft drinks ang 17-anyos na biktima nang aksidenteng masagi ang tricycle na minamaneho ng suspek sa isang eskinita sa Brgy. Sa Agustin pasado alas-5:00 ng hapon.

Nagalit umano ang suspek at kaagad pinagmumura ang binatilyo na sa takot ay nagtangkang umiwas palayo subalit, hinabol pa rin siya ng trike driver.

Nang maabutan, kinuwelyuhan ng suspek ang binatilyo, pinagsusuntok sa mukha, at tinutukan ng patalim habang tinatakot at pinagsasabihan na huwag maging kampante sa kanilang lugar.

Nagsumbong naman sa kanyang kamag-anak ang biktima nang makauwi kaya sinamahan siya ng mga ito sa tanggapan ni P/Cpt. Marcelo Agarin, , Acting Sub-Station 6 Commander na nanguna sa pagdakip sa suspek, katuwang ang mga barangay tanod.

Mahaharap ang suspek sa reklamong pananakot, pananakit at paglabag sa R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Mas malakas na proteksyon at mataas na sahod para sa mga kasambahay, isinusulong

Posted on: October 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISINUSULONG ng Akbayan Reform Bloc na

palakasin ang ibinibigay na proteksyon sa mga kasambahay.

Nakapaloob ito sa House Bill 11764 o Amendments to the Kasambahay Law, strengthen the protections for Care Workers or “Kasambahays”.

sinabi ni Akbayan Rep. Perci Cendaña madalas na kumakaharap sa mabigat na trabaho at mababang sahod.

Sa ilalim ng panukala, sisiguruhin na matatanggap ng mga kasambahay ang recognition, protection, at compensation na dapat nilang makuha.

“Again, our care workers deserve care too.Deserve niyo ng alaga na higit pa sa kaya ninyong ibigay. Deserve niyong akbayan sa laban para sa mas makatarungang sahod, mas makataong oras ng paggawa, at mas maayos na kondisyon sa trabaho,” ani Cendaña.

Ang iba pang pangunahing author ng panukala ay sina Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno, Rep. Dadah Kiram Ismula, at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.

Kabilang sa mga panukalang proteksyon at salient features ng HB 11764 ay “Expanded definition of the term “kasambahay” na kinabibilangan ng house caretakers at private household driver, live-in at live-out domestic workers; part-time for multiple employers, hourly workers; at yaong ni refer ng by private companies at online platforms.

Gagawing walong oras ang working days, 8 hours rest at 8 hours sleep at lilimitahan ang overtime.

“Protections for weekly rest days, care workers minimum wages will be set not lower than the regional minimum wage rates of workers in the service or retail establishments with 15 or fewer employees, Right of Care workers to organize and join unions at detailed and standardized employment contract.”

Sakop na rin ang online/platform-based domestic work.

Dagdag pa ang pagbabawal ng pagsinggil ng recruitment/finder’s fee at mas madaling access to SSS, Philhealth, PAG-IBIG benefits atbpagkakaroon ng isang Unified ID at system.(VINA de GUZMAN)