• October 3, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 2nd, 2026

POC tiwalang mahihigitan ng Pilipinas ang medalyang mahahakot sa Asian Games

Posted on: October 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Kumpiyansa si Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino na malalagpasin ng atleta ng bansa ang apat na gintong medalya na nakamit noong nagdaang Asian Games.

Sinabi nito na mayroon pang mga atleta ng bansa ang nakatakdang sumabak pa.

Ilan sa mga dito ay ang pamamayagpag ni Pinoy boxer Carlo Paalam para sa 55 kilogram division at si Pinay tennis star Alex Eala.

Nandiyan din aniya ang pambato ng bansa sa beach volleyball na sina Sofiah Pagara at Khy Progelia na nakaabot na sa semifinals.

Ngayong araw din ay sasabak ang pambato ng Archery sa quarterfinals ganun din sa Jiu-jitsu.

Pasok na rin sa round 2 ang mga pambato ng bansa sa Golf, wrestling, volleyball, beach volleyball, taekwondo , sepak takraw, Judo at Padel.

Pinay archer wagi ng silver medal sa 20th Asian Games

Posted on: October 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Matagumpay na nadagdagan ni Amaya Amparo Cojuangco ang medal tally ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 20th Asian Games matapos niyang masungkit ang silver medal sa women’s compound individual event.

Kinapos si Cojuangco ng dalawang puntos laban kay Ashrifah sa laban para sa gintong medalya. Nagtala ang Pinay archer ng 27 puntos, habang dalawang puntos ang naging kalamangan ng kanyang katunggali.

Ang silver medal ni Cojuangco ang kauna-unahang paglahok ng Pilipinas sa isang Asian Games archery final. Ang huling Asiad medal ng bansa sa archery ay huling nasungkit noong 2014, nang magwagi si Paul Marton Dela Cruz ng bronze medal.

Jersey ni Jordan naibenta sa auction ng $12.26-M

Posted on: October 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Naibenta ang 1998 Finals Game 3 na suot ni Michael Jordan sa halagang $12.26 milyon o katumbas ng mahigit P735-M.

Ito na ang pinakamalaking halaga na naibenta sa isang NBA jersey sa kasaysayan.

Mayroong kabuuang $10 milyon na hammer price ito at dagdag na $2.26-M na buyers fee.

Nalagpasan nito ang isa pang jersey ni Jordan nasuot nito noong Game 1 ng parehas na Finals na nabili sa halagang $10.1-M noong Setyembre 2022.

Isinuot ni Jordan ang jersey noong Hunyo 7, 1998 sa United Center ng talunin ng Chicago Bulls ang Utah Jazz 96-54 na nanatiling pinakamalaking kalamangan sa kasaysayan ng NBA Finals habang ang 54 points ng Jazz ay nanatiling pinakamababang puntos na nagawa ng isang koponan sa Finals game.

Gobyerno, pinromote ang retail treasury bonds bilang investment option para sa mga Pinoy 

Posted on: October 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINIKAYAT ng gobyerno ang mga filipino na mamuhunan sa Retail Treasury Bonds (RTBs) na hindi na bababa pa sa P5,000, pinapayagan ang mga indibidwal na kumita na may pirming interes habang tinutulungan ang finance government programs at mga proyekto sa iba’t ibang sektor.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na maaaring mamuhunan ang mga Pinoy sa RTBs at ang malilikom ay makatutulong sa finance government projects sa edukasyon, healthcare, business support, job generation, at iba pang inisyatiba na naglalayong palaguin ang ekonomiya.

“Ginawa po ito ng gobyerno para sa ordinaryong Pilipino, sa empleyado, sa maliliit na negosyante at sa pamilyang gustong palaguin ang kanilang pinaghirapang ipon,” ayon kay Castro.

Winika pa ni Castro na binigyang diin ng gobyerno ang potensiyal na kikitan mula sa RTBs, sabay sabing makatatanggap ang mga investors ng interes na maaaring mas mataas kaysa sa traditional time deposits, dahil maaaring kumita ang mga ito ng fixed interest rate na 6.875% taun-taon para sa 2.5-year term.

Ang pamumuhunan aniya sa RTBs ay mas convenient dahil maaaring bumili ang mga Filipino sa pamamagitan ng mga kalahok na ahente sa pagbebenta sa buong bansa.

“Madali lang po ang pag-enroll dito, pwede na po itong gawin sa ating mga mobile banking apps at e-wallets,” ang pahayag ni Castro.

Ang subscription period para sa RTB 32 ay tatakbo mula September 29 hanggang October 7, 2026, na may settlement date na itinakda sa October 12.

Samantala, maaaring bisitahin ng publiko ang Bureau of the Treasury website na www.treasury.gov.ph⁠ para sa karagdagang impormasyon kabilang na ang kompletong listahan ng mga kalahok na ahente sa pagbebenta. ( DARIS JOSE)

PBBM, iginagalang ang ginawang pagbasura ng Korte Suprema sa mga petisyon laban sa bagong ‘voting threshold’

Posted on: October 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IGINAGALANG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ginawang pagbasura ng Korte Suprema sa tatlong magkakahiwalay na petisyon na kumukuwestiyon sa interpretasyon ng Senate Impeachment Court sa two-thirds vote na kailangan para sa conviction sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na malamang na nakita ng Korte Suprema ang kakulangan ng legal standing ng mga petitioners at kapos sa personal o legal interest para dalhin ang kaso.

“First of all, the decision regarding the clarification of the phrase ‘all members of the Senate’ came from the Senate itself. So, whatever action the Senate has taken on this matter, as well as whatever decision the Supreme Court has made, the president and the administration will respect,” ayon kay Castro nang hingan ng komento hinggil sa desisyon.

“As for the issue of prematurity, the Supreme Court likely also saw that there was not yet any indication that the alleged harm could occur because the situation had not yet reached the point where there was any reason for concern,” aniya pa rin.

Sa ulat, ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyong kumukuwestiyon sa voting threshold o bilang ng boto na kailangan para mahatulan sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Korte Suprema, procedural grounds ang dahilan ng pagbasura, kabilang ang kawalan umano ng standing ng mga petitioner at pagiging premature ng mga inihain nilang kaso.

Dahil dito, hindi na tinalakay ng Korte ang mga substantive issues na nakapaloob sa mga petisyon, kabilang ang mga argumento hinggil sa itinakdang bilang ng boto para sa conviction.

Inilabas ang desisyon habang nagpapatuloy ang impeachment proceedings laban kay Duterte sa Senado, na nagsisilbing impeachment court.

Matatandaang 13 senador ang bumoto pabor sa pagbabago ng interpretasyon sa 16-vote threshold habang si Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero ang nag-iisang tumutol at anim na senador ang nag-abstain. ( DARIS JOSE)

Sa isang press conference…Dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes, ilalahad sa publiko ang dapat na ilalabas niya sa impeachment trial

Posted on: October 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGSASAGAWA ng press conference si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ngayong Biyernes upang ilahad sa publiko ang dapat na ilalabas niya sa impeachment trial.

Sa kanyang Facebook post, sinabi nito na siya mismo ang humiling kay House prosecution Chair Jinky Luistro na pormal na i-withdraw ang kanyang pangalan bilang saksi ng prosekusyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa dating senador, ito ay upang maibsan din umano ang pressure na kinakaharap ng prosekusyon.

“Earlier in the day, I requested the House prosecution under Chair Jinky Luistro to formally withdraw my name as a witness for the prosecution. This way, the prosecution panel would be relieved from the pressure it is going through. Having said that, magco-conduct ako ng press con bukas para ipresenta lahat ng ilalabas ko dapat sa impeachment trial.” pahayag ni Trillanes sa kanyang Facebook post.

Nauna dito, inihayag ni House lead prosecutor Gerville Luistro (Batangas) ang manifestation sa ika-32 araw ng impeachment trial na hindi na hindi na ipiprisinta bilang saksi sa impeachment trial ni VP Sara si Trillanes.

“The prosecution has finally decided not to present former senator Sonny Trillanes. We seek the kind indulgence of the honorable impeachment court for the belated final position on this particular concern,” ani Luistro.

(VINA de GUZMAN)

Palace sa Super El Niño: Maghanda, huwag mag-panic

Posted on: October 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINIYAK ng Malacañang na handa ang pamahalaan sa posibleng epekto ng Super El Niño at sinabing hindi kailangang mag-panic o mag-hoard ng inuming tubig.

“Ang pamahalaan po ay handa po sa phenomenon na ito dahil kung matatandaan ninyo po, 2024 ay nagkaroon na rin po tayo ng Task Force El Niño,” ani Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing nitong Huwebes, Oktubre 1.

Sinabi rin ni Castro na wala silang natatanggap na impormasyon na magkukulang ang suplay ng inuming tubig.

“Bakit kailangang mag-hoard ng tubig para pang-inom? Hindi po tayo mawawalan ng tubig para mainom,” aniya.

Ayon kay Castro, hindi na bago sa Pilipinas ang El Niño, bagama’t maaari umanong maging mas matindi ang epekto nito dahil sa climate change.

“So, hindi po kinakailangang mag-panic katulad ng mga nakikita natin sa mga socmed. Ang kailangan po ng mga kababayan natin ay magprepara, maging ready po,” ani Castro. ( DARIS JOSE)

Bank, insurance records witnesses sa VP Sara trial

Posted on: October 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINA-SUBPOENA na ng prosekusyon para tumestigo sa susunod na linggo ang mga representante ng bangko at insurance companies sa impeachment trial ni Vice President Sara Z. Duterte.

“I believe, Your Honor, that’s for the representatives of banks and insurance companies for next week, Your Honor,” pahayag ni House lead prosecutor Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro  

sa Senate impeachment court matapos buksan ni Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero ang request ng prosekusyon.

Ang hakbang ay kasunod nang pagsusumite ng 10 bangko ng mga financial records bilang tugon sa subpoena na inisyu ng impeachment court. 

Ang records ay magsisilbing bahagi ng ebidensiya ng prosekusyon ukol kina Duterte, kanyang asawang Manases Carpio, at sa kumpanyang iniuugnay sa kanila.

Sinabi naman ni House prosecutor Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na maaaring ipatawag ng prosecutors ang mga 

bank officials kung tatanggi ang depensa na magpasok ng stipulations sa records.

“We are deciding kung we will ask for stipulations. But in the event that we do not, or they will reject stipulations, then we will have to present the bank records piece by piece, bank by bank,” ani Ridon.

“But I think with a focus on the most important accounts and the most important banks. So that is how we will do it,” dagdag nito.
(VINA de GUZMAN)

Delivery rider na nanutok at nagpaputok ng baril sa Malabon, kinuyog

Posted on: October 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAGTULUNGAN kuyugin ng mga residente ang 45-anyos na delivery rider na nanutok at nagpaputok ng baril sa mag-ama na umano’y unang nanakit sa anak ng suspek sa Malabon City.

Sa imbestigasyon nina P/SSg Bengie Nalogoc at P/SSg Kenny John Francisco ng Malabon police, nag-ugat ang insidente sa umano’y away sa pila ng tricycle sa kanto ng University Avenue at Mangustan Road, Brgy. Potrero dakong alas-7:10, Miyerkules ng umaga, matapos pilit umanong pinapaalis ng anak ng suspek na si alyas “Patrick” ang anak naman ng biktima na si alyas “Eddie”, 48, kapuwa tricycle driver, sa kanyang pagkakaparada.

Nagsumbong si alyas Eddie sa kanyang 70-anyos na amang si alyas “Gildo”, habang nagsumbong din si alyas Patrick sa kanyang amang si alyas “Boogie”, 45, matapos umano siyang saktan ng mag-ama.

Nang dumating si alyas Boogie, sakay ng kanyang motorsiklo sa lugar, sinampal umano nito ang anak ni alyas Gildo, sabay tutok ng baril sa mag-ama at mga nakapaligid na kapitbahay bago nagpaputok paitaas ng hawak na baril.

Dahil dito, kinuyog siya ng mga kaanak at kapitbahay ng mag-ama hanggang makatakbong patakas at iniwan ang kanyang motorsiklo habang nakuha sa lugar ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili ang isang basyo ng bala ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril.

Dakong alas-5:45 ng hapon nang kusang sumuko sa barangay at pulisya ang suspek at iginiit na wala siyang intensiyong mamaril at nagawa lang niyang magpaputok dahil sinusugod na siya ng mga tao.

Hindi rin nabawi sa suspek ang gamit na baril dahil naagaw na umano ito sa kanya nang simulan na siyang kuyugin. (Richard Mesa)

ESTUDYANTE NG KIKALANG ESKUWELAHAN, NAGPAKAMATAY?

Posted on: October 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang pulisya kung nagpakamatay ang isang estudyante ng isang kilakang unibersidad matapos matagpuan na nabalutan ng plastic ang ulo at may tali sa leeg sa loob ng kanyang sasakyan sa parking area ng

Dela Salle Medical Health Science Institute, Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si alyas Gus, 24, estudyante, ng Southgrove Estate Subd, Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite.

Sa ulat hinahanap ng kanyang tiyahin ang biktima dahil hindi pa ito umuuwi ng bahay

Tinangka nitong hanapin sa pamamagitan ng GPS na nakalagay sa susi ng kanyang sasakyan at dito niya natunton na ang sasakyan ng biktima ay nakaparada pa sa parking area sa loob ng unibersidad.

Dahil dito, pinuntahan ng tiyahin nito sa parking area kung saan bumulaga sa kanya ang biktima sa harapang bahagi ng kanyang sasakyan habang ang ulo nito ay may balot ng plastic at tali sa leeg niya, bandang alas-9:40 ng gabi.

Ayon sa tiyahin, ang biktima ay may history ng mental illness at sumasailalim sa medical treatment.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa psa insidente.

(Gene Adsuara)