• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2026

Jeepney driver, kasama pinaulanan ng bala sa Malabon, kritikal

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASA kritikal na kalagayan ang isang jeepney driver at kanyang kasama nang tambangan at paulanan ng bala ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek habang pumapasada sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa San Lorenzoe Ruiz Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si alyas “Jerome” 30, ng Gov. Pascual St Brgy. Tinajeros habang sa Valenzuela Medical Center naman inoobserbahan ang jeepney driver na si alyas “Sherwin”, 37, ng Lapu-Lapu St, Brgy. 77, Caloocan sanhi ng tama ng bala sa tiyan na tumagos sa kanang bahagi ng kili-kili.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD ) Director P/BGen. Benliner Capili, sakay ang mga biktima ng pinapasadang jeepney habang tinatahak ang kahabaan ng M.H. Del Pilar St., Brgy Tinajeros, nang parahin sila ng dalawang suspek sa tapat ng K-BBQ & Milk Tea bago pinaulanan ng bala.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Kaingin St. sa naturan ding barangay habang kapwa naman na isinugod ang mga biktima sa nasabing mga pagamutan.

Nakuha ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang anim na basyo ng bala at isang depormadong bala ng hindi pa tinukoy na kalibre ng baril.

Iniutos na ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission sa kanyang mga tauhan ang masusing imbestigasyon para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa pananambang. (Richard Mesa)

LTFRB, PINAIIGTING ANG MODERNISASYON NG PUBLIC TRANSPORTATION; NAGBUKAS NG 500 TAXI SLOTS PARA SA MGA ELECTRIC VEHICLE

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGBUKAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, ng 500 taxi slots na eksklusibo para sa electric vehicles (EVs) sa Bicol Region at Palawan bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng modernisasyon ng pampublikong transportasyon.

Nauna nang inaprubahan ng LTFRB ang humigit-kumulang 8,000 Transport Network Vehicle Service (TNVS) slots na eksklusibo rin para sa EVs, partikular ang Plug-In Hybrid Electric Vehicles (PHEVs) at Battery Electric Vehicles (BEVs). Ayon kay Acting LTFRB Chairman Atty. Greg G. Pua, Jr., alinsunod ang mga hakbang na ito sa batas na nagtataguyod sa paggamit ng electric vehicles sa pampublikong transportasyon.

Nagpahayag din ng suporta si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa electrification ng sektor ng transportasyon. Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), sinabi niyang nais niyang makita na 50 porsiyento ng mga sasakyang bumibiyahe sa mga kalsada ay electric vehicles.

“Hindi lamang ito tungkol sa pagsunod sa batas at pagpapabuti ng ating sistema ng pampublikong transportasyon. Tungkol din ito sa pagtataguyod ng makakalikasan, maaasahan at komportableng paglalakbay para sa ating mga kababayan,” ani Acting Chairman Pua.

Sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular No. 2026-085, naglaan ang LTFRB ng 400 EV taxi slots sa Bicol Regionmatapos matukoy sa isinagawang pagsusuri ang pangangailangang dagdagan ang mga taxi upang suportahan ang mga aktibidad pang-ekonomiya at turismo sa lugar.

Kasabay nito, binawi ang naunang desisyon na magbukas ng 100 regular taxi slots upang bigyang-daan ang karagdagang EV taxi slots sa rehiyon.

Samantala, sa ilalim ng LTFRB Memorandum No. 2026-089, nagbukas ang ahensya ng 100 EV taxi slots sa Palawan, na isa rin sa mga pangunahing destinasyong panturista sa bansa. Layunin nitong suportahan ang malinis na transportasyon, napapanatiling turismo at abot-kayang mobility para sa mga mananakay.

Sa pagbubukas ng 500 EV taxi slots, itinakda ng LTFRB ang mga sumusunod:

• Bukas ang aplikasyon sa mga Pilipinong mamamayan at domestic juridical entities na itinatag sa ilalim ng batas ng Pilipinas at pangunahing layunin ang pagbibigay ng serbisyo sa transportasyon. Maaari ring mag-aplay ang mga dayuhang mamamayan, korporasyon at entity alinsunod sa Memorandum Circular No. 2024-041;

• Hindi bababa sa 15 units ang maaaring isama sa bawat aplikasyon. Hindi papayagan ang partial compliance;

• Tanging mga brand-new EV units na kasalukuyang taon ang modelo o modelo ng nakaraang taon mula sa petsa ng aplikasyon ang tatanggapin;

• Kailangang isumite ang kumpletong legal, technical at financial documentary requirements na nakasaad sa umiiral na LTFRB Citizen’s Charter at mga kaugnay na Board issuance; at

• Bibigyang-prayoridad ang mga aplikanteng may available na EV units. Ang mga wala pang available na units ay maaaring magsumite ng undertaking, kasama ang commitment mula sa manufacturer o dealer na magiging available ang mga unit sa loob ng 90 araw.

Ayon kay Acting Chairman Pua, maaaring ihain ang aplikasyon sa pamamagitan ng opisyal na digital platform ng LTFRB o manual filing sa mga Regional Office nito. Ang mga aplikasyon na matatanggap sa Central Office ay ieendorso sa kinauukulang Regional Office para sa pagproseso.

Magsisimula ang pagtanggap ng mga aplikasyon matapos mailathala sa mga pahayagan ang dalawang memorandum.

Hinimok naman niya ang mga interesadong aplikante na makipag-ugnayan sa mga Regional Office ng LTFRB para sa karagdagang impormasyon at gabay. 

(PAUL JOHN REYES)

Higit 15K pulis ikakalat sa Sept. 21 anti-corruption rallies

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGPAPAKALAT ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mahigit 15,000 pulis upang tiyakin ang seguridad sa mga nakatakdang anti-corruption rallies sa Metro Manila sa Setyembre 21.

Ayon kay NCRPO Director PBGen. Christopher Abrahano, inihahanda na ng kanilang hanay ang seguridad sa mga kilos-protesta habang iginagalang ang karapatan ng publiko na magpahayag ng saloobin.

Sinabi ni Abrahano na paiigtingin din nila ang koordinasyon sa iba’t ibang intelligence units upang matukoy ang posib­leng grupong maaaring magtangkang manggulo o sumingit sa mga lehitimong demons­trasyon.

Wala pa umanong natatanggap na impormas­yon ang NCRPO hinggil sa mga permit ng mga grupong magsasagawa ng rally na dapat sana’y ipinapaabot ng mga lokal na pamahalaan.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang pulisya sa mga lider ng mga grupo upang magkaroon ng koordinasyon at maiwasan ang anumang kaguluhan.

Sa ngayon, sinabi ni Abrahano na wala pa silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad kaugnay ng mga protesta, ngunit itataas pa rin nila ang alerto at ipatutupad ang mas mahigpit na pagbabantay.

Aniya, walang muna umanong leave ang mga pulis upang matiyak ang sapat na bilang ng personnel na magbabantay sa mga kalsada at lugar na pagdarausan ng mga pagkilos.

Ads September 12, 2026

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ex-Sandiganbayan chief, Ombudsman, SEC officials, unang saksi sa kasong unexplained wealth

Posted on: September 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG retired Sandiganbayan presiding justice at opisyal mula sa Office of the Ombudsman at Securities and Exchange Commission (SEC), kasama sa nakapilang magsisilbing saksi sa pagbubukas ng House prosecution sa kaso ng unexplained wealth laban kay Vice President Sara Z. Duterte sa Setyembre 14.

“We had submitted already our request to subpoena these three personalities for next week. So we will wait for the order para ma-subpoena po sila,” pahayag ni House impeachment prosecutor Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon sa isang press briefing nitong Huwebes.

Hiniling ng prosekusyon sa Senate impeachment court na ipa-subpoena sina retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, Ombudsman Records Division Officer-in-Charge Atty. Karen Batu at SEC Company Registration and Monitoring Department Director Atty. Gerardo del Rosario.

Sinabi ni Ridon na inaasahan na ipapaliwanag ni Cabotaje-Tang ang prinsipyo kaugnay sa public accountability, integrity in public office at mekanismo sa usapin ng undisclosed and unexplained wealth and prohibited business interests.

Si Batu ay inaasahang tetestigo kaugnay sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth ni Duterte na isinumite sa Ombudsman habang si Del Rosario ang siyang maga-authenticate at tutukoy sa records ng kumpanyang may kaugnayan kina Vice President at kanyang asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio.

Inaasahan ng prosekusyon na ang presentasyon sa tatlong saksi ay ayon sa nasabing listahan, depende sa magiging aksyon ng impeachment court action sa subpoena requests at final arrangements sa araw ng presentasyon.

Sinabi pa ni Ridon na inihahanda na ng prosekusyon ang mga karagdagang dokumento para sa presentasyon ng ebidensiya ukol sa kasong unexplained wealth.

“So hopefully by Monday, handang-handa na po kami sa lahat po ng mga documentary evidence at paglalahad po ng mga testigo,” ani Ridon.

Nakapaloob sa Article II ang akusasyon ng betrayal of public trust laban kay Duterte ukol sa alegasyon ng umano’y unexplained wealth na hindi tugna sa kanyang lawful income at kabiguang mailagay umano ito sa kanyang assets and liabilities.

Mahigit sa 1,800 financial documents kabilang na ang bank and tax records ang inihahanda ng prosekusyon laban sa mag-asawang Duterte at kanilang kumpanya.

Nanatiling isa sa listahan ng mga saksi ng prosekusyon si dating Sen. Antonio Trillanes IV na inaasahang ipiprisinta sa mga susunod na linggo.

Gayunman, posibleng bawasan ng prosekusyon ang listahan ng mga saksi sa sandaling nadetermina na sapat na ang ebidensiyang naiprisinta.

 (VINA de GUZMAN)

₱643.95-billion budget ng DPWH balak taasan upang makatulong sa paglago ng ekonomiya

Posted on: September 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BALAK taasan ng mga mambabatas ang ₱643.95-billion budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon upang makatulong sa paglago ng ekonomiya, mas maraming trabaho at bilang suporta sa ibang mga proyekto ng gobyerno.

Ayon kay House Committee on Public Works and Highways Chairperson at Appropriations Vice Chair Surigao del Sur Rep. Romeo Momo Sr. ginawan ng konsiderasyon ng mga mambabatas na taasan ang budget ng DPWH dahil sa paghina ng takbo ng ekonomiya at ang implikasyon nito sa trabaho at sahod ng mga manggagawa.

Sinabi ni Momo na ang pagtaas ng investment sa mga imprastraktura tulad ng mga tulay at farm-to-market roads ay magbibigay buhay sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

“Of course, ’yung national highways, bridges ng DPWH, as well as ’yung mga inter-provincial at saka inter-island connectivity projects po that link municipalities and improve the movement of people and goods,” sinabi ni Momo.

Aniya, dapat madagdagan ang pondo ng DPWH, dahil ang ahensiya ang tagapagpatupad ng mga proyekto ng gobyerno.

Dinagdag ng kongresista na dapat bilisan ng gobyerno ang pag-release ng pondo para mga imprastraktura.

“May mga pondo tayong appropriated na in the previous General Appropriations Act na hindi pa nare-release. Kung ma-speed up sana natin ang release nito, and at the same time, ang implementation nito, it’s better po para mapadali ang disbursement na kailangan natin,” sabi ni Momo.

 (VINA de GUZMAN)

POSIBLENG LBO LABAN KAY LEVISTE, PARAS AT IBA PA, SINUSURI NG DOJ

Posted on: September 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

POSIBLENG naglabas ng Lookout Bulletin Order o LBO laban sa ilang personalidad na iniuugnay sa umano’y “honey trap” plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto.

Ayon kay DOJ Secretary Fredderick Vida, sinusuri na ito ngayon at kasama sa mga iisyuhan ng ILBO sina Batangas Representative Leandro Leviste at dating Negros Oriental Representative Jacinto “Jing” Paras.

Aniya , naipasa sa DOJ ang kahilingan ng National Bureau of Investigation (NBI) at bahagi ito ngayon ng evaluation process.

Nang tanungin kung posible ang pag-isyu ng ILBO, sinabi ni Vida na posible, ngunit kailangan munang pag-aralan ang basehan at mga dokumento.

Si Leviste ay nauna nang napaulat na umalis ng bansa at umano’y nagtungo sa Europa kasama ang kanyang ina na si Senator Loren Legarda. (Gene Adsuara)

Groundbreaking ng 42 housing units sa Governor Generoso, pinangunahan ni NHA Assistant GM Feliciano

Posted on: September 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN nina NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, Region 11 Acting Regional Manager Sharrifudin Nami, Cong. Cheeno Miguel Almario, Gov. Nelson Boy L. Dayanghirang, Gov. Generoso Mayor Juanito C. Inojales, Vice Mayor Xz May P. Inojales ang isinagawang Groundbreaking Ceremony ng National Housing Authority (NHA) sa Governor Generoso Bahay Pag-asa Community, Purok 4, Eden, Brgy. Manuel Roxas, Governor Generoso, Davao Oriental. Sa gabay ni NHA General Manager Joeben A. Tai, itatayo an 42 housing units para sa mga benepisyaryo mula sa coastal line ng Governor Generoso. (Richard Mesa)

Remulla, Trillanes tetestigo sa ‘unexplained wealth’ ni Sara

Posted on: September 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TETESTIGO si dating Senador Antonio Trillanes IV, Ombudsman Jesus “Crispin” Remulla, at mahigit 20 pang opis­yal kaugnay ng umano’y unexplained wealth ni Vice President Sara Duterte sa pagpapatuloy ng paglilitis sa Senate impeachment court.

Ayon kay House prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua, handa na ang prosecution panel sa pagbusisi sa Article II ng impeachment complaint laban kay Duterte at sa kanyang asawa, Atty. Mans Carpio. Nasa higit 1,800 dokumentong ebidensya ang kanilang hawak at may 25 potensyal na testigo sa lineup.

Bukod kay Trillanes, kabilang sa mga testigo si Ombudsman Remulla o kinatawan ng kanyang tanggapan, pati na rin ang mga opisyal mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Securities and Exchange Commission (SEC).

“Ayoko namang ­pangunahan iyong team kung sino o ano iyong order of witnesses, pero Trillanes is coming,” ani Deputy Speaker Paolo Ortega V, isa sa mga endorser ng impeachment complaints. Giit niya, ang pagbusisi sa unexplained wealth ang pinakamabigat na bahagi ng kaso.

Sisikapin ng prosekusyon na patunayan na si VP Duterte ay nagkamal umano ng yaman na hindi tugma sa kanyang suweldo at kita ng negosyo nila ni Carpio. Inihayag ni Chua na sa 25 testigo, 10 ang mga prominenteng personalidad na uunahing iprisinta.

Sa rekord ng panel, ang SALNs ni Duterte mula 2019 hanggang 2024 ay nakapaloob sa ebidensya. Sa 2024 SALN, idineklara lamang niya ang net worth na P88.5 milyon at “zero cash on hand” sa mga bangko.

Ang presentasyon ng ebidensya at testimonya ay pangungunahan nina prosecutor Rep. Terry Ridon ng Bicol Saro Partylist at Atty. Chel Diokno ng Akbayan Partylist. ( DARIS JOSE)

Ads September 11, 2026

Posted on: September 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments