• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2026

Ginoo at Binibining Malabon 2026 Grand Coronation Night

Posted on: September 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINATI ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang mga nanalong Ginoo at Binibining Malabon 2026 sa isinagawang Grand Coronation Night ng patimpalak na ginanap sa Navotas Convention Center kung saan ipinamalas nila ang kanilang kagandahan, tiwala sa sarili, at karisma habang naging sentro naman ng atensyon ang mayamang kultura, makulay na pamana, at natatanging katangian ng Malabon. Binigyang-diin pa ng patimpalak ang personalidad, talento, disiplina, at kakayahan ng mga kandidato na kumatawan sa katangian at mga mithiin ng kanilang mga kapwa Malabueno. (Richard Mesa)

4.42-B PDEA budget para suportahan ang kampanya vs drug syndicates, protektahan ang komunidad

Posted on: September 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

“SA dulo, simple lang naman ang gusto nating makita: Mas mahirap makapasok ang droga. Mas mahirap gumalaw ang sindikato. Mas ligtas ang pamilyang Pilipino. Iyan ang sukatan ng pondong ito.”

Pahayag ito ni House Committee on Appropriations Vice Chairperson at Marikina City 1st District Rep. Marcelino “Marcy” R. Teodoro, na siyang layunin sa panukalang ₱4.419-billion budget ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa 2027. 

Sinabi ng mambabatas na ang pondo ay magpapalakas sa intelligence-driven operations at interdiction efforts na naglalayong mapigilan ang illegal drugs bago pa man makarating sa pamilyang Pilipino at komunidad.

Ayon kay Teodoro, ang alokasyon mula sa tinatalakay na panukalang ₱7.2-trillion national budget ay tumaas lamang ng ₱47.772 million o nasa 1.1% mula sa ₱4.372-billion appropriation ng ahensiya ngayong 2026. 

“When we talk about illegal drugs, we can easily get lost in numbers—kilos seized, operations conducted, personalities arrested. But for an ordinary Filipino, the concern is much simpler. Ligtas ba ang anak ko? Ligtas ba ang komunidad namin? May ginagawa ba ang gobyerno bago pa umabot ang droga sa aming barangay?” ani Teodoro. 

Sa panukalang budget, tinatayang ₱4.068 billion ay mapupunta sa Dangerous Drugs Supply Reduction and Suppression Program, kabilang na ang nasa ₱3.754 billion para sa Anti-Drug Operations. Bababa naman ang para sa capital outlay mula ₱783.875 million nitong 2026 sa ₱640.597 million sa 2027. 

“So this is not simply about buying more equipment. Mas malinaw ang direksiyon: mas nakatutok sa operations,” pahayag pa ni Teodoro. (VINA de GUZMAN)

Ads September 17, 2026

Posted on: September 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Mahigit 2,400 aplikante agad natanggap sa trabaho sa job fair ng DOLE – Malakanyang

Posted on: September 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IKINATUWA ng Malakanyang na agad na natanggap sa trabaho ang mahigit 2,400 mga job seekers sa isinagawang nationwide job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na isinagawa ang job fair noong Setyembre 14 sa 86 na lugar sa buong bansa bilang bahagi ng “Handog ng Pangulo 2026.”

“Libo-libong job seekers ang dumalo sa job fairs kung saan 1,352 employers ang nag-alok ng mahigit 157,000 local and overseas job opportunities,” ayon kay Castro.

Ayon sa DOLE, kabuuang 2,467 job seekers ang natanggap agad sa trabaho.

Sinabi ni Castro na naaayon ang inisyatiba sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilapit sa mga Pilipino ang mga serbisyo ng pamahalaan at magbigay ng mas maraming oportunidad para sa marangal at matatag na trabaho na makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang buhay.

Bukod sa mga oportunidad sa trabaho, nagbigay rin ang job fairs ng access sa iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan.

“Umabot sa 13,342 job seeker ang naserbisyuhan ng on-site government services mula sa NBI, SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG sa job fairs,” dagdag pa ni Castro.

“Marangal na trabaho at epektibong serbisyo—iyan ang nais ng Pangulo para sa bawat Pilipino,” dagdag ni Castro. ( DARIS JOSE)

PBBM, pinangunahan ang groundbreakng ceremony ng Metro Manila Subway project – NAIA Terminal 3 station

Posted on: September 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.ang groundbreakng ceremony ng Metro Manila Subway project – NAIA Terminal 3 station .

Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi niya na nananatiling isa sa prayoridad ng kanyang administrasyon na ang pagmo- modernisa sa railway system ng bansa kabilang ang subway project na isa aniyang episyente at maaasahang public transport system na mabilis na magkokonekta sa iba’t ibang lugar kung saan naroroon ang trabaho, paaralan at iba pang puntahang lugar.

Sa katunayan ayon sa Pangulo, nasa 60% na ang overall progress ng subway project habang 100% na rin aniyang plantsado ang right of way sa lahat ng istasyon ng Metro Manila subway kaya’t asahan na wala ng magiging problema sa konstruksiyon nito.

Sa sandali aniyang maging fully operational na ang proyekto, ang dating biyahe mula Valenzuela city hanggang NAIA na inaabot ng 1 oras at 30 minuto ay tatagal na lamang ng 40 minuto. 

Kaugnay nito, sinasabing ang nasabing subway station ang magsisilbing airport rail link gayong hindi lamang ito subway para sa ordinaryong commuters.

Magiging bahagi rin ito ng transportation system para sa mga domestic at international air passengers, airport workers at mga biyaherong papunta o galing sa NAIA.

Ang NAIA Terminal 3 station ay parte ng labing pitong istasyon ng 33 kilometer Metro Manila Subway project.

Sa ulat, sa 2031 magiging fully operational ang nasabing railway project habang 2028 naman ang target demonstration run na magsisimula muna mula East Valenzuela sa Valenzuela City hanggang Quirino Station sa Quezon City. (DARIS JOSE)

Eleksyon sa BARMM, matagumpay- Malakanyang

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PARA sa Malakanyang, mapayapa at maayos ang idinaos na parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), araw ng Lunes, Setyembre 14, 2026.

Ito’y sa kabila ng ilang insidente ng karahasan na nagresulta ng pagkasawi ng iilan.

Tinukoy ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro,, ang initial assessments mula sa Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (Comelec) kasunod ng first parliamentary elections sa rehiyon.

“The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Election conducted on Sept. 14, 2026 was generally peaceful and orderly despite some isolated incidents, particularly in Cotabato City,” ang sinabi ni Castro, tinukoy ang report ng PNP.

Base sa inisyal na report, aabot umano sa 82.41% ang high voter turnout na bilang ng mga bumoto sa umuusad pang eleksyon at maaari pa raw itong tumaas. Higit na mas mataas umano ng 4.79% ang talang ito sa 77.62% na voter turnout sa BARMM noong Mayo 2025. 

Gayundin, tinukoy ni Castro ang assessment na naitala ng Comelec kung saan may mataas na voter turnout, dahilan para puwedeng magproklama ng mga nnalo matapos ang eleksyon.

At sa tanong kung maikokonsidera ng Malakanyang na matagumpay ang eleksyon kahit pa may ilang nasawi, sinabi ni Castro na hindi palalampasin ng administrasyon ang karahasan sa gitna ng overall assessment ng PNP sa eleksyon.

“Although hindi nanaisin ng Pangulo at ng administrasyon na mayroon pong nangyayaring karahasan at ito naman po ang ipinag-uutos ng Pangulo na bantayan mabuti, protektahan ang ating mga kababayan sa mga ganitong klaseng insidente,” anito.

“But nag-report na po ang PNP. According to PNP, generally peaceful and orderly po iyong naganap na eleksiyon. So, sa pananaw po ng administrasyon ay naging maganda naman po ang naging eleksiyon kahapon sa BARMM,” dagdag na wika nito.

Gayunman, ani Castro, hindi ikinatuwa ni Pangulong Marcos ang napaulat na karahasan at nasawi.

“Kahit isang tao lang po ang nasaktan hindi po ikasasaya ng Pangulo,” anito.

“Kahit sabihin po natin generally peaceful and orderly iyong nangyaring eleksiyon kahapon basta po mayroong kahit isa na nasaktan, hindi po magiging maganda ang pakiramdam ninuman lalung-lalo na ng Pangulo,” dagdag na pahayag ni Castro. ( DARIS JOSE)

PBBM, binuksan ang Palace gates para sa birthday ‘salo-salo’ kasama ang publiko

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINUKSAN ng Malakanyang ang gate nito para sa libo-libong mga Filipino, araw ng Lunes, Setyembre 14 habang ipinagdiriwang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang ika-69 na taong kaarawan na may “salo-salo” dahilan para magsama-sama ang mga mamamayan sa Palace grounds at mga komunidad mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Para sa Pangulo, ang okasyon ay hindi tungkol sa pormal na birthday celebration kundi bilang pagsasalo-salo ng pagkain, makasalamuha ang mas maraming Filipino at pasalamatan ang mga ito sa kanilang pagsuporta.

Tinatayang mahigit sa 9,000 ang bisita ang mainit na tinanggap sa Malakanyang para sa taunang “Salo-Salo sa Palasyo,” habang sabay-sabay naman ang mga pagtitipon na idinaos sa 90 satellite locations sa buong bansa.

Naglaan ng oras ang Pangulo sa Kalayaan Grounds kung saan tinanggap ang kanyang mga bisita at nakihalubilo sa mga ito matapos ang maikling programa ng kanyang kaarawan.

“Thank you for all you’ve done to support me and the work that we are doing,” ang sinabi ng Pangulo sa maraming tao.

Sinabi ng Malakanyang na ang pagtitipon ay mula sa Filipino tradition na “salo-salo,” isang tradisyonal na pagtitipon ng mga Pilipino kung saan ang pamilya at mga kaibigan ay nagsasama-sama upang magbahagi hindi lamang ng kanilang kakainin o pagkain kundi para palakasin ang samahan.

Sumasalamin ito sa pangako ng Pangulo na gawing accessible ang Malakanyang at magkaroon ng welcoming space para sa mga Pinoy.

Ang mga bisita ay kumakatawan sa iba’t ibang sektor kabilang na ang persons with disabilities, senior citizens, public school students, supporters, vloggers at mga tauhan mula sa Office of the President (OP).

Tampok sa nasabing pagdiriwang ang food tents, cultural performances at iba pang aktibidad bago pa naglibot ang Pangulo para personal na batiin at makasalamuha ang mga bisita. (DARIS JOSE)

Ads September 16, 2026

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

North Korea, tinambakan ang Bangladesh 10-0 sa pagbubukas ng Women’s Football sa Asian Games

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Pinadapa ng makapangyarihang women’s football team ng North Korea ang koponan ng Bangladesh sa resultang 10-0 sa kanilang unang laban sa Asian Games na ginanap sa Osaka, Japan. Nagpakita agad ng matinding dominasyon ang North Korea matapos magbaon ng pitong goal sa unang kalahati pa lamang ng laro.

Kabilang sa mga nagmarka sa bakbakan si striker Ri Song-a na isinilang at lumaki sa Japan, habang sinalubong naman ang buong koponan ng suporta mula sa daan-daang pro-Pyongyang fans sa stadium na nagsuot ng pulang damit at patuloy na nag-cheer sa buong pagtitipon.

Mayroong higit 100 atletang Hilagang Koreano ang nakatakdang lumahok sa 14 na laro para sa Asian Games ngayong 2026 sa Nagoya-Aichi, Japan.

Matapos pansamantalang huminto sa mga internasyonal na kompetisyon noong panahon ng pandemya, muling nagbalik sa sports arena ang bansa noong 2023 Asian Games sa China at sa ginanap na Paris Olympics.

Nakatakdang harapin ng women’s team ng North Korea ang South Korea sa Setyembre 21 sa isang inaabangang Group F match, habang ang men’s football team naman ay magsisimula ng kanilang kampanya laban sa China.

Gilas players hindi dapat sisihin sa pagkakalaglag ng Pilipinas sa Asian Games – Tim Cone

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Nanawagan si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na huwag ibunton ang galit sa mga manlalaro niya matapos ang pagkakatalo nila laban sa China 105-61 sa 20th Asian Games.

Dahil sa nasabing pagkatalo ay tuluyan ng nalaglag ang Pilipinas sa Asian Games.

Sinabi ng beteranong coach na ibinigay ng mga manlalaro ang kanilang makakaya para manalo sa laro.

Pinuri pa nito ang mga manlalaro dahil sa tumugon sila sa tawag niya na irepresenta ang bansa kahit na sa limitadong oras lamang.

Inihalimbawa nito ang pagpayag ni Calvin Oftana na siyang nagkumpleto sa 12-man line up ng Gilas kapalit ng naturalized player na si Justin Brownlee na nagpapagaling sa injury.