• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2026

Higit 3K Valenzuelanos, nakinabang sa ‘Handog ng Pangulo’ program

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAHIGIT 3K residente ng Valenzuela ang nakinabang sa iba’t ibang serbisyo, kabilang healthcare, social welfare assistance, livelihood opportunities, food assistance, housing, legal services, at skills training sa pamamagitan ng “Handog ng Pangulo 2026 Serbisyong Tapat Para Sa Lahat,” na pinangunahan ng pambansang pamahalaan katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (Richard Mesa)

MAHIGIT 700 TEACHERS, HINDI NAGSILBI SA BARMM POLLS; SPECIAL ELECTORAL BOARDS, IPINALIT

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI nakapagsilbi bilang electoral board members ang mahigit sa 700 guro sa unang regular BARMM Parliamentary elections .

Ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia , may ilan din umanong nag-withdraw sa araw mismo ng halalan.

Upang hindi maapektuhan ang operasyon ng mga presinto, agad na pumalit ang mga special electoral board .

“Due to different reasons namimili ng presinto sila ay kamag-anak ng ilang tumatakbo “, sabi ni Garcia.

Nanatiling ding bukas at nag-function ang mga presinto sa mga lugar sa kabila ng pagkakaroon ng mga umatras na mga guro.

Giit ni Garcia, mahalaga ang pagpapalit ng mga electoral board members upang magpatuloy ang botohan at marinig ang boses ng mga botante sa in itinuturing na historic BARMM elections . (Gene Adsuara)

Networth ni VP Sara lumobo mula P7.25 million noong 2007 at umabot sa P98.6 million nitong 2025

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULA P7.25 million noong 2007 umabot sa P98.6 million nitong 2025, ang networth ni Vice President Sara Duterte, base sa Statement of Assets, Liabilities Networth (SALNs) na iprinisinta sa kanyang impeachment trial.

Lumitaw sa talaan na tumaas ang kanyang networth ng mahigit P91 million sa nakalipas na 18 taon, Kaugnay ito sa alegasyon ng unexplained wealth na tinalakay sa Senate impeachment court.

Iprinisinta ng prosekusyon sa pagdinig ang taun-taong account ng declared net worth ni Duterte simula P7,250,497 noong 2007, nang naninilbihan itong Davao City vice mayor hanggang sa P49.7 million noong 2018 at P55.61 million nitong 2019, bagong umabot sa P56.58 million sa taong 2020 at P65.31 million naman nitong 2021.

Patuloy itong tumaas nang maging bise presidente si Duterte na umabot sa P71.66 million ng 2022, P77.51 million noong 2023, at P88.51 million ng 2024. Para naman sa 2025, idineklara ni Duterte ang net worth na P98,656,131.20. (VINA de GUZMAN)

PBBM, pinangunahan ang turnover ng 333 housing units sa Valenzuela

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama sina Mayor WES Gatchalian, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon P. Aliling at National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang turnover ceremony ng 333 housing units ng Disiplina Village Arkong Bato sa Barangay Arkong Bato, Valenzuela City, Martes ng umaga.

Pormal na minarkahan ang turnover ng unang housing units sa ilalim ng Phase 1 hanggang 3 ng Disiplina Village Arkong Bato, kasunod ng pamamahagi ng Certificates of Award sa mga kwalipikadong benepisyaryo para sa kanilang ligtas na mga tahanan bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga pamilyang Pilipino.

Sa suporta ng NHA at DHSUD, ang Disiplina Village Arkong Bato ay nagsisilbing ikaapat na in-city housing relocation project ng lungsod, kasunod ng Disiplina Village Ugong, Bignay, at Lingunan. Ang mga benepisyaryong pamilya ay biktima ng sunog at mula sa Informal Settler Families (ISFs) na dating naninirahan sa mga mapanganib na lugar, kabilang ang malapit sa mga daluyan ng tubig at sa ilalim ng transmission lines.

Ang proyektong pabahay na ito ay may 20,709-square-meter property na matatagpuan sa kahabaan ng M.H. Del Pilar Street, Brgy., Arkong Bato at idinisenyo bilang laigtas, naa-access, at napapanatiling komunidad na bubuo ng 20 four-storey buildings na may kabuuang 960 housing units at katabi nito ang Arkong Bato Park.

Binigyang-diin ng turnover ang matibay na pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan sa mga programa sa pabahay para sa mga pamilyang Pilipino kung saan ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay nabigyan ng mga tahanan na nagbibigay ng higit na seguridad, dignidad, at katatagan.

Muling pinagtibay ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang patuloy nitong pangako sa pagbuo ng isang tunay na matitirahan na lungsod kung saan ang mga pamilya ay may access hindi lamang sa mga disenteng tahanan, kundi pati na rin sa edukasyon, healthcare, employment opportunities, public services at isang ligtas na komunidad.

Sa pamamagitan ng Handog ng Pangulo na bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Marcos ay minarkahan ang isang makabuluhang regalo sa mga pamilyang Pilipino: ang pagkakataong magkaroon ng ligtas na tahanan at mas matibay na pundasyon para sa magandang kinabukasan. (Richard Mesa)

TURN OVER PARA SA 2027 BAR EXAM, PORMAL NANG ISINAGAWA

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PORMAL nang isinagawa ang turnover para sa 2027 Bar Examination kasabay ng pagtatapos ng 2026 Bar Exams na nagtalaga ng record-high na 12,010 finishers–pinakamataas sa kasaysayan ng Philippine Bar.

Ayon sa Supreme Court 12,029 ang kumuha ng exam noong unang araw sa 15 testing centers nationwide at 12,010 ang umabot hanggang huling araw.

Pinangunahan ni 2026 Bar Chairperson Associate Justice Samuel H. Gaerlan ang turnover ceremony at pormal na ipinasa ang pamumuno kay Associate Justice Ricardo R.Rosario na tatayong Chairperson ng 2027 Bar Exams.

Dumalo rin si Chief Justice Alexander G.Gesmundo–ito ang kanyang huling Bar Exam bago magretiro sa Nobyembre .

Inaasahang ilalabas ang resulta ng 2026 Bar sa Enero 2027. (Gene Adsuara)

MAHIGIT P40 MILYON NA HINIHINALANG SHABU, NASAMSAM NG PCG AT PDEA

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINATAYANG aabot sa anim na kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 40.8 milyong piso ang nasabat ng mga awtoridad sa joint anti-illegal drugs operation sa Taytay, Rizal.

Naaresto naman ang tatlong hinihinalang drug personalities sa Sitio Dulong Bangiad Barangay San Juan habang isa pang suspek ang pinaghahanap.

Narekober din sa operasyon ang ilang baril at iba pang ebidensya.

Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, nagbantay ang PCG sa mga daluyan ng tubig at posibleng escape routes upang hindi makatakas ang mga target.

Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office IV-A–Rizal Provincial Office ang operasyon katuwang ang PCG Coast Guard Station Rizal.

Mahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang isasailalim sa beripikasyon at imbestigasyon ang mga nakumpiskang baril. (Gene Adsuara)

Sa proposed 2027 budget…Krisis sa sektor ng higher education kung hindi pagbibigyan ang budget request ng CHED, inaasahan

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGBABALA ang isang mambabatas na babagsak ang sektor ng higher education kung itutuloy ang pagbabawas ng budget nito at abolisyon ng travel tax.

“A double whammy of budget cuts and travel tax abolition could spell doom for higher education sector,” ang naging babala ni Solid North Party-list Rep. Ching Bernos.

Ayon kay Bernos, malaking kawalan sa sektor ng higher education kung hindi ibibigay ang hiling ng Commission on Higher Education na P70 billion sa proposed 2027 budget subalit P35.453 billion lamang ang nakapaloob sa 2027 National Expenditure Program nito. 

Aniya, magkakaroon ng krisis sa sektor ng higher education kung hindi pagbibigyan ang budget request ng CHED at tuluyang alisin ang travel tax na pumopondo sa nasabing sektor.

“We are talking about billions lost that could benefit Filipino students to ensure they get a chance at education. Huwag po sana natin hayaang mawala na lang nang basta-basta ang mga pagkukunan ng pondo ng higher education sector,” ani Bernos. 

Naunang sinabi ng CHED na kung mawawala ang kanilang substitute source na travel tax, mga 85.6 percent sa pondo ng Higher Education Development Fund ang mababawas. Pinopondohan nito ang scholarships, research and institutional upgrading, at tourism education programs ng CHED.

Forty percent ng total gross collections sa travel tax ay napupunta sa HEDF. Nitong 2025, umabot sa P8.7 billion ang travel tax collections.

Samantala, inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukala na tanggalin ang travel tax. (VINA de GUZMAN)

AMERIKANONG WANTED INARESTO SA SEKSWAL NA PANG-AABUSO

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) ang isang 50-taong gulang na Amerikanong wanted sa Estados Unidos dahil sa umano’y sekswal na pang-aabuso sa isang menor de edad sa Camp Tomas Pepito sa Angeles City, Pampanga, kasunod ng kahilingan para sa tulong mula sa U.S. Embassy sa Maynila.

Ang nadakip ay si Robert Carlos Ramirez, na may umiiral na warrant of arrest mula sa Northeast District County ng Los Angeles, California, para sa felony charge na Continuous Sexual Abuse of a Minor.

Nagsagawa ng opersayon ang BI-FSU batay sa impormasyon mula sa Diplomatic Security Service–Overseas Criminal Investigations (DSS-OCI) ng U.S. Department of State, sa pamamagitan ng U.S. Embassy sa Maynila, na humingi ng tulong sa Bureau upang matukoy ang kinaroroonan at maaresto si Ramirez.

Pinawalang-bisa na ang U.S. passport ni Ramirez.

Ayon sa mga rekord ng BI, huling dumating si Ramirez sa Pilipinas noong Hulyo 20, 2023 bilang temporary visitor sa ilalim ng Executive Order No. 408. Mula noon ay lumampas na siya sa pinahintulutang tagal ng pananatili, may umiiral na derogatory record sa Bureau, at nakatakdang isailalim sa deportation proceedings.

Kasalukuyang nakaditene si Ramirez sa Angeles City Jail, Camp Tomas Pepito, Barangay Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga, habang hinihintay ang resolusyon ng kasong kinasasangkutan ng umano’y paglabag sa Seksyon 4(a), kaugnay ng Seksyon 6(a), at 11(a)(1) ng Republic Act No. 9208, o ang Anti-Trafficking in Persons Act, na inamyendahan ng Republic Acts Nos. 10364 at 11862.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony M. Viado na patuloy na makikipagtulungan ang Bureau sa mga dayuhang kasosyo sa pagpapatupad ng batas upang maiwasan ang pagtatago ng mga fugitive sa Pilipinas upang takasan ang katarungan.

Ang pag-aresto ay bahagi ng kampanyang “Shield Kids” ng BI, na naglalayong pigilan ang Pilipinas na maging ligtas na lugar para sa mga fugitive na akusado ng mga krimen laban sa mga bata. (Gene Adsuara)

LTO CHIEF, IPINAG-UTOS ANG MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG PAGLIPAT SA LTMS; PAGGAMIT NG STRADCOM LTO-IT SYSTEM, IHIHINTO NA

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INIUTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, sa lahat ng kinauukulang tanggapan ng ahensya ang agarang paghinto sa paggamit ng LTO-IT System ng STRADCOM sa mga lahat ng transaksyon at ang mahigpit na pagpapatupad ng ekslusibong paggamit ng Land Transportation Management System (LTMS).

Ang direktiba ay alinsunod sa kautusan ng Office of the Ombudsman na naglalayong ihinto ang paggamit ng LTO-IT System ng STRADCOM at tiyakin ang paggamit ng LTMS sa mga transaksyon ng ahensya.

Sa ilalim ng Memorandum No. MVL-2026-207 at Memorandum No. MVL-2026-208, ipinag-utos ang agarang paghinto sa paggamit ng LTO-IT System sa Enhanced Driver’s License System (EDLS) Pilot Sites at sa 42 designated Temporary Offsite Printing Offices (TOPOs).

Saklaw din ng direktiba ang pagproseso ng Certificate of Stock Report (CSR) at New Registration of Motor Vehicles, Motor Vehicle Renewal of Registration, lahat ng Driver’s License transactions, at Miscellaneous Transactions.

Kabilang sa mga transaksyon sa Driver’s License na sakop ng direktiba ang renewal, new application, duplicate o replacement, at change of information.

Ang lahat ng nasabing transaksyon ay dapat nang eksklusibong iproseso sa LTMS.

Inatasan din ni Asec. Lacanilao ang mga kinauukulang tanggapan na makipag-ugnayan sa mga kaukulang opisina ng LTO Central Office upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na transition, kabilang ang kinakailangang system configuration, user access, at iba pang operational requirements.

Anumang system limitation, technical issue, o operational difficulty na mararanasan sa panahon ng transition ay dapat agad i-report sa Management Information Division (MID) upang mabigyan ng agarang kaukulang aksyon.

“Patuloy nating inaayos at pinapahusay ang mga sistema ng LTO upang maging mas mabilis, maayos, at maaasahan ang ating serbisyo. Ang paglipat sa LTMS ay mahalagang bahagi ng ating pagsisikap na magkaroon ng mas episyenteng proseso at mas mahusay na serbisyo para sa ating mga motorista,” ayon kay Asec. Lacanilao.

Binigyang-diin ng LTO Chief na mahigpit na ipatutupad ang mga direktibang ito upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na paglipat sa LTMS, kasabay ng pagpapanatili ng episyente at maaasahang serbisyo sa publiko. (PAUL JOHN REYES)

PhilHealth YAKAP Program hatid sa mga paaralan, tanggapan sa bansa sa ‘Handog ng Pangulo’

Posted on: September 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BILANG bahagi ng Handog ng Pangulo (HNP) na isinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mas abot-kamay na serbisyong pangkalusugan, dinala ng pamahalaan ang PhilHealth YAKAP Program at iba pang medical services sa mga paaralan at tanggapan sa buong bansa nitong Setyembre 14, 2026.

Sa tulong ng 257 Yakap Clinics at kanilang partner GAMOT Providers, naghatid ang PhilHealth ng iba’t ibang serbisyo para sa mga miyembro sa lahat ng HNP sites. Kabilang dito ang pagpili at pagrehistro sa YAKAP, libreng konsultasyon, pagkuha ng gamot sa ilalim ng GAMOT program, at tulong sa pagpapare­histro sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay PhilHealth Acting President at CEO Dr. Beverly Ho, layunin ng programa na dalhin ang YAKAP kung nasaan ang mga Pilipino.

“Pinagtutulungan namin ng DOH, sa ilalim ng Unified National Agenda for Health, ang kabuuang panga­ngalaga sa kalusugan sa mga paaralan, trabahuhan, at komunidad—kung saan may mga programa para maiwasan ang sakit at mayroon ding serbisyong pangkalusugan na agad na malalapitan,” ani Ho.