• September 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2026

PBBM, umaasa na makakapag-produce ang Pilipinas ng “all-Filipino electric vehicles”

Posted on: August 26th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makakapag-produce ang Pilipinas ng electric vehicles gaya ng tricycles at jeepneys. 

Inihayag ito ng Pangulo sa ginawang pag-inspeksyon sa pabrika ng MD Juan Enterprises sa Caloocan City, araw ng Martes, Agosto 25.

At upang mapagtagumpayan ito, sinabi ng Pangulo na susuportahan ng gobyerno ang local manufacturing industry at isteps para mapalakas ang kanilang produksyon gaya ng MD Juan’s.

So, the next step is to put in some of the new equipment na that is still necessary for the production of the electric vehicle. At alam na namin yung gagawin,” ayon sa Pangulo.

“And together with our technical consultants, I believe that we will soon be seeing a Filipino electric vehicle, tricycle, at maybe down the road makagawa na tayo ng jeepney,” aniya pa rin.

Nauna rito, binisita ni Pangulong Marcos ang automotive parts manufacturer MD Juan Enterprises, Inc. sa Caloocan City para i-assess ang pasilidad ng kompanya at idetermina ang karagdagang suporta at equipment na kakailanganin para magawa ang lokal na produksyon ng electric vehicles.

Ang MD Juan Enterprises, isang benepisaryo ng e-mobility program ng Department of Science and Technology (DOST) ay kilala para sa pagmamanupaktura ng machine-pressed metal parts at restoration kits para sa vintage, military, at civilian jeeps.

Winika pa ni Pangulong Marcos na tinutukoy ng gobyerno ang gaps sa umiiral na kakayahan ng kompanya at tukuyin kung paano makatutulong ang DOST at iba pang national government agencies.

“Kaya tinitingnan namin ang mga facilities, ano yung nandito na, ano na yung mga kulang, ano pa yung mga kulang na susuportahan ng ating DOST, ng national government para makapagawa na tayo ng electric vehicle dito sa Pilipinas,” ayon kay Pangulong Marcos.

Aniya, ang pagdebelop ng domestic EV manufacturing industry ay makatutulong na mabawasan ang pagsandal ng bansa sa imported petroleum products habang sinusuportahan ang mas matatag na sektor ng transportasyon.

Aniya pa, ang locally made na EVs ay maaari ring makatulong na makapagigay ng mas ‘sustainable livelihood opportunities’ para sa transport workers.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang susunod na hakbang ay magbigay ng karagdagang equipment na kakailanganin para sa EV production.

“And together with our technical consultants, I believe that we will soon be seeing a Filipino electric vehicle tricycle. At maybe down the road, makagawa na tayo ng jeepney,” aniya pa rin.

Samantala, pino-promote ng administrasyon ang e-mobility bilang bahagi ng pagsisikap na gawing modernisado ang transportasyon, bawasan ang fossil fuel dependence, at idebelop ang local manufacturing capabilities. ( DARIS JOSE)

LEONEN BALIK SA DATING POSISYON

Posted on: August 26th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITINALAGA si  Julius N. Leonen, dating Assistant Secretary ng Presidential Communications Office (PCO), bilang City Public Information Officer ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, at nagbabalik sa posisyong kanyang hinawakan noong unang termino ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso,  epektibo ngayong Agosto 25, 2026.Noong 2024, itinalaga siya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Director III ng PCO, at kalaunan ay naging Assistant Secretary mula 2024 hanggang 2025. Sa PCO, nagsilbi siya sa ilalim ng Strategic Communications Cluster, kung saan pinamunuan niya ang Integrated State Media News Operations ng ahensya.Sa kanyang pagbabalik sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila, nagsilbi muna siya bilang Assistant Chief of Staff bago itinalaga sa kanyang kasalukuyang posisyon. Samantala, si Mr. E-jhay Talagtag ay nahiwalay na sa Manila Public Information Office at sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila mula pa noong Hulyo 2026.

 (Gene Adsuara)

Ads August 26, 2026

Posted on: August 26th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Pulis mula sa PNP Anti-Cybercrime Group nag-uwi ng 2 medalya sa Muay Thai competition

Posted on: August 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments
NAG-UWI ng dalawang medalya ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa paglahok nito sa Muay Thai competition sa Thailand.Pagbili Ng Law Enforcement Equipment At Gear

Si Police Corporal Jonard E. Apa-an ng PNP Anti-Cybercrime Group ay nagwagi ng silver medal sa 51-kilogram Muay Thai Combat Category.
Habang bronze medal naman ang naiuwi nito sa Wai Kru Singles event sa Siamyout Global Heritage Muay Thai Series 2026 na ginanap sa Samut Songkhram, Thailand mula Agosto 10-12.

Binati naman ni Chief PNP Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr si Apa-an dahil sa pagrepresenta niya sa PNP at maging ang bansa sa mga international competition.
Tiniyak ng PNP chief na suportado nila ang mga kapulisan na mayroong natatanging talento sa larangan ng sports at iba pa.

Gauff, nasungkit ang 2nd title sa Cincinnati Open matapos talunin si Pegula

Posted on: August 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments
NASUNGKIT ni Coco Gauff ang kanyang ikalawang women’s Cincinnati Open title matapos talunin ang kapwa Amerikanang si Jessica Pegula sa iskor na 6-2, 6-4 nitong Linggo.Tennis

Ang naturang laban ang kauna-unahang all-American women’s final sa naturang torneo sa loob ng 56 na taon, mula noong magtuos sina Rosie Casals at Nancy Richey noong 1970.

Nagpakitang-gilas agad si Gauff sa unang set nang magtala ng dominanteng 5-0 kalamangan bago ito tuluyang isara sa 6-2.
Bagama’t sinubukan pang humabol ni Pegula sa ikalawang set at idinikit ang talaan sa 5-4, matatag pa ring tinapos ni Gauff ang laban gamit ang kanyang limang break points.
Dahil sa tagumpay na ito, tabla na ang kanilang head-to-head series sa 5-5.English Edition News

Magandang preparasyon ang panalong ito para kay Gauff bago ang US Open, lalo’t matatandaang nagkampeon din siya sa nasabing Grand Slam noong huling beses siyang manalo sa Cincinnati.

PBBM, itinalaga si Mathay bilang Vice- Chairperson for Operations ng ASEAN National Organizing Council

Posted on: August 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Tourism Secretary Dita Angara-Mathay bilang vice chair for operations of the Asean National Organizing Council (NOC) para palakasin ang paghahanda para sa pagho-host ng Piipinas sa 49th Asean Summit Meetings sa Nobyembre.

Itinakda ng Pangulo ang bagong papel ni Mathay sa Administrative Order No. 48, inilabas noong Agosto 13, subalit in-upload lamang ito sa Official Gazette website nito lamang Agosto 19.

Bilang vice chair for operations, tutulungan ni Mathay ang chair, kasalukuyang hawak ni Executive Secretary Ralph Recto, sa pagbibigay ng strategic direction at operational oversight ng mga paghahanda preparations para sa pagho-host ng Pilipinas Asean Summit Meetings.

Gagamitin niya ang pagho-host ng Pilipinas sa Asean Summit Meetings “to showcase the country’s culture, hospitality, and tourism assets, enhance the Philippines’ image within the international community, and reinforce its position as a preferred tourist destination.”

Sa kabilang dako, sa ulat, nakasaad sa utos na ang NOC Executive Committee, sa pamumuno ng Office of the Director-General for Operations, pati na ang iba pang mga NOC Committees, ay direktang mag-uulat sa Vice-Chairperson for Operations. Una nang binuo ang ASEAN-NOC sa pamamagitan ng AO No. 17 (s. 2024) upang pangasiwaan ang pagpaplano, pagpapatupad, at pagsubaybay sa mga programa at aktibidad para sa ASEAN 2026. Sa lumang utos, naatasan na ang DOT na pamunuan ang Committee on Tourism, Hospitality, Tours, Events and Site Enhancement.

Ibinase rin ang hakbang na ito sa Seksyon 2 ng Republic Act No. 9593 o angTourism Act of 2009, kung saan kinikilala ang turismo bilang isang mahalagang bahagi ng pambansang ekonomiya at isang industriyang may pambansang kahalagahan.

Binigyang-diin sa AO 48 na ang pagpapatuloy ng Pilipinas bilang host ng ASEAN Summit 2026 ay isang malaking pagkakataon upang maipakita ang kakayahan ng bansa sa matagumpay na pag-oorganisa ng mga malalaking kaganapang internasyonal.

Samantala, ang 49th Asean Summit ay nakatakda sa Nobyembre 10 hanggang 12 sa iba’t ibang venue Metro Manila, pangunahin na sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Magsasama-sama sa high-level meeting ang mga lider ng 11-member bloc at external dialogue partners.

“The government has allocated a total of P22.9 billion across two fiscal years for the Asean events: P5.4 billion, drawn from the 2025 national budget, for initial preparations; and P17.5 billion, under this year’s budget, for the pre-summit, ministerial-level and main summit meetings, as well as related activities,” ayon pa rin sa ulat. ( DARIS JOSE)

P802M nakalaan para sa 2,000 bagong public school guidance counselors

Posted on: August 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PLANO ng national government na maglaan ng P802 million sa susunod na taon para kumuha ng total na 2,021 bagong guidance counselors para sa public elementary at high schools upang mapalakas ang mental health services ng Department of Education (DepEd).

“We are all for increased government spending to bolster the support system around every learner. A child who is struggling should have ready access to a trained school professional who can listen and help,” ayon kay House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan.

Sinabi ng mambabatas na napapanahon ang bagong alokasyon lalo na sa paglago ng pangamba sa isyu ng bullying, student mental health at threats of violence.

“Early intervention is critical. We should be able to recognize warning signs and provide help before a problem becomes a tragedy,” dagdag ni Libanan.

Sa panukalang 2027 national budget, maglalaan ng P802 million para sa pagbuo ng 1,800 bagong School Counselor Associate I positions at 221 bagong School Division Counselor positions para sa DepEd.

May importanteng papel aniya ang guidance counselors sa pagtulong sa mga guro, magulang at school administrators na maintindihan at matugunan ang estudyante na maaaring dumadanas ng emotional, behavioral o psychological difficulties.

“Guidance counselors are part of our first line of defense. They help our schools become safer and more supportive communities for children,” ani Libanan.

Hinikayat nito ang mga private elementary at high schools na mag-invest sa karagdagang professional guidance at counseling services

“We are counting on private elementary and high schools to also do their share. The well-being of our children is a shared responsibility,” aniya.

Ang dagdag na guidance personnel ay kasunod na rin sa naganap na dalawang barilan sa loob ng eskwelahan sa loob lamang ng dalawang buwan.

Noong Hunyo 22, dalawang estudyante na may idad 14 at 15 at armado ng 9mm Glock pistol at .38-caliber revolver ang namaril sa San Jose National High School sa Tacloban City, kung saan tatlo ang nasawi at ikinasugat ng 20 iba pa.

Nitong August 18, namaril ang isang 14-anyos na Grade 8 student sa high school building ng Ateneo de Zamboanga University sa Zamboanga City.

Binaril nito ang isang 15 anyos na Grade 10 student bago nagtungo sa fifth floor at doon nagpakamatay.

“These incidents show why we must invest not only in physical security but also in the emotional and psychological support available to our students. Prevention must begin long before a crisis occurs,” pagtatapos ni Libanan. (VINA de GUZMAN)

Valenzuela LGU, inilunsad ang Panatag Mental Health Program

Posted on: August 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian at President and CEO of Mindscapes through PhilCare Mr. Jaeger L. Tanco ang Panatag Mental Health Program, ang FIRST school-based at LGU-supported mental health program sa Pilipinas, na sisimulan sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV) at Valenzuela City Technological College (ValTech).

Layunin ng programa na suportahan ang kalusugang pangkaisipan at kapakanan ng mga kabataang Valenzuelano sa pamamagitan ng pagbibigay ng madaling-maabot na gabay at suporta habang hinaharap nila ang mga hamon at pinangangasiwaan ang mga panggigipit ng pang-araw-araw na buhay. (Richard Mesa)

Dahil sa isyu naman ng guro:Claire Castro at Imee Marcos, muli na namang nagbanggaan 

Posted on: August 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULI na namang nagbanggaan sina Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro at Senator Imee Marcos.

Sa pagkakataong ito kasi, binira kasi ni Imee Marcos sa kanyang video statement, nakisawsaw at sumama sa backlash sa naunang pahayag ni Castro ukol sa mga guro at moralidad.

Sa nakalipas na linggo, naging maingay ang social media sa naging pahayag ni Castro kung saan sinabi niya kasi na may ilang guro ang hindi magandang ehemplo sa kanilang mga estudyante.

Kaagad namang nilinaw ni Castro ang isyu. Aniya, hindi niya sinisisi ang mga guro kaya’t hindi nito magawang humingi ng paumanhin o mag-sorry sa nasabing insidente.

Lumalabas naman na gusto ni Imee Marcos na pag-usapan ang nasabing bagay sa video na naka-post sa kanyang social media page.

“Ano ba naman sila, bakit naman sisisihin ang mga hamak na teacher, samantalang yung isang guro, siya pa nga ang pinupuntirya? Muntik-muntikan na nga, sinwertehan na lang,” ayon kay Imnee Marcos.

“Ano naman ang malay ng mga teacher, pambihira naman,” ayon pa rin sa kapatid ni Pangulong Ferdinan Marcos Jr.

Sinabi ni Castro na dapat na pinanood muna ni Imee Marcos ang buong press conference upang makakuha ng buong konteksto ng kanyang sinabi.

“Kailangan po talaga natin ipakalat ang kahalagahan ng critical thinking. Matutong makinig at intindihin ang mga sinabi ko. Panoorin muna ang buong briefing bago sumawsaw sa isyu,” ang tinuran ni Castro.

“Huwag basta sumunod lamang sa ginawang script ng director or staff niya dahil mapapahamak siya,” anito pa rin.

Sinabi ni Castro na ang pahayag ni Imee Marcos ay hindi angkop para sa isang senador.

“Hindi dapat sa isang senador nagsisimula ang pagpapakita ng kawalang-modo o kagaspangan ng ugali. Mga salitang walang idinudulot kundi paninira sa kapwa. Unahin na rin niyang turuan ang mga kaalyado niyang katabi lang niya ng kagandahang asal kaysa kunsitihin ang pagmumura nila,” anito.

Sa kabilang dako, hindi ito ang unang pagkakataon na nagbanggaan at nagpalitan ng maaanghang na salita sina Castro at Imee Marcos. ( DARIS JOSE)

Sa ika-17 araw ng impeachment trial, lumutang . . .Mga pangalang hawig sa hayop kabilang sa nakatanggap ng confidential funds ng OVP

Posted on: August 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LUMUTANG ang mga panibagong kakaibang pangalan na hawig sa hayop na nakatanggap umano ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) sa ika-17 araw ng impeachment trial.

Sa direct examination ng prosecution counsel na si Atty. Amando Ligutan, unang tinanong niya ang hostile witness na si Gina Acosta kung nasaksihan niya mismo na ibinigay ng dating security chief ni Duterte na si Col. Raymund Dante Lachica ang tig-P100,000 mula sa confidential funds sa mga recipient na “Antonio Pagong” at “Timon Andrew Pusa.”

Sagot ni Acosta: ” Hindi ko siya nakita, your honor, kasi wala po ako doon sa grounds. Siya po ang nag-implement.”

Ipinakita rin ng prosekusyon ang acknowledgement receipts ng isang “Don Piang” na nakatanggao ng P250,000 at “May Pamana” na tumanggap naman ng P150,000.

Nakasaulat din sa isang resibo ang pangalang “Shane Ngitngit” na nakatanggap umano ng P150,000 mula kay Col. Lachica.

Inihayag ni Ligutan na ang salitang “ngitngit” sa Bisaya ay nangangahulugang “madilim.” Iniugnay niya ito sa nauna nang inilabas na resibo na may kahina-hinalang pangalan na “Andy Lim.”

Isa pang Xuniso P. Belat ang nakatanggap ng P100,000.

Nang tanungin ang testigo kaugnay ng mga transaksiyon na ito, palaging sagot niya ay hindi niya nakita ang pagbigay ni Col. Lachica sa mga recipient at dumipende lamang siya sa mga dokumentong isinumite ni Lachica dahil siya ang nag-implementa ng confidential funds. ( DARIS JOSE)