• September 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LEONEN BALIK SA DATING POSISYON

ITINALAGA si  Julius N. Leonen, dating Assistant Secretary ng Presidential Communications Office (PCO), bilang City Public Information Officer ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, at nagbabalik sa posisyong kanyang hinawakan noong unang termino ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso,  epektibo ngayong Agosto 25, 2026.Noong 2024, itinalaga siya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Director III ng PCO, at kalaunan ay naging Assistant Secretary mula 2024 hanggang 2025. Sa PCO, nagsilbi siya sa ilalim ng Strategic Communications Cluster, kung saan pinamunuan niya ang Integrated State Media News Operations ng ahensya.Sa kanyang pagbabalik sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila, nagsilbi muna siya bilang Assistant Chief of Staff bago itinalaga sa kanyang kasalukuyang posisyon. Samantala, si Mr. E-jhay Talagtag ay nahiwalay na sa Manila Public Information Office at sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila mula pa noong Hulyo 2026.

 (Gene Adsuara)