• September 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2026

Budget hearing schedule, nirebisa ng Kamara

Posted on: August 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NIREBISA ng Kamara ang takda nitong mga pagdinig kaugnay sa panukalang 2027 national budget matapos ang pagkakaantala nito dala na rin sa masamang panahon habang kinukumpleto nito ang budget deliberations sa loob ng itinakdang oras.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chair Rep. Mika Suansing, sa ilalim ng revised schedule, ang budget briefings ay gagawin sa Lunes , Agosto 24 para sa mga tanggapan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, Department of Trade and Industry, Department of Justice, Philippine Charity Sweepstakes Office, at Department of Science and Technology.

“We have adjusted our schedule to make up for the hearings that could not proceed because of the inclement weather. We have a responsibility to thoroughly scrutinize the proposed national budget, but we also have a timetable to meet. We intend to do both,” ani Suansing.

Pinagsama-sama rin sa revised calendar ang ilan pang agency briefings upang matapos sa committee-level budget hearings hanggang September 8 ang mga ito.

Kabilang sa mga departamento at ahensiya na nakatakda sa susunod na linggo ay ang Department of National Defense, Office of the Ombudsman, Department of Human Settlements and Urban Development, at Commission on Audit sa Agosto 25; Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources, at Department of Migrant workers sa Agosto 26; at ang Office of the President, Department of the Interior and Local Government, Commission on Higher Education, at Presidential Communications Office sa Agosto 27.

Ipagpapatuloy pa ang mga pagdinig hanggang Setyembre kung saan nakatakdang isalang ang Departments of Agriculture, Health, Energy, Transportation, Education, Social Welfare and Development, at Labor and Employment, maging ang Office of the Vice President, Judiciary at iba pang opisina.

Sinabi pa ng mambabatas na “we know there may be other circumstances beyond our control that could affect the schedule. We are factoring those possibilities into our planning now so that, even if adjustments become necessary, we can still meet our target for completing the budget process.”

Iginiit naman ng Appropriations Chairman na hindi naman nila isasakripisyo ang masusing pagsusuri sa budget para lamang makahabol sa schedule.

“What we are doing is managing our time better and making the necessary adjustments early so that every agency can still be properly scrutinized and every peso in the proposed budget can be properly accounted for,” paliwanang ni Suansing.

(VINA de GUZMAN)

4 huli sa aktong nagpa-pot session sa Valenzuela

Posted on: August 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TIMBOG ang apat na hinihinalang drug personalities nang mahuli sa aktong gumagamit umano ng droga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 8 nang lapitan sila ng isang concerned citizen.

Inginuso nito sa mga pulis ang nagaganap umanong pot session ng ilang indibidwal sa loob ng isang bahay sa may No. 2477 sa Villa San Jose Purok 4, Brgy., Mapulang Lupa kaya kaagad nilang pinuntahan ang naturang lugar.

Hindi na nakapalag sina alyas “Tony”, 34, alyas “Rey”, 31, at alyas “Lito”, 40, nang arestuhin nina Pat John Rey Rianzares at Pat Maxim John R Pineda makaraang maaktuhan sumisinghot umano ng shabu sa loob ng nasabing bahay dakong alas-2:36 ng madaling araw.

Nasamsam sa kanila ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid umano ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalias.

Nauna rito, alas-10:05 ng gabi nang mahuli din sa akto ng rumespondeng mga operatiba ng Police Sub-Station 2 ang mekaniko na si alyas “Greg”, 28, na abala umano sa pagbatak ng shabu sa loob ng isang shanty house sa No. 2144 Angeles St., Barangay Gen. T. De Leon.

Nakumpiska sa kanya nina Pat Dominic Dela Cruz at Pat Julious Cesar Demition ang ilang drug paraphernalias at isang nakabukas na plastic sachet na may bahid umano ng suspected shabu.

Sinabi ni SDEU investigator PSSg Janine Buenaventura, kasong paglabag sa Sections 12 at 15 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa nila laban sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagitan Inquest Proceedings. (Richard Mesa)

NBI, BOC PINURI ANG JOINT TASK FORCE SA PAGKAKADAKIP NG BILYON-BILYONG ILIGAL NA KARGAMENTO

Posted on: August 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KINILALA nina National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag at Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang mga huwarang tauhan mula sa dalawang ahensya sa pamamagitan ng Certificates of Commendation noong Agosto 13, 2026, sa ginanap na BOC Collectors Conference.

Pormal na kinikilala ng pagpaparangal ang kritikal na kontribusyon ng mga operatiba ng NBI at ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa magkasanib na mga operasyon. Ang pinagsamang pagsisikap na ito ay nagresulta sa malakihang pagharang at pagkakadakip sa mga kargamento ng iligal na sigarilyo sa North Harbor sa Maynila at sa Mandaue City, Cebu.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Atty. Matibag na kumplikado ang pagpapatupad ng batas laban sa mga smuggler, kaya ang mga modernong kampanya laban sa smuggling ay nangangailangan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno.

“Ang tagumpay na ito ay karapat-dapat na kilalanin dahil ang pagpapatigil sa pagpasok at paggalaw ng mga iligal na kalakal ay hindi madaling gawin,” pahayag ni Director Matibag. Idinagdag pa niya: “Nangangailangan ito ng impormasyon, maingat na koordinasyon, tamang pagpaplano, at higit sa lahat, mga taong handang gawin ang kanilang bahagi at tapusin ang operasyon.”

Ang malalaking pagkumpiskang ito ay nagpapatunay ng pinalakas na kasunduan sa pagitan ng NBI at BOC. Muling nagkasundo ang pamunuan ng dalawang ahensya na aktibong suportahan ang isa’t isa, sa pamamagitan ng pagsasama ng kanilang mga intelligence framework at mapagkukunan para sa iisang layunin: ang pagtataguyod ng mas ligtas na mga komunidad, pagbuo ng mas matatag na pamahalaan, at paghahatid ng tapat na serbisyo publiko.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kinumpirma ng NBI at BOC na patuloy pang paiigtingin ang mga agresibo, magkasama, at intelligence-driven na operasyon sa lahat ng pangunahing daungan sa Pilipinas upang kalasin ang mga network ng iligal na kalakalan at pangalagaan ang pambansang seguridad sa ekonomiya. (PAUL JOHN REYES)

Social media ban sa wala pang 16-anyos, muling isinulong

Posted on: August 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING isinulong ni Senate President Sherwin Gatchalian ang panukalang social media ban para sa mga menor-de-edad matapos ang pamamaril sa isang eskuwelahan sa Zamboanga City.

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang paggamit ng social media sa mga batang wala pang 16 taong gulang.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ang insidente ay na-livestream, napanood at nai-repost ng maraming tao, bagay na ikinabahala ng publiko.

Aniya, ang pag-livestream at pag-share ng ga­nitong mga insidente, pati na ang mga graphic materials, ay maaaring magdulot ng maling kaisipan na normal ang karahasan, lalo na sa kabataan.

Nakapaloob sa Social Media Safety for Children Act (Senate Bill No. 2066) ang mga probisyon para ipagbawal ang social media sa mga wala pang 16 taong gulang. Inaatasan din ang mga platform na magpatupad ng age at identity verification systems, mekanismo laban sa pag-iwas sa age restrictions, maayos na sistema ng pag-ulat, at mabilis na tugon sa underage access.

Ads August 21, 2026

Posted on: August 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ads August 20, 2026

Posted on: August 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Mukhang si Mimiyuuuh raw ang pinariringgan…HEART, na-turn off at ‘di ma-take ang kayabangan ng ibang influencer (ni: ROSE GARCIA) 

Posted on: August 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LUMALAKI at dumarami na rin ang sangkot sa isyu ng “clean money” na sinimulan nina Mimiyuuh at Esnyr sa kanilang mukbang collab vlog. 

Naging isyu dahil ang P.A. ni Heart Evangelista ay nag-react sa naging pahayag ng dalawa na hinahangaan nila si Anne Curtis dahil clean money ang kung anuman meron ito.

In all fairness talaga, wala silang binanggit na pangalan ng kahit sino na hindi clean money. Kaya noon pa lang, nagulat na kami kung bakit nag-super react ang P.A. ni Hearty.

Pero hindi rito nagtapos. May pa-blind-item din si Heart tungkol naman sa influencer nang mag-guest ito sa show na “Your Honor” nina Chariz Solomon at Buboy Villar. 

Hirit ni Heart, ito, “‘Yung hindi ko ma-take ang ibang influencer kung umasta… Yabang mo, sis! I hate that. Natu-turn off ako.”

Hindi rin naman nagbanggit ng pangalan si Heart kung sino ang influencer, pero ang mga netizens na mismo ang may hula at nagpangalan na mukhang si Mimiyuuuh raw ang pinariringgan.

At heto ngayon, si Raymond Gutierrez, may patama rin sa post na “While others are so focused on fashion and what’s on sale or not, this is the state of our country,”

Si Heart naman ang iniisip ng mga netizen na baka pinatatamaan daw ni Raymond.

Naikokonek din kasi na alam ng karamihan na longtime friends sina Raymond at Anne.

Naku, sa totoo lang, nando’n pa rin talaga kami sa wala naman kasing pinangalanan sina Esnyr at Mimiyuuh. ‘Pag gano’n, mas safe pa rin talaga na ‘wag na mag-react.

***

NAGKAPALIT ng mga karakter na karaniwang ginagawa nila sina Wilbert Ross at Eric Ejercito. 

Si Wilbert kasi ang action dito, while si Eric ang more on sa romance side.


Silang dalawa ang mga bida sa pelikulang “The Guardian” ng VIVA Films, 

Ang director ng movie ay si Jeong Jang Hwan (Steel Rain, Save the Green Planet!), at pinagbibidahan din ng Infinite vocalist na si Nam Woo-hyun. Ang Korean actress na si Park Eun-hye, na best known epic drama series Jewel in the Palace. At kasama rin si Yassi Pressman.

Collaboration itong talaga ng Pinoy at Korean kunsaan, 100% dito sa bansa ang location. 

Nagulat sa mediacon ng “The Guardian” sina Eric at Wilbert. Do’n lang kasi nila nalaman na international pala ang release ng movie. Parang naging surpresa sa kanila. 

Ang “The Guardian” ay showing na sa September 2.

Dating nobyo na si Rep. Javi, nag-post ng pakikiramay…SUE, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang  Mommy CHIT (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: August 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments


NAGLULUKSA ngayon si Sue Ramirez sa pagpanaw ng kanyang ina na si Concepcion “Chit” Dodd. 

Si Mommy Chit ay isang lider-manggagawa na nagsilbi bilang vice president ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Kinumpirma ito ng aktres sa pamamagitan ng Instagram story nitong Martes, Agosto 18, na kung saan ibinahagi ang larawan nilang mag-ina na kuha noong birthday celebration niya.

“Mahal na mahal kita,” post ni Sue kasama ang white heart emoji.Sa kasunod na post, ibinahagi niya isang video clip na kung saan nasa loob siya ng kotse na nasa biyahe at habang malakas ang ulan.

“Kasabay kong umiiyak ang langit,” pahayag ng aktres.

Agad din na nag-post ng pakikiramay ang dating kasintahan ni Sue na si Negros Occidental Rep. Javi Benitez

“This is how I will remember Mommy Chit… flowers in her arms, that radiant smile, beautiful and completely herself,” panimula sa kanyang Facebook page kasama ang 

larawan ng ina ni Sue na hawak ang bouquet of flowers na ibinigay niya.

“Make no mistake, she was not soft. She had strong opinions and stronger principles, and she fought for the Filipino worker like it was personal. “So when she smiled at you like this, you knew you mattered. I brought her flower whenever I could. She always gave back more,” pagpapatuloy pa niya.

Nagpaabot din si Javi ng pakikiramay at panalangin para sa pamilya ng dating girlfriend.

“A daughter of Sipalay, Negros Occidental. My deepest condolences and prayers to her loved ones.

“Salamat sa imo kabuhi nga ginhalad para sa mga mamumugon. Pahuway na, Tita.(Salamat sa paglaan ng buhay mo sa pagtulong sa mga manggagawa. Pahinga na, Tita.)”

Our deepest condolences to the family.

Thankful sa pag-aalaga ng Viva at ni Boss Vic…XIA, dream come true na muling makasama si AGA sa MMFF movie (ni: NONIE NICASIO) 

Posted on: August 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAHAYAG ng magandang teen actress na si Xia Vigor na masaya siya dahil ang mga plano ng Viva at ni Boss Vic del Rosario para sa kanya ay unti- unti nang natutupad.

Aniya, “Masaya po ako kasi nakikita kong nangyayari na iyong mga plan ng Viva for me, na na-mention nila na matalagal na po. 

“Like, siguro 2023 ay may mga plano na po si Boss Vic. Finally, may mga nagagawa na po sa plan and super excited po ako kung ano iyong abutin ng plan nila for me sa career ko, sa magiging journey po.”

Pagpapatuloy pa ni Xia, “I’m super-grateful po, kasi ay sunod-sunod ang mga project na ibinibigay nila sa akin ngayon. And nararamdaman ko po iyong pag-value nila sa akin, na hindi ko po ma-feel especially po kay Boss Vic na parang business lang ang inisiip nila. 

“Kasi mapi-feel mo talaga na Boss Vic treats you like a family, na may paki po talaga siya sa iyo, kaya super-grateful po ako sa Viva at kay Boss Vic.”

Nabanggit din Xia na hindi niya agad naintindihan nang sinabi ni Boss Vic sa kanya na may gagawin siyang movie.

“Kasi po, noong last time kaming pumunta sa Viva office para i-finalized yung project na gagawin ko, sinabi po sa akin ni Boss Vic na, ‘Xia, gagawin na iyong Second Miracle…’  Masaya po siya nang sinabi niya iyon sa akin, pero hindi ko po ma-gets ang sinabi niya. Bale, hindi ko po alam na MMFF movie pala iyon dahil wala pa pong nagsabi sa akin.

“So, sabi ko lang po, ‘Ah, sige po.’ Hindi man lang ako nakapag-thank you po kay Boss Vic,” natatawang sambit pa ni Xia.

“Nalaman ko lang po fully, na nag-sink-in na sa akin iyong sinabi po ni Boss Vic siguro after two days nang nag-post po ang Viva na official entry – ‘2nd Miracle In Cell No. 7’  … Doon pa lang po nag-sink-in sa akin, doon pa lang po ako nagtatatalon,” nakangiting pakli pa niya.

Nabanggit din ni Xia na dream come true sa kanya ang muling makasama si Aga Muhlach sa isang Metro Manila Film Festival project na part 2 ng kanilang blockbuster entry na “Miracle In Cell No. 7” noong 2019.

Saad niya, “Dream come true po talaga iyon sa akin since matagal na rin po akong hindi gumawa ng MMFF project. Ang first and last ko po ay iyong Miracle… na una.

“Siyempre I think it’s everyone’s dream naman lagi na makasali po rito, kasi iyon ang time na buhay talaga ang cinema. Tapos, maraming families ang nagpa-plan for Christmas na manood dito… So maingay siya, inaabangan siya at masaya iyong parade sa MMFF. So, grabe po ang core memories nito sa akin noong bata pa po ako.

“So, hindi ko po alam kung paano nila mae-execute talaga. Ang nasabi pa lang po sa akin, parang prequel-sequel siya, na ipapakita yung life ni Yesha (Xia) after ng tragic na nangyari sa father niya, kung paano siya nag-cope with all that.

“I think magiging inspiring siya sa mga kabataan, na makikita ang mga struggle niya pero sa huli ay magiging okay naman siya. Tapos ay naging lawyer pa siya paglaki niya, na nakita naman po natin sa part 1 ng movie,” masayang wika pa ng 17 year old na bagets. 

Incidentally, si Xia ay may mahalagang papel sa Viva One series na “Love U Lots” na tinatampukan din nina Wilbert Ross, Bea Binene, Katya Santos, Janno Gibbs, Candy Pangilinan, Vito Quizon, at iba pa.

Kai Sotto makakasama ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Asian Qualifiers

Posted on: August 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KINUMPIRMA na ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na makakasama na sa fourth window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers si Kai Sotto.Sanggunihang Pang-heyograpiko

Sinabi ni Cone na sumabak na si Sotto sa kanilang ensayo nitong araw ng Lunes.

Dagdag pa nito na magiging malaking susi sa panalo ng Gilas si Sotto kung saan huling nakapaglaro ito sa national team noong 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Mula noon ay hindi na nakapaglaro pa ang 7-foot-3 matapos na magtamo ng anterior cruciate ligament (ACL) sa kaniyang kaliwang tuhod noong Enero 2025.

Bukod pa kay Sotto ay inaasahan na rin ang paglalaro ni Justin Brownlee na nagpagaling ng kaniyang injury.

Mayroong 10 araw ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang nasabing torneo.

Makakaharap ng Gilas ang Jordan sa darating na Aogsto 28 habang ang Iran naman sa Agosto 30 na gaganapin ito sa Pilipinas.