• August 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Social media ban sa wala pang 16-anyos, muling isinulong

MULING isinulong ni Senate President Sherwin Gatchalian ang panukalang social media ban para sa mga menor-de-edad matapos ang pamamaril sa isang eskuwelahan sa Zamboanga City.

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang paggamit ng social media sa mga batang wala pang 16 taong gulang.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ang insidente ay na-livestream, napanood at nai-repost ng maraming tao, bagay na ikinabahala ng publiko.

Aniya, ang pag-livestream at pag-share ng ga­nitong mga insidente, pati na ang mga graphic materials, ay maaaring magdulot ng maling kaisipan na normal ang karahasan, lalo na sa kabataan.

Nakapaloob sa Social Media Safety for Children Act (Senate Bill No. 2066) ang mga probisyon para ipagbawal ang social media sa mga wala pang 16 taong gulang. Inaatasan din ang mga platform na magpatupad ng age at identity verification systems, mekanismo laban sa pag-iwas sa age restrictions, maayos na sistema ng pag-ulat, at mabilis na tugon sa underage access.