• August 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 26th, 2026

P16.7 milyon medical assistance inilaan ng Maynila sa Kaagapay Program

Posted on: August 26th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING naglaan ang City of Manila ng P16.7 milyon para sa mga residenteng nangangaila­ngan ng tulong pinansyal para sa kanilang gastu­sing medikal sa ilalim ng Kaagapay Program.

Personal na ipinagkaloob ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga tseke sa mga benepisyaryo upang makatulong sa kanilang pagpapagamot at mabawasan ang kanilang pasanin sa gastusing pangkalusugan.

Ayon kay Moreno, ang pondong inilaan ay nagmula sa buwis na nakokolekta ng lungsod at ibinabalik sa mga Manileño sa pamamagitan ng mga serbisyong pangkalusugan at mga programang panlipunan.

Binigyang-diin ng alkalde na sa kabila ng mga hamon sa pananalapi, patuloy na isinusulong ng pamahalaang lungsod ang mga programang nagbibigay agarang tulong sa mga mamamayang higit na nangangailangan.

Sa pamamagitan ng Kaagapay Program, patuloy na tinutulungan ng Maynila ang mga kwalipikadong residente upang matugunan ang kanilang pangangaila­ngang medikal at matiyak na may suporta silang makukuha sa panahon ng pangangailangan.

Ads August 26, 2026

Posted on: August 26th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments