• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 7th, 2026

Mga dating aides ni VP Duterte, haharap sa susunod na pagdinig

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DALAWA sa naging dating mga aides ni Vice President Sara Z. Duterte ang inaasahang haharap sa impeachment trial ng VP kaugnay sa P612.5 million confidential funds.

Bago nagtapos ang pagdinig nitong Miyerkules, inimpormahan ni lead prosecutor Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang Senate impeachment court na sina dating special disbursing officers Gina Acosta ng Office of the Vice President (OVP) at Edward Fajarda ng Department of Education (DepEd) ang ilan sa mga susunod na saksi ng prosekusyon.

Ipinag-utos naman ni Senate impeachment court Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pagpapalabas ng subpoenas ad testificandum at subpoenas duces tecum, kung kinakailangan para kina Acosta at Fajarda.

Gayundin, ang pagpapadala ng subpoena kay House Legislative Information Resources Management Department Director Marivic Pareja.

Inaasahang babalik para tumestigo muli si Commission on Audit (COA) Intelligence and Confidential Funds Audit Office Supervising Auditor Celine May Del Campo na humarap sa pagdinig nitong Miyerkules.

Kinabibilangan ng binubusising P612.5 million ang P500 million na confidential funds na ini-release sa OVP para sa ika-apat na bahagi ng 2022 at unang tatlong bahagi ng 2023, at P112.5 million na ini-release naman sa DepEd sa unang tatlong bahagi ng 2023 habang nagsisilbing education secretary si Duterte.

Sa unang bahagi ng pagdinig, inihayag ni dating Land Bank of the Philippines (LandBank) department manager Violeta Constantino na si Acosta ang nag-encash ng apat na Treasury checks na nagkakahalaga ng P125M bawat isa o nasa total na P500M sa OVP noong December 2022, February 2023, April 2023 at July 2023.

Sinabi naman ni dating LandBank department manager Nenita Camposano na si Fajarda ang nag-encash ng tatlong Treasury checks na nagkakahalaga ng P37.5M bawat isa o total na P112.5M para sa DepEd noong February, April at July 2023.

Tinukoy naman ni COA state auditor Roderick Wamil na sina Acosta at Fajarda ang special disbursing officers na tumanggap ng confidential funds at nagsumite ng liquidation documents para sa naturang opisina.

(VINA de GUZMAN)

PBBM: Maging alerto sa Bagyong Maymay; DSWD naghanda ng P1.8B standby fund

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INUTUSAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na manatiling nasa full alert at tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa mga lugar na nanganganib dahil sa Tropical Storm Maymay at pinalakas na southwest monsoon o habagat.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ipinag-utos ng Pangulo sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na ipatupad ang maagap na mga hakbang sa pagtugon sa kalamidad upang mabawasan ang epekto ng bagyo at maprotektahan ang mga komunidad na pinakaapektado.

“Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahandaan ng pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa mga apektadong lugar,” ani Castro.

Sinabi ni Castro na isinailalim na sa full alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) alinsunod sa direktiba ng Pangulo, habang ipinatutupad na rin ng lahat ng miyembrong ahensya ang mga kinakailangang hakbang bilang paghahanda upang matiyak ang mabilis at magkakaugnay na pagtugon sa anumang sakuna.

Idinagdag niya na nag-utos na rin ang mga awtoridad ng mahigpit na preemptive evacuation sa mga lugar na madaling bahain, tabunan ng landslide at mga pamayanang nasa baybayin upang mabawasan ang panganib na dulot ng paparating na sama ng panahon.

“Ayon sa DSWD, sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchalian, umabot sa halos P1.8 billion ang inilaan ng pamahalaan para sa humanitarian assistance sa mga maaapektuhan ng sama ng panahon,” ani Castro.

Sa Metro Manila, sinabi ni Castro na nakapagpwesto na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa pamumuno ni Chairman Romando “Don” Artes, ng mga rescue personnel at kagamitan at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa mga disaster risk reduction offices at sa 17 local government units sa National Capital Region.

Ayon kay Castro, gumagana ang lahat ng 73 pumping stations sa Metro Manila, habang nakaantabay ang mga mobile pumping units at isinasagawa na ang preemptive pumping operations upang mapataas ang kapasidad ng mga daluyan ng tubig at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha.

 Sinabi pa ng Palace Press Officer na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamumuno ni Secretary Rex Gatchalian, ay nakapagpauna na ng paglalagay ng mga relief supplies at pondong pinansyal para sa mga pamilyang maaapektuhan.

Ayon kay Castro, nakapagpamahagi na ang DSWD ng family food packs, ready-to-eat food items at sleeping kits sa Benguet, La Union, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Albay at Zamboanga City.

Idinagdag niya na nakapag-imbak na ang pamahalaan nang mahigit limang milyong family food packs sa buong bansa at may higit sa P1.6 bilyong standby funds, bukod pa sa iba pang relief resources, upang suportahan ang mga emergency response operations.

“Sa kabuuan, umabot na sa mahigit limang milyong family food packs ang inihanda ng pamahalaan para sa mga apektadong lugar samantalang aabot sa higit P1.6 billion ang standby funds sa buong bansa,” saad ni Castro.

Hinimok ng Malacañang ang publiko na manatiling mapagmatyag, subaybayan ang mga opisyal na abiso ukol sa lagay ng panahon, at makipagtulungan sa mga lokal na awtoridad, lalo na sa mga lugar na isinailalim sa preemptive evacuation, habang patuloy na nagbabanta ang Tropical Storm Maymay at ang pinalakas na habagat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.  

(DARIS JOSE)

Tigilan ang paga-abogado…Senator-judges sa impeachment trial dapat na manatiling impartial-Malakanyang

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANAWAGAN ang Malakanyang sa ilang senator-judges na humahantad at umaakto bilang defense lawyers sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi dapat winawalis ng mga ito ang katotohanan na dapat lumabas mula sa proceedings.

Binigyang diin ni Castro na dapat na panatilihin ng ilang senator-judges ang “walang kinikilingan at walang pinapanigan.”

“Marami po kasing lumalabas sa impeachment ayon sa PCO na nag-aaktong mga lawyer, na hindi dapat, dahil dapat maging impartial, manatiling walang bias ang mga senator-judges,” ayon kay Castro nang hingan ng reaksyon ukol sa pang-13 day ng trial.

“So, hindi po sila mandato na walisin ang katotohanan. So huwag silang magdala ng walis sa Senado,” aniya pa rin.

Si Castro, isa ring trial lawyer, nagpahayag na ang itinatag na mga tuntunin at mga pamamaraan ay gabay sa proceedings.

Gayunman, sinabi ni Castro na ang interpretasyon ng mga nasabing patakaran ay tila nabago at ang mga saksi ay hindi na pinapayagan na tapusin ang kanilang mga sagot.

Binigyang diin pa ni Castro na ang mga senator – judges ay dapat na nagbabato ng mga tanong para lamang sa paglilinaw at hindi dapat nagsasagawa ng cross-examinations.

“Hindi po sila dapat nakikipag-debate sa witness, kasi ang mandato nila, kunin ang katotohanan para sa taumbayan, hindi para walisin ang batas, walisin ang dapat na malaman ng tao para lang pagtakpan ang kalokohan diumano ng iba,” ang winika ni Castro.

“Napanood naman ng lahat ang impeachment trial. So makikita naman ninyo kung sino ang nagko-cross examine na mga judges sa Senado,” aniya pa rin.

At nang uriratin si Castro kung kaninong pahayag mula sa senator-judges ang maikokonsidera niyang “the most biased” sa buong itinakbo ng impeachment trial, tinuran ni Castro na ito ay ang senator-judge na nagsabi na “only the Special Disbursement Officer should be held accountable for the irregularities found in the confidential funds of Duterte’s offices.”

Sa kabilang dako, nagkomento naman si Casto sa ethics complaint na inihain ng grupo ng women’s rights advocates, student leaders, at civil society groups laban kay Sen. Pia Cayetano kaugnay sa spliced video na pinost nito sa online na nagpapakita ng tila inamin ni House prosecutor Rep. Chel Diokno sa impeachment trial na wala talagang ebidensiya ang prosekusyon at gumagawa lamang fishing expedition.

Ani Castro, depende sa motibo na nasa likod ng gumawa at nagpalabas ng video kung ito’y paglabag sa anti-fake news campaign ng PCO.

“Depende kasi ito sa motibo, ang motibo ba ay para ibahin ang naratibo, ang motibo ba na ito ay para ibaba ang dignidad noong ibang tao na nasa video,” ayon kay Castro.

“So depende po ito sa mga motibo nung gumawa ng spliced video, pero bilang lawyer obligasyon ng mga lawyers na hindi magpakita ng fake news or mag-promote ng fake news,” aniya pa rin.

Hinikayat naman ni Castro ang mga bumabatikos sa desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang consolidated petitions na inihain ni VP Sara at grupo ng mga abogado sa pangunguna ni Israelito Torreon, nanawagan na ipawalang-bisa ang House impeachment proceedings.

“Lahat po ng naapektuhan, iyan lagi ang sinasabi, politically motivated. So, siguro mas dapat i-level up nila ang kanilang diskurso para hindi sila nananatili sa pinakamababang diskurso o argumento na politically motivated,” ang winika ni Castro. 

(DARIS JOSE)

7 arestado sa sugal, droga sa Valenzuela

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TIKLO ang pitong individuals kabilang ang tatlong hinihinalang sangkot sa droga nang maaktuhan naglalaro umano ng ilegal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 9 nang maaktuhan nila ang dalawang lalaki na nagsusugal umano ng ‘lucky 9’ sa Karuhatan Public Cemetery, Brgy., Karuhatan dakong ala-1:48 ng Miyerkules ng hapon.

Nasamsam sa kanila ang bet money, gamit na baraha at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay alyas “Apolinar”, 46, ng Brgy , Ugong.

Alas-9:35 ng Huwebes ng umaga nang mahuli din sa akto ng mga operatiba ng SS8 ang tatlong pasaway na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ sa isang bakanteng lote sa A-2 Tatlong St., Brgy., Ugong. Nakuha sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet ng suspected shabu na nasamsam umano sa tricycle driver na si alyas “Leo”, 46.

‎Nauna rito, pasado alas-2:00 ng Huwebes ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng SS5 ang dalawang kelot na nagsusugal din umano ng ‘cara y cruz’ sa M. H Del Polar corner Sta. Cruz St., Brgy., Palasan. Nakuha sa kanila ang pangara, bet money at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nasamsam umano kay alyas “Pedro”, 31, security guard.

Samantala, nabisto naman ang dalang hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana ng 16-anyos na binatilyong grade 8 student sa loob ng kanilang paaralan sa JEDS National High School sa boundary ng Brgy., Ugong at Gen. T De Leon dakong alas-6:30 ng umaga. (Richard Mesa)

Mayor Arjay Mea, Nagdiwang ng Kaarawan Kasama ang mga Taga-Tiaong sa Bagong Multi-Purpose Building

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TIAONG, QUEZON — Bagama’t noong Hulyo 24, 2026 pa ang aktuwal na kaarawan ni Mayor Vincent Arjay Mea — na pinili niyang ipagdiwang nang pribado kasama ang kanyang pamilya sa abroad — ay naging makabuluhan, engrande, at masaya pa rin ang huli nitong selebrasyon kasama ang kanyang mga nasasakupan noong ika-3 ng Agosto 2026.

Ginanap ang pagtitipon sa bagong gusali ng Multi-Purpose Building sa bayan, kung saan personal na nakiisa ang pamilya ng alkalde upang ipakita ang kanilang buong suporta.

Nagningning din ang okasyon sa pagdalo ng mga lider ng bayan sa pangunguna ng kasalukuyang Vice Mayor na si William Razon, kasama ang dating Vice Mayor na si Dick Umali. Nakiisa rin sa pagdiriwang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Tom Ilao, Konsehal Maja Escueta, Konsehal Jonas Atienza, at Konsehal Recrec Baldeo, kasama ang iba pang mga konsehal ng bayan at ang hepe ng kapulisan ng Tiaong.

Dinaluhan din ito ng kanyang mga malalapit na kaibigan at iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang ang mga Punong Barangay at opisyal, mga barangay tanod, Homeowners Associations (HOAs), Rotary Clubs, iba’t ibang samahan, women’s groups, at mga kabataan.

Lalo pang naging buhay at masaya ang programa dahil sa inihandang live band. Mas lalo pang pinasigla ang okasyon sa pangunguna ng Head ng Tiaong Public Information Office (PIO) na si Binibining Monica Baldeo, kasama ang mga kasamahan niya sa departamento, na nag-alay ng mga awitin at nagbigay-saya sa mga kababayang dumalo sa naturang pagdiriwang. 

(Kim Bornella/ Photos Boy Morales)

Zero System Loss Act, isinulong ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UPANG matigil na ang pagpasa ng system loss charges at mapagaan ang dinadalang pasakit ng tumataas na presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo sa consumes, isinusulong ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na alisin ang ipinapataw na system loss charges sa singil sa kuryente at palakasin ang pagkakaroon ng accountability ng mga distribution utilities sa pamamahala ng kanilang system losses.

Sa House Bill No. 10585, sinabi ni Diokno na ang ipinapataw na system loss charges ay nasa 5% ng average electricity bill. Sa pagitan ng Agosto 2025 at Hulyo 2026, ang isang tahanan na kumukunsumo ng 200 kilowatt-hours (kWh) kada buwan ay nagbabayad ng average na P1,787.38 na system loss charges para sa kuryente na hindi naman nila nakonsumo.

“This is unjust and unfair. Why would we let consumers, who have no control over the operation of the distribution system, shoulder the cost of system losses,” ani Diokno, na naghain ng panukala kasama sina Akbayan Party-list Reps. Perci Cendaña at Dadah Ismula, at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.

Ayon kay Diokno, dahil sa pagpayag na sagutin ng consumers ang system losses ay nagbigay daan para mawala sa mga distribution utilities ang pressure sa pagmodernisa ng kanilang tumatandang infrastructure, pagpapabuti sa operational efficiency, at pagpapalakas sa mga anti-pilferage na hakbang.

“As a result, honest paying households, including those in the lower income brackets, are forced to subsidize these inefficiencies and answer for stolen electricity,” giit nito.

Layon ng panukala na amyendahan ang Section 43 (f) ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) sa pamamagitan nang pagbabaal sa mga distribution utilities na ipasa ang kanilang technical at non-technical system losses sa consumers sa pamamagitan ng electricity rates o iba pang billing mechanism.

Palalakasin din ng panukala ang pananagutan o accountability ng distribution utilities sa pamamagitan ng pagrerequire sa kanila na isama ang system losses bilang bahagi ng kanilang ordinary costs and risks sa paglalaan ng electric distribution services.

Inaatasan naman sa panukala ang Department of Energy (DOE), the National Electrification Administration (NEA), at Energy Regulatory Commission (ERC) na tulungan ang mga electric cooperatives sa pamamagitan ng modernization programs, technical assistance, infrastructure upgrades, at access sa financing, partikular na yaong nagseserbisyo sa mga geographically isolated at disadvantaged areas. 

(VINA de GUZMAN)

Mambabatas, nagbabala sa mga sumusuporta sa Pax Silica project na huwag gumamit ng nuclear power

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG mambabatas ang nagbabala sa Marcos administration at mga sumusuporta sa Pax Silica project na huwag gumamit ng nuclear power sa pagpapatakbo ng proyekto sa kakulangan ng pagsubok nito.

Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, walang katiyakan kung ligtas gumamit ng small modular reactors (SMR) para tustusan ang kakailanganing 5-gigawatt power requirement sa gagawing Pax Silica project sa loob ng Economic Security Zone sa New Clark City. 

Naunang napaulat na maaaring gumamit ng SMR sa Pax Silica project matapos ang US-Philippines “123 Agreement” on civil nuclear cooperation. 

“We see a dangerous convergence here. First, the government commits to a US-led project that will consume a huge chunk of our national power supply for the benefit of foreign corporations. Then, it uses the resulting artificial energy crisis to justify importing risky, experimental nuclear technology from the same foreign power,” sinabi ni Tinio. 

Ayon kay Tinio, mas mahal ang gumamit ng mga SMR. 

“They still pose risks involving radioactive waste, accidents, security, and nuclear proliferation—while their smaller size does not eliminate these fundamental dangers.” 

“The Marcos administration is creating a crisis through Pax Silica and then offering a US-made modular nuclear ‘solution’ that will make us permanently dependent on American technology, fuel, and capital. This is not energy independence; this is deepening neocolonial control over our energy sector,” dagdag ng kongresista. 

(VINA de GUZMAN)

Scavenger, huli sa akto sa baril

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SHOOT sa selda ang isang basurero matapos maaktuhang may hawak na baril sa San Juan City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act) ang suspek na si alyas “Baba”, 40, at residente ng Brgy., Poblacion, Mandaluyong City.

Sa ulat, habang nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ operation ang mga tauhan ng Pasadena Police Sub-Station 4 sa pangunguna ni PCMS Roberto Santillan, kasama sina Pat. Edrel Mandia at Pat. Joseph Bayon nang maaktuhan nila ang suspek na may hawak na baril sa kanto ng Lt. Artiaga at M. Paterno Sts., Brgy., Corazon De Jesus, San Juan City dakong ala-1:30 ng hapon.

Kaagad nilang nilapitan ang suspek saka kinumpiska ang nasabing baril na isang kalibre .38 revolver na may dalawang bala, kasama din nakuha sa kanya ang tatlong bala ng .22 (short), limang bala ng .22 (long) at isang itim na eco bag.

Nang hanapan siya ni PCMS Santillan ng mga kaukulang dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing baril at mga bala ay walang naipakita ang suspek na naging dahilan upang posasan siya ng mga pulis. (Richard Mesa)

DSWD, ILULUNSAD ANG PROGRAMANG “Tara, Usap!” UPANG SUPORTAHAN ANG MENTAL HEALTH OF YOUTH AT MGA SAMBAHAYANG PILIPINO

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ILULUNSAD ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng Tara, Basa! National Program Management Office (NPMO), ang Tara, Usap! Program sa Huwebes (Agosto 13), upang labanan ang mga isyu sa kalusugang pangkaisipan na nakakaapekto sa mga sambahayang Pilipino, lalo na sa mga kabataan.

Ang paglulunsad ay gaganapin sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, na magsisilbing pilot site para sa programang pangunahing nagta-target sa mga benepisyaryo ng kabataan na nagsisilbing mga tutor at youth development worker (YDW) sa ilalim ng umiiral na Tara, Basa! Program.

“Ang Tara, Basa! Program ay naging epektibo para labanan ang illiteracy at gawing mas malapit ang mga batang mag-aaral sa kanilang mga magulang. Gayunpaman, may iba pa ring mga problemang kinakaharap ang bawat pamilyang Piliipino na kailangan din ng intervention tulad ng stress at iba pang mental health issues. Dito sa Tara, Usap! Program, tinutugunan natin ang problemang ito,” sabi ni Asst. Secretary Irene Dumlao, DSWD spokesperson nitong Wednesday (August 5).

Ang Tara, Usap! Program ay isang inisyatibo ng Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) na nakabatay sa paaralan at komunidad na nagtataguyod ng holistic well-being ng ating mga kabataang benepisyaryo sa pamamagitan ng pagsasama ng promosyon sa kalusugang pangkaisipan, psychosocial support, pagpapalakas ng pamilya, suporta ng mga kasama, at kagalingan sa balangkas ng Tara, Basa!.

Sa yugto ng paghahanda bago ang pagpapatupad, kinonsulta ng DSWD ang mga kasalukuyang benepisyaryo ng kabataang Tara, Basa! sa Lungsod ng Valenzuela upang matiyak na ang programang Tara, Usap! ay naaayon sa aktwal na pangangailangan ng mga potensyal na kliyente.

Ang mga interesadong benepisyaryo ay hinihikayat na mag-aplay bilang Peer Facilitators, kung saan ang mga kwalipikadong aplikante ay sasailalim sa pagsasanay sa pagpapaunlad ng kakayahan upang pamunuan ang mga nakabalangkas na sesyon ng suporta na kilala bilang ‘Tara, Kausap Circles.’

Layunin ng mga sesyong ito na bigyan ang mga facilitator ng mga kasanayang kinakailangan upang matulungan ang mga kalahok na protektahan, gumaling, at gumaling mula sa mga hamon sa kalusugang pangkaisipan.

“Nais ng DSWD na magkaroon ng mental health awareness, at matuto ang ating mga kabataan ng psychological first aid (PFA), stress management, at maging katuwang ng pamahalaan sa pag-promote ng help-seeking behaviors dahil maraming Pilipino ang hindi alam kung paano tutugunan ang kani-kanilang mga mental health issues,” binigyang-diin ng tagapagsalita ng DSWD.

Ang unang implementasyon ng programang Tara, Usap! ay tututok sa inisyatibo nitong suporta sa mga kapwa mag-aaral na nakabase sa paaralan, ang ‘Youth Tara, Kausap Circles’.

Sa gabay ng isang espesyal na Handbook para sa Peer Facilitator na ginawa ng Tara, Basa! Program NPMO, ang bawat bilog ay nagtitipon ng 3 hanggang 5 kalahok sa 8 nakabalangkas na sesyon.

Nakatakdang simulan ng DSWD ang mga aktibidad sa pagpapaunlad ng kakayahan para sa mga youth peer facilitator bago matapos ang Agosto, habang ang mga sesyon ng ‘Tara, Kausap Circles’ ay nakatakda mula Oktubre hanggang Nobyembre 2026. 

(PAUL JOHN REYES)

Metal detectors vs armas ilalagay sa mga public schools

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPLANO ang Department of Education (DepEd) na maglagay ng metal detectors sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa bilang hakbang laban sa pagdadala ng mga nakamamatay na armas at iba pang mapanganib na bagay sa loob ng mga kampus.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, bibili ang kagawaran ng mga metal detector upang mapalakas ang seguridad ng mga estudyante, guro, at kawani, gayundin upang mabawasan ang pangamba ng mga magulang at guardian.

Sinabi ni Angara na batay sa isinagawang audit ng DepEd, may mga paaralang nanga­ngailangan ng metal detectors dahil may ilang estudyanteng nahuhuling may dalang kutsilyo at iba pang armas. Aniya, mas praktikal ito kumpara sa pagdagdag ng mga security guard dahil mas maliit ang kakailanganing pondo.

Una nang pinag-aaralan ng DepEd ang pagkuha ng karagdagang security personnel ngunit sinabi ng kalihim na may limitasyon sa badyet. Ang hakbang ay tugon sa mga insidente ng karahasan sa paaralan, kabilang ang pamamaril sa Tacloban, at ang pag-atake ga­mit ang kutsilyo sa isang paaralan sa Las Piñas City.

Bukod sa metal detectors, humingi na rin ang DepEd ng tulong sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa posibleng pag-deploy ng mga pulis at barangay security personnel upang dagdagan ang seguridad sa mga paaralan.