• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Scavenger, huli sa akto sa baril

SHOOT sa selda ang isang basurero matapos maaktuhang may hawak na baril sa San Juan City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act) ang suspek na si alyas “Baba”, 40, at residente ng Brgy., Poblacion, Mandaluyong City.

Sa ulat, habang nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ operation ang mga tauhan ng Pasadena Police Sub-Station 4 sa pangunguna ni PCMS Roberto Santillan, kasama sina Pat. Edrel Mandia at Pat. Joseph Bayon nang maaktuhan nila ang suspek na may hawak na baril sa kanto ng Lt. Artiaga at M. Paterno Sts., Brgy., Corazon De Jesus, San Juan City dakong ala-1:30 ng hapon.

Kaagad nilang nilapitan ang suspek saka kinumpiska ang nasabing baril na isang kalibre .38 revolver na may dalawang bala, kasama din nakuha sa kanya ang tatlong bala ng .22 (short), limang bala ng .22 (long) at isang itim na eco bag.

Nang hanapan siya ni PCMS Santillan ng mga kaukulang dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing baril at mga bala ay walang naipakita ang suspek na naging dahilan upang posasan siya ng mga pulis. (Richard Mesa)