• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 7th, 2026

Mga kabaong na natagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ngayon…“Ipinahahayag nito ang matagal nang nais sabihin ng maraming Pilipino, tama na ang pangha-harass, tama na ang pananakot, tama na ang kawalang-galang.” -Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANATILING palaisipan ang mga kabaong na natagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Hanggang ngayon, wala pang tiyak na impormasyon kung sino ang nag-iwan ng mga ito at kung ano ang tunay nilang layunin.

Ngunit kung ang mga ito ay sadyang iniwan bilang simbolo ng protesta, naniniwala si Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia na malinaw ang ipinahihiwatig ng mga ito: napuno na ang maraming Pilipino.

“Matagal nang sinusubok ng Tsina ang pasensya ng sambayanang Pilipino,” ani Goitia.

 “Hinaharas ang ating mga mangingisda, hinahadlangan ang ating Coast Guard at Hukbong Dagat, at hinahamon ang ating mga karapatan sa kabila ng umiiral na arbitral ruling. Gayunman, diplomasya, pagpipigil, at paggalang sa pandaigdigang batas pa rin ang pinili ng Pilipinas.”

“Ngunit may hangganan ang pasensya ng bawat bansa. At tila narating na iyon ng sambayanang Pilipino.”

Ayon kay Goitia, hindi iisang pangyayari ang pinagmulan ng lumalalim na galit ng publiko kundi ang matagal nang sunod-sunod na panggigipit ng Tsina sa West Philippine Sea at ang paulit-ulit na paghamon sa soberanya ng Pilipinas.

“Huwag ninyong ipagkamali ang ating pagpipigil sa pagsuko. Walang bansang may dangal ang magtitiis sa walang humpay na pang-aalipusta.”

Kung may sinisimbolo man ang mga kabaong, ani Goitia, maaaring hudyat ito ng pagtatapos ng matagal na pagtitimpi ng sambayanan.

“Ipinahahayag nito ang matagal nang nais sabihin ng maraming Pilipino: tama na ang pangha-harass, tama na ang pananakot, tama na ang kawalang-galang.”

Kinuwestiyon din ni Goitia ang paraan ng pag-uulat ng mga media outlet na aniya’y may pagkiling sa Tsina.

“Kung sadyang nilabo o hindi ipinakita ang mahahalagang detalye o larawan ng mga kabaong, may karapatan ang publiko na magtanong kung bakit. Tungkulin ng media na ihatid ang mga katotohanan nang buo at patas, hindi ang hubugin ang pananaw ng publiko. Kapag tila may impormasyong pinipiling ilahad o binabawasan, likas lamang na itanong kung kaninong interes ang pinaglilingkuran.”

Nilinaw ni Goitia na ang galit ng mga Pilipino ay hindi laban sa mamamayang Tsino.

“Ang ating pagtutol ay hindi laban sa ordinaryong mamamayan ng Tsina. Ito ay laban sa mga patakaran at pagkilos na lumalabag sa soberanya ng Pilipinas at sa pandaigdigang batas. Ang mga pamahalaan ang dapat managot sa kanilang mga desisyon, hindi ang kanilang mga mamamayan.”

Aniya, dapat manatiling matatag ang Pilipinas nang hindi isinusuko ang mga prinsipyong bumubuo sa isang demokratikong lipunan.

“Ang tunay na lakas ng Pilipinas ay wala sa laki ng hukbong sandatahan kundi sa pagkakaisa ng mamamayan, tibay ng paninindigan, at paggalang sa batas at katarungan.”

Nagbabala rin si Goitia sa Beijing na huwag ipagkamali ang pagpipigil ng Pilipinas bilang kahinaan.

“Ang pasensya ay hindi pagsuko. Ang diplomasya ay hindi pagpapasakop. Sa bawat hakbang ng pananakot, lalo lamang tumitibay ang pasya ng mga Pilipino na ipaglaban ang nararapat sa atin. Maaaring mas malakas ang kapangyarihang militar ng Tsina, ngunit hindi nito kailanman matitinag ang diwa ng isang bayang handang ipaglaban ang kalayaan at soberanya nito.”

Anuman ang tunay na layunin ng mga nag-iwan ng mga kabaong, sinabi ni Goitia na may isang katotohanang hindi na maaaring ipagsawalang-bahala.

“Maaaring hindi pa kilala ang nasa likod ng mga kabaong, ngunit malinaw ang ipinahihiwatig ng mga ito. Napuno na ang mga Pilipino. Hindi kami naghahanap ng hidwaan o digmaan. Hinihingi lamang namin ang nararapat sa bawat malaya at nagsasariling bansa—paggalang sa aming soberanya, pagtalima sa pandaigdigang batas, at paggalang sa dignidad ng sambayanang Pilipino.” (Richard Mesa)

Ads August 7, 2026

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

After i-reveal na binilhan ng video game ang ka-partner…ANGELA, sinabing ‘physical touch’ pinaka-espesyal na gift ni RABIN (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TODO ang kilig na reaksyon ng kanilang mga fans nang i-reveal nina Rabin Angeles at Angela Muji kung ano na ang pinaka-espesyal na nairegalo nila sa bawat isa.

Unang nagkuwento si Rabin tungkol sa regalo sa kanya ni Angela.

“Binilhan niya lang ako ng game.

“Palagi ko po kasing ikinukuwento sa kanya yun.  Sabi ko may hiniraman kami ng UFC5 game kaso kinuha na uli. Kinabukasan, binilhan niya ako ng UFC5. Ang bilis,” kuwento ng binata.

Marami naman ang nagulat sa isinagot ni Angela sa kung ano na ang nairegalo sa kanya ni Rabin.

“Physical touch,” ang bulalas ng dalaga.

Wala ng nakapag-follow-up question sa isinagot ni Angela.

Ikinuwento rin ni Angela na kumportableng-komportable na sila ni Rabin sa isa’t-isa.

“I can say that we are at this comfortable stage na isang tinginan pa lang namin, we can already communicate kung ano yung gusto namin maiparating sa isa’t isa.

“And I can say it’s very healthful lalo na po onset kapag kailangan namin ng emotional at heavy scenes.

“Isang tinginan lang po namin, parehas na kaming nadadala sa eksena. I can say that we’ve come a long way lalo na po na makikita talaga natin na nag-i-struggle po kami sa mga heavy scene.”

Napapanood sina Rabin at Angela kasama si Zeke Polina sa Viva One Series na “Dating Alys Perez”, sa direksyon ni Crisanto B. Aquino

Ito ay adaptation ng Wattpad novel ni Beeyotch.

Huwag palampasin ang natitirang episodes ng series sa Viva One hanggang August. 

Para i-stream ito, punta na sa www.vivaone.ph o i-download ang mobile app at mag-subscribe gamit ang App Store, Google Play, o Huawei App Gallery.

Hindi naniniwala sa over exposure sa rami ng shows…KORINA, matagal nang plano pasukin ang politika napipigilan lang (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments


PARA sa second half ng taon, mas malaki, mas diverse, at mas maraming kuwento ang hatid ng TV5, na inilunsad sa ginanap na Tara, Kapatid, 2026 Midyear Media and Trade Celebration.

Patuloy na napapanood ang pinupuri ng netizens na “A Secret in Prague” nina Andrea Brillantes at Enrique Gil sa primetime at ang punum-puno ng inspirasyon na “My Bespren Emman” nina Shaina Magdayao at JM de Guzman na bahagi na ng Hapon Champion ng TV5.

Mas malawak naman na audience ang naabot ng bagong bihis na “Face to Face with Ate Koring” ni Korina Sanchez-Roxas.  Bukod dito mapapanood din sa Kapatid Network ang “Rated Korina” sa pagpasok nito sa ika-30 taon.

Happy naman si Korina asa pagre-reformat ng kanyang show. 

Mas magaan at positive vibes na ang mga topics ng show kung saan ipi-feature ang mga genius kids, mga Talentadang Pinay, Baby Bibo, at tips para mag-start ng business sa bahay at mga trending topics na puwedeng pag-usapan.

Pagbibiro pa ni Korina, “although I was very happy to help people, pero ngayon parang mabawasan na ang abono ko sa mga tao.“Nabawasan na rin siyempre yun kunot ng noo. Wala ka nang iniilagan. Biruin mo from bakbakan at nagiging referee, ngayon parang Korina na ako ng tahanan. “Ngayon nakangiti ka na from beginning to end.  So, I’m very happy the transition was very smooth and everybody is also nakangiti sa staff namin.”

Sa bagong “Face-to-Face with Ate Koring” makakasama rin sina DJ Laila Chikadora at Cheena Crab a.k.a. Pera Godmother.

Natanong din ang veteran journalist kung hindi ba siya nagwo-worry na baka over exposure na siya sa rami shows niya.

“No!  Because all the shows are watched,” katuwiran ni Ate Koring.

“Kung pinapanood at ang ibig sabihin ay gusto nila ang ginagawa ko.

“Minsan na ring sinabi na, I’m not sure if was Tito, Vic or Joey?

“Na nagsabi, ‘hindi totoo ‘yang over exposure basta’t gawin mo ng tama ‘yung ginagawa mo papanoorin at papanoorin ka pa rin.’”

Dagdag paliwanag pa niya, “So, I think of all the shows, iba-iba rin naman ang mga genre at laman or format. 

“So, I’m happy to be performing all these roles at parang artista rin di ba? Kung minsan komedyante ka, kung minsan kontrabida, o kaya minsan horror. Parang ganu’n na rin ang ginagampanan ko.

“And while it’s there and they want me, parang hindi ako naniniwala na doon lang ako sa bahay e.

“So, I really want to be productive and contributory to the Filipino.”

Samantala, binalak pala ni Korina na pasukin ang politika na parang itinatanggi pa niya noon.

Pag-amin niya, “Actually, matagal na akong may plano, dati-dati pa. Napipigilan parati. Palagay ko, mapipigilan na naman ngayon. Lahat sila, gusto akong tumakbo. Pero mahirap na.”

Sinabi rin niya na wala ng interest ang asawang si Mar Roxas na tumakbong muli. “Ayaw na niya, eh. I get it. Inaalok ngang maging talk show host, sabi ko, ‘Tumigil ka!’ Naging presidential candidate ka na. ‘Wag ka nang host-host pa ng programa d’yan’.”

Anyway, sa naturang launch, kasama ang much-awaited TV reunion nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, ang “Mommy Guard.”

Pinalalakas din ng TV5 ang morning news pagsisimula sa Lunes, August 10 ng “Frontline sa Umaga.”

Kasama rin sa second half of 2026 offering ng TV5 ang “Star Worx: True to Life” at “Vibe Plus.”

Balik-tambalan sa ‘Mommy Guard’ na newest offering ng MARVIN at JOLINA, masaya dahil hanggang ngayon ay buhay na buhay ang loveteam nila (ni: ROSE GARCIA) TV5…

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ANG “Mommy Guard” ang isa sa bagong offering ng TV5 na inanunsiyo sa “Tara Kapatid” 2026 Midyear Media and Trade Celebration.

Reunion ito ng loveteam nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa telebisiyon.  Makakasama rin nila si Dominic Ochoa kaya parang balik “Gimik” feels tuloy.

Natawa na lang ang dalawa nang hiritan namin na talagang hanggang ngayon, pinagkakakitaan pa rin nila ang loveteam nila from the 90’s.

“Grabe yung pinagkakakitaan! Ha ha ha!,” sey ni Jolina. 

Sabi naman ni Marvin, napag-usapan nga raw nila ‘yon sa pictorial. Pero siyempre, masaya ito na hanggang ngayon naman talaga ay buhay na buhay ang loveteam nila.

Ayon din kay Jolina, kung noon, mga nanay na ngayon ang mga fan nila, natutuwa sila na ang mga anak ng mga ito ay napapanood na rin sila.

Wala pang sinabi kung kailan ang airing ng kanilang series, pero walang-duda na kakaiba pa rin ang kilig nila. At mukhang forever na talaga ang kanilang tandem. 

Samantala, patuloy na napapanood ang “A Secret in Prague” nina Andrea Brillantes at Enrique Gil sa primetime at ang punum-puno ng inspirasyon na “My Bespren Emman” nina Shaina Magdayao at JM de Guzman na bahagi na ng Hapon Champion ng TV5.

Tuloy-tuloy din ang bagong bihis na “Face to Face with Ate Koring” ni Korina Sanchez-Roxas.  Bukod dito mapapanood din sa Kapatid Network ang “Rated Korina” sa pagpasok nito sa ika-30 taon.

Tinatangkilik din ng viewers ang ABS-CBN primetime series na magkasunod na pinapalabas sa TV5, ang “Sigabo” at “Someone, Someday”, pati ang games shows na “Everybody Sing” at “Kapamilya Deal or No Deal.”

Alex Eala at Venus Williams muling magtatambal sa Canadian Open

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKATAKDANG magtambal muli sina Pinay tennis star Alex Eala at Venus Williams sa Canadian Open women’s doubles.

Nakatanggap ang dalawa ng wild card entry para makapaglaro sa Toronto.

Bukod pa dito ay maglalaro din ang 21-anyos na si Eala sa singles event sa WTA 1000 hard court tournament.

Makakaharap ng dalawa sina Liudmila Samsonova at Miyu Kato para sa round of 32 ngayong gabi ng Huwebes, Agosto 6.

Rematch sa pagitan nina Joshua Van at Alexandre Pantoja, kasado na sa Sep. 19

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAL na ang rematch sa pagitan ng dalawang bigating martial artist na sina Joshua Van at Alexandre Pantoja.

Batay sa inilabas ng Ultimate Fighting Champion (UFC) na fight details, magaganap ang laban sa pagitan ng dalawa sa Crypto.com Arena sa Los Angeles, Setyembre 19 ng kasalukuyang taon.

Ang 24-anyos na si Van ay isang flyweight champion at hawak ang win-loss record na 17-2. Huli niyang nakuha ang 125-pound title nitong nakalipas na buwan ng Disyembre (2025) laban kay Pantoja sa pamamagitan ng first-round technical knockout (TKO).

Ang naturang laban ay nagtagal lamang ng 26 na segundo matapos magtamo si Pantoja ng arm injury dahil na rin sa agresibong strikes ng bagitong challenger.

Matapos ang matagumpay na laban, muli ring sumabak si Van sa isang match nitong May (2026) sa pamamagitan ni Tatsuro Taira. Natapos ang naturang laban pabor kay Van via fifth-round TKO.

Sa pagbabalik ng 36-anyos na Brazilian legend, hawak niya ang 30-5 win-loss record.

Eala pasok na sa ikalawang round ng National Bank Open

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PASOK na sa ikalawang round ng National Bank Open si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na talunin si Alycia Parks ng US sa score na 6-1, 4-6, 6-2.Sanggunihang Pang-heyograpiko

Sa unang set ay dominado ni Eala ang laro kung saan naipako nito sa isang puntos ang US tennis player.

Pagpasok naman ng ikalawang set at nakabawi si Parks at doon tinalo ang 21-anyos na si Eala.

Nabawi ni Eala ang kaniyang momentum pagpasok ng ikatlong set at tuluyang tinalo si Parks.

Susunod na makakaharap ni Eala si American tennis player Cathy McNally.

P12 fuel discount para sa PUV drivers, magpapatuloy hangga’t kailangan ng tulong ng transport sector – Malakanyang

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABI ng Malakanyang na magpapatuloy ang P12-per-liter fuel discount para sa public utility vehicle (PUV) drivers hangga’t kailangan ng transport sector ng tulong mula sa gobyerno sa gitna ng epekto ng mas mataas na presyo ng langis.

Winika ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na sa ngayon ay walang depinidong petsa kung kailan magtatapos ang fuel discount, na magiging epektibo sa Agosto 15.

“Sa ngayon ay walang definite na panahon hangga’t kailangan ng tulong ng ating mga kababayan sa transport sector ay mananatili po ang pagbibigay po ng ayuda,” aniya pa rin.

Nauna rito, inaprubahan ng Malakanyang ang pagtataas ng fuel discount para sa mga tsuper ng jeepney at UV Express, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Mula sa P10 kada litro, magiging P12 kada litro na ang diskwento simula Agosto 15.

Tinatayang aabot sa P1,800 kada linggo ang matitipid ng bawat kwalipikadong driver.

Ani Castro, ang mas mataas na discount ay makapagbibigay sa mga drivers ng P1,108 in assistance kada linggo o pahintulutan ang mga ito na maka-ipon o kumita ng P7,200 kada buwan sa pamamagitan ng government subsidy.

Tinuran pa ni Castro na naglaan ang gobyerno ng P400 million para sa fuel discount program, gayunman, ang detalye ukol sa kung gaano tatagal at mapananatili ang tulong ay hindi pa malaman.

“Sa ngayon ay may inilaan po na 400 million pesos para sa fuel discount at ang pinakadetalye po nito mamaya po ay magkakaroon ng press briefing or presscon ang DOTr at alas dos po ng hapon para po mabigay niya ang pinakadetalye kung paano narating ang dose pesos or 12 pesos na fuel subsidy para sa ating mga tsuper,” ang litaniya ni Castro.

Tugon ito ni Castro nang tanungin ukol sa kung bakit P12 per liter ang inaprubahan ng gobyerno sa halip na P20 na naunang naiulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Samantala, nangako naman ang Malakanyang na tutugunan ang alalahanin ng transport group na MANIBELA hinggil sa limitadong bilang ng mga gasoline stations na magpapartisipa sa fuel discount program.

“Lahat po iyan ay tinutugunan po ng ating pamahalaan at sa lahat po ng kanilang mga concerns ay makakaabot po ito para po matugunan nang mas mabilis kung ano iyong mga lugar na dapat pa na magkaroon ng mga gasoline stations na magbibigay ng fuel subsidy ay dapat po na matugunan kaagad,” ayon kay Castro.

Kaugnay pa rin nito, pinag-aaralan ng administrasyon ang karagdagang tulong para sa transport sector habang patuloy ang alalahanin sa mas mataas na fuel prices na nag-ugat sa tensyon sa Gitnang Silangan dahilan para sa pangambang pagtaas naman ng transport fares at commodity prices. 

( DARIS JOSE)

PBBM, itinutulak ang AI, digital upskilling para sa ‘jobs of the future’

Posted on: August 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITINUTULAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapalawak sa artificial intelligence (AI) at digital upskilling initiatives bilang bahagi ng pagsisikap na ihanda ang mas maraming Filipino para sa hanapbuhay sa hinaharap at palakasin ang ‘competitiveness’ ng bansa sa modernong ekonomiya.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, na ang inisyatiba ay kasama sa mga mahahalagang usapin na tinalakay sa pang-limang miting ng Pangulo kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) Education and Jobs Sector Group sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules.

Tinuran ni Castro na nakatuon ang miting sa mga hakbang para paghusayin ang edukasyon, workforce development, at job creation sa bansa.

Sinabi pa nito na binigyang diin sa talakayan ang kahalagahan ng pagpapalawak ng AI at digital upskilling na magagamit ng mga manggagawang Pinoy sa lalong tumataas na technology-driven economy.

“Iisa lang ang layunin ni Pangulong Marcos Jr. sa ganitong mga hakbang—ihanda ang mas maraming Pilipino sa mga trabahong kakailanganin sa hinaharap, palakasin ang kakayanan ng bansa sa inobasyon at pandaigdigang kompetisyon at lumikha ng mas marami at mas de-kalidad na oportunidad para sa bawat Pilipino,” ayon kay Castro.

Pinag-usapan din sa pulong ang mas malapit na kooperasyon sa hanay ng gobyerno, pribadong sektor, akademiya para tugunan ang jobs-skills mismatch at mas mahusay na paghahanay ng polisiya at programa kasama ng pangangailangan ng industriya.

Ayon sa PCO, “stronger collaboration among the three sectors is intended to ensure that education and skills development initiatives respond to industry and the modern economy’s requirements.”

Sinabi ng administrasyon na ang koordinasyon ay makatutulong na makalikha ng mas marami at mahusay na oportunidad para sa mga Filipino habang dine-develop ang workforce upang matugunan ang labor-market demands.

Samantala, pinag-usapan din nina Pangulong Marcos at PSAC ang implementasyon ng Semiconductor and Electronics Industry Roadmap bilang bahagi ng mas malawak na puwersa ng hanap-buhay at ‘economic development agenda’ ng gobyerno.

Gayundin, saklaw ng miting ang mga programa na naglalayon na palawigin ang oportunidad para sa employment, entrepreneurship, at skills development sa mga Filipino.

Sinabi ng Malakanyang na ang mga inisyatibang ito ay naglalayon na palakasin ang kakayahan ng bansa para sa inobasyon at global competitiveness habang lumilikha ng mas dekalidad na oportunidad para sa mga Filipino. (DARIS JOSE)