• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 arestado sa sugal, droga sa Valenzuela

TIKLO ang pitong individuals kabilang ang tatlong hinihinalang sangkot sa droga nang maaktuhan naglalaro umano ng ilegal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 9 nang maaktuhan nila ang dalawang lalaki na nagsusugal umano ng ‘lucky 9’ sa Karuhatan Public Cemetery, Brgy., Karuhatan dakong ala-1:48 ng Miyerkules ng hapon.

Nasamsam sa kanila ang bet money, gamit na baraha at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay alyas “Apolinar”, 46, ng Brgy , Ugong.

Alas-9:35 ng Huwebes ng umaga nang mahuli din sa akto ng mga operatiba ng SS8 ang tatlong pasaway na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ sa isang bakanteng lote sa A-2 Tatlong St., Brgy., Ugong. Nakuha sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet ng suspected shabu na nasamsam umano sa tricycle driver na si alyas “Leo”, 46.

‎Nauna rito, pasado alas-2:00 ng Huwebes ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng SS5 ang dalawang kelot na nagsusugal din umano ng ‘cara y cruz’ sa M. H Del Polar corner Sta. Cruz St., Brgy., Palasan. Nakuha sa kanila ang pangara, bet money at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nasamsam umano kay alyas “Pedro”, 31, security guard.

Samantala, nabisto naman ang dalang hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana ng 16-anyos na binatilyong grade 8 student sa loob ng kanilang paaralan sa JEDS National High School sa boundary ng Brgy., Ugong at Gen. T De Leon dakong alas-6:30 ng umaga. (Richard Mesa)