• August 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 1st, 2026

Sixers, mainit na tinanggap si LeBron James sa Philadelphia

Posted on: August 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAPOS ma-eliminate ang Los Angeles Lakers sa ikalawang round ng 2026 postseason, opisyal nang sinalubong ng Philadelphia 76ers si LeBron James bilang bagong miyembro ng kanilang koponan.Basketball

Ang 42-anyos na superstar ay pumirma ng dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng $8 milyon upang palakasin ang star-studded roster ng Sixers na kinabibilangan nina Joel Embiid, Jaylen Brown, Tyrese Maxey, at VJ Edgecombe.

Si James, na kilala bilang NBA’s all-time scoring leader, ay papasok na sa kanyang ika-24 na season sa liga.

Layunin niyang tulungan ang Sixers na makuha ang kanilang unang kampeonato mula pa noong 1983. Katulad ng Lakers, ang Philadelphia ay naalis din sa ikalawang round ng playoffs matapos matalo sa eventual champion na New York Knicks.

Ayon kay team owner Josh Harris, sabik na siyang makita si LeBron na maglaro kasama ang iba pang bituin ng koponan upang maihatid ang pinakahihintay na kampeonato para sa Philadelphia.

Sa kabila ng kanyang edad, nananatiling isa si James sa pinakamahusay na manlalaro ng liga matapos mag-average ng 20.9 puntos, 7.2 assists, at 6.1 rebounds sa 60 laro noong nakaraang season.

Binanggit naman ni team president Mike Gansey na walang duda na si LeBron ay isa sa pinakadakilang manlalaro sa kasaysayan ng  basketball, at malaki ang magiging epekto niya sa organisasyon.

Bukod sa kanyang mga titulo, si James ay 22-time All-Star, 21-time All-NBA selection, at apat na beses na NBA Finals MVP, na nagwagi ng kampeonato sa tatlong magkakaibang koponan: Miami Heat, Cleveland Cavaliers, at Los Angeles Lakers.

Ang paglipat ni LeBron sa Philadelphia ay nakikitang bagong yugto sa kanyang makulay na karera, at inaasahang magdadala ng bagong sigla at pag-asa sa mga tagahanga ng Sixers na matagal nang naghahangad ng kampeonato.

MPBL, sinibak ang Bacolod Masskara dahil umano sa game manipulation

Posted on: August 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINIBAK ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang Bacolod Masskara sa natitirang bahagi ng season matapos ang hinalang game manipulation laban sa Bulacan Kuyas.

Sa naturang laban, nagtamo ng 100-64 na pagkatalo ang Bacolod at hindi na nakapuntos sa huling 7 minuto at 48 segundo ng fourth quarter ng laro, habang nakagawa pa ng anim na turnovers.Pangkalahatang Sanggunian

Ayon kay MPBL Commissioner Emmer Oreta, mahigpit na ipagtatanggol ng liga ang integridad ng Philippine basketball at agad silang kikilos laban sa anumang hakbang na sisira sa tiwala ng mga tagahanga, koponan, at publiko.

Dagdag pa ng MPBL, dati nang nabigyan ng babala ang Bacolod Masskara kaugnay ng mga naunang insidenteng iniulat sa tanggapan ng commissioner.

Inaprubahan naman ni MPBL Founder at CEO Manny Pacquiao ang ipinataw na parusa matapos niyang mapanood ang naturang laro.

Samantala, nagsagawa na rin ng fact-finding investigation ang Games and Amusements Board (GAB).

Hihingan ng paliwanag ang mga manlalaro at iba pang sangkot upang matiyak ang due process bago maglabas ng pinal na desisyon alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Recto, nagbabalang sasampahan ng kaukulang asunto ang mga nagpapanggap na kinatawan ng OES

Posted on: August 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGBABALA si Executive Secretary Ralph Recto na gagawa ng legal na hakbang ang gobyerno laban sa mga scammers na nagpapakilalang taga -Office of the Executive Secretary at nanghihingi ng pera kapalit ng di umano’y mabilis na paglalabas ng pondo para sa Local Government Support at Socio-Civic Projects Fund.

Ani Recto, hindi sila mag-aatubiling magsampa ng kaukulang kasong legal laban sa sinumang mapatutunayang sangkot sa mga mapanlinlang na gawain.

Nakarating din sa kaalaman ni Recto ang ulat na ilegal at mapanlinlang na gawain ang pagpapatawag ng mga pekeng pagpupulong o pagtitipon at pagbibigay ng huwad na pangako ng appointment.

Malinaw aniyang pagpapanggap bilang opisyal o awtorisadong kinatawan ng LGSF at Socio-Civic Projects Fund program at iba pa.

Kaya ang paalala ni Recto sa publiko, maging mapagmatyag at tiyaking beripikado ang anumang impormasyon sa pamamagitan lamang ng kani- kanilang Local Chief Executive o ng lehitimong opisyal ng OES. (DARIS JOSE)

Valenzuela, inilunsad ang Dr. Pio Valenzuela Digital Scholarship Payout

Posted on: August 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Dr. Pio Valenzuela Digital Scholarship Payout, isang digital disbursement ng scholarship grants sa pamamagitan ng LandBank ATM Card, kasabay ng orientation at contract-signing ng mga bagong Dr. Pio Valenzuela scholars na ginanap sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela.

Sa pamamagitan ng programang ito, madali nang ma-claim ng 797 Valenzuelano scholars ang kanilang scholarship grants gamit ang kanilang LandBank ATM Card kung saan 205 dito ay mga papasok na freshmen scholars.

Bago ang paglulunsad, pinirmahan ng mga kwalipikadong iskolar ang kanilang mga kontrata at dumalo sa isang orientation na isinagawa ng LandBank of the Philippines. Ginabayan ang mga mag-aaral kung paano kunin ang kanilang mga gawad sa pamamagitan ng kanilang mga naka-enroll bank account bago ang ceremonial distribution ng kani-kanilang ATM Cards.

Ang partnership na ito sa pagitan ng Valenzuela LGU at LandBank ay nagpapatunay sa pangako ng lungsod sa pagbabago sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyo nang mas madali at mas maginhawa para sa mga benepisyaryo.

Ang inisyatiba ay partikular na nagta-target na bawasan ang mahabang paghihintay at mabawasan ang abala sa pagpila sa panahon ng payout, na tinitiyak na ang mga benepisyaryo ay makakatanggap ng kanilang mga gawad sa isang napapanahong paraan at maayos na paraan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor WES Gatchalian ang mga direktiba ng lungsod patungo sa digitalizing public services para sa mas mahusay na accessibility. Natuwa rin siya kung paano nakatulong ang scholarship program sa maraming Valenzuelano learners.

“Natutuwa ho ako. Masarap sa pakiramdam na ang pera po ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ay nagagamit sa tama. Masarap ang pakiramdam na it brings change sa buhay po ng mga scholars natin. Kaya sana po ay ipagpatuloy natin, pagpursigihin natin. ‘Wag natin sayangin ang pagkakataon.” ani Gatchalian. 

(Richard Mesa)

Hirit na pag- uusap ni Meralco CEO Manny V. Pangilinan hinggil sa system loss, ikinukunsidera ng Malakanyang

Posted on: August 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG magandang senyales para sa Malakanyang ang hirit ni Meralco Chairman at CEO Manny V. Pangilinan na pag- usapan ang may kinalaman sa pagpapabuwag sa system loss charges.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nangangahulugan lamang ito ng bukas si MVP sa diskusyon sa gitna ng desididong pasiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumaba ang presyo ng kuryente.

Gayunman, tinuran ni Castro na marami talagang pagdaraanan na pag-aaral at maaaring may maapektuhan sa nasabing kagustuhan ng Pangulo at mabuti na lang aniya na handa ang kinauukulang mga panig na ito ay mapag- usapan.

Sa kabilang dako, nagsisimula na aniyang pag-aralan ng Department of Energy (DoE) ang regulasyon ng ERC, legislations at iba pang polisiya sa harap ng pangunahing objective na maibaba ang electricity rates na binabayaran ng mga consumers.

Sisikapin aniyang may mabuong polisiya hinggil sa target na pagtatanggal ng system loss na hindi magiging pahirap kapwa sa hanay ng ating mga kababayan, mga investors at utility companies. 

 (DARIS JOSE)

Kampanya ng administrasyong Marcos laban sa krimen, nananatiling matatag- Malakanyang

Posted on: August 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANANATILING matatag ang kampanya ng administrasyon laban sa kriminalidad at lahat ng uri ng krimen sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa sinabi ni Vice-President Sara Duterte ma sa Pilipinas ay maaari kang umupa ng gunman sa halagang 5 libong piso para magpakitil ng buhay ng isang indibidwal.

Para kasy Castro, dapat ay nanguna si VP Castro na pigilan ang ganitong mga pahayag at hindi magsilbing promotor pa sa pagkausap sa isang assassin at upahang pumatay sa isang taong kinaiinisan.

Winika ni Castro na kung mayroon man aniyang alam ukol dito ang Vice President ay dapat sanang tumulong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng anomang impormasyon gaya halimbawa ng datos patungkol dito.

Kaya nga tanong ni Castro ay bakit kaya hindi ito nasawata kung totoo man lalo at matagal na siyang opisyal at namuno din ang kaniyang ama bilang Presidente.

Nauna rito, i giniit ni VP Sara na matindi ang problema ng gun violence sa Pilipinas kaya posible umanong makapag-hire ng isang gunman sa halagang P5,000 lamang upang pumaslang ng isang tao.

Sa kanyang talumpati sa The Hague, Netherlands, binigyang-diin ni Duterte na hindi maaaring iugnay sa anti-drug campaign ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga pagpatay na naitala sa bansa.

Inihalimbawa niya ang sitwasyon ng isang mag-asawa kaugnay ng kanyang punto tungkol sa laganap na gun violence sa bansa.

Ayon kay Duterte, dahil sa umiiral na sitwasyon ng gun violence sa bansa, hindi aniya maaaring ipagpalagay na lahat ng mga nakalistang biktima at naghain ng kaso sa International Criminal Court (ICC) laban sa kanyang ama ay mga biktima ng giyera kontra ilegal na droga. (DARIS JOSE)

Pinahintulutan ng Sandiganbayan…Bong Revilla, nagpiyansa ng ₱1M para pansamantalang makalaya

Posted on: August 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAHINTULUTAN ng Sandiganbayan Third Division si dating Senador Bong Revilla Jr., na makapagpiyansa sa kinahaharap nitong kasong malversation na may kaugnayan sa umano’y “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan na nagkakahalagang ₱92.8 milyon.

Kinumpirma nitong Biyernes, Hulyo 31 ni Sandiganbayan Third Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma ang desisyon ng anti-graft court. Dahil dito, pansamantalang makalalaya si Revilla habang nagpapatuloy ang paglilitis sa kaso.

Itinakda ng hukuman ang piyansa ni Revilla sa ₱1 milyon para sa kasong malversation. 

Nauna na rin siyang pinayagang makapagpiyansa ng ₱90,000 sa hiwalay na kasong graft na dinidinig ng Sandiganbayan Fourth Division.

Samantala, ibinasura naman ng Sandiganbayan ang mga petisyon para sa piyansa ng anim na kapwa akusado ni Revilla na pawang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan First District Engineering Office. (DARIS JOSE)

Ube, pinadedeklarang National Priority Crop ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez

Posted on: August 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INIHAIN ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez ang House Bill No. 10225, para sa development, promotion, at protection ng Philippine ube industry.

Layon nitong gawing isang globally competitive agricultural product ang ube habang nagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga magsasakang pilipino at komunidad.

Tatawaging Philippine Ube Industry Development Act, pinadedeklara nito ang ube bilang National Priority Crop, magbuo ng Philippine Ube Industry Council, at palakasin ang research, production, processing, branding, at export promotion.

Matagal-tagal na rin aniyang kinikilala ang bansa sa produksyon ng world-class ube, subalit hindi nabebenipisyuhan ng buo ang magsasakang Pinoy mula dito.

“Ube is more than a beloved Filipino delicacy—it is part of our culture, our identity, and a valuable agricultural resource. It is time that we invest in our farmers and build an industry that will allow them to earn more while showcasing the best of the Philippines to the world,” ani Gomez.

Sa panukala, maglalaan ng suporta ang gobyerno para sa de kalidad na planting materials, research and development, post-harvest facilities, processing, financing, quality standards, market access, at export promotion. 

(VINA de GUZMAN)

Agarang reporma sa sektor ng enerhiya upang mapababa ang singil sa kuryente, isinusulong ng mambabatas

Posted on: August 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA GITNA ng patuloy na pagtaas ng gastusin ng mga pamilyang Pilipino, isinusulong ng isang mambabatas ang agarang reporma sa sektor ng enerhiya upang mapababa ang singil sa kuryente at wakasan ang mga hindi makatarungang bayarin sa konsyumer.

Sa pamamagitan ng House Bill No. 10306, layon ni Quezon City District V Rep. Patrick Michael “PM” Vargas na amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at palakasin ang proteksyon ng publiko laban sa mga singil na hindi dapat ipinapasa sa mga mamamayan.

Ang panukala ay kaakibat ng direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na binigyang-diin sa kanyang State of the Nation Address ang pangangailangang pababain ang presyo ng kuryente at pagbutihin ang kahusayan ng sektor ng enerhiya.

Sa ilalim ng panukala, hindi na maaaring ipasa sa konsyumer ang mga non-technical losses tulad ng nakaw ng kuryente at iba pang pagkukulang sa sistema. Sa halip, tanging mga lehitimong pagkawala ng kuryente sa transmission at distribution ang maaaring isama sa singil, at ito ay sasailalim pa sa mas mahigpit at makatarungang limitasyon.

Sa ilalim ng panukala, tanging mga lehitimong technical losses na lamang ang maaaring isama sa singil, at ito ay sasailalim pa sa mas mahigpit at makatarungang limitasyon.

Sa kasalukuyan, ang system loss charges ay bahagi ng buwanang bayarin sa kuryente, na nagpapahintulot sa distribution utilities na mabawi ang bahagi ng enerhiyang nawawala sa transmission at distribution.

 Ngunit iginiit ni Vargas na hindi dapat pasanin ng mga mamamayan ang pagkawala ng kuryente dahil sa kapabayaan o ilegal na gawain.

Kasama rin sa panukala ang pagbaba at muling pagsasaayos ng system loss cap upang masigurong ang mga pagtitipid at kahusayan sa operasyon ay direktang mararamdaman ng mga konsyumer sa kanilang bayarin sa kuryente.

Ayon kay Vargas, ang abot-kayang kuryente ay mahalaga hindi lamang sa bawat tahanan kundi pati sa maliliit na negosyo, edukasyon, at serbisyong pangkalusugan.

Inaasahang tatalakayin ang House Bill No. 10306 sa kaukulang komite ng Kamara sa mga susunod na linggo. (VINA de GUZMAN)

Lolo na wanted sa panggagahasa sa Malabon, himas-rehas

Posted on: August 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HIMAS-REHAS ang 63-anyos na lolo na wanted sa apat na bilang ng kasong panghahalay matapos maaresto ng pulisya sa kanyang tirahan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado na si alyas “Lolo Lucio” ay nakatala bilang No. 5 sa Top Ten Most Wanted Person sa Malabon City Police Station.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar sa Sanciangco St. Brgy. Catmon, kaagad nilang ikinasa ang operation laban kay ‘Lolo Lucio’.

Hindi na nakapalag ang akusado nang makorner ng pinagsamang mga operatiba ng Malabon Police Warrant and Subpoena Section at Women’s and Children Protection Desk sa Sanciangco St., Brgy., Catmon dakong alas-3:40 ng hapon.

Matagumpay na naisilbi ng pulisya ang bitbit na warrant of arrest na inilabas noong Hulyo 21, 2026 ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) sa akusado para sa apat na bilang ng kasong Rape through Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A Paragraph 2 ng Revised Penal Code.

Pinuri naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Anthony Aberin ang NPD at Malabon Police sa mabilis na pagkakadakip sa akusado na may pagkakataong makalayang pansamantala kung makakapaglagak ng P480,000 na itinakda ng hukuman. 

(Richard Mesa)