UMANI ng mga papuri ang ginawang pag-call-out ni Angel Locsin kay Senator Robin Padilla.
Kahit noong aktibo pa sa showbiz, kilala na si Angel sa pagiging vocal sa mga isyung pulitika. At ngayon nga na naka-hiatus pa rin ito, tila hindi na nakapagtimpi at nag-post ng mahaba sa kanyang social media ng mensahe para kay Robin.
Naging malapit din silang dalawa dahil nagkasama sila sa serye na ‘Asian Treasures’ at ‘Pilipinas Got Talent’. Pero tahasan talagang sinabi ni Angel kay Robin na gumising na ito habang hindi pa huli ang lahat.
Ayon kay Angel, “Nung mga panahong magkasama tayo, madalas mong ikwento yung panahon na namundok ka at nag-armas para ipaglaban ang bayan. Sabi mo pa nga, dinadalaw ka ng ex mo sa bundok.
“Sa statement mo na to, kahit papaano, natuwa akong makita ulit yung dating Robin Padilla na nakilala ko. At least, honest ka ngayon, Kuya.
“Ang tanong ko lang, nasaan ka nung panahong nirered-tag ako kahit alam mong hindi totoo? Actually, kasama mo pa nga at kachikahan yung mga nangre-red-tag. Naghugas-kamay at pumikit sa katotohanan.
“Isa sa mga pinakamalaking dahilan kung bakit ka binoto ng maraming Pilipino ay dahil inasahan nilang magiging matapang kang boses para sa mga kapatid nating Muslim. Pero bakit parang mas ipinaglalaban mo pa si Quiboloy? Naniniwala ka ba talaga na siya ang “appointed son of God”?
“Isa ka sa pinaka-makabayang taong nakilala. Ikaw si Andres Bonifacio. Kaya nakakalungkot pag nakakabasa ako ng stand mo pagdating sa China. Hindi ito ang Robin Padilla na nakilala at hinangaan ko.
“Kahit paano, alam kong halos pareho tayong landas na dinaanan. Galing sa hirap, nagtrababo ng maaga, tinangkilik at nakapagpasaya ng mga tao. Ang utang na loob natin ay sa ating Diyos at sa lahat ng Pilipino —hindi lamang sa isang tao.
“Tama na, Kuya. Gising na. Hindi pa huli ang lahat.”
Dahil sa post na ito ni Angel, marami ang nagpasalamat sa kanya. Nagsabi na siya talaga bilang si “Darna” ang tunay na tagapagtanggol. Maging ang mga kapwa artista niya ay napa-comment.
Sabi nga ni Anne Curtis, “welcome back mars, ay, Darna pala.”
Ang mister naman ni Angel na si Neil Arce ay may witty na hirit na, “Lika na narda hanapin natin yung bato.”
Habang isinusulat naman namin ito ay wala pang sagot si Robin.
***
Heart at Mimiyuuuh, naka-unfollow na sa isa’t-isa
KAHIT na halos solid na ang mga comments na mababasa na maling-mali ang pagre-react ng P.A. ni Heart Evangelista na si Rezsty Rosell kay Mimiyuuuh tungkol sa “clean money,” aba, hindi pa rin ito nagpa-awat.
Meron siyang panibagong kuda kay Mimiyuuuh. Ang siste, halos lahat ay sinasabihan na siyang makakasira or parang in-expose niya lang si Heart talaga.
Si Heart ay may post din, though walang pangalan, kinokenek ng mga netizen kung si Mimiyuuuh din daw kaya ang pinatatamaan?
Sa post ni Heart, sinabi niya na, “At the end of the day—track record. Years of record, hard work, passion and never giving up. 28 turning 29 years were tough but still so blessed”
Anyway, wala kasing pangalan na binanggit si Mimiyuuuh at Esnyr sa bagong mukbang collab nila, pero pumutak nang pumutak ang P.A. ni Heart.
Sa totoo lang, hindi namin maiwasang isipin na wala nga bang go signal ni Heart ang pag-call-out ng P.A. niya sa influencer? Sa sobrang loyal nito kay Heart, para kasing imposibleng kumilos ito na alam niyang pwedeng ikapahamak lang ng amo/idol niya?
Ang latest, naka-unfollow na raw sa isa’t-isa sina Heart at Mimiyuuuh.