• October 3, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 24th, 2026

Komunidad ng LGBT sa Biñan, Nagtipon-tipon para sa Isang Makulay na Pride Program

Posted on: July 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BIÑAN, LAGUNA — Matagumpay na idinaos ang “Biñan Pride Program,” isang makulay at makasaysayang pagtitipon na naglayong ipagdiwang ang pagkakaisa, talento, at karapatan ng lokal na komunidad ng LGBT sa lungsod.

Ginanap ang aktibidad sa pangunguna nina Mama led, Sir Mac, at Keka bilang mga tagapangasiwa. Pormal na binuksan ang programa sa pamamagitan ng isang engrandeng “Grand Opening Number” mula mismo sa LGBT Community of Biñan, na sinundan ng isang mainit na pagtanggap at pambungad na mensahe mula kay Dr. Arlene Alonte-Ancheta, ang City GAD (Gender and Development Department) Focal Person.

Isa sa mga naging tampok at pinakamahalagang bahagi ng kaganapan ay ang opisyal na paglulunsad ng “Right to Care Launch,” kung saan ipinalabas ang isang Audio-Visual Presentation at inanunsyo ang pamamahagi ng mga kaukulang porma para sa nasabing programa.

Nagpaabot din ng kanilang buong suporta ang mga matataas na opisyal ng lungsod sa pamamagitan ng kanilang mga mensahe. Kabilang sa mga nakiisa at nagbigay ng suporta sina Mayor Len Alonte (sa pamamagitan ng Gay Alliance for Len Alonte), Mayor Gel Alonte, Vice-Mayor Dada Reyes, Cong. Atty. Arman Dimaguila, at ang buong City Council. Dumalo rin at nagpakita ng pakikiisa ang iba’t ibang sektor tulad ng Association of Barangay Captains, Sangguniang Kabataan Federation, Kabaranggay, Kababaihan Unlad Biñan, LGBT Pilipinas, pati na ang kinatawan mula sa karatig-bayan na si Melanie Alvarez, ang Carmona City GAD Officer.

Hindi rin nagpahuli ang ningning ng gabi sa ginanap na awarding ceremony. Humigit-kumulang 30 indibidwal ang pinarangalan ng Rainbow Radiance Awards (Costume) para sa kanilang malilikhaing kasuotan, habang isang natatanging indibidwal naman ang nag-uwi ng prestihiyosong Color of Courage Award (Artistic Expression).

Bago nagtapos ang gabi, naghatid ng isang world-class at natatanging pagtatanghal ang tanyag na artist na si Phi Palmos na lalong nagpalakas ng hiyawan at saya sa mga manonood. Ang nasabing programa ay naging matagumpay sa tulong na rin ng masiglang pagho-host ni Sir Mac na siyang bumanat bilang crowd host ng gabi.

(Kim Bornella/Boy Morales)

Cross examination ng defense lawyers sa impeachment trial, hindi nagiba ang testimonya ng mga prosecution witnesses

Posted on: July 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI nagiba ang testimonya ng mga prosecution witnesses sa gitna ng walang tigil na cross examination ng defense lawyers sa impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte sa Senado, ayon sa isang mambabatas nitong Huwebes.

“Nakita naman natin ang nangyari na nag-end noong (Miyerkules). Pangatlong testigo na ito, napakarami ng tanungan, pero hindi naman nagiba rin ang napatunayan na doon sa article na prinove (prove) ngayon,” sabi ni House prosecutor Dinagat Islands Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao.

At kahit na mahaba ang oras na ginugol ng defense lawyers sa pagtatanong sa mga testigo, nananatiling matatag ang kanilang testimonya, sinabi ni Bag-ao.

Nakumpleto ng House prosecution ang presentasyon ng mga testigo nitong Miyerkules matapos ang testimonya ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag.

Naunang tumestigo sina NB) Special Agent John Mark Calilung at NBI Regional Director Jeremy Lotoc para suportahan ang akusasyon na nagbanta si Duterte na patayin sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. 

“Kapag mataas ang opisyal natin, siyempre mataas din ang inaasahan nating level ng pananagutan,” sabi ni Bag-ao. 

“Sa nangyayaring proseso ngayon, lalo na sa pag-establish ng Article IV, ’yung grave threats, naipapakita naman sa mga tanungan na nalilinaw ang accountability—na dapat naiintindihan din ng mga mamamayan ang pananagutan niya bilang opisyal ng lipunan.” 

Sinabi naman ni House prosecution counsel at legal spokesperson Benjamin “Jay” Tolosa Jr., lahat ng oportunidad ay ibinigay sa defense sa kanilang cross examination ng mga testigo bilang bahagi ng due process.

“We recognize na may karapatan ang depensa na mag-conduct ng full and searching cross-examination. Bahagi ito ng due process,” Tolosa said.

Aniya, ang naging resulta ng cross examination ay lalong nagpatibay sa testimonya ng mga witnesses.

“Matapos ang mahabang pagtatanong, mga bahagi ng official record ay nanatiling nasa impeachment court para timbangin,” sabi ni Tolosa. (VINA de GUZMAN)

Higit P1M droga, nasabat sa HVI tulak na naaresto sa buy bust sa Valenzuela

Posted on: July 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAHIGIT P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang bagong identified High-Value drug personality matapos matimbog ng pulisya sa ikinasangm buy bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng gabi.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Rik Rik”, 33, (HVI) ng Brgy., Lingunan.

Ayon kay Col. Talento, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police hinggil sa umano’y pagtutulak ng illegal na droga ni alyas Rik Rik sa kanilang lugar at kalapit na mga barangay.

Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng SDEU, kaagad bumuo ng team si SDEU chief P/Lt. Sherwin Dascil bago ikinasa ang buy bust operation kontra sa suspek, sa koordinasyon sa PDEA.    

Sakay ng kanyang motorsiklo, nakipagkita umano ang suspek para makipagtransaksyon sa isa sa mga operatiba ng SDEU na nagpanggap na buyer sa harap ng Palawan Child Development Center sa Saint Paul St., Brgy., Veinte Reales na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-10:35 ng gabi.

Nakumpiska sa kanya ang humigi’t kumulang 150 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P1,020,000, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill, isang P500 boodle money at 16-pirasong P1,000 boodle money. P800 cash, itim na belt bag at gamit niyang Nmax motorcycle.

Ani SDEU investigator P/MSg. Ana Liza Antonio, sasampahan nila ang suspek ng kasong paglabag sa Secions 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa pamamagitan ng Inquest Proceedings sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Pinuri naman ni NPD Director Capili ang operating team sa kanilang matagumpay na drug operation na bahagi aniya ng pinaigting na kampanya ng NPD laban sa mga indibidwal na nagpapakalat ng iligal na droga.

Dagdag niya, ang NPD ay nananatiling nakatutok sa maagap na pagpapatupad at sistematikong pagtugis sa mga nagkasala sa droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lugar ng CaMaNaVa. (Richard Mesa)

Valenzuela, ginunita ang ika-157th birth anniversary ni Dr. Pio Valenzuela

Posted on: July 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

GINUNITA ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa ilalim ng pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang ika-157 anibersaryo ng kapanganakan ng lokal na bayani at kapangalan ng lungsod na si Dr. Pio Valenzuela, sa pamamagitan ng iba’t ibang nakaka-engganyong kultural na aktibidad na bumubuhay sa kanyang buhay at pamana.

Pinangunahan ng Cultural Affairs and Tourism Development Office (CATDO) ng lungsod ang paglulunsad ng ilang mga aktibidad upang pasiglahin ang kamalayan sa kultura at kasaysayan ng mga Valenzuelano para hikayatin ang pagpapahalaga sa pinakamalaking kontribusyon ni Dr. Pio sa kasaysayan.

Ang makasaysayang tahanan ni Dr. Pio – na ngayon ay kilalang museo ng lungsod, ang Museo ni Dr. Pio Valenzuela sa Barangay Pariancillo Villa – ang sentro ng isa sa mga aktibidad na tinatawag na “Paglalakbay sa Kasaysayan: Polo Heritage Walking Tour 2026” noong Hulyo 18 hanggang 19. Sa 2-araw na heritage walking tour na pinangunahan ng CATDO, binalikan ng buhay ng mga kalahok ang makabuluhang kontribusyon ng local hero sa panahon ng himagsikan.

Bukod dito, binisita rin ng mga kalahok ang mga kalapit na parke at museo tulad ng Casa de Polo, Polo Park, Museo de Polo, at San Diego de Alcala Parish Church na pawang nagtataglay ng mga kahanga-hangang kwento ng mayamang kultura at kasaysayan ng Lungsod na nagdagdag ng karagdagang cultural immersion sa mga bisita.
Ang mga mag-aaral ng Valenzuelano ay nagtagisan din ng kanilang kaalaman sa kasaysayan sa pagsusulit sa Quiz Bee on the Life-History ni Dr. Pio Valenzuela na pinangunahan ng Valenzuela City Library na layong itanim ang kaalaman at pagpapahalaga sa mga kabayanihan na ginawa ni Dr. Pio Valenzuela sa kasalukuyang henerasyon. Ang 2nd place ay nakuha ng Canumay West National High School, at 1st place ang Parada National High School habang inuwi ng Valenzuela National High School ang overall champion.

Samantala, nagsagawa rin ng espesyal na aktibidad para sa mga bata ang Valenzuela City Library Children’s Area, sa pamamagitan ng malikhaing pagkukulay at paggawa ng Dr. Pio papel na manika kung saan nalaman din nila ang kasaysayan at pamana ng kanyang buhay.
Nagmula sa bayan ng Polo. Si Dr. Pio ay isa sa mga tinitingalang opisyal na nagsilbi sa Katipunan noong panahon ng Rebolusyong Pilipino. Ang kanyang mga kontribusyon ay nag-iwan ng isang pangmatagalang marka sa kanyang mga kababayan: nagtrabaho siya kasama ng mga kilalang bayani sa digmaan, nagbigay ng libreng pangangalagang medikal sa mga maysakit, at kalaunan ay naging unang Municipal President ng Polo noong panahon ng mga Amerikano at Gobernador ng Bulacan sa loob ng dalawang termino. (Richard Mesa)

SENIOR CITIZENS PARTYLIST, TOP 7 NA PINAGKAKATIWALAAN AT TOP PERFORMING PARTYLIST SA PINAS

Posted on: July 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINIRANG bilang Top 7 most trusted at top-performing partylist organizations sa buong bansa ang Senior Citizens Partylist na kinakatawan ni Rep. Rodolfo Ompong Ordanes sa pinaka huling RPMD Foundation Inc. “Boses ng Bayan” Partylist Governance Assessment.

Sa pangunguna ni Rep. Ordanes nagtala ang Senior Citizens Partylist ng 62.0% Index of Governance (IOG) na sumasalamin sa tiwala at positibong pagsusuri ng mga Pilipino kaugnay sa pamantayan ng paglilingkod.

Pinasalamatan naman ni Rep. Ordanes ang nagdaang magandang assessment na nagpapatunay lamang ng walang humpay at pinalawak na pagseserbisyo ng Senior Citizens Partylist para sa sektor ng mga nakatatanda at sa mamamayang Pilipino.

“Isang malaking karangalan, tagumpay at inspirasyon para sa Senior Citizens Partylist ang makabilang sa Top 7 Most Trusted and Top-Performing Party-List Organizations sa pinakahuling RPMD Foundation Inc. “Boses ng Bayan” Party-List Governance Assessment,” pahayag ni Rep. Ordanes.

Aniya, ito ay sumasalamin sa buong tiwala at positibong pagsusuri ng mga Pilipino sa aming paglilingkod,” saad pa ni Rep. Ordanes.

Naniniwala si Rep. Ordanes na ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap na isulong ang kapakanan ng hanay ng mga senior citizens sa pamamagitan ng kanyang pagsusulong ng mga napapanahon at angkop na batas, programang pangkalusugan, social pension, medical outreach, at iba pang serbisyong tunay na may malasakit sa mamamayan.

Kasunod nito, lubos din pinasalamatan ni Rep. Ordanes ang bawat senior citizens, volunteers, partner organizations gayundin ang lahat ng patuloy na naniniwala, nagtitiwala at sumusuporta sa adbokasiya ng Senior Citizens Partylist.

“Ang inyong tiwala ang aming inspirasyon upang higit pang pagbutihin ang aming paglilingkod,” wika pa ni Rep. Ordanes.

“Makakaasa kayo na patuloy nating ipaglalaban ang karapatan, dignidad, at mas magandang kalidad ng buhay ng bawat nakatatandang Pilipino,” dagdag pa ng mambabatas. (PAUL JOHN REYES)

Mayorya ng Pinoy, walang tiwala sa China — OCTA

Posted on: July 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASA 64% ng mga Pilipino ang walang tiwala sa China batay sa 2nd quarter Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, mas mataas kaysa 55% noong Marso 2026. Sa naturang bilang, 37% ang nagsabing “medyo hindi” dapat magtiwala, 27% ang “lubos na hindi,” 14% ang may tiwala, habang 21% ang undecided.

Isinagawa ang survey kasabay ng ika-10 anibersaryo ng 2016 Permanent Court of Arbitration ruling sa West Philippine Sea. Ayon sa OCTA, bumaba nang bahagya ang trust sa China sa 14% at patuloy na lumiit ang bilang ng undecided, indikasyong mas dumarami ang nagkakaroon ng matibay na pananaw ng kawalan ng tiwala.

Pinakamataas ang distrust rating sa Balance Luzon (67%), sinundan ng Visayas (63%), Mindanao (62%), at NCR (59%). Sa socioeconomic classes, nakapagtala ng 66% ang Class ABC, 63% ang Class D, at 67% ang Class E. Pinakamataas ang undecided sa Class D (23%) at pinakamababa sa Class E (17%).

Ads July 24, 2026

Posted on: July 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments