• July 14, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 11th, 2026

Matandang binata, kalaboso sa P340K droga sa Valenzuela

Posted on: July 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT sa mahigit P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak ng droga na itinuturing bilang High-Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga.

Nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela City Police Station ang suspek na si alyas “Ping”, 53, ng Brgy., Ugong at mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

Sa ulat ni Police Investigator PSSg Cris Paul Collo kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforecement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascel ang buy bust operation laban sa suspek sa koordinasyon sa PDEA kasunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng droga.

Dakong alas-7 ng umaga nang makipagtransakyon umano ang suspek sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa harap ng isang junk shop sa kahabaan ng Bignay-Punturin Bypass Road, Brgy. Bignay na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya nang tanggapin ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu.

Bukod sa nabiling isang plastic sachet ng umano’y shabu, nakuha pa sa suspek ang limang plastic sachets ng shabu na aabot sa kabuuang timbang na 50 grams na nagkakahalaga ng P340,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8-pirasong P1000 boodle money, P150 cash at kanyang gamit na isang motorsiklo.

Pinuri Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili ang operating team sa kanilang matagumpay na operation na bahagi aniya ng pinaigting na kampanya ng NPD laban sa mga indibidwal na nagpapakalat ng illegal na droga. (Richard Mesa)

Mayor Sandoval, bumisita’t nagbigay ng tulong sa mga nasunugan

Posted on: July 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KAAGAD naghatid ng tulong na food packs at hygiene kits ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval sa 25 pamilyang naapektuhan ng naganap na sunog sa Samson, Brgy. Baritan at pansamantalang nanunuluyan sa Amang Rodriguez Elementary School upang makatulong sa kanilang agarang pangangailangan habang sila ay bumabangon mula sa nasabing insidente. (Richard Mesa)

2 KAWATAN NA LUMIMAS SA MGA KAGAMITAN, ALAHAS, GADGET NG BIYUDA, ARESTADO

Posted on: July 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TIMBOG ang dalawang kawatan na lumimas sa mga kagamitan, alahas at gadget sa bahay ng 54-anyos na biyuda sa Caloocan City nang matunton ng pulisya sa Malabon City, Huwebes ng hapon.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, umalis ang biktimang si alyas “Mary” upang gampanan ang trabaho sa Ilocos Sur noong Hunyo 30 at bago lumisan ay tiniyak na nakakandado ang pintuan sa harap at likod ng kanyang bahay sa Jude Street, Kingstown II, Brgy., 171, Bagumbong.

Nang dumating ang biktima noong alas-9:10 Huwebes ng umaga, Hulyo 9, nagulat siya dahil nalimas na halos lahat ang mga gamit at alahas sa kanyang bahay at wasak din ang likurang pintuan ng bahay na posibleng dinaanan ng mga suspek.

Nasaksihan naman ng isang testigo ang ginawang paghahakot ng mga suspek sa kagamitan ng biktima noong araw ng Martes at Miyerkules na isinakay sa Mitsubish Mirage, kaya agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni Gen. Capili na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na sina alyas “Olatorio” 28, at alyas “Borbes”, 29, alas-4:00 ng hapon sa Brgy. Flores, Malabon City.

Nabawi sa mga suspek ang P45,000 halaga ng automatic washing machine, P25,000 halaga ng oven, P7,000 na turbo broiler, P35,000 na ice crusher, P15,000 na cake mixer, at P25,000 na steamer na kabilang sa kanilang tinangay, habang hindi pa nababawi ang gold necklace, gold bracelet, gold ring, Louie Vuitton wrist watch na may kabuuang halagang P290,000.00, pati na ang P34,000 Samsung refrigerator, P65,000 split type aircon, at P70,000 na Apple Ipod.

Sinabi ni BGen. Capili na magiging bahagi na rin ng imbestigasyon ang anak na lalaki ng biktima matapos aminin ng biyuda na kaibigan ng kanyang anak ang mga nadakip na suspek. (Richard Mesa)

₱1.5-M HALAGA NG MGA SUBSTANDARD NA SOLAR LIGHT AT PANEL, NAKUMPISKA SA OPERASYON NG CIDG SA BULACAN

Posted on: July 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PATULOY na pinalalakas ng Philippine National Police (PNP) ang mga pagsisikap nito na protektahan ang publiko sa pamamagitan ng pinaigting na operasyon sa pagpapatupad ng batas, matapos makakumpiska ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng tinatayang ₱1.54-M halaga ng umano’y mga substandard na solar lights at panels sa isang operasyon sa Bulacan.

Noong Hunyo 30, 2026 hanggang madaling araw ng Hulyo 1, 2026, ang mga tauhan ng CIDG Eastern Metro Manila District Field Unit, sa pakikipagtulungan ng mga local police units, ay nagsagawa ng isang operasyon sa isang bodega sa Barangay Matungao, Bulakan, Bulacan, na humantong sa pagkakahuli ng isang suspek na kinilala sa alyas na “Han,” 35, isang Tsino at negosyante.

Isinagawa ang operasyon kaugnay ng umano’y paglabag sa Republic Act No. 7394 o ang Consumer Act of the Philippines, kasunod ng pagkakatuklas sa mga solar light at panel na umano’y hindi sumusunod sa itinakdang pamantayan sa kaligtasan at kalidad.

Binigyang-diin ng PNP, sa pamumuno ni Chief PNP Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., na ang mga operasyong tulad nito ay sumasalamin sa pangako ng organisasyon na pangalagaan ang mga komunidad at suportahan ang mga pagsisikap ng gobyerno na matiyak na ang mga mamimili ay protektado mula sa mga potentially unsafe products.

“Patuloy ang ating pagtutok sa mga operasyon na may direktang epekto sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan. Ang bawat aksyon ng PNP ay isinasagawa nang naaayon sa batas at may respeto sa karapatan ng lahat ng sangkot,” sabi ni Police General Nartatez.

Ang PNP ay nananatiling nakatuon sa paghahatid ng accountable at service-oriented policing sa ilalim ng banner ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” habang patuloy itong nakikipagtulungan sa mga katuwang na ahensya sa pagtataguyod ng mas ligtas na kapaligiran para sa lahat.

 (PAUL JOHN REYES)

Meralco may P0.34/kWh dagdag-singil sa July billing

Posted on: July 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGPAPATUPAD ang Manila Electric Company (Meralco) ng nasa P0.34 kada kilowatt hour (kWh) na dagdag sa singil sa kuryente ngayong July 2026.

Ang naturang increase ay nangangahulugan nang pagtaas ng overall rate para sa isang typical household sa P14.8261/kWh ngayong buwan mula sa dating P14.4833/ kWh noong Hunyo.

Ipinaliwanag ng Me­ralco na ang dagdag-­singil ay dulot nang pagtaas ng generation charge, ng P0.1800 kada kWh dahil sa mas mataas na presyo ng fuel. Tumaas din anila ang ­charges mula sa Power Supply Agreements (PSAs) ng P0.2678 dahil sa impact ng nagpapatuloy na tensiyon sa Middle East.

Maging ang Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ay tumaas rin matapos na maabot ng demand sa Luzon ang record high na 14,534 megawatts (MW) noong Mayo 28, 2026.

Maging ang buwis ay nakapagtala rin ng pagtaas gayundin ang transmission at iba pang charges

Ayon sa Meralco, ang taas-singil ay katumbas ng P69 na dagdag sa bayarin sa mga nakakakonsumo ng 200 kWh kada buwan.

Ads July 11, 2026

Posted on: July 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments