• July 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

Kinikilala at ginagalang ng Malakanyang…Win Gatchalian hinirang bilang bagong Senate President Pro-Tempore

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KINIKILALA at nirerespeto ng Malakanyang ang desisyon ng bagong mayorya at ang liderato ni acting Senate President Sherwin.

Sa pagharap ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa mga miyembro ng Malacanang Press Corps (MPC), sinabi nito na ang nangyari sa Senado ngayong hapon ng Miyerkules, Hunyo 3, ay naaayon sa batas at rule of law.

“May mahalagang mensahe po ang Palasyo. Ang nangyari sa Senado ngayong hapon ay naaayon sa batas at rule of law. Kinikilala at nirerespeto ng Palasyo ang desisyon ng bagong mayorya at ang liderato ni acting Senate President Sherwin Gatchalian,” ayon kay Castro.

Nauna rito, nahalal si Senador Win Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore, kapalit ni Senadora Loren Legarda.

Nakumpleto ang quorum ngayong sa Senado kahit na wala ang mga miyembro ng Senate Minority bloc.

Maliban kasi sa 11 ng ‘Solid 11 Bloc’, present din ngayong hapon si Senador Chiz Escudero.

Si Senator Migz Zubiri, inilagay sa Committee on Rules.

Sa kabilang dako, ibinalik naman si Rey Bantug bilang Senate Secretary; kapalit ng itinalaga ni Senate President Alan Peter Cayetano na si Jose Luis Montales, ang dati niyang Administrator sa Taguig habang si PBGen. Alfredo Sotto Corpus naman ang inihalal na bagong Senate Sgt.-at-arms.

Samantala, matapos maabot ang quorum sa Senado ngayong araw kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano kung “binasura” na ba ang Saligang Batas.

Ang pahayag ay ginawa niya sa isang Facebook live kasunod ng hindi pagdalo ng ilang opisyal. (DARIS JOSE)

Hon. Chairman Bryan Angelo E. Pascual, ang tunay na nagmamalasakit sa Barangay 144, Zone -13, Dist.1!

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

   “AKO po’y naging SK Chairman since 2010 at kami po ang naging last batch noong 2013. Naging Kagawad ako sa ilalim ng pamumuno ng aking father. Ang Committee na hinawakan ko noon ay sports at infra hanggang naging Kapitan na ako sa aming barangay. 

Bale ako ang pumalit sa aking ama pagkatapos ng kanyang termino. Sa aking pagka-upo ang unang proyektong ginawa ko ay ang Peace & Order sa aming lugar.

Dahil gusto kong manatili ang katahimikan at kaayusan ng aming komunidad kaya naglagay ako ng mga CCTV sa bawat kanto para ma-monitor namin ang any untoward incidents.

Nagpailaw na rin sa mga eskinita para maging ligtas sa anumang kapahamakan ang aking mga kabarangay lalo na ang mga kababaihan gayundin sa mga malalabo na ang paningin para hindi sila matisod o matapilok dahil sa kadiliman. 

Pero sa aming kalsada sila Mayor Along at Congressman Malapitan ang nagpailaw. Sa akin mga eskinita…nagde-declogging din kami kamakailan at nilinis namin ang mga nakabara sa kanal para tuluy-tuloy ang agos ng tubig.

Para na rin mapaghandaan ang anumang darating na pinsala tulad ng baha lalo na sa tag-ulan. Sa Clean & Green naman, nagsagawa rin kami ng Clean-up drive every Friday na siyang pinapatupad ng ating DILG.

In case of emergency naman, mayroon kaming rescue patrol na siya naming ginagamit as responder ginagamit din namin sa paghatid-sundo sa mga na-ospital para di na mahirapan ang aking mga kabarangay.

Inaalalayan ko lagi sila, sa aming Senior Citizens nagkakaloob ako ng Cash gift sa kanilang birthday bukod pa ‘yan sa regalong bigay ng aming Mayor Along Malapitan.

Sa kalusugan naman, nagsasagawa kami ng Health & Medical Mission sa bawat nasasakupan namin dahil ibig kong manatili ang kanilang kalusugan at makaiwas sa anumang karamdaman, mahirap ang magkasakit sa panahon Ngayon.

Kaya naman, ang mga gamot na kanilang maintenance ay laging nakahanda.

Nakahanda rin ang aming Fire Extinguisher sakaling magkaroon ng sunog, pinaghahandaan namin ‘yan at tulung-tulong kami sa pag-aapula ng apoy. Ngayong darating na pasukan, may nakalaan na ring schools supplies para sa aming mga estudyante lalo na sa mga day care at elementary. 

Ang masasabi ko lamang sa aking mga kabarangay, sana ay tuloy-tuloy ang kanilang pagtulong sa bawat proyektong isinasagawa namin, magkaisa at magtulungan kami dahil hindi naman kami iba… parang magkakapatid, magkakamag-anak at kapamilya kaming lahat dito sa aming Barangay 144, Zone-13, Dist.1.

Tunay ko silang pinagmamalasakitan. Mahal ko ang aking mga kabarangay…iisang pamilya na po kami sa aming komunidad,” pagtatapos ni Kapitan.

Hiling din ng batang Kapitan Bryan sana muli silang magsama-sama sa patuloy na kaayusan ng kanilang barangay. Nais ko ring pasalamatan ang aming dakilang Mayor Along at Congressman Malapitan sa kanilang pagmamalasakit sa aming Barangay.

Dagdag pa niya, mabigyan siyang muling pagkakataon maglingkod para sa tuluy-tuloy na pagpapatupad ng proyektong pambarangay, ‘yan ang pagtatapos ng nagmamalasakit na kapitan Bryan Angelo E. Pascual. ( Sonny Asignacion)

Pag- boycott sa sesyon ng mga senador ay pag-abandona ng public duty

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KINONDENA ng isang mambabatas si Senate President Alan Peter Cayetano at ang mayoryang senado dahil sa pag-boycott sa sesyon ng dalawang magkasunod na araw.

Ayon kay ACT Teachers Representative at Deputy Minority Leader Antonio Tinio, ang pagboykot ay pagpapakita umano ng double standard kung saan walang kinakaharap na consequences o kahihinatnan ang mga senador sa pagliban habang nakakaharap sa parusa at multa ang mga ordinaryong government workers kapag absent.

Dumalo ang lahat ng 11 miyembro ng Senate minority bloc sa plenaryo ng alas-3 ng hapon nitong Martes, Hunyo 2, subalit bigo naman ang majority senators na magpakita. Inimpormahan ni Cayetano ang Senate secretary na hindi dadalo ang mayorya.

“This is a shameless display of entitlement and hypocrisy. Ordinary government employees—teachers, health workers, civil service workers—face salary deductions and disciplinary action for unexcused absences. But senators? They boycott the Senate, refuse to work, and face absolutely zero consequences,” ani Tinio.

 “This boycott has nothing to do with defending the Senate or protecting democratic principles. It is purely about self-interest. For Sen. Alan Cayetano to remain as Senate President and for his allies to hold their positions.”

Sinabi ng mambabatas na ang ginawa ng mga ito ay pag-abandona ng public duty. Nanumpa aniya ang mga senador ng pagsisilbihan ang sambayanan at konstitusyon subalit, sa halip ay inabandona nila ang kanilang tungkulin dahil nanganganib umano ang kanilang posisyon.

“This is the ultimate betrayal of public service—putting narrow partisan interest above the people’s right to a functioning Senate. The Senate majority must end this boycott immediately. They cannot hold the institution hostage because of their own political crisis,” pagtatapos ni Tinio.

(Vina de Guzman)

Top most wanted person ng Valenzuela, nasilo sa Oriental Mindoro

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TIKLO ang 21-anyos na helper na wanted sa kaso ng Robbery at Acts of Lasciviousness sa Lungsod ng Valenzuela nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Sa ulat ng tanggapan ng Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado na residente ng Brgy., Bignay, Valenzuela City ay nakatala bilang No. 10 sa Top Ten Most Wanted Person sa Valenzuela CPS.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na nagtatago ang akusado sa nasabing lalawigan nang tumakas umano ito makaraang malaman na mayroon na siyang warrant of arrest.

Kaagad nakipag-koordinasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela CPS sa local police units bago ikinasa ang operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa Barangay Zone 2, Pola, Oriental Mindoro.

Maayos naman umanong naisilbi sa akusado ang arrest warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 285, at Metropolitan Trial Court Branch 81, kapwa ng Valenzuela City para kasong Robbery at Acts of Lasciviousness. (Richard Mesa)

PBBM, pinangunahan ang kick-off ng Brigada Eskwela sa Navotas

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PERSONAL na bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama sina DepEd Secretary Sonny Angara at Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa Kapitbahayan Elementary School sa lungsod para pangunahan ang kick-off ng Brigada Eskwela 2026.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng Brigada Eskwela bilang sama-samang pagkilos ng pamahalaan, mga guro, magulang, at mga volunteer upang matiyak na handa ang mga paaralan bago ang pasukan sa eskwela.

Ininspeksyon din niya ang mga CCTV units na inilagay sa paaralan noong Abril 2026 upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro, at maiwasan ang vandalism at iba pang banta sa seguridad.

Nagpasalamat naman si Mayor Tiangco sa Pangulo sa pagdalaw nito sa lungsod, bilang pakikiisa sa bayanihan sa paaralan, at paglaan ng oras para magbasa ng kwento at magbigay-saya sa mga batang mag-aral.

“Bukod sa paghahanda sa pasukan, alam nating memorable experience para sa mga batang Navoteño ang makasama at makausap siya,” dagdag niya. 

Kasunod nito, binisita din ni Pangulong Marcos, kasama si DSWD Sec. Rex Gatchalian ang mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center sa Phase 1C, Multipurpose Hall, Brgy., NBBS Kaunlaran, na naapektuhan ng sunog sa Brgy. NBBS Proper noong Enero 2026 para kamustahin at bigyan ng food packs, hygiene kits, at tulong pinansyal upang matugunan ang kanilang pangangailangan habang nagsisimula silang makabangon.

Pinasalamatan din ni Tiangco si DepEd Sec. Angara, DSWD Sec. Gatchalian para sa Tara, Basa! at kay DOLE Sec. Francis Tolentino sa paglalagay ng TUPAD workers na tumutulong sa paglinis at pag-aayos ng paaralan. 

(Richard Mesa)

NBI AT BOC, NAKAKUMPISKA NG ₱35.4-M HALAGA NG SMUGGLED NA SIBUYAS AT BAWANG SA NUEVA ECIJA

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKUMPISKA ng National Bureau of Investigation, sa pamamagitan ng Special Action Unit (NBI-SAU) nito, kasama ang Bureau of Customs (BOC) at ang Philippine Coast Guard (PCG), ang mga ilegal na inangkat na produktong agrikultural na nagkakahalaga ng ₱35,437,198.00 mula sa isang cold storage facility sa Talavera, Nueva Ecija.

Ang operasyon ay nag-ugat sa isang reklamo na humihiling ng imbestigasyon sa umano’y ilegal na pag-angkat, pag-iimbak, pamamahagi at pagbebenta ng mga ipinuslit na sibuyas sa mga lokal na pamilihan. Batay sa ulat, nagsagawa ang NBI-SAU ng pangangalap ng impormasyon, pagmamatyag, pagpapatunay at isang test-buy operation laban sa Talco Cold Storage Corp., na matatagpuan sa Bypass Road, Brgy. Calipahan, Talavera, Nueva Ecija.

Ang mga sample na nakuha sa test-buy ay isinumite sa Department of Agriculture–Bureau of Plant Industry (DA-BPI), na nagkumpirma na ang mga sibuyas ay inangkat.

Noong Abril 24, 2026, sa bisa ng isang Liham ng Awtoridad, sinuri ng mga tauhan ng NBI-SAU, BOC at PCG ang pasilidad at natuklasan ang bulto ng mga inangkat na sibuyas na nakatago sa likod ng mga tambak ng lokal na nakabalot na sibuyas. Napansin ng mga awtoridad na ang paraan ng pagtatago ay nagpapahiwatig ng isang tila pagtatangka na itago ang mga inangkat na produkto mula sa inspeksyon.

Matapos mabigo ang Talco Cold Storage Corp. na bigyang-katwiran ang pag-aari nito ng mga inangkat na sibuyas at bawang sa loob ng itinakdang panahon, naglabas ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention noong Mayo 21, 2026, na nag-uutos sa pagsamsam at wastong disposisyon ng mga produktong agrikultural.

Ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang produkto ay lumampas sa itinakdang limitasyon sa ilalim ng Republic Act No. 12022, o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2024, kaya maituturing na economic sabotage ang agricultural smuggling.

Ipagpapatuloy ng NBI-SAU ang imbestigasyon nito upang matukoy ang lahat ng taong responsable at makakalap ng karagdagang ebidensya para sa pagsasampa ng mga naaangkop na kaso sa ilalim ng RA 12022, RA 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act, at iba pang naaangkop na batas. (PAUL JOHN REYES)

Pride Month: PBBM, nangako ng patas na proteksyon, paggalang sa LGBTQIA+ community

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng patas na proteksyon at paggalang para sa LGBTQIA+ community habang nakiisa sa pagdiriwang ng Pride Month.

Sinabi ng Pangulo na nananatiling committed ang gobyerno na tiyakin ang ‘dignity, inclusion, at equal opportunities’ para sa lahat ng Filipino anuman ang pagkakakilanlan ng mga ito.

“As we celebrate Pride Month, the government reaffirms a principle that must never waver: every Filipino is entitled to equal protection, equal opportunity, and equal respect under the law,” ayon sa Pangulo.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos na “inclusion should not remain only in words.”

“It must be reflected in our policies, strengthened by our institutions, and practiced in our everyday actions as a people,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, kinilala naman ng Pangulo ang kontribusyon ng LGBTQIA+ community sa bansa pamamagitan ng “talent, service, at leadership.”

“The LGBTQIA+ Community has long helped shape our country’s progress through its talent, service, and leadership,” ang pahayag ng Pangulo.

“To overlook these contributions is to deny an essential part of the Filipino story,” dagdag na wika nito.

Wala aniyang Pinoy ang makararamdan na hindi sila kasali sa lipunan dahil lamang sa kanilang ‘identity.’

“Let this observance send a clear message: no Filipino should ever be made to feel invisible in the country they help build,” ang tinuran ng Pangulo.

“No one should ever be forced to conceal who they are in order to earn acceptance and understanding,”aniya pa rin.

Samantala, kinilala naman ng Pangulo ang pakikibakang kinahaharap ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community para tanggapin ng lipunan at ikasa ang pagkakapantay-pantay.

“This observance honors the courage of those who refused to be excluded or denied their rightful place in society,” ani Pangulong Marcos.

Ads June 4, 2026

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Umabot sa mahigit 4,000 runners ang sumali:ALDEN at BARBIE, pinangunahan ang kauna-unahang ‘Sparkle Run’ (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: June 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IBA rin ang disiplina sa katawan ng karamihan sa mga artists ng Sparkle GMA Artist Center.

Kahit busy sila sa mga ganap sa kani-kanilang showbiz career ay kineri nila na gumising ng pagkaaga-aga para sumali sa kauna-unahang Sparkle Run.

Kaya naman hindi nakakagulat na ang mga sumali, bukod sa mga artista ay members ng media, executives at empleyado ng GMA at mga fans ay umabot sa mahigit 4,000 runners.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend ay sinabing sanib-puwersa sa event ang Sparkle GMA Artist Center, City of Manila at Runrio.

Ilan sa mga lumahok ay sina Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco, Kim Ji Soo, Sofia Pablo, Mikee Quintos, Allen Ansay, Royce Cabrera, ang GMA News reporters at anchors na sina Raffy Tima, Mariz Umali, at Aubrey Carampel.

“Ano siya e, it’s very grounding and parang it’s also my escape from reality and time to think, time to be with myself, ‘yung walang ibang iniisip, yung distance mo lang, yung pace mo lang, yung kakainin mo lang after,” pahayag ni Barbie.

“Ngayon marami nang factors tayo sa buhay na minsan nagiging distracted tayo in our everyday life but I think fitness must not be compromised,” saad naman ni Alden.

Nag-share naman ang ibang Sparkle Stars ng kanilang basic necessities sa kanilang pagtakbo.

“I just wanna listen to music… I usually listen to mga motivational stuff,” sabi ni David.

“Gusto ko ng mga EDM, para upper,” kuwento naman ni Martin Del Rosario.

“Maybe upbeat music so I can run faster,” ani Kim Ji Soo.

“Hindi mawawala yung water. Tubig talaga,” sabi ni Allen.

“Cap. Kasi bukang liwayway na mamaya. Like madilim pa now pero later, tirik na yung araw,” sabi ni Lexi Gonzales.

“Lippie. Kasi siyempre we’re running, di ba? Dapat fresh pa rin,” sabi ni Cheska Fausto.

“Para yung lips namin hindi magda-dry,” pagsegundo ni Charlie Fleming.

“Cellphone and car keys para after the run, pwede akong mag-selfie,” sabi ni Gil Cuerva.

“Actually, I have here a bag. Kung umaraw na meron tayong sunglasses, tapos meron tayong energy gel,” sabi ni Anthony Rosaldo.

“Handheld fan. Kasi hiluhin talaga ako sa init,” sabi naman ni Sofia Pablo.

Dumating rin para makisaya sina Gabbi Garcia, Max Collins, Josh Ford, Will Ashley, AC Martinez at Dingdong Dantes.

“Congratulations sa first ever Sparkle Run. Ang saya talaga just bringing everybody together, lahat ng mga Kapuso artists natin. Sama-sama para sa isang healthy activity.

“The best,” sabi ni Dingdong.

Ayon naman sa pahayag ni First Vice President for Sparkle GMA Artist Center Joy Marcelo…

“Ang dami sa kanila na iyon na talaga ‘yung ginagawa. Every weekend, halos like sila Barbie, every weekend iyan nagdyu-join ng run.

“So why not do one of our own? It’s for awakening them, the other artists also, pati yung mga netizens na maging health conscious, running is a way of life.”

Kahit maraming naiwan sa kanilang mag-ina:RUFA MAE, malungkot na nag-birthday dahil ‘di na nila kapiling si TREVOR  (ni: PETER LEDESMA) 

Posted on: June 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BIRTHDAY ni Rufa Mae Quinto last May 28. 

At malungkot ang sikat na komedyana  at ngayong taon ay hindi na nila kapiling ng daughter na si Athena ang mister na si Trevor Magallanes na isang police officer sa San Francisco, California na namatay September last year. 

And considered na married pa rin si Rufa Mae kay Trevor dahil sa hindi siya pumayag sa hiling nitong divorce. 

Kaya lahat ng naiwang ni Trevor ay mapupunta kay Rufa Mae at anak na si Athena. 

At ang mga ay ang pension, benefit plan, medical care, education & training at housing loan. 

Mapupunta rin sa mag-ina ni Trevor ang naiwan nitong savings sa banko. 

***

BAGO pa mag-pandemic 

ay mabenta na talaga ang high-dose Vitamin C na MEGA-C ng friend naming businesswoman na si Madame Yvonne Benavidez. 

At naging selling like hotcakes talaga ito sa mga leading drug stores including Mercury Drug Store and Southstsar Drug, etc during Pandemic. Ang problema maling tao pala ang mga pinagkatiwalaan ni Madame Yvonne. Sa madaling salita ay niloko siya ng mga ito sa pera at kita ng negosyo niyang ito. Kaya’t mag-isang ginagapang na mapaangat ui ang kanyang MEGA-C. Nangangailangan siya ng partners o mga investor. At hindi talo ang mga mag-i-invest dahil sikat at kilala na ang MEGA-C na in’endorse pa noon ni Asia’s King Of Talk” Boy Abunda.  

Surviving si Madame Yvonne, with her three sons at ito ay dahil sa pagkapit niya lagi sa Diyos.