• June 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

 Kampo ni Baterbonia, hihiling ang immigration lookout bulletin vs coach Tab Baldwin

HIHILINGIN ng kampo ng pamilya ng yumaong Ateneo basketball player na si Rene Baterbonia sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order laban sa head coach ng Ateneo Blue Eagles na si Tab Baldwin.

Ayon sa abogado ng pamilya na si Atty. Israelito Torreon, layunin ng kahilingan na matiyak na magpapatuloy nang maayos ang imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ng dalawang manlalaro.

Nilinaw naman ng abogado na sa ngayon ay wala pa silang direktang inaakusahan na may pananagutan si Baldwin.

Matatandaang nasawi sina Rene Baterbonia at Divine Adili matapos malunod sa karagatan ng Dipaculao, Aurora noong Lunes habang nagsasagawa ng team-building activity ang koponan.

Samantala, dumalo naman sa burol ni Baterbonia ang kanyang mga kasamahan sa Ateneo Blue Eagles. Nakiramay rin ang mga opisyal mula sa Commission on Higher Education, Department of Education, at Philippine Sports Commission.

Inaasahang iuuwi sa Agusan del Sur ang labi ni Baterbonia ngayong Huwebes.

Kasabay nito, inatasan na ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation na bumuo ng isang task force upang magsagawa ng masusing, komprehensibo, at patas na imbestigasyon sa insidente