• July 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

Pagpapalawig ng paternity leave, isinusulong ng mambabatas

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG panukala ang isinusulong na palawigin ang paternity leave hanggang 105 araw.

Ito ay ayon sa House Bill No. 9891 ni inihain ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na nais nito palawigin pa ang paternity mula sa kasalukuyang pitong araw.

Ayon kay Diokno, ang HB 9891 o Paternity and Parental Leave Act (PAPA Leave Act) ay upang ma-promote ang responsible parenthood, pagtibayin ang pamilya at bigyan pagkakataon ang mga ama or caregivers na nandoon sila sa mga unang araw ng isinilang na sanggol.

Nais ni Diokno na dagdagan ang paid paternity leave mula sa pitong araw hanggang 90 days mula pagkasilang o 60 araw sa kaso ng miscarriage o emergency termination ng pagdadalantao.

Batay sa HB 9891, may dagdag na 15 days of paid parental leave na maaaring gamitin sa loob ng isang taon mula sa kapanganakan ng anak nito, pwede dire- diretso o magkakaibang okasyon. Suma- tutal nito ay 105 days ng total leave benefits, katulad ng 105-day maternity leave law ni Akbayan Party-list at Sen. Risa Hontiveros. 

“By investing in shared parenting, this measure advances gender equality, improves child and family wellbeing, and strengthens labor force participation. It affirms that childcare is not solely the responsibility of women, but a shared parental duty that must be actively supported by the State,” sinabi ni Diokno. 

Samantala, nagbabala si Diokno na kung ang isang tatay ay nabigo sa kanyang tungkulin na tulungan na mag-alaga ng kanyang bagong silang na anak, maaari siyang kasuhan sa paglabag ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Nakapaloob din sa HB 9891 ang maaring matanggap na benepisyo ng mga ama o caregiver sa ilalim ng Social Security System (SSS). 

(Vina de Guzman)

9 NARCOTIC DETECTION DOGS, INIRETIRO NA NG PDEA, HANDA NG IPA-AMPON

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PORMAL nang iniretiro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang siyam (9) na Narcotic Detection Dogs (NDD), o K9, at handa na para ipa-ampon ang mga ito para sila ay mailipat na sa isang nararapat na buhay sa labas ng aktibong serbisyo.

Ang mga retiradong K9 ay binubuo ng 5 Belgian Malinois, 3 Jack Russell Terrier, at 1 Labrador, na may average na edad na 12 taon. Ang mga lubos na sinanay na “bayaning aso” na ito ay nagsilbi ng may karangalan sa loob ng maraming taon sa mga operasyon laban sa ilegal na droga sa buong bansa, kabilang ang mga inspeksyon sa mga pasilidad ng kulungan, mga misyon ng paghahanap at pagsamsam, mga aktibidad ng interdiction, at mga operasyon ng checkpoint sa mga paliparan, daungan, at mga terminal ng transportasyon.

“These K9s have been loyal partners in our mission against illegal drugs. Their courage, discipline, and dedication have saved countless lives and supported countless successful operations,” sabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez.

Binigyang-diin ni DG Nerez na ang pagreretiro ng mga NDD ay bahagi ng pagtiyak sa kanilang patuloy na kapakanan at dignidad pagkatapos ng maraming taon ng serbisyo publiko. 

“We owe these dogs more than gratitude. We owe them a safe, peaceful, and loving forever home where they can enjoy their remaining years in comfort,” dagdag pa ni DG Nerez.

Ang pasilidad ng PDEA K9 Unit ay hindi mainam na pangmatagalang kapaligiran para sa mga tumatandang aso. Kaya naman, pinapadali ng ahensya ang pag-aampon sa kanila upang matiyak na ilalagay sila sa mga tahanan na walang stress kasama ang mga pamilyang may kakayahang magbigay ng wastong pangangalaga, atensyon, at habag.

Hinihikayat ang mga interesadong mag-ampon na magbigay ng matatag at mapagmalasakit na kapaligiran para sa mga retiradong asong nagtatrabaho na nagpakita ng pambihirang serbisyo sa bansa. Ang mga profile ng pag-aampon ng mga retiradong K9 ay ilalathala sa isang pahayagan at ipo-post sa opisyal na pahina ng PDEA sa Facebook, ang “Topstories,” upang maabot ang mga potensyal na mag-aampon.

Ang mga aplikante ay kinakailangang magsumite ng kumpletong listahan ng aplikasyon at mga kinakailangang dokumento sa pamamagitan ng email address na pdeak9adoption@gmail.com , o personal na magsumite sa PDEA K9 Unit Facility sa Sitio Lambakin, Barangay Sto. Cristo, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Kapag nakumpleto na ang mga kinakailangan, ang mga aplikante ay sasailalim sa isang paunang pagsusuri na susundan ng isang personal o online na panayam. Ang mga kwalipikadong aplikante ay itatakda para sa pagtutugma sa isang K9, at ang mga matagumpay na pagtutugma ay magpapatuloy sa mga kaayusan sa turnover. Binigyang-diin din ng PDEA na isasagawa ang pagsubaybay pagkatapos ng pag-aampon upang matiyak ang patuloy na kapakanan at kagalingan ng mga retiradong K9.

“Hindi natatapos sa turnover ang aming responsibilidad. Patuloy naming sisiguraduhin na ang aming mga hero dog ay ligtas, malusog, at maaalagaan nang maayos sa kanilang mga bagong tahanan,” pagtatapos ni PDEA Chief. 

(PAUL JOHN REYES)

Q2 nationwide simultaneous earthquake drill, idinaos sa Maynila

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IDINAOS sa lungsod ng Maynila ang Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, na aktibong nilahukan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at ng SM City Manila.

Ayon kay Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD) Director Arnel Angeles, ito ay mahalagang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng bawat Manileño sakaling tumama ang lindol o iba pang sakuna.

 “Ang kahandaan ngayon ang susi sa kaligtasan bukas,” ani Angeles.

Eksaktong alas-9:00 ng uma­ga nang patunugin ang sirena bilang hudyat ng pagsisimula ng earthquake drill.

Kaagad namang isinagawa ng mga kawani ng Manila City Hall ang tamang evacuation procedures at maayos na nagtungo sa mga itinakdang evacuation area.

Sinakripisyo ang pera at kasikatan para sa Hollywood dream…LIZA, aminadong labis na nasaktan nang tinawag na ‘laos’ (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

AMINADO si Liza Soberano na sobra siyang nasasaktan kapag tinatawag na ‘laos’ nang magtungo sa Amerika para sa kanyang Hollywood dream noong 2024.

Ibinahagi ng dating ka-loveteam at karelasyon ni Enrique Gil sa “Painfully Human Podcast” hosted by Edward Barber, ang mga naging kaganapan sa buhay at career niya, ang mga dinanas na hirap at sakripisyo nang iwan ang career sa Pilipinas.

Tanong ni Edward kay Liza, ano ang mga bagay na isinakripisyo to think may magandang showbiz career sa bansa.

“Money,” tugon ng aktres. 

“For the longest time, this is something that I’ve realized about myself after stepping away from showbiz and kind of the Philippines in general. 

“I don’t mean disrespect by this, but like I was so afraid of looking poor… it’s not like I look down on poor people, I definitely don’t. I was poor growing up.” 

Dagdag pa niya, “I remember when I joined showbiz, everybody was always saying like ‘Oh, don’t talk too much about your personal life’ that’s why nobody knows much of my upbringing. 

“Everybody just thinks that I must come from a wealthy background because I’m half American, I’m mestiza, and everything. And that’s really far from the truth.” 

“In order to not distract people from the brand that we were carefully curating, I never really went in depth about my story. 

“But now that I’ve moved to LA, obviously, money is the biggest thing that I’ve sacrificed because I could be here in the Philippines doing the same thing I’ve been doing since I was 12, making lots of money,” pahayag pa ni Liza. 

Kuwento pa ni Liza, “I could be easily just doing that and still making the same amount of money that I used to, but now I don’t. That’s what I sacrificed to be living in LA and discomfort.

“Now that I’m in LA, obviously I’m a new artist. I’m going through all the new artists things.” 

Say pa niya, “When I first moved to LA, it really hurt me when people would say, ‘Oh, laos na siya. We don’t see her anywhere. Oh, laos na siya. She’s only doing these small little influencer gigs.’

“Guys, that’s how I stay alive. I’m not making as much money as I did before and on top of that, majority of my money still comes from Asia, but I’m living in the US, so the conversion is crazy.

“I have to do all these little gigs every now and then because that’s how I pay my bills.

“That’s the price that I’m paying so that I can fulfill this ambition or dream of mine,” she said. “Money and just the comfort of not having to put in the effort to grow,” pahayag ni Liza.

Inamin din niya na gumagastos siya sa acting workshops at vocal lessons, “In America, I do three to four auditions a week and I get rejected constantly. But I’m loving it now because I’m learning and growing so much. 

“All these different roles which is fun, but then I still get rejected because I’m doing the thing I said I wanted to do.”

Anyway, after her Hollywood debut sa 2024 horror-comedy film “Lisa Frankenstein”, kasama si Kathryn Newton, isa pang international project ang nakuha niya bilang isa sa lead voice actors ng upcoming animated feature na “Forgotten Island” na  mula sa DreamWorks Animation. 

Makakasama niya rito ang Filipino and international artists tulad nina H.E.R., Lea Salonga, Manny Jacinto, Dave Franco, at Jenny Slate.

Alaala ni Dolphy, muling nabuhay sa big screen…’Home Along Da Riles: Da Reunion’, inendorso ng MTRCB (ni: ROHN ROMULO)  

Posted on: June 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING magbabalik ang tawanan, kuwentuhan at mga alaala ng paboritong kapitbahayan ng mga Pilipino matapos aprubahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Home Along Da Riles: Da Reunion na may PG (Parental Guidance) classification.

Tiyak na tatagos sa puso ng maraming manonood ang reunion movie ng isa sa pinakasikat na sitcom sa kasaysayan ng telebisyon, na unang pinasikat ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Naging bahagi ng buhay ng maraming Pilipino ang Home Along Da Riles noong dekada ’90 dahil sa mga kuwentong sumasalamin sa pang-araw-araw na buhay, problema at tagumpay ng karaniwang pamilyang Pilipino na nakatira sa tabi ng riles.

Ayon kay MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto, na aminadong lumaki sa sitcom ng yumaong comedy king, maraming manonood ang tiyak na makakaugnay sa pelikula dahil sa nostalgia na hatid nito.

“Marami sa atin ang lumaki sa panonood ng Home Along Da Riles at sa mga aral at tawang hatid ni Tito Dolphy. Ang reunion film na ito ay siguradong magbabalik ng masasayang alaala sa maraming Pilipino,” ani Sotto.

Dagdag pa niya, hindi maiiwasang maalala ang Comedy King sa pagbabalik ng sikat na franchise. 

“Mami-miss natin si Tito Dolphy sa reunion na ito. Ngunit nananatiling buhay ang kanyang pamana sa mga karakter at kuwentong minahal ng publiko sa loob ng maraming taon,” dagdag niya.

Bukod sa reunion movie, binigyan din ng PG rating ng MTRCB ang inaabangang animated film na Toy Story 5, na muling pagbibidahan nina Tom Hanks, Tim Allen at Joan Cusack bilang mga boses nina Woody at Buzz Lightyear.

Samantala, nakatanggap naman ng R-16 classification ang horror-thriller na Voice Message, ang science fiction film na Saccharine, at ang drama film na 10s Across the Borders/Patawid.

PG naman ang thriller film na Hungry, habang sumailalim din sa pagsusuri ng Board ang Megaworld Cinema exclusive na Premiere Cut: Tigers Are Not Afraid – Director’s Cut.

Hinimok naman ni Sotto ang mga magulang at manonood na patuloy na gamitin ang film classification system bilang gabay sa pagpili ng mga pelikulang panonoorin.

“Ang layunin ng MTRCB ay tulungan ang mga manonood na makagawa ng tamang pagpili. Sa pamamagitan ng ating mga klasipikasyon, mas nagiging gabay tayo sa responsableng panonood habang patuloy na sinusuportahan ang iba’t ibang kuwentong hatid ng pelikula,” aniya.  

Okay lang na magkamali dahil doon matututo… CAPRICE, ‘di napi-pressure sa image na mabait at maayos na tao (ni: ROSE GARCIA) 

Posted on: June 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGUSTUHAN namin ang sagot ni Caprice Cayetano nang tanungin namin siya kung hindi ba siya napi-pressure na may image siya na napakabait, na napaka-ayos na tao, na parang bawal siyang magkamali.

Sey ni Caprice, “Hindi naman po at okay lang din po kung may mga mistakes kasi po, do’n naman po ako pwede pang matuto.”

Nagkaroon ng instant popularity si Caprice nang pumasok siya sa PBB. At since then, nagtuloy-tuloy na nga, kabilang na ang kauna-unahan niyang serye, ang romantic drama na “You’re My Favorite Songs.”

Bata pa lang ay nag-aartista na si Caprice, pero dream come true raw para sa kanya ang magkaroon ng serye na siya ang lead. At ang YMFS nga ang una niyang lead role.

Sabi namin kay Caprice, maraming mapapa-sana all sa kanya dahil tatlong nagguguwapuhang mga teen actors ang leading men niya.

Sina Marco Masa, Clifford at Heath Jornales. Siyempre, sa tatlo, given naman na sila ni Heath ang talagang may malaking following.

Ngayong Lunes, June 22, sa ganap na 4 pm ang pilot ng “You’re My Favorite Songs” sa GMA-7 before “Family Feud”.

***

KATULAD nang sinulat na namin, hindi kuryente dahil tuloy na tuloy na ang bagong serye ni Coco Martin na “Sigabo” na mapapanood sa TV5.

Simula nga sa Lunes, June 22, sa ganap na ika-walo ng gabi, kasabay sa ibang platform at networks, mapapanood na rin ang pagbabalik tambalan nina Coco at Julia Montes sa Kapatid network.

Magiging hudyat na kaya ito para muling mapanood ang mga ABS-CBN contents sa TV5?

At ‘eto na, simula rin naman sa June 29, weekdays ng 11:00 AM, mapapanood na rin sa iba’t-ibang platforms naman ng ABS-CBN ang “Face to Face with Ate Koring” ni Korina Sanchez. 

Basta ang sure kami, personal na si Coco mismo ang nakipag-usap sa Kapatid network. At nagtagumpay naman siya. 

Pararangalan ang natatanging pelikula at mga bituin… POPS at Kuya KIM, magsisilbing hosts ng 9th EDDYS  (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG maningning at puno ng kasiyahang pagtatanghal at pagbibigay-parangal sa mga natatanging bituin at bumubuo sa mga pelikulang Pilipino ang inaasahan sa nalalapit na The 9th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) sa ika-5 ng Hulyo sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

Sa pag-oorganisa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ang seremonya ay pangungunahan ng mga hosts na sina Concert Queen Pops Fernandez at batikang TV anchor Kim Atienza.

Ang mga natatanging pelikulang Pilipino na ipinalabas sa iba’t ibang platforms sa nakalipas na taon ay maglalaban-laban para sa mga parangal sa labing-apat na kategorya, kabilang ang Best Picture, Best Director, Best Actor, at Best Actress.

Magbubukas ang programa sa isang special production number kasama sina Fred Moser at Kanata Tapia ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 at ang cast ng advocacy drama na I’m Perfect.

Ipepresenta naman ng Kapuso actor at AKTOR PH chairman na si Dingdong Dantes ang mga nagawa at patuloy na mga hakbangin ng organisasyon sa pakikipagtulungan sa SPEEd, habang ang dalawang grupo ay patuloy na bumubuo ng mga programa sa pakikipag-ugnayan sa komunidad at pakikipagtulungan sa industriya.

Pangungunahan ng Inspirational Diva na si Jamie Rivera ang isang taos-pusong pagtatanghal para sa posthumous tribute segment.

Maghahandog ng espesyal na awitin ang bossa nova singer na si Andrea Gutierrez at ang singer-songwriter na si David Young bilang pagsasara ng programa.

Ang ika-9 na edisyon ng The EDDYS ay ididirek ng concert director na si Calvin Neria, mula sa produksiyon ng Echo Jham sa ilalim ng pamamahala ni Ms. Mhae Sarenas. 

Ang taunang kaganapan ng SPEEd ay sinusuportahan ng Playtime Entertainment, Manila Marriott Hotel, Globe Telecom, Unilab Inc., Sound Check, at Beautéderm Corporation. 

Nagsilbing pangunahing venue partner ang Luxent Hotel. Dito isinagawa ang screening ng mga nominadong pelikula at ang natakdang pag-aanunsiyo sa Hunyo 25 ng mga nominado sa bawat kategorya, kung saan si QC Councilor Alfred Vargas ang magiging espesyal na panauhin. 

Tulad ng mga nakaraang taon, ang Chan Robles & Company sa pangunguna ni Juancho Robles ang mangangasiwa sa pagbibilang ng boto upang tiyakin ang transparency sa proseso ng pagpili.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Tessa Mauricio-Arriola ng The Manila Times, ang SPEEd ay binubuo ng mga entertainment editor at mga mamamahayag mula sa mga pangunahing broadsheet, tabloid, at nangungunang online news portal sa buong bansa. 

Ang The EDDYS ay nagsisilbing paraan ng grupo sa paghikayat sa mga Filipino filmmaker, producer, manunulat, aktor, at iba pang kaalyadong artista sa industriya ng pelikula sa Pilipinas na ipagpatuloy ang kanilang hilig sa paglikha ng mga pelikulang sumasalamin sa realidad ng lipunan habang kinikilala rin ang artistikong merito at epekto sa takilya.

Para sa iba pang detalye, pumunta lang sa opisyal na Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice).

Final roster ng Gilas Pilipinas para sa 2027 FIBA Basketball World Cup Qualifiers, inilabas na

Posted on: June 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INILABAS ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang final roster ng Gilas Pilipinas na makikilaban sa Window 3 ng 2027 FIBA Basketball World Cup Qualifiers.

Nakatakda sa July 3 at July 6 ang unang dalawang laban ng naturang roster na kinabibilangan ng mga sumusunod: RJ Abarrientos, Justine Baltazar, Justin Brownlee, AJ Edu, June Mar Fajardo, Chris Newsome, Mike Phillips, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, Troy Rosario, Carl Tamayo at Scottie Thompson.

Sa ilalim ng Asian Qualifiers na nakatakda mula June 29 hanggang July 7, 2026, tatlong lugar ang magsisilbing venue sa mga nakatakdang laro.

Kinabibilangan ito ng Spark Arena sa New Zealand kung saan dito gaganapin ang laban sa pagitan ng Tall Blacks (NZ national team) at ng Pilipinas at Tall Blacks kontra Guam.

Ginebra nagkampeon matapos talunin ang TNT 88-76

Posted on: June 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINAPOS na ng Barangay Ginebra ang tatlong taon na pagkauhaw sa kampeonato.

Ito ay matapos na talunin nila ang TNT Tropang 5G sa score na 88-76 sa Game 7 ng kanilang 50th Season Commissioner’s Cup Finals.

Huling nakakuha kasi ng kampeonato ang Ginebra ay noong 2022-23 Commissioner’s Cup.

Ito na rin ang pang-16 na kampeonato ng Ginebra kung saan pang-26 naman na titulo ni coach Tim Cone.

Nagkamit rin ng record ang Game 7 ngayong taon dahil pumalo sa 24,617 fans ang nanood ng nasabing laro.

Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 30 points, habang tinanghal na finals Most Valuable Player si Scottie Thompson na nagtala ng 19 points, 11 rebounds at walong assists.

Caloocan, Malabon, Valenzuela LGUs, nakiisa sa 2nd Quarter Earthquake Drill

Posted on: June 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKIISA ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, Malabon at Valenzuela sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na layong pahusayin ang pagtugon at paghahanda sa emerhensiya, isulong ang kamalayan para sa mga kalahok, at tiyakin ang kahandaan sa sakuna o lindol para sa kaligtasan ng publiko.

Sa Malabon, pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval ang aktibidad na isinagawa sa Panghulo Elementary School, kasama ang nasa 600 students, teachers, at school personnel habang pareho namang lumahok ang mga emplayado ng Caloocan at Valenzuela sa nasabing drill. 

(Richard Mesa)