• July 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

P136K droga, nasabat sa naarestong tulak sa Valenzuela

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

AABOT sa mahigit P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng umaga.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Beliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Kulog”, 52, at residente ng Brgy., Lingunan.

Base imbestigasyon ni P/MSg Ana Liza Antonio, nakatanggap ng impormasyon ang mga operartiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y pagtutulak ng illegal na droga ni alyas Kulog sa kanilang lugar at kalapit na mga barangay.

Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng SDEU, kaagad bumuo ng team si SDEU chief P/Lt. Sherwin Dascil bago ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek sa koordinasyon sa PDEA.

Dakong alas-5:40 ng umaga nang makipagtransaksyon umano si alyas Kulog sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa kanto ng F. Dulalia St., at F. Dulalia Extension, Brgy., Lingunan, na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 20 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at walong PP1,000 boodle money, coin purse at P200 cash.

Ayon sa pulisya, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. 

(Richard Mesa)

House prosecution team, masaya sa galaw at progreso ng impeachment trial kay VP Sara

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MASAYA o “very happy” ang House prosecution team sa galaw at progreso ng impeachment trial kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, spokesman ng grupo.

“We have finally come to a point na assured na tayo that the ball is rolling, ‘ika nga. Tuloy-tuloy. We are very happy that now, ‘yung tinatawag po nating accountability mechanism ng ating Constitution ay gumugulong na,” sinabi ni Adiong sa isang interview.

Bagama’t hindi agad nagkasundo ang prosecution at ang defense panel sa naganap na pre-trial conference sa Senado, sinabi ni Adiong lahat na ito ay pangkaraniwan at inaasahang may tension na mangyayari.

 “I would not even call it tension kasi that’s expected, that’s expected and it’s a usual occurrence naman talaga in a pre-trial conference. (Pero) overall, maganda. We are very happy,” ani Adiong.

Sinabi ni Adiong na inaasahan ng House prosecution team na matutuloy pa ang pre trial conference sa Lunes, June 22.

Ayon kay Adiong, naging dismayado ang prosecution team sa ipinakitang sagot ng depensa sa naganap na pre trial conference. Aniya, imbes na sagutin ang mga akusasyon laban kay Duterte, nakatutok ang depensa sa pagkwestyon sa proseso.

“We are way, way past that stage. Even the Senate, by way of assuming jurisdiction over the Articles of Impeachment, they have already convened as an impeachment court. It only proves to say that that’s already something that is already done, that is already settled,” sinabi ni Adiong.

Ayon kay Adiong, inaasahan ng publiko ang isasagot ni Duterte sa mga akusasyon laban sa kanya sa apat na Articles of Impeachment.

Ito ay ang di wastong paggamit ng confidential funds, di maipaliwanag na yaman, panunuhol o bribery at pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., unang ginang Liza Araneta Marcos at dating Speaker Martin Romualdez.

“We were expecting, ang taong bayan, inaasahan ‘yung kasagutan. Ultimately, the people really deserve to know,” sinabi ni Adiong.

Pero ang nangyari, dumikit ang depensa sa kanilang naunang posisyon na kwestyunin ang proseso na sa tingin nila ay may pagkukulang.

“Unfortunately, wala. Mostly, ‘yung kanilang pre-trial brief is again going back to their old narrative na everything is sham because the process by which it was initiated is already questionable,” aniya.

 “Which by the way, is a direct opposite of what they have been saying to the public na ‘ready na kami (defense). We are waiting for the right opportunity, the right forum. We are ready to answer this at the proper forum.’ So, sorry pero frustrated ang taong bayan,” dagdag ni Adiong. 

(Vina de Guzman)

Para sa mga biktima ng lindol sa Gen San…Pagproseso sa housing insurance payouts at renovation loans sa Pag Ibig fund, pinabibilisan

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINIKAYAT ng isang mambabatas ang Pag-IBIG Fund na bilisan ang pagproseso sa housing insurance payouts at renovation loans para sa mga pamilyang naapektuhan ng naganap na lindol sa General Santos City at Sarangani province.

“I laud the efforts of Pag-IBIG Fund to remind the public of programs they can avail in times of emergency. Ang hiling natin ay magkaroon ng express lane sa mga affected areas sa Mindanao para maging mabilis ang pag-grant ng insurance at renovation loans. Malaking ginhawa ito para sa mga apektadong pamilya para makabangon agad,” ayon kay Akbayan Partylist Rep. Dadah Kiram Ismula.

“Ramdam natin ang bigat ng pinagdaraanan ng ating mga kababayan na nawalan or nasira ang mga tahanan kaya sana ay huwag na natin silang pag-antayin nang matagal para sa tulong.” 

Hiniling din nito sa Pag-IBIG na palawigin ang one-month payment moratorium nito sa tatlong buwan na non-accruing payment moratorium na may zero penalties at zero deferred interest sa housing loans sa mga pinaka-apektadong lugar.

“Sa gitna ng ganitong pagsubok, unahin natin ang kapakanan ng bawat pamilya. Aside sa urgent necessities, magagamit ng mga pamilya ang pera nila para sa pag-rebuild ng kanilang mga bahay at kabuhayan” pagtatapos ni Ismula.

 (Vina de Guzman)

Iran, inalmahan ang paghihigpit ng FIFA organizers sa pananatili nila sa USA

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments
INIHAYAG ng Iranian Football Federation na magsusumite sila ng pormal na reklamo sa FIFA matapos umanong ipataw ng mga organizer ng 2026 World Cup sa North America ang mahigpit na travel restrictions sa kanilang pambansang koponan.
Ayon sa tagapagsalita ng federasyon, matagal nang nakahanda ang kanilang schedule ngunit muli silang naharap sa mga limitasyon na nakakaapekto sa plano ng kanilang technical staff.
Nais sana ng Iran na lumipad mula sa kanilang base camp sa Tijuana, Mexico patungong Los Angeles dalawang araw bago ang laban kontra Belgium ngayong Linggo, ngunit tinanggihan ang kanilang kahilingan.
Giit ng federasyon, layunin nilang mabigyan ng sapat na oras ang mga manlalaro para makapag-adjust sa kondisyon ng laro at makumpleto ang final training session.

Alex Eala, nagpakitang-gilas kontra World No. 2 Rybakina sa Berlin Open

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments
MULING pinatunayan ni Tennis star Alex Eala ang kanyang husay matapos niyang talunin ang World No. 2 na si Elena Rybakina, 7-5, 6-4, sa Berlin Open nitong Biyernes (oras sa Pilipinas).Child Labor Statistics
Sa naturang laban sa WTA 500 tournament, kinapos si Eala sa unang bahagi ng first set at naibaba pa sa 1-4 laban kay Rybakina na kilala sa malalakas na serve. Ngunit hindi nagpatinag ang 21-anyos na Pilipina at nakabawi sa pamamagitan ng sunod-sunod na panalo sa mga laro upang maagaw ang unang set, 7-5.
Dahil sa panalong ito, umusad si Eala sa quarterfinals ng torneo at haharapin niya roon si Elina Svitolina.
Sa second set, nauna na naman si Eala at nakalamang 4-2, bago muling lumapit si Rybakina. Gayunpaman, nanatiling matatag ang Filipina at tinapos ang laban sa 6-4 matapos ang 1 oras at 32 minuto.

Bus driver na akusado sa rape, huli sa manhunt ops sa Malabon

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGWAKAS na ang maligayang araw ng dalawang most wanted persons kabilang ang isang bus driver na wanted sa kaso ng Qualified Rape of a Minor matapos masukol ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay 37-anyos na buys driver na residente ng Brgy. 191, Pasay City ay pansamantalang nakapiit ngayon sa Malabon City Police Station.

Lumabas sa imbestigasyon na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon CPS na naispatan sa lungsod ang presensya ng akusado na kabilang sa kanilang talaan bilang No. 5 sa Top Ten Most Wanted Person.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 289, Malabon City para sa Qualified Rape of a Minor, ikinasa ng mga operatiba ng WSS, kasama ang WCPD personnel at SIDMS unit operation hanggang sa masukol nila ang akusado sa Brgy., Catmon.

Hindi naman umano pumalag ang akusado nang arestuhin ng mga pulis sa bisa ng nasabing warrant na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nauna rito, dinakip naman ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 sa Brgy., Potrero ang 21-anyos na kelot na wanted sa kaso ng Lascivious Conduct under R.A 7610 sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Family Court, Branch 4, Malabon City na may inirekomendang piyansa na P120,000. (Richard Mesa)

PCG SA SOUTHERN VISAYAS, SUMAILALIM SA DRUG TESTING, 9 NAG-POSITIBO

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SIYAM na personnel, 8 dito ay lalaki at isang babae ang nagpositibo mula sa 280 na sumailalim sa isinagawang random drug testing ng Philippine Coast Guard (PCG) sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang bahagi ng kampanya ng kanilang organisasyon para mapanatili ang disiplina at drugpfree workforce na isinagawa sa Barangay Calindagan, Dumaguete City.

Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson, Commodore Noemie Cayabyab, na ang mga nagpositibo ay inilagay sa restriction habang inaantay ang release ng confirmatory laboratory results.

“Based on the directive of PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L Gavan, we continue to implement regular and unannounced drug testing as part of our commitment to ensuring that all personnel remain physically and mentally fit to perform their duties,” ayon kay Commodore Cayabyab.

“In accordance with existing rules, those who will be confirmed to be positive will face appropriate disciplinary actions, which include dismissal from the Coast Guard service,” dagdag pa ng PCG Spokesperson.

Naka-angkla sa Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE) na kanilang kampanya, ang PCG ay nananatili sa pagpapatupad ng accountability measures at pagpo-promote ng mataas na anats ng propesyunalismo sa loob ng organisasyon. (Gene Adsuara)

24 Pilipinong nakadetine sa Russia, makakauwi na matapos ang pag-uusap nina PBBM at Pangulong Putin

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DALAWAMPU’T APAT na Pilipinong nakadetine sa Russia ang pinalaya na at nakatakdang makauwi sa Pilipinas ngayong Biyernes matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Pangulong Vladimir Putin sa Kazan.

Inihayag ni Pangulong Marcos ang magandang balita sa panayam ng mga mamamahayag sa Kazan, Russia, matapos dumalo sa ASEAN-Russia Commemorative Summit.

“Hindi ko alam kung alam ito ng publiko, pero may 24 na Pilipinong nakadetine sa Irkutsk sa loob ng ilang buwan na. Ilang buwan na ba? Siyam na buwan,” ayon sa Pangulo.

“Wala tayong balita. Hindi natin malaman kung ano na ang kalagayan nila. Sa pagkakaalam natin, hindi naman sila nakasuhan,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na binanggit niya kay Pangulong Putin ang kalagayan ng 24 na Pilipinong nakadetine sa Russia sa kanilang bilateral meeting. Sinabi umano ni Putin na hindi siya naabisuhan ukol sa usapin.

“Noong nag-bilateral meeting kami ni President Putin, binanggit ko ito. At nagulat din siya. Sabi niya, hindi ko alam ’yan. Pag-aaralan namin. Titingnan namin ang nangyayari,” ani Pangulong Marcos.

Ikinuwento rin ng Pangulo na muli siyang kinausap ni Putin sa hapunan kasama ang iba pang mga lider at nagbigay ito ng update hinggil sa kalagayan ng mga Pilipino.

“Noong dinner kagabi, kinausap niya ako, sabi niya, nakita na namin ’yung sitwasyon. We found out where the 24 Filipinos are. We found out what the problem is with their case, with their situation,” ang winika ng Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo na sinabi rin ni Putin na hindi kinasuhan ng anumang paglabag ang mga Pilipino ngunit nanatili silang naka-detine sa loob ng siyam na buwan.

Ayon kay Pangulong Marcos, hiniling niya kay Putin na mabigyan ng impormasyon ang mga pamilya ng mga Pilipino at matulungan silang maresolba ang kanilang sitwasyon.

“So, I said as a request, especially speaking for the families, kung puwede naman, we can find a way that we get some information about them,” ayon sa Pangulo.

“Siyempre, respetado natin ang batas ng Russia. Respetado natin ang kanilang pamahalaan. Ngunit kung may paraan, sana magawan natin. At nagkaroon ng paraan,” dagdag pa niya.

“At ngayon, ang 24 na Pilipino ay palalayain na. Handa na silang i-deport bukas ng alas-5 ng hapon. Kaya ang 24 na Pilipinong ito ay makakauwi na sa Pilipinas at makababalik na sa kanilang mga pamilya,” ang pahayag pa ng Pangulo. ( DARIS JOSE)

PBBM, umaasa na ‘back to normal’ na ang Senado sa ilalim ng liderato ni Gatchalian

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ‘back to normal’ na ang Senado matapos maplantsa na ang gusot sa liderato makaraang mahalal si Sherwin Gatchalian bilang Senate President.

“Sana naman, sa paglagay ni Sen. Sherwin [Gatchalian] bilang SP ay mabalik naman tayo sa normal na patakbo ng Senado,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag sa Kazan, Russia.

Pinuri ng Pangulo ang mga mambabatas para sa maayos na special session na idinaos nito lamang Hunyo 17.

“That is exactly what we have been all hoping for, that things become orderly, na maging maayos ang takbo ng Senado,” aniya pa rin.

Inamin ng Pangulo na nalungkot siya nang maantala ang pag-apruba sa LEDAC (Legislative-Executive Development Advisory Council) priority bills at appointments sa Department of Foreign Affairs at military nang hindi magdaos ng sesyon ang Senado sa nakalipas na ilang araw.

“All of those just came to a dead stop noong nagkakagulo, noong hindi pumapasok ‘yung mga senador, hindi sila nagse-session,” aniya pa rin.

At nang hingan naman ng komento ang Pangulo ukol sa pagkakatalaga kay Sen. Chiz Escudero bilang Senate Impeachment Court presiding officer sa kaso laban kay Vice President Sara Duterte, ang tugon nito ay “I will support whoever the Senate chooses as long as the process that they undertook in making the choice is proper, is legal, is constitutional. Then that’s fine with me.” 

Aniya pa, ang mga puna at kritisismo laban kay Escudero “are opinions.”

“I don’t think that reflects in any way on what, how he will do,” diing pahayag ng Pangulo.

Nauna rito, itinalaga ng bagong majority bloc ng Senado si Senator Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang pagtatalaga kay Escudero bilang presiding officer ng impeachment court ay magiging opis­yal sa pagpupulong ng korte sa Hulyo 6, 2026.

Binanggit ni Lacson na napili si Escudero dahil ito ay isang abogado at sa kanyang malawak na karanasan sa mga proseso ng impeachment.

“Kaya iyon ang pinagkasunduan ngayong ­umaga, bagaman maaari pa rin itong magbago. Iminung­kahi rin ito ni Sen. Win (Sherwin Gatchalian),” aniya tungkol sa bagong Pangulo ng Senado.

Tinanggihan din niya ang mga haka-haka na ang hakbang ay ginawa kapalit ng desisyon ni Escudero na sumali sa bagong mayorya ng S­enado. ( DARIS JOSE)

PBBM, Putin itinulak ang energy security, mas malalim na ASEAN-Russia cooperation

Posted on: June 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KAPWA binigyang-diin nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Russian President Vladimir Putin ang kahalagahan ng ‘energy security, food security at economic cooperation” kasabay ng pagmarka ng 35 taon ng dialogue relations sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Russia sa isinagawang ASEAN-Russia Commemorative Summit.

Sa pagsasalita sa joint press briefing matapos mag-co-chair sa summit, sinabi ni Pangulong Marcos na pinag-usapan ng mga lider ang ‘areas of cooperation’ na mapakikinabangan kapwa ng Southeast Asia at Russia sa gitna ng nagpapatuloy na global uncertainties.

“Today, ASEAN and the Russian Federation commemorate 35 years of dialogue relations and we affirm our shared commitment to a partnership that remains constructive, forward-looking, and responding to the evolving needs of our people,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Aniya, nagpalitan ng pananaw ang mga ASEAN leaders at si Putin ukol sa pagpapalakas ng pagtutulungan sa ‘peace and security, trade and investment, food and energy security, science and technology, at people-to-people exchanges.’

Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pagpapatibay ng mahahalagang dokumento kabilang na ang Kazan Declaration 2026 at ASEAN-Russia Comprehensive Plan of Action 2026-2030, magsisilbi bilang roadmap para sa ‘future engagement’ sa pagitan ng regional bloc at Moscow.

“These documents provide a comprehensive roadmap for expanding practical cooperation and delivering tangible results and benefits to our peoples in the years to come,” ang winika ng Pangulo.

Sinabi ni Putin na napagkasunduan ng ASEAN member-states at ng Russia ang pangangailangan na mas palalimin ang ‘economic cooperation, diversify trade at palakasin ang energy partnerships.’

“Russia offers increased exports in ASEAN states of products with high added value, including fertilizers and medicines. Naturally, we’ll continue to supply our Asian friends with food and energy, which are very high in demand,” ani Putin.

Binigyang diin naman ni Putin ang kahandaan ng Russia na makipagtulungan sa ASEAN countries sa pag-develop ng mapayapang nuclear energy programs sa pamamagitan ng state-owned nuclear corporation Rosatom.

“We expect the situation in the Middle East and in the Persian Gulf will stabilize, which will have a positive effect, among others, on global energy and food markets,” ani Putin.

Bilang ASEAN Chair, muli namang inulit ni Pangulong Marcos ang commitment ng Pilipinas na palakasin ang ASEAN centrality at tiyakin na ang kasunduan kasama ang external partners ay makapag-aambag sa kapayapaan sa rehiyon, katatagan at kasaganaan. (DARIS JOSE)