• September 1, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 30th, 2026

Paghihigpit sa mga menor de edad na gumamit ng social media, panawagan ng mambabatas 

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANAWAGAN si 4Ps Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan sa paghihigpit sa mga menor de edad na gumamit ng social media, rebyuhin ang juvenile justice law hinggil sa criminal responsibility ng mga minors at dagdagan ang mga lisensiyadong guidance counselors sa mga public schools.

Ayon kay Libanan, ito lamang ang mga paraan upang hindi maulit ang malagim na insidente sa San National High School sa Tacloban City kung saan tatlong estudyante ang namatay at mahigit sampu ang nasugatan.

Aniya, ang nangyaring trahedya noong June 22 ay hudyat sa mga awtoridad ng kakulangan sa implementasyon sa batas o polisiya sa mga “Children in Conflict with the Law” (CICL).

“We cannot ignore the possibility that unrestricted exposure to harmful online content and violent digital communities may be influencing vulnerable young minds. Congress, together with our internet regulators, should seriously study reasonable restrictions on social media access for minors, consistent with our Constitution and the protection of children’s welfare,” sinabi ni Libanan.

Inihalimbawa ni Libanan ang Australia kung saan mahigpit na pinagbabawal ang social media accounts sa mga bata na 16 years old pababa.

“We should explore whether similar safeguards may be appropriate here in the Philippines,” ani Libanan.

Sinabi ni Libanan na dapat repasuhin ang Republic Act No. 9344, o Juvenile Justice and Welfare Act, as amended. 

Ayon sa nasabing batas ang mga batang 15 years of age pababa ay exempt sa criminal liability, subalit ang mga 15 pataas at di hihigit sa 18 years of age ay maaring kasuhan kung naunawaan niya ang kanyang ginawa o paglabag.

“Congress has a responsibility to undertake a careful and evidence-based review of our juvenile justice law. We must continue protecting children while ensuring that our legal framework remains responsive to exceptionally grave offenses,” sinabi ni Libanan. 

Idinagdag ni Libanan ang kakulangan sa mga guidance counselors mga pampublikong paaralan ay dapat tugunan ng Kongreso at ng Department of Education (DepEd).

“Every public school should have adequate access to professional guidance counselors who can identify behavioral problems early, provide timely intervention, and help prevent violence before lives are lost. Prevention must always remain our first line of defense,” aniya. (Vina de Guzman)

Kalinga ng Bahay Pag-asa sa mga batang nagkasala sa batas, kinakailangan

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITO ang iginiit ni Manila Rep. Joel Chua sa gitna ng lumalalang isyu kung papatawan ba ng parusa o rehabilitasyon ang mga “Children in Conflict with the Law” (CICL).

“The recent incidents involving children in conflict with the law remind us that accountability and rehabilitation must go hand in hand. One important but often overlooked part of our juvenile justice system is the Bahay Pag-asa,” sinabi ni Chua.

Ayon kay Chua, malinaw sa Juvenile Justice and Welfare Act, as amended by Republic Act No. 10630, na bawat lalawigan o lungsod ay responsible sa pagtatatag ng Bahay Pag-asa sa kanilang lugar.

“Ang challenge ngayon ay hindi yung kawalan ng legal mandate kundi ang mga nag-iimplement nito,” sinabi ng kongresista.

Idinagdag ni Chua na mandato ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Juvenile Justice and Welfare Council na mag conduct ng nationwide assessment para alamin ang mga lugar na walang pang Bahay Pag-asa at kung ano pa ang kinakailangan para mapa- unlad ang mga pasilidad.

Bawat Bahay Pag-asa ay minimum standards sa security, staffing, mental health services, education, skills training, at rehabilitation, paliwanag ni Chua.

“Children who pose a serious danger to others because of the gravity of the offenses they allegedly committed should be housed in appropriately secure units while continuing to receive the rehabilitation and protections required by law,” ayon sa kongresista.

Sinabi ni Chua na pinag-aaralan niya na amyendahan ang mga probisyon ng Juvenile Justice and Welfare Act para magkaroon ng regular compliance audits, congressional oversight, at periodic reporting ng mga lalawigan at Highly Urbanized Cities sa pagtatatag ng Bahay Pag-asa sa kanilang lugar.

“The protection of the public and the rehabilitation of children in conflict with the law are not competing objectives. We can and must achieve both by faithfully implementing and strengthening the law we already have,” sinabi ni Chua.

 (Vina de Guzman)

10 ILLEGAL NA DAYUHAN, INARESTO SA SIARGAO

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang sampung dayuhan sa isinagawang operasyon sa iba’t ibang bahagi ng Siargao Island noong Hunyo 26.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, isinagawa ang mga operasyon ng mga operatiba ng BI Intelligence Division Main Office at BI Intelligence Division Mindanao Intelligence Task Group hinggil sa mga ulat mula sa mga residente at negosyante na may mga dayuhang umano’y lumalabag sa mga batas sa imigrasyon ng Pilipinas.

Sinabi naman ni BI Intelligence Chief Division na patuloy ang kanilang pagmo-monitor sa mga ulat ng komunidad at pakikipagtulungan sa kanilang partner law enforcement upang matiyak na sinusunod ng mga dayuhan ang batas ng Pilipinas habang tnatangkilik nila ang destinasyong panturista sa Pilipinas.

“Napaka-aktibo ng mga residente at iba pang lokal na sektor sa Siargao sa pag-uulat ng mga hinihinalang paglabag sa batas sa imigrasyon, kaya mabilis na nakakilos ang BI upang mapanatili ang kaligtasan at integridad ng isa sa mga pangunahing destinasyong panturista ng bansa,” dagdag ni Manahan.

Iniulat naman ni BI Intelligence Division Mindanao Deputy Chief Melody Gonzales na kabilang sa mga inaresto ang mga Israeli national na sina Ben Yeshaya Menahem Mendel Rafael at Aharon Ida, kapwa 22 taong gulang, na natuklasang nag-overstay at nagtatrabaho sa isang Jewish Center nang walang kaukulang visa at permit at hindi rin nakapagpakita ng pasaporte.

Isa pang Israeli national na si Abeve Tewabel, 23, ang inaresto dahil sa pagtatrabaho nang walang tamang dokumento at idineklarang undesirable alien matapos ang nauna niyang pagkakaaresto ng mga lokal na awtoridad. Samantala, inaresto rin ang kapwa Israeli na si Etay Harari, 51 taong gulang, matapos mahuling nagtatrabaho bilang disc jockey nang walang kaukulang permit sa pagtatrabaho.

Inaresto rin ang Moroccan national na si Larbi Oirdi, 23, na nahaharap sa mga kasong administratibo sa imigrasyon bilang isang undesirable alien kaugnay ng nauna niyang pagkakaaresto dahil sa unjust vexation, direct assault, serious resistance and disobedience, at iba pang mga paglabag.

Naaresto rin ang Australian national na si Lauren Elizabeth Fornazieri, 34, matapos matuklasang siyam na taon nang nag-o-overstay sa Pilipinas habang nagtatrabaho sa isang hotel sa Siargao nang walang legal na immigration status.

Nahuli rin ang Nigerian national na si Bill James Augustine, 27 taong gulang, dahil sa iligal na pagtatrabaho bilang dog trainer, habang ang Lithuanian national na si Edgar Drozdov, 39 taong gulang, ay natuklasang namamahala ng isang resort at nagtatrabaho rin bilang food delivery rider nang walang kinakailangang permit.

Sa operasyon ay naaresto rin ang mga Chinese national na sina Zhu Guifu, 36, at Chen Anqi, 31. na natagpuan sa isang surf resort. Kapwa sila nag-overstay at mayroon nang umiiral na blacklist records dahil sa mga nauna nilang paglabag sa batas sa imigrasyon.

“Nanatiling bukas ang Pilipinas sa mga lehitimong turista, mamumuhunan, at iba pang dayuhang bumibisita sa ating bansa. Kilala ang mga Pilipino sa buong mundo sa kanilang mabuting pagtanggap sa mga bisita,” ani Viado. 

“Ngunit hindi dapat ipagkamali ang ating pagiging magiliw bilang pagpapaubaya sa mga lumalabag sa ating mga batas. Ang mga umaabuso sa pribilehiyong manatili sa ating bansa ay dapat managot sa kanilang mga ginawa. Patuloy na nagpapanatili ng matatag na presensya ang Bureau hindi lamang sa Siargao kundi maging sa iba pang pangunahing destinasyong panturista sa bansa, at magpapatuloy ang aming mga operasyon sa intelligence. Mas marami pang enforcement operations ang isasagawa laban sa mga dayuhang patuloy na lumalabag sa ating mga batas sa imigrasyon.”

Ang lahat ng sampung dayuhan ay dadalhin sa detention facility ng Bureau of Immigration sa Maynila, kung saan sila mananatili habang isinasailalim sa mga kaukulang immigration proceedings. 

(Gene Adsuara)

Delivery rider na wanted sa 32 counts ng Qualified Theft sa Valenzuela, nabitag sa Negros Occidental

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TIMBOG ang 32-anyos na delivery rider na wanted sa 32 bilang na kasong Qualified Theft sa Valenzuela City nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Negros Island Region.

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, may warrant of arrest na inilabas ang Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Branch 171 noong Mayo, 12, 2026 laban sa akusado kaugnay sa 32 bilang na kasong Qualified Theft na may nakalaang kabuuang piyansang P1,120,000.00 para sa pansamantalang paglaya.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na nagtatago sa Negros Island Region ang akusado, kaagad ikinasa ang manhunt operation laban sa kanya.

Sa tulong ng mga tauhan ng Regional Intelligence Unit ng (RIU-NCRPPO), 2nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion–Negros Island Region at Kabankalan City Police Station, nadakip ng mga tauhan ni Col. Talento ang akusado dakong alas-4:20 Sabado ng hapon sa Purok Tuboran, Brgy., Tapi, Kabankalan City, Negros Occidental.

Sinabi naman ni NCRPO Director P/MGen. Anthony Aberin na ang tuloy-tuloy na pagbabahagi ng impormasyon at paglawak ng tactical network mula Metro Manila hanggang sa Negros Island Region at iba pang rehiyon ang dahilan upang madakip kaagad ang mga wanted na kriminal sa Kamaynilaan na nagtatago sa malalayong lugar sa bansa.

Sumasailalim pa sa wastong proseso at dokumentasyon sa Kabankalan City Police Station ang akusado bago siya ibiyahe pabalik ng Metro Manila upang harapin ang kanyang kaso sa Valenzuela City. 

(Richard Mesa)

BAGONG SCHOOL BUILDINGS, RENOVATED COVERED COURTS, BINUKSAN SA NAVOTAS

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-19th Cityhood Anniversary ng Navotas, pormal na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ang bagong school buildings at bagong ayos na mga covered court na layong palakasin ang access sa de-kalidad na edukasyon at magbigay ng mas ligtas, mas functional na mga lugar ng komunidad para sa mga residente.

Bukas na ngayon para sa mga estudyante ang four-story, na may 12-classroom building sa Tangos Elementary School I at four-story na may walong classroom building sa Tanza Elementary School. Ang mga bagong pasilidad na ito ay inaasahang tutulong sa pagtugon sa mga kinakailangan sa silid-aralan at magbigay ng mas magandang kapaligiran sa pag-aaral para sa mga mag-aaral at guro.

Pinasinayaan din ang bagong ayos na Pantay-Pantay Covered Court sa S. Roldan Covered Court sa Barangay Tangos South, at Kapalaran Covered Court sa Barangay San Roque. Ang mga na-upgrade na pasilidad ay magsisilbing venue para sa sports, community gatherings, at iba’t ibang aktibidad.

Binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang pangako ng pamahalaang lungsod sa pamumuhunan sa edukasyon at imprastraktura na direktang makikinabang sa mga Navoteño.

“Education remains one of our top priorities because it empowers our youth and shapes the future of our city. These new school buildings will provide our students with better spaces to learn, grow, and succeed. Likewise, our renovated covered courts will strengthen community engagement and provide residents with safe and functional venues for various activities,” ani Mayor Tiangco.

Samantala, binigyang-diin ni Congressman Toby Tiangco ang kahalagahan ng sustained infrastructure development sa pagsuporta sa pangangailangan ng lumalaking populasyon.

“These projects reflect our continuing efforts to ensure that every Navoteño has access to quality public facilities. By investing in schools and community spaces, we are investing in the future of our children and the overall well-being of our communities. We will strive to continue to bring programs and projects that create lasting benefits for our people,” sabi ni Cong. Tiangco.

Ang blessing at pagpapasinaya ng mga pasilidad ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na pahusayin ang pampublikong imprastraktura at pagandahin ang kalidad ng buhay ng mga Navoteño. (Richard Mesa)

ILLEGAL MINING OPERATION NAPIGILAN NG PNP AT DENR, ₱7.1-M HALAGA NG EQUIPMENT, ORES NAKUMPISKA

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAPIGILAN ng Philippine National Police (PNP) ang isang ilegal na operasyon ng pagmimina sa Barobo, Surigao del Sur noong Hunyo 28, 2026 na nagresulta sa pag-aresto sa tatlong suspek at pagkumpiska ng mga kagamitan sa pagmimina at mga mineral ores na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱7,109,900.00.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 13, kasama ang Barobo Municipal Police Station at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ang mga suspek ay nahuling nagmimina ng yamang mineral ng walang necessary permit, na paglabag sa Republic Act No. 7942 o ang Philippine Mining Act of 1995.

Pinuri ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang mga tauhan ng operasyon para sa kanilang mabilis at koordinado na aksyon.

“Hindi lang ito tungkol sa pagpapatupad ng batas. Responsibilidad din nating pangalagaan ang ating kalikasan para sa kapakinabangan ng mga susunod na henerasyon. I commend our operating teams for carrying out this operation professionally and in close coordination with our partner agencies,” sabi ni PGen Nartatez.

Hinikayat din niya ang publiko na manatiling mapagmatyag at iulat ang mga ilegal na aktibidad na nakakaapekto sa kapaligiran.

“Malaki ang maitutulong ng pakikiisa ng ating mga kababayan. Kapag nagtutulungan tayo, mas napoprotektahan natin ang ating likas na yaman at ang ating mga komunidad,” dagdag pa ni PGen Nartatez. (PAUL JOHN REYES)

Juvenile law, edad ng criminal liability sisilipin ng Senado

Posted on: June 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SUSURIIN ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, sa pamumuno ni Sen. Erwin Tulfo ang pagpapatupad ng Juvenile law.

Ayon kay Tulfo, panahon na para silipin ang implementasyon ng Republic Act 9344, o ang “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006” kasunod ng mga sunud-sunod na high-profile cases na kinasangkutan ng mga menor-de-edad, kabilang ang insidente ng pamamaril sa Tacloban at mga kaso ng pananaksak sa Negros Occidental at lalawigan ng Cavite.

“Paulit-ulit ko nang binibigyang-babala ang publiko rito dahil sa totoong buhay, napakalaki at napakalinaw ng mga kakulangan sa pagpapatupad ng batas na ito,” ani Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na matagal na niyang isinusulong ang naturang pagsusuri bago pa man siya pumasok sa gobyerno.

“Bago pa man ako maging senador, nasaksihan ko na ang mabigat na reyalidad ng batas na ito. Sa loob ng maraming taon, dinadagsa ang prog­rama ko ng mga pamil­yang nawalan ng pag-asa matapos mabiktima ng mga menor-de-edad, dahil na rin sa kawalan ng pangil ng pagpapatupad ng Juvenile Law,” ani Tulfo.

Noong 2019, hayagang pinuna ni Tulfo ang pagpapatupad ng natu­rang batas, partikular ang kakulangan sa pondo para sa pagpapatayo ng mga Bahay Pag-asa centers.

Kinuwestiyon din ni Tulfo ang pagiging epektibo ng kasaluku­yang edad ng criminal liability.

Muli ring titingnan ng komite ang mga kontrobersyal na probisyon ng batas, partikular ang itinakdang edad para sa criminal liability.